“The Invitation”
“What was that all about ha?” tanong ko kay Ayesha ng nasa labas
na kami ng CaPerona.
“What?” kunwa’y inosenteng tanong nito.
“Don’t give that look Ate Ayesha…you
know what I mean. Why did you kiss me in front of Ruijin?”
Sumakay
muna si Ayesha sa kotse nito. Ako naman ay pumasok sa driver seat.
“Wala lang. Just want to confirm something”
kibit-balikat nito.
“And what is it?” tanong ko habang nagmamaneho.
“That girl likes you”
“Oh come on!”
“Babae din ako Ranzell..kaya alam ko
kung kelan may gusto ang isang babae sa isang lalaki no matter how much she
denied it”
“Whatever Ate…You’re just trying to
play Cupid like Jen”
“Wait…So you mean to say siya yung girl
na sinasabi ni Jen na gusto mo?”
“Wala akong sinabing may gusto ako
sa kanya.”
“Hay naku Ran..ganyang-ganyan ang
kuya Rence mo…masyadong denial king.”
“Magkaiba kami ni Kuya Rence
ate…hindi ako babaero”
“Yeah siguro nga..pero when it comes
to the girl you love masyado kayong natotorpe kaya napupunta kayo sa denial
stage.”
“Hay naku Ate…ikakasal ka lang
masyado ka ng naging hopeless romantic”
Bigla
namang natahimik si Ayesha. I triggered something na nagpalungkot sa kanya.
“Sorry Ate” hinging-paumanhin ko.
Ngumiti
naman si Ate Ayesha pero halatang hindi abot sa mga mata niya.
“It’s okay Ran”
“Ate…pwede ka pang mag-back-out sa
wedding niyo. Hanggat hindi pa naman kayo formally engaged.”
Ayesha is
my cousin in father’s side. Magkakambal ang daddy ko at mommy niya. Engaged to
be married na siya sa family friend nila but her heart belongs to someone else.
Kay kuya
Rence.
Second
cousin ko naman sa mother side.
Hindi pa
kasi narerealized ni Kuya Rence na mahal niya si Ate Ayesha eh dahil
magbestfriend silang dalawa.
I don’t
want to see my favorite cousin sad pero wala naman kaming magawa. Even her parent’s
ay hindi siya pinakialaman sa desisyon niya. It’s her choice.
“Hay tama na nga ang drama…ang
mabuti pa samahan mo na akong magfood taste okay para sa engagement party”
“Eh bakit kasi hindi si Kuya Mikael ang
kasama mo eh.”
“Kasi nga po nasa eroplano pa siya
ngayon. Kaya pagtyatyagaan muna kita.”
“Ang sama mo Ate.”
“I know”
“So tell me about you and that
Ruijin girl… in fairness ah…she’s one of my favorite writers” tanong ni Ayesha ng makarating kami
sa restaurant kung saan kami magfo-food tasting.
“There’s nothing about us….in fact
we’re each other’s enemies.”
“And why is that?”
“I don’t know… basta kapag nagkikita
kami lagi kaming nagkakabangga.”
“Don’t you know that there’s only a
thin line separating love and hate?”
“No…I don’t know.”
“Now you know” sabi ni Ayesha at biglang tumawa. “But seriously speaking Cuz…if you love her
or feel something for her don’t hesitate to tell it to her before it’s too
late.”
Pagkasabi
nun ay iniwanan na ako nito upang makipag-usap sa manager.
+ + + + +
“Hi Ruijin…it’s good to see you here
again” bati ni
Ayesha sakin.
Okay na sana eh ang sarap na ng
buhay ko. Bigla namang magpapakita itong babaeng ito sakin.
Ewan ko ba
bigla nalang akong nainis sa kanya mula nung huli ko siyang makita.
Weee??? Oh baka naman nung nakita mong
hinalikan niya si Ran?
“Hi Ayesha…hinihintay mo si Ran?”
“Nope” sagot ni Ayesha at naupo ulit sa
silyang katapat ko. “ I came here for
you”
Nagulat
naman ako sa sinabi niya. At bakit naman ako gugustuhing makita nitong babaeng
ito?
“Ako?? Bakit? May utang ba ako sayo?
Kung tungkol dun sa request mo sakin sorry kasi wala pa akong bagong story eh”
“ Okay lang makakapaghintay naman
ako eh..pero hindi tungkol dun kung bakit gusto kita makausap”
“Kung hindi dun eh ano?” nakakunot-noong tanong ko.
Nakakaintriga
itong babaeng ito.
“I just want to apologize of what I
did to Ran.. I should have not done it in front of you”
“Sus…yun lang ba? Wala akong
pakialam dun…you can kiss him for all you want…boyfriend mo naman yata siya eh”
Ngumiti
lang si Ayesha.
“Actually isa pang reason ko eh I
want to invite you to our engagement party.”
“Engagement party???”
“Yup.” Iniabot nito ang invitation card.
Nanginginig ang kamay na binuksan ko ito.
Ganun
nalang ang gulat ko sa nabasa.
“You are cordially invited to the
engagement party of Ayesha Venice
Madrigal and Mikael Jacob Suarez….” Napatingin ako kay Ayesha. Nagtatanong ang mga mata. “ Bakit Mikael Jacob Suarez ang nakalagay
na lalaki dito? Hindi naman iyon ang pangalan ni Ran ah?” naguguluhang tanong ko.
“Simply because it’s not Ran.”
“Eh diba si Ran ang boyfriend mo?
Tapos engaged ka sa iba?”
Mukhang
gusto yatang ma-high-blood ng dugo ko sa babaeng ito ah….
Imagine???
May boyfriend siya tapos iba ang pakakasalan niya??? Akala ko pa naman mabait
siya.
Looks can
be deceiving talaga.
“Ranzell Montreal is my first degree
cousin”
“Cousin??? First degree??? Pero
bakit kayo….???”
“Bakit ko siya hinalikan? Wala
lang…just to piss him off and to prove something.” Hinawakan ni Ayesha ang kamay ko. “I hope you can come...”
“Kelan ba?”
Anakshuta
ka kasi Ruijin. Bakit hindi mo tignan sa invitation di ba?
“It’s on Saturday night”
“Saturday??Sige pupunta ako. Wala
naman akong gagawin nun eh”
“Sige…Thanks…That’s all..See you
there”
No comments:
Post a Comment