“I don’t want to be
your FRIEND”
Iilang tao
lang ang bisita sa engagement party na iyon ni Ayesha. Mga kamag-anak at piling
kaibigan lamang. Pero nakakaloka sa preparation at bonggasious ang mga suot
nilang damit. Formal kung Formal talaga.
Nandoon din
sina Ran at Jen kasama ang parents nito. Maging si Sanji na barkada ni Ran ay
nakita ko rin doon.
Ang
pinakanakakagulat na nakita ko ay ang dating artista at modelo na si Avee Lopez,
dating basketball player na ngayon ay PBA Coach na si Vaughn Smith at ang mommy
ni Ayesha na si Shinaya na isang kilalang sikat na artista sa Japan. Super Fan
kasi ang mommy ko noon ni Shinaya nung dalaga pa ito. Biruin mo yun??? At ang
daddy nitong si Ayesha ay sobrang gwapo talaga.
OH EHM
JI!!!!
Wala bang
pangit sa mga tao rito??
Nagkaroon
pa ng gulo sa engagement party dahil yung gwapong fiancée ni Ayesha na si
Mikael ay bigla nalang sinugod ng gwapong-gwapong bestfriend naman ni Ayesha na
si Rence. Mukhang may love triangle pa na nabuo sa kanila ah.
Isa lang
ang masasabi ko ang haba ng hair ni Ayesha. Siya na maganda. Siya na
pinag-aagawan ng dalawang gwapong lalaki.
“Hey.!”
Kasalukuyan
akong nasa may fountain area sa labas ng bahay nila Ayesha habang ang mga tao
dun sa loob ay nagkakagulo pa rin.
I saw Ran
approach me. In fairness he’s so damn good-looking on his suit.
“Hey din”
Umupo si
Ran sa tabi ko pero may distansya sa pagitan namin.
“Pasensya ka na ah…nagkagulo pa
sila. Si Kuya Rence kasi eh…tatanga-tanga”
Napatingin ako
kay Ran. Is it really true?? The high and mighty Atty Ranzell Montreal is
saying those words to me???
“Don’t look at me like that Ruijin.”
“Why?? I’m just surprise”
Ran just
chuckle.
“In fairness Ran…you look good…I mean…handsome
today… wooohhh… ano na bang sinasabi ko… I must be drunk”
“Kailangan pala lagi kang lasing
para lang purihin ako eh.”
“Haha..siguro nga”
Pareho
kaming natahimik ni Ran. Parang may dumaang anghel sa pagitan naming dalawa.
Nakatutok lang kami sa fountain.
“Ran can I ask you something?” ako ang bumasag ng katahimikan.
“Ano yun?”
“What happened to us? We used to be
friends way back then” malungkot na tanong ko.
Ewan ko ba
parang bigla akong nagpakasenti at EMO ngayon..dala siguro ng nainom ko.
“Yeah.. I still remember that… when
we were still in our childhood years”
“Kaya nga eh..what
happened to us?”
“You changed”
“I changed? How come?”
For all I know si Ran ang nagbago. Nagging masungit siya
sakin…suplado…etc. kaya how could he say na ako ang nagbago?
“You found out that you’re just your
dad’s second family” malungkot na sabi ni Ran.
I remember it… si Ran lang pala ang taong pinagsabihan ko ng
lahat ng sakit na naramdaman ko ng malaman kong may ibang pamilya si daddy. Ran
listen to me that time and be a good friend to me.
Naalala ko din..tama…ako nga pala ang nagbago..umiwas ako sa
mga kaibigan ko…ayokong makipag-usap sa ibang tao…lagi lang akong nagmumukmok
at nagkukulong sa silid ko. Mas ginusto kong mapag-isa.
“I’m sorry Ran”
“Sorry for what?”
“Pati ikaw nadamay pa sa
galit ko”
“Wala yun..matagal na
naman iyon eh”
“Yeah right”
Dumaan ulit ang katahimikan sa aming dalawa. Ewan ko ba at
parang bigla akong nailang kay Ran.
“Ran-”
“Ruijin-”
Sabay pa talaga kaming magsalita. Natawa nalang ako.
Napangiti naman si Ran.
“You first” sabi ko.
“No..ladies first”
“Hay naku hindi na uso
yan ngayon Ran”
“Ahh basta..you first”
“Okay..what ever…” Tumingin ako kay Ran “Can we be friends again? Just like before?”
Nawala naman ang ngiti sa labi ni Ran. At seryosong tumingin
sakin.
“No Ruijin…I don’t
want to be your friend”
Daig ko pa ang nabagsakan ng ilang bomba at nuclear missile
sa sinabing iyon ni Ran. Lalo na ng tumayo siya at iniwan ako sa fountain area.
“No
Ruijin…I don’t want to be your friend”
“Eh ano naman kung
ayaw niya akong maging friend??? Duh?? As if I care?!”
Pero Syete!!!! Bakit pumapatak ang mga luha ko???
Nakakainis naman oh!!! Akala ko may pag-asang magkasundo kaming
dalawa ni Ran dahil okay naman ang pag-uusap namin but I was wrong.
Totally wrong.
Ran and I could never become friends again.
Inis na pinahid ko ang luha sa mga mata ko at patalilis na umalis
sa lugar na iyon.
Mabuti nalang at may dumaang taxi kaya nakasakay agad ako.
I should forget what happen today.
Tinakpan ko nalang ang mukha ko para di mapansin ng driver
na umiiyak ako.
+ + + + +
“Stupid…stupid…stupid!!!”
singhal ni Ran sa sarili habang nakaupo sa bar
counter ng bahay nila Ayesha.
Sunod-sunod ang ginawa niyang pag-inom ng alak. Hindi pa
nakuntento ay bote na ang tinungga niya.
“Isa kang malaking
stupid Ran!!!”
Muli niya sanang dadamputin ang bote ng alak ng may pumigil
sa mga kamay niya.
“Baka masobrahan
ka…ikaw ba ang broken hearted dito?”
“Kuya Mikael.!”
Si Mikael na ang uminom sa alak na hawak ni Ran. Parang
nahiya naman bigla si Ran kay Mikael.
”Sorry”
“Bakit ka nagsosorry?”
“About sa inyo ni Ate
Yesha”
Ngumiti naman ng mapakla si Mikael bago muling uminom. Bakas
ang kalungkutan sa mga mata ng binata.
Ikaw ba naman ang hiwalayan ng fiancée mo sa mismong araw ng
engagement niyo ewan ko lang kung hindi ka masaktan.
“Okay na yung ngayon
palang natauhan na si Rence..kesa naman sa mismong araw ng kasal namin ni Yesha
saka pa siya manggulo…atleast ngayon kaya ko pang tanggapin” anito sabay tungga sa alak.
Bilib din ako kay Kuya Mikael kasi nagawa pa din niyang
magstay dito pagkatapos ng nangyari. Kasi kung sakin nangyari iyon baka nagwalk-out
na ako.
”Minsan talaga nagiging
tanga tayo kapag nagmahal…nagiging baliw..nagiging sira-ulo…pero wala ka dapat
regrets sa lahat ng gagawin mo…eh ano kung masaktan ka? Atleast kahit papaano
naranasan mo maging masaya.”
Hindi ako nakakibo. Patuloy lang ako sa pakikinig kay Kuya Mikael.
Baka sakaling may matutunan ako.
“Ikaw? Anong problema
mo at naglalasing ka dito? Wag mong sabihing dinadamayan mo ako?” anito sabay baling sakin.
“I’ve been stupid Kuya
Mikael.”
“Stupid in what
sense?”
“In love”
“Lahat ng tao nagiging
stupid when it comes to love. Normal lang iyan”
Naisip ko ang sinabi ni Kuya Mikael. Ano ba ang dapat kong
gawin?
Wrong move na yung nagawa ko eh. How could I make it up to
her?
No comments:
Post a Comment