“A penny for the thoughts of the lovely lady”
Iyon ang tinig na nagpaangat
sa paningin ni Ayesha mula sa binabasang monthly report na isinumite ng
accounting department nila.
Gayon nalang ang gulat at sayang
rumehistro sa mukha ng dalaga ng mapagsino ang bisita.
“Mikael!!!!”
tili ng dalaga at agad yumakap dito.
“I miss you Yesha” ganting yakap din nito.
“I miss you too”
Iginiya niya ito paupo sa
nakalaang sofa sa loob ng opisina niya at pinindot ang intercom na nagkukunekta
sa secretary niya.
“dala ka naman ng food dito sa loob. Thanks” aniya sa sekretarya at tinabihan sa sofa si Mikael.
“So kelan ka pa dumating?” tanong niya sa binata at naglalambing na yumakap
dito.
“kahapon lang…at madami akong pasalubong sayo..hindi
ko kasi alam kung anong gusto mo eh kaya binili ko nalang lahat ng nakita ko...
Kaya lang hindi ko na dinala dito para mapilitan kang pumunta ng bahay” nakangiting sagot nito.
Napangiti naman si Ayesha sa
sinabi ni Mikael.
Mikael Jacob Suarez is the
son of her parents’ friends JM and Jake.
Isa siyang piloto kaya
bihira lang ito mapirmi ng bansa.
But he is Ayesha’s god
brother.
At dahil halos magkasing
edad lang sila ay talagang close silang dalawa.
Actually lima silang magkakaibigan talaga at
magkakababata.
Siya, si RJ, ang magkapatid
na Zyra at Mikael at si Christian.
Si Zyra ang pinakamatanda sa
kanila, sumunod si RJ at silang tatlo naman nila Mikael at Christian ay
magkakasing edad.
Pero dahil sa America nakabase ang pamilya ni Christian kung
saan nandun ang mommy nitong si Maddy at amang si Ivan ay sa America na
halos lumaki ito.
Si Zyra naman ay naging busy
sa career nito bilang pocketbook writer.
At magmula ng maging piloto
si Mikael ay bihira na din nila itong nakakasama.
Kaya tuloy silang dalawa ni
RJ ang palaging magkasama.
Si Mikael at RJ ang
mako-consider ni Yesha na bestfriend buong buhay niya.
They had been through thick
and thin together.
Although RJ and Mikael are
very different from one another.
Si RJ kasi yung tipong super
kulit, mapang-asar,.
He is an arrogant, over
perfectionist, and tries so hard to act tough. Full of confidence sa sarili
,arrogant, conceited and maraming babae. Masyado kasing habulin ng mga girls at
pa-girls. Although she know that it’s just RJ’s front to everyone.
RJ is a sweet and thoughtful
bestfriend. Yun nga lang nakakasar talaga minsan.
While Mikael or MJ is the
complete opposite of RJ.
He’s calm, rational and have
a gentle personality. Napakatahimik at talaga namang napakabait. Pero wag ka
may itinatagong kalokohan din yan sa katawan.
Sino ba namang lalaki ang
wala diba?
Pero kahit sadyang magkaiba
silang dalawa they have one thing in common.
Me.
+ + + + +
“Hey RJ…guess who kung sinong nandito ngayon” sabi ko pagkasagot ni RJ ng telepono.
Nakaalis lang kani-kanina si
Mikael kaya naman tinawagan niya agad si RJ.
“Sino? Si Osama Bin Laden?”
“Baliw.. hindi noh!”
“Si George Bush? Si Obama?”
“Pwede ka bang magseryoso kahit minsan lang?”
“Seryoso ako…sino nga ba? Yung crush mong si Ian
Somerhalder?”
“Well…nope..pero kung sakaling siya yung nandito it’s
not a bad idea” kinikilig na sabi
ko.
Hallerrr??? Ian Somerhalder
yun…ang ultimate crush ko ever since napanood ko yung TV Series niyang Vampire
Diaries….sino ba naman ang hindi magkakagusto dun eh talaga namang napakahot at
gwapo niya.
“Sus! Mas gwapo at mas hot naman ako dun eh”
Kahit na hindi nakikita ni
Ayesha ay alam niyang nakapout si Rence habang sinasabi ang mga salitang iyon.
“Ang kapal talaga nitong lalaking ito…feeling mo
naman noh!”
“Nagsasabi lang ako ng totoo….anyway sino nga ba ang
dumating at kailangan mo pa akong istorbohin sa gintong oras ko?”
“Gintong oras ka dyan!!! If I know naglalaro ka lang
ng Temple Run
eh!”
“Excuse me!!! Hindi kaya Temple Run
ang nilalaro ko…Clickomania!!! Bwahahaha”
Hay naku kahit kelan talaga
adik itong si Rence. Mababaliw ako dito sa lalaking ito. Paano ko ba
napagtyagaan na makasam ito sa matagal na panahon?
“Bahala ka sa buhay mo…as what I’m saying…si MJ ang
dumating” puno ng excitement ang
boses ko nung sinabi iyon.
“Sinong MJ? Michael Jordan?”
“Hindi”
“Michael Jackson???”
“Adik!!! Pati nananahimik dinadamay mo eh”
“Eh sino nga ba kasi?! I don’t have time for guessing
games…may hinahabol akong top score”
“hay naku ka Rence!!!..si MJ..as in Mikael”
“Sinong Mikael?”
“Halleeerrr??? Mikael Jacob Suarez…si MJ” tuwang-tuwang sabi ko.
Pero kabaligtaran naman ang
kay Rence. Biglang nag-iba ang tono ng boses niya.
“So inistorbo mo ang gintong oras ko para lang
sabihin saking nandito si Mikael sa bansa? Bakit? Tapos na ba siya
makipaghabulan sa mga eroplano?”
Ano naman kayang problema
nitong si RJ? Alam ko hindi sila magkasundo ni Mikael pero siya lang naman ang
ganun ang treatment kay Mikael eh…
Mikael is nice to him pero
siya pinapagana niya ang pagiging arrogant niya.
“Arent you glad to know he’s here?”
“Why should I?”
“FYI Rence Jeirick Montealegre..Mikael is our friend”
“Yeah right! Your Friend” sarkastikong sabi nito.
“Rence Jeirick!!!”
“Okay fine!!! Our friend”
“So be a good guy okay? May party sa house nila on Saturday.
Make sure you’ll be there”
“I can’t promise. I think I have a scheduled meeting
that day”
Halata namang nagdadahilan
lang si Rence eh kaya hindi ko siya pinaniwalaan.
“Hay naku Rence tigilan mo ako at di uubra sakin yang
sinasabi mo okay? I know you better than that….Saturday night…I’ll see you
there okay? Bye!” at ibinaba ko na
ang telepono.
Hindi ko maintindihan kung
bakit hindi magkasundo ang dalawang mahalagang lalaki sa buhay ko.
Bahala nga sila sa buhay
nila. Ang mahalaga eh magkaroon ng truce ang dalawa kapag kasama ako.
= = = = =
No comments:
Post a Comment