Tuesday, May 22, 2012

Monster Couple : Chapter 7


“Hurt”


“Hoy!!! Rated PG yan!!!”


Ganun na lang ang asar ko sa kung sino mang Pontio Pilato ang pumutol sa magandang moment namin na iyon ni Ran.



“Yoh!!! Kumusta na??? kayo ha?? May pang rated PG na kayong eksena. Akala ko ba warlalu kayo??”


Ang mga kaibigan ni Ran na sina Sanji, Ian at Kenneth ang nakita kong lumapit samin. Asar!!! Sarap tiradurin sa mata nitong mga ito. Hindi marunong tumiming.


“Mukhang nahuhuli na yata tayo sa eksena ah”


“Oo nga..nagkakamabutihan na itong dalawang mortal enemies eh”


“Pwede ba?! Lubayan niyo ako ah???!! Wag niyo akong asarin.”


“Oo nga…magsilayas kayo dito. Mga istorbo kayo”


Katakot-takot na asar ang inabot tuloy namin.


“Wooo….may istorbo factor na silang nalalaman”


“Oo nga…may something na talaga”


“Ruijin nililigawan ka na ba ni Ran??? Kung hindi ako na lang ang manliligaw sayo. Lamang lang ng isang paligo sakin si Ran pero mas mabait at malambing ako” nakangiting sabi ni Kenneth at tinabihan ako.


“Kapag hindi pa kayo tumigil ipapakulong ko na kayo. Obstruction of silence na ang ginagawa niyo.” Sita ni Ran sa mga ito bago itulak palayo si Kenneth sa tabi ko.


“Obstruction of silence?? Meron bang ganun?” kunot-noong tanong ni Kenneth.


Binatukan naman ito ni Ian.


“Ano ka ba?! Kapag sinabi ni Ran na may ganung kaso..meron iyon”


“Oo nga…ikaw ba makikipagtalo pa dyan kay Ran?” segunda naman ni Sanji.


“Hehe…sorry naman Pareng Ran…ikaw naman hindi na mabiro eh..sige maiwan na namin kayo at ng makarami kayo..” nang-aasar na sabi nito bago lumipat ng table.


Napailing na tumayo naman si Ran. Aalis na ba sya??


Nakakalungkot naman.


Yumuko nalang ako ng lumakad na palayo si Ran. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong kalungkutan na aalis na siya.


Pero ganun nalang ang gulat ko ng biglang may humawak sa kamay ko. Mukha ni Ran ang nakita ko.


“Anong--?” nagtatanong ang matang tingin ko sa kanya pero wala naman akong nakuhang sagot.


Basta hinila na lang niya ang kamay ko at kinuha ang mga gamit ko. Napakahirap naman talaga intindihin ang lalaking ito. Parang kanina lang ay kinukulit niya pa ako tapos ngayon ay nakasimangot na naman siya. Bipolar yata ang lalaking ito eh.


“Hoy Ran ano ba?!” sita ko sa binatang hawak pa rin ang kamay ko palabas.


Dinig ko pang nagtatawanan ang mga tao sa CaPerona lalo na dun sa table nila Ian.


Napatingin naman ako kay Perona ng tawagin niya ako at ituro ang isang signage sa lugar na iyon.


“Don’t leave your valuable things unattended!”


Napangiti naman ako at napatingin sa kamay kong hawak pa rin ni Ran hanggang sa makalabas kami ng CaPerona.


“Oh?? Anong nginingiti-ngiti mo dyan?” kunot-noong tanong ni Ran.


“Wala naman. Masama na ba ngumiti?”


“Wag ka mag-isip ng kung ano-ano ah…inilalayo lang kita kina Kenneth dahil mapang-asar yung mga iyon.”


“Okay..sabi mo eh”


“Ruijin that’s true”


“Sinabi ko bang false yun?”


“Whatever!”


Parang gusto ko ng matawa sa nakikita kong reaksyon nitong si Ran. Parang matataeng ewan…haha.


“Ran…pwede mo ng bitawan ang kamay ko. Malayo na tayo sa CaPerona”


Tinignan lang ako ni Ran. Pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.


“Baka biglang may dumampot sayo dito..mahirap na”


Hinampas ko naman ang braso ni Ran dahil sa sinabi niya.


“Ang kapal mo ah..ano namang tingin mo sakin ah?”


Isang makalaglag panty na ngiti lang ang ibinigay sakin ni Ran.


“Mahirap hanapin kapag nawala”


Ano daw??? Tama ba ang naririnig ko???


Hindi naman kaya nasapian na ng masamang ispirito itong si Ran at kanina pa pabago-bago ng ugali.


“Ran okay ka lang ba??”  nag-aalalang tanong ko. “May sakit ka ba? Bipolar ka na ba? nabagok ba ang ulo mo?” at hinawakan ko ang leeg niya upang damahin kung may sakit ba siya.


Pero hinawakan lang din ni Ran ang kamay kong nakahawak sa leeg niya habang nakatitig sakin.


Oh Ehm Ji.!


Naku naman Ranzell ano ba itong ginagawa mo sakin at parang may mga paru-paro sa tyan ko habang nakatitig ka sa mga mata ko. Huwag mo akong tignan ng ganyan na parang ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.


Iniwas ko ang paningin sa kanya at inalis ang kamay kong hawak niya. Kailangan ko ng pigilan ito bago pa lumala.


“Mukhang wala ka namang sakit. Sige mauuna na ako” sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.


“Ruijin wait” pigil sakin ni Ran.


“Don’t try to stop me Ran…Please lang wag mo naman akong bigyan ng dahilan para umasa kasi ayokong masaktan”


With all my might I tried to control my tears. Ayokong umiyak sa harap ng lalaking ito. Halatang naguluhan naman si Ran sa mga sinabi ko.


“What do you mean? Bakit ka naman aasa at masasaktan?” kunot-noong tanong nito.


“When I told you if we can be friends again alam mo ba kung gaano kasakit ng tanggihan mo yung inoofer kong friendship? All those years Ran iniwasan ko makipaglapit sa mga lalaki dahil ag alit na nararamdaman ko sa ginawa samin ng daddy ko…pero binuksan ko yung puso ko para sayo. Para mapalapit sayo. Para maging kaibagan ka…Pero anong ginawa mo? Tinanggihan mo!!! Alam mo ba kung gaano kasakit yun ha? Ang mag-offer ka ng friendship sa isang tao pero tatanggihan ka lang!” hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Dire-diretso na ang pagdaloy ng mga luha.


Ramdam ko ang sakit habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.


“Ruijin…”


“Don’t try to explain anymore Ran.. I don’t want to hear it”  sabi ko at iniwanan na siya.


Wala namang nagawa ang binata kundi ang sundan ng tingin ang papalayong si Ruijin.

No comments:

Post a Comment