[Richelle’s POV]
Hay salamat nagkaroon
din ako ng boses sa kwentong ito. Nakakainis kasi yung author eh puro nalang
sila eh character din naman ako dito. Saka mahalaga din naman ang papel ko eh.
Paanong mahalaga? Basta mahalaga. Abangan niyo nalang.
Ayan...papunta ang
barkada sa EK ngayon.. Pre-birthday celebration ni Regine. Actually ako ang
nagsuggest non eh...sabi ko sa inyo mahalaga ang papel ko dito eh. So yun nga
at dahil birthday ni Regine siya ang sagot sa tickets namin. Libre niya kaming
lahat. Oh diba? Sana hindi mamulubi yung babaeng yun. Baka isang buwan siyang
walang allowance..hehe.
Napagkaisahan na
dun nalang magkita-kita sa EK. Pero syempre imposible naman na solo solo kaming
pupunta dun. So ang nangyare...si Jeirick susunduin niya daw sina Demi at Yesha
sa bahay nila...at kung nasaan si Jeirick syempre nandun din ang bruhang si
Regina...hahaha...kaya ayun dun siya sumakay sa sasakyan ni Jeirick.
Samantalang sina Laxus, Marky at Paul eh magkakasama sa isang sasakyan and i
ended up joining with them. Ayoko namang mapag-isa sa byahe. Ang boring..hindi
ko naman nakasama si Jhonah dahil sa malas eh kay Earl napasabay si Jho...at
ayokong sumabay kay Earl....mapapanisan ako ng laway.. Actually dapat dun kay
Jeirick sasabay si Jhonah kaso dahil si Regine ang sumakay sa sasakyan ni
Jeirick eh no choice si Jhonah. Kaya ayun kay Earl siya sumama. Kawawang
nilalang. Wish ko lang hindi sila magpatayan sa byahe. Sina Gray at Trace naman
daw eh dun nalang didiretso sa EK. Sana pala nagpasundo nalang ako dun sa
dalawa para may gwapo akong kasama.
Habang nasa byahe
eh dumaan muna ang grupo namin nila Paul sa isang supermarket upang bumili ng
makakain habang nasa byahe. Medyo malayo din naman ang Laguna eh at mga gutumin
itong mga lalaking kasama ko.
“hoy Iche! Bili ka
ng Mr. Chips ah yung malaki cheese flavor. Saka coke in can.”
Akala ko enjoy na
ako lang babae sa gupong ito. Nakalimutan kong hindi nga pala mga lalaki itong
kasama ko. Gawin daw ba akong maid??
Sa wakas ay natapos
din ang kalbaryo ko sa pamimili ng makakain namin sa byahe. Libre naman nila
eh..utusan lang talaga ang naging labas ko. Ipinagpatuloy na namin ang byahe.
Pero sa totoo lang
enjoy din naman akong kasama itong mga kulokoy na ito eh. Ang iingay kaya namin
sa byahe. Panay kami kantahan...kung kantahan nga bang matatawag ito dahil
parang sigaw ang ginagawa namin eh. Si Laxus ang nagdadrive since kotse
niya ito. Katabi niya si Marky. Kaming dalawa naman ni Paul ang nasa likuran.
Sobrang lively nilang kasama. I never thought na ganito talaga sila kagulo.
Although i’ve known them for a very long time hindi ko sila nakasama ng ako
lang. Lagi naming kasama sina Regine at Jhonah.
Maya-maya ay medyo
tumahimik na din kami. Napagod siguro sa kakasigaw..hehe.
“Woohhh!!! Grabe
wala pa tayo sa EK wala na tayong boses” sabi ni Paul. Hindi ko maiwasang
mapatingin tuloy sa kanya. Sa totoo lang gwapo naman si Paul. Ang ganda din ng
katawan niya. Halatang alaga sa ehersisyo. Masayang kasama although medyo
mapang-asar nga lang. Ang hindi ko maintindihan eh parang si Regine lang ang
inaasar niya, hindi naman niya ako inaasar or si Jhonah. Puro si Regine lang. Si
Regine..lagi nalang si Regine...ipakidnap ko kaya yung babaeng yun para si Richelle
naman...si Richelle ulit at si Richelle ulit..bwahahaha....Hindi kaya....
“Oh Iche bakit
ganyan ka makatingin?” biglang tanong sakin ni Paul.
“Paul....may gusto
ka ba kay Regine?”
Natahimik din bigla
sina Marky at Laxus.
“what’s with that
question Richelle?” he tried to laugh pero halatang ninerbyos siya sa tanong
ko. “bigla bigla ka namang magtanong eh”
“Meron o wala lang
naman ang sagot dun eh. Napakasimple lang” i looked at him more closely. This
time hindi ko nilubayan ang mga mata niya. “May gusto ka ba kay Regine o
wala??” Sabihin mong wala...sabihin mong
wala...
Napabuntong-hininga
si Paul. Admiting his defeat.
“Meron”
Although medyo
inaasahan ko na iyon medyo nashock pa din ako sa narinig ko. Grabe Espren!!!
Ikaw na maganda!!! At the same time...i feel sad.. kung bakit ako sad...walang
pakelamanan eh sa gusto ko eh..maging sad ka din kung gusto mo para hindi ka
mainggit sakin.
“Kung may gusto ka
sa kanya bakit hindi mo sabihin? Bakit puro pang-aasar ang ginagawa mo?”
naguguluhang tanong ko.
“simple lang. Dahil
dun lang naman niya ako napapansin”
Natahimik naman ako
sa sagot niya. Oo nga pala. How could i forget. Para nga pala kay Regine si
Jeirick lang ang lalaki sa mga mata niya. Poor Paul.. kasi naman eh...Paul kasi
naman eh..nakakainis ka..
“So you mean to say
all this time???” parang hindi ko masabihing gusto niya si Regine.
“yes”
Nalungkot naman ako
bigla dun. Ah basta nalulungkot ako!! At parang gusto kong sabunutan si Regine
dahil nalulungkot ako!!!
“Richelle...”
napatingin ako kay Paul “Could you please keep it a secret? Ayoko kasing
malaman ni Regine dahil baka mailang siya sakin at tuluyan na akong iwasan.
Okay na sakin kung lagi siyang galit sakin o lagi niya akong sinisigawan at
tinatarayan atleast napapansin niya ako. Nakikita ko siya..naririnig ko ang
boses niya...ayokong umiwas siya sakin eh” napahawak si Paul sa buhok niya.
Ewan ko ba i could feel his sadness...yung feelings niya ramdam na ramdam ko.
Para tuloy gusto kong kalbuhin bigla si Regina..how could she be so manhid not
to notice this guy’s feelings...and how could you Paul be so manhid din not to
notice....ah wala wala....
“Paul...”
“Could you promise
me?”
Ngayon alam kong
lahat ng boys eh alam ang nararamdaman ni Paul kay Regine...and they still keep
it a secret. Whatta friends...
“i’ll promise”
pangako ko kay Paul at ngumiti.
Napangiti na din si
Paul. Ngayon ko lang narealized na ayokong makita palang sad si Paul..hindi
bagay.
“Oh tama na yang
sad atmosphere na iyan..were here to enjoy you know” sabi ni Laxus.
“yeah right”
segunda naman ni Marky.
Tama...we should
enjoy.... napatingin ako kay Paul na nakikipagkulitan na kina Marky at Laxus.
Somehow parang bigla akong napalapit sa kanya....somehow parang naintindihan ko
siya at gusto ko siyang tulungan...pero paano???
Hay naku
Regine...kung imumulat mo lang ang mga singkit mong mata >_<
***
[Jhonah’s POV]
“Why do i ended up
being with you???”asar na tanong ko kay Earl.
Bakit nga naman
kasi of all people dito pa sa supladong lalaking ito ako napasabay eh. Sana
nakisiksik nalang ako dun kina Paul. Ay hindi...ayoko din palang kasama si
Laxus. Mabubwisit lang ako.
“As if naman gusto
ko yun diba? Kung may choice din lang naman akong tumanggi ginawa ko na”
antipatiko talaga itong lalaking ito. Itapon ko siya sa labas ng bintana eh.
Looks like i dont
have a choice but to be with him. Kailangang pagtyagaan ko siya sa loob ng
three hours. Sabagay mabilis lang naman iyon. Tutulugan ko nalang siya sa
byahe.
Pero badtrip!!!!
Hindi ako makatulog thinking na kasama ko siya sa isang sasakyan. Pareho kami
ng hanging hinihinga... hindi pwede yun!!! Masosofocate ako..teka...tama ba ang
ispeling ko? Ah basta yun na yun...
Teka nga naman
Jonalyn!!! Bakit naman masyado kang makapagreact dyan ah? Hindi ka naman dating
ganyan ah.
“Earl...thank
you ah...kahit na hindi ko naman sinabi sayong gawin mo yun...thank you
padin..hayaan mo babawe ako sayo”
Hindi umimik si Earl. Pero nagulat nalang ako nang
mabangga ako sa pader. Nakayuko kasi ako at di tumitingin sa dinadaanan ko.
“what the---“
Pero...hindi pala pader ang binanggaan ko...LIKOD ni
Earl. Bigla nalang kasi itong huminto at dahil nasa likuran ako at di
tumitingin ay nabangga ako sa malapader niyang likod. Humarap sa akin si Earl.
“masyado ka ng napapalayo..umuwe ka na”
Ay oo nga..kakasunod ko kay Earl ang layo na ng
narating ko.
“Hehe..oo nga noh...sige balik na ako....” pero bago
pa ako makalakad pabalik ay hawak na ni Earl ang kamay ko at hinihila ako
pabalik sa bahay. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
OHHHEEEEMMMMGGGGEEEE!!!!!
Ano ito??? HHWW??? Bakit nakikipagholding hands sakin
itong si Earl??? Cannot be!!! Cannot
be!!! Borrow one from two!!!Syntax Error!!!!!
Tinangka kong
tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko matanggal. Mas
hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
Teka naman!!! Kanina HHWW lang...ngayon may kasama ng
PSSP... Pa-Sway-Sway-Pa!!!
Hindi ko maintindihan kung anong nangyayare at parang
may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko mula sa magkaholding hands naming kamay
ni Earl. Ilang volts ba ang kuryente sa katawan nitong lalaking ito??? Pero
bakit ang kuryenteng nararamdaman ko eh hindi masakit....parang.....masarap sa
pakiramdam???? Teka ano ba yung nangyayare sa akin???
Oo nga..ano ba
itong nangyayare sa akin...at bakit ko naman biglang naisip yun??? Nababaliw na
yata ako eh...or nahawa na ako sa kaberdehan ng utak ni Regine?
Inalog-alog ko ang
ulo ko baka sakaling mawala itong pumapasok sa isip ko.
“Nababaliw ka na”
Napalingon naman
ako kay Earl at itinigil ang ginagawang pagalog sa utak ko. Medyo masakit na
din eh.
“Anong sabi mo?” i
asked still with my hands on my my head.
“Bingi ka”
Aba??? Sumusobra na
itong lalaking ito.
“Hindi ako
nababaliw at lalong hindi ako binge. Panget!” sabi ko binelatan siya.
“Hmp” nagsmirk pa
talaga ang lolo mo. Bading siguro ito.
Tinalikuran ko
nalang siya dahil baka maubusan pa ako ng dugo. Mahal pa naman ang dugo ngayon
sa blood bank.
“bading” mahinang
bulong ko.
“sinong bading ha?”
aba?? Narinig ako? Ang talas naman ng pandinig niya. Pero minabuti kong wag na
lang sumagot. “ kung sinabi mo yun para halikan kita pwes hindi ko gagawin yun”
Napika naman ako sa
sinabi niya. Ang ayoko sa lahat eh yung pinagbibintangan ako.
“Hindi ko gustong
halikan ako ng isang lalaking tulad mo okay? Kaya wag kang feeler ah. Mukha
mo!”
“Gwapo”
“Kapal ah...lakas
ng hangin dito bumalik ba ang Ondoy???”
“Aminin mo na kasi”
“na ano???”
“na gwapo ako”
“Mukha mo times
two. Mamundok ka na”
“Mauna ka”
Mukhang hindi ako
mananalo dito sa lalaking ito. Ang epal lang.
“ I hate you!”
“I know”
Ganun nalang yun? I
know lang isasagot niya?
Bakit? Ano ba ang
ineexpect mo ah?
Ano nga ba???
***
[Regine’s POV]
Nandito ako ngayon
sa passenger seat ng kotse ni Jeirick. Papunta kami sa bahay nila Demi.
Susunduin kasi namin sila ni Yesha. Sayang nga eh akala ko kaming dalawa lang
ni Jeirick sa sasakyan. Akala ko nagtagumpay na ako nung mapalayas ko si Jhonah
dito sa kotse pero hindi pala. And worst ang kasama pa namin eh yung malditang
si Demi. Hindi bale...tiis ganda nalang muna ako.
“eto na yata yun”
sabi ni Jeirick at huminto sa isang malaking bahay. Grabe hindi nga yata bahay
na matatawag yun eh kundi mansyon dahil sobrang laki.
Bumaba ng sasakyan
si Jeirick. Upang magdoorbell. Ako naman eh nanatili lang dun. Isang
unipormadong maid ang nagbukas ng gate upang patuluyin kami.
Pagpasok namin sa
loob ng bahay eh mas namangha pa kami sa sobrang ganda. Hindi naman sa ignorate
ako pero sobra naman kasi ang bahay na ito eh. Masyadong OA sa laki at ganda.
“Goodmorning
Master, Goodmorning Mademoiselle” bati samin nung
maid ng makapasok kami sa loob ng bahay. wow grabe spokening dollar ang
katulong dito ah..take note!!! Master at Mademoiselle ang tawag samin…sila na
ang chuchal.
“goodmorning” bati din ni Jeirick. Bakit ganun?? Ang daya. Parang ako
lang yung naeelibs sa laki ng house nila Demi. Parang si Jeirick wapakels?
“Jeirick” mula sa itaas ng hagdan eh bati ni Demi. Hello??? Nandito din
kaya ako???
Ngumiti naman si Jeirick. Hindi pwede ito…nakakaramdam ako ng kakaiba ah.
Bumaba na si Demi sa hagdan. Well I admit she look like a princess. Pero bakit
pakiramdam ko eh nakasmirk siya sakin? Guni-guni ko lang ba yun?
“sorry kung naghintay kayo ah” pa-sweet na sabi nito kay Jeirick.
“Okay lang..let’s go? Nagpaalam ka na ba sa parents mo?”
“Oh…they’re not here. Nasa London sila eh…you know business” sabi nitong
kunwari ay balewala lang sa kanya.
“Hi Regine” bati sakin ni Yesha.
Mabuti nalang at nandito si Yesha kasi pakiramdam ko hindi kakayanin ng powers
ko na kaming dalawa lang ni Demi. Baka
magkaroon ng part two ang Claudine-Tulfo fight.
Lumabas na kami ng bahay. pasakay na sana ako sa may passenger seat ng bigla akong
pigilan ni Demi.
“Pwede bang dyan nalang ako sa may harap umupo. I don’t want to seat at
the back eh” sabi nito sakin. Ewan ko ba pero iba talaga ang pakiramdam ko sa
kanya. Parang may something eh.
“Hindi ba dapat ang
mga Prinsesa sa likod umuupo?” sarkastikong sabi ko. Sorry hindi na ako
nakapagpigil eh. Kakainis na eh. Kanina pa siya eh.
Pansin kong
natigilan siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko yata nagustuhan
iyon ah.
“You think you can
win against me?” sabi ba naman nito at may nakakalokong ngiti.
Akamang sasagot
sana ako dahil hindi ko nagets yung sinabi niya ng bigla nalang siyang
magsalita ulit.
“bakit ka ba
ganyan? Ano bang ginagawa ko sayo? I’m just trying to be nice to you naman
ah...alam ko namang hindi mo ako gustong mapabilang sa grupo niyo eh.. ipinagsisiksikan
ko lang ang sarili ko sa inyo” sabi ba naman nito. Teka nga...ano bang problema
nitong babaeng ito? Baliw na ba sya? Nagsasalitang mag-isa.
“Hey, what’s
wrong?” tanong ni Jeirick. Hindi ko namalayang nasa tabi na pala namin siya
dahil nakatalikod ako.
Lumapit bigla si Demi
kay Jeirick at yumakap.
“Ayaw niya sakin
Jeirick...dapat daw hindi na ako sumama sa inyo” sumbong nito.
Aba??? Myembro ba
ng Drama Club itong babaeng ito at sobrang galing umarte?? Pero infairness ah
pang best actress ang drama niya dahil mukhang naniwala sa kanya si Jeirick.
“Redge...wag naman
ganun”
Syempre nahurt
naman ako. Imagine?? Hindi ko pa nga naipagtatanggol ang sarili ko
nasentensyahan na agad ako? Ang daya!!!
Imbes na
makipagtalo pa ay minabuti ko nalang manahimik na sumakay sa likod ng sasakyan.
Bahala sila sa buhay nila. Naiinis lang ako. Para tuloy ayoko ng tumuloy.
“Sorry” bulong ni
Yesha sa tabi ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.
“Bakit?”
“sa ginawa ni Demi”
“So alam mo?”
Tumango naman si
Yesha. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Ibig sabihin may naniniwala sakin.
“ganyan talaga yan
si Demi kapag hindi nasusunod ang gusto niya”
Tumango nalang ako
at marahang pinisil ang kamay ni Yesha. “Okay lang”
Ipinasya kong
matulog nalang sa byahe. Medyo masama pa din kasi ang loob ko eh.
“Naku
Demi...humanda ka sakin kapag hindi ko napigilan ang sarili ko” bulong ko sa
sarili ko.
* * *
No comments:
Post a Comment