[Demi’s POV]
“Hi” bigla akong napalingon nang may kumalabit
sa akin. I saw Jeirick smiling at me. The captain of the basketball team.
Sinabayan niya ako sa paglalakad. I dont know why but i feel like my knees are trembling. I could
feel my heart beating so fast as if nakikipagkarera ang mga ito. He was the
only man that could ever make me feel this way. Ever since that i first saw him
playing basketball. Yes. He was the reason why i joined the cheering team. I
want to get close to him. And he was also the reason why i transfered here in
Riverdale. I first saw him during the basketball match of Riverdale and my
former school. First year palang ako noon. At magmula noon ay kinausap ko na
ang parents ko at sinabi kong lilipat ako ng Riverdale. And since they love me
very much sinunod nila ang gusto ko.
I admit that i had a crush on him. Kung wala ba
naman ay lilipat ba ako sa school na ito eh sa isang exclusive school na ako
nag-aaral wherein puro rich kid ang nandun? Pero dahil sa kanya ay mas pinili
kong mag-aral dito. He’s so handsome, sexy, nice, sweet and most of all
popular. Balita ko ay maraming nagkakagusto dito. Pero sorry nalang silang
lahat. Dahil akin lang si Jeirick. AKIN
LANG. And i’m glad na napasali ako sa grupo nila. Although hindi ko
masyadong feel yung mga girls dun. Yung Regine yata ang name nun ang alam ko
may gusto siya kay Jeirick ko. At naiinis ako dahil halatang close sila. Pero
hindi ko masyadong pinapahalatang hindi ko siya gusto. Ayokong mabadshot ako
kay Jeirick. Yung Richelle naman na cheerleader namin akala mo kung sinong
magaling. Eh obvious naman na mas magaling at mas maganda ako sa kanya. Dapat
ako ang cheerleader. At higit sa lahat...dun sa Jhonah??? natatawa ako sa
kanya. She look like a fool. Hindi mo alam kung babae ba o lalaki. Stupid. Pero
dahil kapatid siya ni Jeirick i have to be nice to her. Kahit ayoko. Wala naman
akong problem sa mga boys dahil super obvious naman na nahuhumaling sila sakin.
Ang ganda ko kaya. Pero wait..there’s this one person na mukhng walang
pakialam. What’s his name again??? EARL??? Bading siguro yun.
I put on my best smile as i greet him.
“Hi”
“Isnt it supposed to be hello?”
“What? Come again?” hindi ko yata masyadong
nagets ang sinabi ni Jeirick. Kung saan saan kasi lumilipad ang utak ko.
“When someone greets you HI the answer should be
HELLO”
“Ganun? Okay sige hello” but i think that’s
stupid. Pero dahil mahal kita okay lang na magmukha akong stupid.
Napangiti si Jeirick. Gosh!!! So gwapo talaga!!!
“Going somewhere?” he asked.
“Pauwe na ako”
“Where’s Yesha?” teka! Bakit yung stupid kong
pinsan ang hinahanap niya?! Dont tell me...
“may school org. siya eh. MWF lang kami
nagsasabay”
“ahh so since wala ka naman palang kasabay..can
i invite you out?” nakangiting tanong ni Jeirick.
“out? As in a date?” gosh!!! Kinikilig ako.
Napahawak siya sa baba niya...a beautiful
gesture. “Hmmm not really a
date...meryenda lang”
Hay naku! Sige na nga kahit hindi date yun. Ang
mahalaga makakasama ko siya. KAMING
DALAWA lang.
“Pero wala ka na bang klase?” pakipot muna ako
konti.
“wala na. Wala ding practice ang team. At wala
akong kasama” nakangiting sagot niya.
“What about Jhonah? Hindi ba kayo sabay umuwi?”
“Jhonah? Dont worry about her. My sister is
pretty tough you know she can absolutely take care of herself. Ang besides may
sariling sasakyang dala yun” halatang proud siya sa little sister niya.
Nakakainis!!!
“Well tama ka...i admire her nga eh kasi she
looks so strong. Samantalang ako i’m weak...i wish i could be like her” i put
on my fragile look that no one can resist.
“Dont worry...it’s okay to be weak fr a girl
para naman may role kaming mga guys sa buhay niyo diba? Kami ang proprotekta sa
inyo.” Nakangiting sabi niya. “...and i
like you just the way you are”
HE LIKES ME DAW!!! ME!!!! As in AKO!!! At hindi
IKAW!!! Ako nga eh!!! Wag kang epal! I’m so happy!!! Ako na yata ang
pinakamasayang babae sa mundo.
“Hey Demi..did i say something wrong?”
nag-aalalang tanong niya.
No Jeirick you said something right!!! So damn
right!
“Wala naman...so tayo na?”
“Tayo na?”
“I mean..tayo na...tara na...let’s go...akala ko
ba niyaya mo ko magmeryenda o nagbago na ang isip mo?” wag naman sana.
“Of course not...nagulat lang ako nung sinabi
mong tayo na...akala ko tayo na”
Nagets ko naman ang ibig niyang sabihin kaya
napangiti naman ako. Well not bad ah...i like that.
“hay naku ikaw talaga” kahit kinikilig ay
kinontrol ko ang sarili ko.
***
Sa isang ice cream parlor sa labas ng school
kami nakarating. Halos mga student din ng Riverdale ang nandun. Mukhang
maraming nakakakilala kay Jeirick dahil maraming bumabati sa amin. I feel proud
naman na ako ang kasama niya. Manigas sila sa inggit.
“Mukhang sikat na sikat ka ah...hindi ba
nakakahiyang makitang kasama mo ako?” kunwa’y tanong ko.
“Hindi naman.ano ka ba?! Nagkataon lang na
captain ako ng basketball team pero kung hindi i’m sure walang makakakilala
sakin”
“Asus..pahumble ka pa eh”
“Hindi ah...ikaw nga yung sikat eh”
“ako? Sikat?”
“Oo...balita ko maraming nagkakagusto sayo sa
school” Well...ganun talaga pag maganda.
“Hindi ko naman sila pinapansin eh, ayokong
isipin na maraming nagkakagusto sakin”
“Ikaw itong pahumble eh. Bakit naman?”
Nagkibit-balikat lang ako. Well i’m used to it.
Sanay akong sambahin at pagkaguluhan ng mga lalaki.
“wala ka bang nagugustuhan kahit isa?”
Meron Jeirick! Ikaw!
“Hmmm ewan ko”
“ang swerte naman ng lalaking magugustuhan mo”
“bakit naman?”
“Uy!!! Nag-aantay siya na purihin ko siya” biro
ni Jeirick.
Marahang hinampas ko siya sa braso.
“Sira ka talaga” Ahhhh...heaven.
“seriously...maganda ka...alam mo na siguro
yun...saka mukha ka namang mabait”
“So nagagandahan ka sakin?”
“Oo naman. Bulag lang ang lalaking hindi
magagandahan sayo o di kaya bading. At hindi ako bulag lalong hindi ako bading”
Gosh!!! Kanina sabi niya sakin he likes me
ngayon naman nagagandahan siya sakin. Inlove na yata sakin si Jeirick!!!
Nagandahan lang sayo inlove na???
Tse!! Tumigil ka! Palibhasa panget ka eh!
“Demi” tawag pansin sakin ni Jeirick “are you
still with me?”
Hay naku lumilipad na naman ang isip ko.
“Oh sorry..may naisip lang ako”
“It’s okay...ang swerte naman ng iniisip mo”
Napangiti nalang ako.
“Ask ko lang sana kung pwede ka ba this Sunday?”
atubiling tanong ni Jeirick as he scooped his ice cream.
Niyaya niya akong magdate???? GOSH!!!
Hindi...magsisimba kayo. Sunday eh.
Tumigil kang atribida ka ah.
“Sunday?”
“Yes...if your free”
“You’re inviting me out? Like a date?”
“Hmm...actually pupunta kasi ang buong barkada
sa Enchanted Kingdom. Pre-birthday celebration ni Regine...so yayain sana
kitang sumama saka si Yesha since part na din naman kayo ng barkada.”
Nakakainis!!! May mga chaperone pala kaming
kasama. At bakit icecelebrate namin ang birthday nung Regine na yun? Pakialam
ko ba dun. Pero chance ko na iyon na makasama si Jeirick. Pagdating sa EK
hihiwalay nalang kami...hahaha!!! ang talino ko talaga.
“Sige..sabihin ko kay Yesha. Pupunta kami”
Ngumiti naman si Jeirick.
“Thanks. Sunduin ko nalang kayo kasi dun na
naman sa EK ang meeting place eh. Para hindi na kayo magdrive or magsama ng
driver”
Si Jeirick ipagdadrive ako??? Gosh!!!!
“Sige..thanks”
Mapapasa akin ka din Jeirick...mamahalin mo din ako. Pinapangako ko yan.
***
[Yesha’s POV]
7:00PM na pala. Masyado akong nawili sa library
kaya hindi ko namalayan ang oras. Kanina pa nakauwe si Demi. Sinabi ko sa kanya
na may school org akong pupuntahan kapag MWF kahit ang totoo eh wala naman.
Guto ko lang magkaroon ng time na malayo
sa anino ng pinsan ko. Atleast kahit tatlong araw ay pwede akong gabihin ng uwe
at makapunta sa mga gusto kong puntahan at magawa ang gusto kong gawin.
Hindi naman sa ayaw kong makasama si Demi pero
syempre dalaga na ako at babae din naman na may mga bagay na gustong maranasan.
At hindi ko mararanasan yun kung lagi akong bubuntot sa pinsan ko.
Beep Beep!!!
Napalingon ako ng makarinig ng busina. May tao
pa pala dito sa school? Sabagay hanggang 9Pm nga pala ang klase dito. Tapos may
night shift pa.
Sana naman makasakay agad ako sa jeep.ayokong
magtaxi kasi mapapamahal ako. Kaya jeep nalang. Dun nalang ako sa may kabilang
kanto sasakay kasi hindi naman humihinto dito ang jeep. School kasi ng
mayayaman. Pero mas mayaman ang school namin dati ni Demi. Pero mas gusto ko
dito. Mas friendly kasi ang mga tao dito at nagkaroon ako ng mga kaibigan. Di
tulad dun sa dati kong school. Binubully lang ako. Palibhasa alam nilang
nakikitira lang ako kina Demi.
Beep Beep!!!
Ano ba itong kotseng ito. Ayaw dumaan kung
dadaan siya. Tumabi na nga ako eh. Problema ba nito. Feeling niya kanya itong
buong kalye???
Beep Beep!!!
Tumabi na ako lalo sa gilid at minabuti kong
huminto at paunahin na siyang dumaan dahil nakakainis na yung pagbusina niya.
Pero imbes na lagpasan ako eh huminto din ito sa tapat ko. Teka...nasaan na nga
ba yung pepper spray ko.
Kinapa ko sa bulsa ng palda ko ng pepper spray
na lagi kong dala. Para laging handa.
Tinted yung bintana ng kotse kaya hindi ko
makilala kung sino ang sakay non. Dahan-dahang bumaba ang salamin kaya hinanda
ko na din ang pepper spray ko.
“Hi Yesha”
“Gray???”
Ganun nalang ang gulat ko ng makilala kung sino
ang driver ng sasakyang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko.
“Grabe ka naman. Tinakot mo ako”
“sorry kung natakot ka. Kanina pa kasi kita
binubusinahan eh hindi ka lumilingon”
“malay ko ba namang ikaw yan..sana nilagyan mo
ng pangalang Gray ang busina mo para alam ko”
Bigla naman siyang tumawa. Ang gwapo niya
talaga.
“sorry. Tara sakay na”
“Hindi sige wag na...salamat nalang. Sasakay naman na ako dun sa kabilang kanto”
“Makikipag-agawan ka pa dun eh...sakay
na..ihahatid na kita”
Yesha mamili ka...sasakay ka sa jeep siksikan at makikipag-agawan ka pa
sa mga pasahero o sasakay ka dito sa kotse...aircon ikaw lang ang pasahero at
may gwapo ka pang driver...ano pipiliin mo?
Lumigid na ako papunta sa passenger seat. Dapat pa
bang pagpilian yun?
“Salamat ah”
“saan ka ba nakatira??” sinabi ko sa kanya yung
bahay nila Demi.
“nakikitira ako kina Demi”
“I see”
Dumaan ang katahimikan sa amin habang
nagmamaneho si Gray.
“ooppss sorry baka mabore ka” pinindot nito ang
player at nagpatugtog.
Now Playing : Tinamaan Ako
Nang
kita ay makilalaNapatulo ang laway ko
Binti ko ay nangatog
Ako’y sumemplang at nauntog
“Hindi ko
alam mahilig ka pala kay Anne Curtis” tumatawang sabi ko.
“Hala ka...bakit may ganyan? Hindi ko nga alam
yang kantang yan eh saka hindi ko nga kilala si Anne Curtis”
Ewan
ko, ano ba’ng meron ka’t kikay na ‘to’y napaamo moNabihag mo ang puso kong pihikan, agad na-in love sa ‘yo
“seryoso
ka? Hindi mo kilala yun? Sikat na artista kaya yun. Siya yung host ng Showtime”
“Hindi eh. Hindi kasi ako mahilig manood ng
showbiz. Pareho kami ni Trace na adik sa anime. Kaya sila lang ang kilala
ko..hehe”
“Ganun? Eh bakit meron ka niyan?”
Ikaw ba ay ‘sang droga at naaadik ako
Isang kindat mo lang, mapapa-tumbling na ako
“baka
nilagay ng kapatid kong babae..hiniram niya kasi yang player ko. Nakalimutan
sigurong tanggalin.”
“ahhh...talaga...may kapatid ka pala”
“yup. Highschool”
“I see”
Walang hiya ka, Kupido
Nasira’ng schedule ko
Putres na kabaliwang ito
Dumaan na naman ang katahimikan sa amin. Tanging
boses lang ni Anne ang maririnig. Sa isip ko sinasabayan ko ang kanta niya.
Alam ko kasi yang kantang iyan dahil fan ako ni Anne.
“Pupunta ka ba sa Linggo?” napalingon ako kay
Gray. Nagulat naman ako kasi bigla siyang nagsalita.
“Linggo? Bakit anong meron?”
“Nagyaya sina Paul sa Enchanted Kingdom”
Lumalaki na’ng eyebags ko
‘Di makatulog dahil sa ‘yo
Nagmumukhang zombie na ako
‘Di mapakali; ano ba ‘to
“ahhh talaga? Yun pala yung tinext sakin ni
Regine.”
“Oo. Pre-birthday celebration daw niya eh”
“hindi pa ako nakakapunta sa EK. Hindi kasi ako
nakasama nun kina Demi kasi may sakit ako”
“talaga? Eh di sama ka”
Sana lang
mapapansin mo rin ang kagandahan kong itoHirap na kasi ang lola mo nabaliw na ata sa kapapantasya sa ‘yo
“Kung sasama si Demi”
“Pilitin mong sumama. Or kahit hindi siya sumama
sama ka pa din para masaya.”
“ganun? Bakit naman?”
Daig mo pa si Pacman, napatumba ako
Isang sulyap mo lang, natotorete na ang utak ko
“eh kasi sabi mo hindi ka pa nakakapunta dun eh.
Saka mas marami mas masaya”
“sabagay...sige sana makasama ako”
“Ipagpepray ko yun” nakangiting sabi niya.
Walang hiya ka, Kupido
Nasira’ng schedule ko
Putres na kabaliwang ito
“Hindi ka
lang pala gwapo. Mabait ka pala talaga”
“salamat” huminto na ang sasakyan “ nandito na
tayo” ang bilis naman.
“salamat ah..”
“Walang anuman..asahan kita sa Sunday ah”
Napangiti na din ako. “Sige” at lumabas na ako
ng sasakyan.
Hinintay muna ni Gray na makapasok ako bago siya
umalis.
Walang hiya ka, Kupido
Nasira’ng schedule ko
Putres na kabaliwan ito…
Tinamaan yata ako ah. Napailing nalang ako at
pumasok na sa loob ng bahay.
***
No comments:
Post a Comment