Wednesday, October 31, 2012

Friends Zone : Chapter 9





[Regine’s POV]


Abala kami sa paghahanda …bukas na ang araw na pinakahihintay ko. My 18th birthday. Ang taon kung saan pinakahihintay ng isang normal na babaeng tulad ko. Nasa bahay ngayon ang mga girls at tinutulungan ako sa pag-aayos ng souvenirs… minus Demi. Ewan ko kung nasaan siya. Pero okay na din na wala siya dito. After nung nangyare sa Enchanted Kingdom.. medyo dumistansya muna ako sa kanya. Mahirap na at baka makaaway ko lang siya. Mabadshot pa ako kay Jeirick.




“Hey! Do I really have to wear gown?” tanong ni Jhonah habang naglalagay ng ribbon sa mga cellophane kung saan ginawa naming pambalot.



Maalala ko….bigla nalang nag-missing in action iyang si Jhonah after naming sumakay sa Anchors Away. Naglibot mag-isa?? Pero kung sabagay naghiwa-hiwalay na naman lahat eh..nagkita-kita nalang kami nung kakain na.



“Of course!!! Formal party kaya iyon. Alangan namang magpants ka dun diba? Eh di kinaladkad ka palabas nung security ng hotel” nakairap na sabi ni Richelle dito sabay bato ng piraso ng cellophane.



“Ang epal mo talaga” nakasimangot na sabi ni Jhonah kay Richelle at tumingin sakin “You know naman that I’m not comfortable wearing girly dress” nakapout na sabi pa nito.



Nilapitan ko naman si Jhonah at tinabihan.



“I know…but could you give my birthday an exception? Minsan lang naman ako magdedebu eh.” Naglalambing na yumakap pa ako sa kanya.



“debu nga ni Richelle hindi ako nagdress eh”



“Eh kasi hindi naman nagdebu yan si Richelle..nag-outing lang tayo nun eh dahil putukan ang birthday niyan eh.”



“Oo na..oo na..may choice ba ako? Pwede bang wag nalang ako pumunta s debu mo?”



“Jonalyn!!!!” sigaw ko sa kanya.



“Aray ko naman. Sa tenga ko pa talaga ah..hindi mo naman kailangang sirain yung eardrums ko eh.”



“Basta pumunta ka. Kapag hindi ka pumunta itatakwil kita”



“takutin daw ba ako? Eh di nawalan kayo ng kaibigang tulad ko”



“Oo nga Regine..mawawalan tayo ng pet”



“napaka mo talaga Ichekoy! Nagsorry ka na ba kay Trace ha?!”



“Tapos na”



“sinabi mo yung sinabi ko?”



“Oo”



“anong sabi ni Trace?”



“wala ngumiti lang”



“Ahh…basted ka”



“ano???”



“wala..sabi ko maganda ka sana bingi ka lang”



“Ang epal mo Jho…”



“alam ko”



“aayusan kita sa debu ni Regine” prisinta ni Richelle. Gusto ko sanang tumawa kasi I’m sure pagtitripan lang siya ni Richelle eh.



“Huwag na noh! Mahal ko pa ang sarili ko. Ayokong magmukhang clown” todo-tanggi naman si Jhonah.



Hahaha…sabi ko na eh..alam kong alam niya ang tumatakbo sa isip niyan ni Richelle. Magkakarugtong na mga bituka namin eh.



“Kung sakali namang maging clown ka Jhonah..ikaw ang pinakamagandang clown” sabi naman ni Yesha. Ayun…nagsalita din siya..akala ko mananahimik lang siya eh.



“Hay naku wag na akong maging maganda basta wag lang ako magmukhang clown”



“sabagay…ayoko din namang maging clown.”



“alam mo ba Yesha takot si Regine sa clown” sabi ni Richelle.



“talaga??? Bakit?”



Oo takot ako sa clown…nakakatakot kasi ang hitsura nila eh..ewan ko ba kung bakit imbes na matuwa ako eh natatakot ako sa kanila…kaya nga nung bata ako wala akong clown kapag birthday ko eh…at hindi ako pumupunta sa mga birthday party na may clown. Kaya kapag nagbibirthday ang mga kaibigan ko hindi sila nag-iinvite ng clown kasi alam nilang takot ako.



“nakakatakot kasi sila eh” sagot ko kay Yesha.



“ahhh ikaw lang ang nakilala kong takot sa clown…sya nga pala..sino pang 18th roses mo…si Paul ba?” tukso ni Yesha.



“Yesha don’t say bad words okay?! Syempre si Jeirick ang pang 18th roses ko”



“Ha? Bakit si Kuya Jeirick? Diba dapat boyfriend mo?”



“Eh wala naman akong boyfriend eh..si Jeirick ang special guy sa buhay ko…and soon to be boyfriend…at saka kelan ka pa naging kapatid nila Jhonah?”



Bumaling si Jhonah at Richelle kay Yesha.



“Libre mangarap” sama ng dalawang ito ah!



Pero tahimik lang si Yesha. Hindi niya sinakyan yung biro nung dalawa.



“Yesha what’s wrong?” tanong ko.



“Wala” kaila naman niya. But I know that there is something wrong.



“Come on Yesha spill it out.” Pamimilit ko sa kanya.



“Oo nga…take it off!!!!”sigaw naman ni Jhonah  kaya binatukan ko siya.



Hindi pa rin nagsalita si Yesha. Bakit kaya? Nanahimik lang naman siya nung nabanggit si Jeirick eh…don’t tell me…



“Yesha may gusto ka ba kay Jeirick???” tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang-balikat.



“Wala ah” todo tanggi naman si Yesha.



“Then what is your problem?” nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at wala pala siyang gusto kay Jeirick ko.



“Hindi ko kasi alam kung sa akin dapat manggaling ito eh….pero kasi”



“Yesha! Wag mo na nga kaming bitinin okay? Ibibitin kita ng patiwarik” Jusmio naman kasi eh..may pasuspense-suspense  pang nalalaman itong si Yesha.



“Sina Jeirick at Demi na”



“Ano?????!!!”



Lahat kami halatang nashock…pero mas lalo naman ako.



“Is it true?



“Kelan pa?”



Magkasunod na tanong nila Richelle at Jhonah.



“Nung nagpunta tayo sa Enchanted Kingdom alam ko dun nag-umpisang manligaw si Jeirick tapos nung isang araw yata naging sila”



“Sigurado ka ba dyan Yesha?” tanong ni Jhonah sa kanya.



“Kung kay Demi lang manggagaling baka sakaling di pa ako maniwala. Pero kagabi nung hinatid ni Jeirick si Demi sa bahay nakita kong hinalikan niya ito. Hindi nila ako napansin kasi natatakpan ako ng halaman eh. Then tinanong ko si Demi kung sila nga..umamin naman siya” pagkukwento ni Yesha.



“Oh…My…GOD” parang nanghina naman ako bigla sa narinig ko. Kulang ang salitang shocked para idescribed kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.



“Richelle kumuha ka ng tubig” narinig kong utos ni Jhonah.



“Bakit ako ikaw na kaya”



“Ikaw ang malapit sa kusina eh..sipain kita dyan eh”



Naririnig kong nagtatalo yung dalawa para lang sa kung sino ang kukuha ng tubig pero hindi ko sila pinapansin…blangko ang isip ko…ganito pala ang pakiramdam.



All those years na minahal ko si Jeirick…mawawala na lang na parang bula dahil sa pagdating ni Demi…



“Redge sorry…” hinging paumanhin ni Yesha pero hindi ako sumagot.



“Hoy Regina okay ka lang ba?” tanong ni Jhonah



“Oh tubig” sabi naman ni Richelle



Naririnig ko silang nagsasalita pero pakiramdam ko nasa ibang dimension ako at hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para makawala sa dimension na iyon..parang….



Boogsh!!!!



Nagulat at napapitlag ako ng may maramdaman akong malamig sa mukha ko.



“Ano ba yun?!” sigaw ko.



“Hay salamat natauhan din” sabi ni Richelle.



Napakunot ang noo na napatingin naman ako sa kanila. Ramdam kong basa ang mukha ko.



“Anong nangyare?”



“Binuhusan ka ng tubig ni Jhonah sa mukha” turo ni Richelle.



“Anong ako? Ikaw kaya yun.” Tanggi naman ni Jhonah



“Ikaw yun!”



“Sira! Kung ako isang drum ang ibubuhos ko dyan kay Regine at hindi isang baso lang”



Hindi ko maintindihan ang pinagtatalunan ng dalawa kaya hindi ko nalang sila pinansin.



Niyakap ako bigla ni Yesha.



“Regine..sorry”



“Wala ka namang kasalanan eh”



“Okay ka lang ba?”



“I think so…I don’t know”



“wag mo masyadong intindihin yun…tomorrow is your big day. Kailangan mong maging magandang maganda” nakangiting sabi ni Yesha.



“Your right. Thanks Yesha”



Hindi pa rin tapos magtalo yung dalawa. Bahala sila sa buhay nila.


***


[Regine’s POV]



Araw ng debut ko. Sa isang malaking hotel ito ginanap. Kulay pink ang motif ko. My favorite color. Everything looks perfect. My gown was made by a famous designer in the country. Siniguro ni Mommy na magiging unforgettable ang araw na ito para sakin.



Yes. It is unforgettable. Because it’s the day my heart was broken into pieces. Kinumpirma ni Jhonah yung sinabi ni Yesha kahapon. Personal na tinanong nito ang kapatid kaya ganun nalang ang panlulumo at sakit na naramdaman ko. Idagdag pang kanina ko pa nakikitang magkadikit sina Demi at Jeirick.



I love him for Pete’s sake… si Jeirick lang naman ang regalong gusto kong makuha eh. I’ve been waiting for this day to come. Kung saan masasabi ko ng dalaga na ako para masabi ko na kay Jeirick ang nararamdaman ko. Pero bago pa man mangyari iyon eh naunahan na ako ng iba. Bakit ganun? Ang sakit lang eh.



Saka bakit ba nandito yan si Demi sa birthday ko? Hindi ko naman siya inimbita ah? Haay!!! Joke lang yun. Invited naman talaga siya eh..iniisip ko lang na sana hindi na siya pumunta.



Isa pang hindi ko maintindihan eh bakit biglang naging si Paul ang escort ko ngayong gabi?



Then it was the turn for me to dance my 18th roses. The 18 guys who are special in my life. The first dance was my father. Followed by my two brothers, cousins, closest friends in school and the boys from my unofficial group.



“You’re such a nice girl..always stay the same” nakangiting sabi ni Gray nang iabot nito sakin ang rose at isayaw ako.



“You’re sweet and charming” sabi naman ni Marky.



“You’re cooking is great” nakangiting sabi ni Trace.



“Kung hindi lang kita kilala mula pagkabata, niligawan na kita” biro naman ni Laxus sakin.



“Everything happens for a reason. Don’t make that thing a burden to you” payo naman ni Earl.



It was now Paul. My escort and 17th rose.



Now playing : I’ll be there by Julie Anne San Jose


First time I laid my eyes on someone like you


Inabot niya sakin ang rose. Tinanggap ko naman. Balak ko pa sanang wag tanggapin eh.


“pwede bang truce muna tayo?” pakiusap ni Paul sakin at inilahad ang kamay sakin.


“Ngayon lang” sabi ko at tnanggap ang kamay niya.



“I know what you feel…” sabi ni Paul habang nagsasayaw kami.



I can’t forget the hour, that moment with you



“No you don’t” bulong ko naman.



“yes I know…” bulong din ni Paul malapit sa tenga ko.



Then I have realized, love is growing deep inside
I feel the beating of my heart



“..I’m sorry for all the things that I’ve done…I will take this opportunity to say these things to you…”


Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies



 “…dahil alam kong pagkatapos ng gabing ito hindi mo na naman ako pag-uukulan ng pansin”



And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end



“….i love you Regine”



We belong together, always and forever



Napa-angat ang mukha ko upang tumingin kay Paul. Gusto ko sanang magsalita pero inabot na niya kay Jeirick ang mga kamay ko.



“It was now your turn bro” sabi nito at umalis na sa dance floor.



Call my name and I’ll be there. . . . .



Gusto ko sana siyang habulin pero bakit???



Spending my days and nights just thinking if you
How you make me wanna smile with the things that you do



Si Jeirick na ngayon ang kasayaw ko. The first guy that I’ve love.



“I’ve known you since you’re young. You’re sweet at napakakulit. But I still like you. Mas malapit ka pa nga yata sakin kesa kay Jhonah eh….”



When will I hear you say, love is coming on your way
And that you start to feel the same



“…I know that you like me…but you see Redge… I only see you as a younger sister. I’m sorry”


Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there



Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Agad akong yumuko upang ikubli ang mga ito.



Younger sister…yun lang ang tingin sakin ni Jeirick…ang lalaking mula noon eh minahal ko na.  Pakiramdam ko eh napakatagal ng pagsasayaw namin. Kung pupuwede lang ay ayoko ng bumitaw pa sa kanya. I don’t want to let go of him.
I want to savor this moment. dahil batid kong pagkatapos ng gabing ito…malaki ang mababago sa buhay ko.



After this night…I have to let him go.



“…I’m not the right guy for you”


Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
Coz’ every day, every night, I keep looking at the skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there…



***


[Jeirick’s POV]



“Has anyone seen Jhonah?” tanong ko sa mga kasama ko sa mesa.



Katatapos lang ng 18th roses. It was now the turn for the 18th candles at isa ang kapatid ko sa participants pero kanina ko pa siya hindi nakikita sa paligid.



“Oo nga noh? Magmula pa kanina di ko pa siya nakikita” sagot ni Paul at luminga-linga sa paligid.



“Sino ba ang kasama niyang pumunta dito?” tanong din ni Gray



“Sabi ko kasi dito nalang kami magkita eh. Sinundo ko pa kasi sina Demi sa kanila.”



“wala naman akong nakikitang naka t-shirt at pants saka baseball cap na pagala-gala sa paligid eh.” Biro ni Marky



“Adik ka ba? Eh di hindi siya pinapasok. Alam mong strictly formal itong party eh.” Sabi naman ni Gray



“Hala ka Jeirick…baka dinampot na ng security ng hotel na ito ang kapatid mo…mabuti nga yun at ng mawala na ang kontrabida sa buhay ko” pang-aasar ni Laxus.



“Magsitigil nga kayo. Nag-aalala na si Jeirick puro pa kayo kalokohan” saway ni Earl.



Bigla namang nagsitigil sa pang-aasar ang mga lalaki. Natakot yata eh.



“Busy ka kasi masyado sa girlfriend mo kaya di mo na napapansin ang kapatid mo. pero wag kang mag-alala..malaki na yung si Jhonah. She can take care of herself” pang-aalo ni Trace.



Lahat kami ay napatigil sa pagsasalita ng marinig ang pangalang binanggit ng host ng party.



“And now. For the girl who’s giving the 18th candle, let’s welcome one of the debutante’s bestfriend… Miss Jonalyn Madrigal”



Natahimik bigla ang mga tao sa bulwagan ng hotel ng umakyat sa stage ang kapatid ko. Lahat ay natulala at maging ako man ay nagulat din.



Maya-maya lang ay napuno ng malakas na palakpakan ang buong paligid.


***

No comments:

Post a Comment