[Jhonah’s
POV]
“Ano
ba Jonalyn?! Hindi ka na ba aalis dito? Hanggang matapos ang party dito ka
nalang? Gusto mo bang kalbuhin ka ni Regine ha?” sabi ko sa sarili ko habang
nakaingin sa salamin.
Kanina
pa ako sa restroom ng hotel na iyon. Hindi ako makalabas kasi nahihiya ako eh.
It was my first time wearing a dress. Pakiramdam ko eh nagpapakatrying hard ako
na maging babae.
“Mukha
kang babaeng bakla” pang-aasar ko sa taong nakikita ko sa harap ng salamin.
“Sabi
naman ni Mommy bagay daw sakin..ang ganda ko naman daw” sabi ko ulit.
“Syempre
si mommy yun eh…natural sasabihan ka nun ng maganda”
Tama
yan..para akong tangang umaarte na parang may ibang personality ang katawan ko.
Sira ulo talaga ako.
I’m
wearing a lavender tube dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba ..
exposed
yung legs ko.. Pinasadya pa talaga ito ni mommy nung malaman niyang aatend ako
ng party. Pinaayusan at pinamake-upan din ako. Pakiramdam ko nga para akong
robot na sunud-sunuran lang sa gusto ng mommy ko kanina. My mom is a social
butterfly. Masyado itong fashionista kaya nga ganun nalang ang disappointment
niya nung naging boyish ako.
Muli
kong tinitigan ang sarili ko sa harap ng salamin. Pakiramdam ko ibang tao ang
nakikita ko.
“Ako
ba talaga ito? Anong ginawa sakin nung baklitang yun?”
Lalo
akong pumuti sa suot kong damit. Exposed din ang mga balikat at likod ko. Baka
bukas may pulmonya na ako dahil sobrang lamig ng hotel na ito. Yung mahaba kong
buhok na hanggang bewang eh kulot-kulot yung dulo…style daw yun sabi nung
baklita. Mabuti na nga lang at manipis lang ang pagkakamake-up niya sakin
eh..akala ko gagawin akong clown. Pero sa totoo lang…natutuwa ako sa babaeng
nakikita ko sa harap ng salamin.
Sige
na nga…kahit ngayong gabi lang…sasabihin ko sa sarili ko…
“Ang
ganda ko pala maging babae”
Napabuntong-hininga
ako ng marinig na tinawag na ang pang 17th candles na walang iba
kundi si Richelle. Ako na ang kasunod.
“This
is it” sabi ko sa sarili at huminga ng malalim bago lumabas ng restroom.
Dahan-dahan
ang ginawa kong paglalakad. Heto na yata ang pinakamalaking parusa sakin ng
mommy ko… 3 inches ang takong ng sandals na suot ko. Mas lalo akong tumangkad
dahil sa takong na ito… pero syemay naman eh…natatakot ako na baka matapilok o madulas ako. Nakakahiya yun.
Kailangan ko ng 1000000000x na pag-iingat.
“And
now. For the girl who’s giving the 18th candle, let’s welcome one of
the debutante’s bestfriend… Miss Jonalyn Madrigal” anang host ng party.
Dahan-dahan
ang ginawa kong pag-akyat sa stage. Parang nagkaroon ng isang malaking peace
talk dahil tumahimik ang buong paligid. Grabe nakakahiya ang pinag-gagawa ko.
Siguro iniisip ng mga taong ito na may nag-landing na Alien sa hotel.
Super
kabado ako. Gusto ko ng matapos ang gagawin ko para makaalis na ako dito. Sanay
naman ako sa crowd dahil madalas akong humarap sa mga tao kapag lumalaban ako
at hindi naman ako kinakabahan. Pero ngayon sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko.
Maybe because I know that this people are staring at me and they see me in a very
different way. Sana
pala talaga hindi na ako umatend ng debu na ito.
Paglapit
ko kay Regine ay humalik ako sa pisngi
niya, iniabot yung candle at nagbigay ng message.
“Alam
ko minsan nakakainis ako…naiinis ka na sakin…wag kang mag-alala kasi ganun din
naman ako sayo…pero normal naman iyon diba sa magkakaibigan? Normal ang
tampuhan…ang away…ang mahalaga..at the end of the day you could still call each
others as your friend… Redge…kahit ikaw pa ang pinaka OA na tao sa buong
mundo…ikaw pa din ang bestfriend namin ni Richelle. Pasensya na hindi ako
magaling magbigay ng message eh…”
Pero
bago umalis ay bumulong pa ako kay Regine.
“May
utang ka sakin..ang sakit ng paa ko..lilibre mo ako starbucks” bulong ko
dahilan para mapahagikgik si Regine.
Sa
wakas ay natapos na din. Bigla nalang nagkaroon ng masigabong palakpakan ng matapos
akong magsalita. Ano ako nanalo sa contest???
Pababa
na ako sa stage nang makita kong nag-aantay sa ibaba si Earl at nakalahad ang
mga kamay sakin. Ano namang problema ng isang ito? Nanghihingi ng pera???
Balak
ko sanang dedmahin pero hinawakan na niya ang kamay ko…ayun kaya naman pala
eh..para alalayan ako makababa…naks..nagpapakagentleman ah. Syempre dahil takot
akong matapilok eh nag-paalalay na din ako… babae ako ngayon…kaya dapat
mag-ingat.
Akala
ko ay bibitawan na niya ang kamay ko ng makababa ako sa stage pero hanggang sa
ibaba eh hawak niya pa din ang kamay ko.
“Kanina
ka pa hinahanap ni Jeirick” sabi ni Earl.
“Earl..yung
kamay ko bitiwan mo na..okay na ako”
“baka
matapilok ka pa..tatawanan ka pa ng ibang tao..gusto ko ako lang nag magtatawa
sayo”
“sama
ng ugali nito…mukha na nga akong bakla eh ipinapanalangin mo pang sana matapilok ako” bakit
ba ang layo naman ng mesa nila kuya? Nasasanay na akong ka HHWW itong si Earl.
“Sinong
nagsabing mukha kang bakla?”
“wala..ako
lang”
“tch…ang ganda mo nga eh” teka? May sinabi ba
si Earl?? Hindi ko narinig eh.
“Anong
sabi mo?” tanong ko.
“Wala…sabi
ko bingi ka”
“Narinig
ko sabi mo maganda eh…sino? Si Regine? Syempre dapat lang naman noh birthday
niya eh…I mean debu niya pala”
“Yes…Regine
is pretty but she’s not happy”
“Napansin
mo din pala yun?” napabuntong-hininga ako. “ stupid kasi si kuya eh”
Sa
wakas after 50 years ay nakarating din kami sa mesa nila kuya.
“My…my…my…look
who’s here” sabi ni Laxus ng makalapit kami. Agad akong nilapitan at inikutan
nito. “Who are you and what did you do to Jhonah?”
“Shut
up Laxus!!!” asik ko.
“Bakit
may HHWW kayong drama dyan ni Earl “ puna ni Richelle at tumingin sa kamay kong
hanggang ngayon ay hawak pa din pala ni Earl. Agad naman akong bumitaw sa
kanya.
“HHWW
ka dyan…tumigil ka Richelle ah” nakasimangot na sabi ko.
“Hey…you
shouldn’t behave like that especially when you’re wearing a girls dress” saway
ni Marky.
“Kelan
ka pa naging babae?” asar ni Paul
Naiinis
na sinimangutan ko ang mga ito.
“ang
epal niyo…sabi ko na eh..hindi na dapat ako nagsuot ng ganito. I look weird..kita
niyo nga at pinagtatawanan niyo ako..alam ko mukha akong bakla” himutok ko at
umupo sa nakalaang chair. “Mukha akong ewan”
Hinawakan
naman ni Trace ang kamay ko.
“Anata wa totemo utsukushii desu” (you are so beautiful)
“Iie (No) I’m not beautiful”
“Yes
you are…hindi ba Earl?” baling ni Trace kay Earl.
Pero
imbes na sumagot eh tinanggal ni Earl ang kamay ni Trace na nakahawak sa kamay
ko.
“Ako
lang ang may karapatang humawak sa kamay niya” seryosong sabi nito.
Agad
namang nagtaas ng kamay si Trace.
“Jhonah…wag
mong masyadong pagpapansinin yang mga iyan…di lang talaga nila matanggap na
ganyan ka kaganda” parang nakakalokong sabi ni Gray at tinignan ang mga boys na
animo isa akong isda na pinepresyuhan.
“Sabagay…I
always see Jhonah as one of the boys kaya hindi ko siya masyadong napapansin
bilang babae” sang-ayon ni Marky.
“Kahit
pa nga madalas niyang kasama sina Regine at Richelle eh hindi siya nagbabago ng
ayos at kilos…dapat kasi Jho magpakababae ka na lagi para naman maligawan ka
na” sabi naman ni Paul
“Naku
kapag nangyari iyon…paano naman yung isa diyan” parinig ni Laxus.
“basta
Jhonah kapag may gustong manligaw sayo ipakilala mo agad sakin ah at ng
makakaliskisan ko” sabi naman ni kuya Jeirick.
“tama…kaming
pito ang unang dapat niyang ligawan bago siya makalapit sayo” dugtong ni Marky
“Hindi
siya dapat lalampa-lampa” sabi ni Paul
Nakakarindi
na sila ah. Bakit ba ako ang pinagkakaisahan nila.??
“Pwede
ba?? Will you cut it out??? Wala akong planong magpaligaw kaya pwede manahimik
kayo???” nakukunsuming sabi ko sa kanila.
Nag-iba
lang ako ng ayos mukha ng mga myembro ng military ang mga lalaking ito kung
makaasta samantalang mas malakas naman ako sa kanila.
“Hay
naku…ayoko ng maging babae”
***
[Jhonah’s
POV]
“Hay
naku this is why I hate wearing sandals…nagkakapaltos ang mga paa ko…feeling ko
forever na akong di makakapagsapatos nito eh” himutok ko habang naglalakad
papuntang parking lot ng hotel.
Katatapos
lang ng party at nag-uuwian na ang mga bisita. It’s amost midnight. Samantalang
sina Regine eh may reservation na sa hotel na ito kasama ang family niya. Ako
na yata ang pinakahuling umalis. Nagkwentuhan pa kasi kami ni Regine…or rather
naglabas ng hinanaing niya si Regine. Si Richelle kasi sinundo ng kuya niya. Oo
may kuya yun…gwapo…may kapatid…maganda…hindi ko alam kung kanino nagmana si Richelle.
Nagulat
pa ako ng makita si Earl sa may parking lot.
“Bakit
nandito ka pa? May hinihintay ka?” takang tanong ko sa kanya.
“Ikaw”
tipid na sagot naman niya.
“bakit
mo naman ako hinihintay? Susunduin naman ako ni kuya eh..umuwe ka na” pagtataboy
ko kay Earl.
“That’s
why I’m here. Kinausap ako ni Jeirick na kung pwede ako na daw ang maghatid
sayo since sa iisang village lang naman tayo nakatira. Ihahatid niya pa kasi si
Demi sa kanila and masyado ng gabi kung babalikan ka pa niya dito” ani Earl at
nagpauna ng maglakad papunta sa kinapaparadahan ng kotse niya.
Subalit…datapwat..pero…ngunit…
..hindi
ako sumunod kay Earl.
“nagkaroon
lang siya ng girlfriend pinababayaan na niya ako” nagtatampong sabi ko at umupo
sa sahig. Wala na akong pakialam kahit na nakadress pa ako..wala akong pakialam
kahit mahal ang bili ni mommy dito..wala akong pakialam kung isang lingo akong
pagagalitan ni mommy kasi nasira yung dress ko…at higit sa lahat wala akong
pakialam kahit magmukha pa akong tanga sa ginagawa ko..basta masama ang loob
ko.
Napilitang
huminto si Earl sa paglalakad at binalikan ako. Tumayo siya sa harapan ko.
“Hindi
ka pinababayaan ng kapatid mo kaya nga nandito ako eh kasi pinakiusapan niya
ako..kung pinababayaan ka na niya eh di sana
hindi niya ako kinausap para ihatid ka” hinawakan ako ni Earl sa balikat at
pilit itinayo. “ and besides..lalaki ang kapatid mo..hindi masama na
magkagirlfriend siya..it’s about time na rin naman”
“and
now you’re here taking his position and acting like a big brother to me”
sarkastikong sabi ko.
Binitawan
ni Earl ang balikat ko at masama ang mukha na binalingan ako.
“I’m
not acting a big brother to you because I don’t even see you as a younger
sister” sabi nito at tinalikuran na ako.
“Okay
fine…ayoko din namang maging kapatid ka….sinong makakatyaga sa ugali mo noh?!”
nakasimangot na sagot ko at sumunod na din sa kanya. Wala naman akong choice
eh.
Wala
kaming imikan habang naglalakad sa parking lot. Pinipilit ko nalang na wag
mapangiwi ng malakas dahil sobrang sakit na talaga ng paa ko. Ayaw kong
ipahalata kay Earl na nasasaktan na ako. Peste naman kasi nasaan ba yung kotse
niya? Bakit ang layo naman. Pinaparusahan yata ako nito eh.
“Malayo
pa ba?” hindi na ako nakatiis magtanong.
“Malapit
na”
“aaaahhhh!!!!
I can’t take it anymore” biglang sigaw ko at hinubad ang suot na sandals. Tama
na ang pagpapanggap. Hindi na baleng maglakad ako ng nakapaa kesa naman
habang-buhay na akong di makapaglakad.
“Whatttt???
Walang pakialaman okay?” singhal ko kay Earl ng mapansing nakatitig siya sakin.
Ganun
nalang ang gulat ko ng walang ano-ano’y nakalapit agad sakin si Earl at binuhat
ako.
“Hey!!!
What are you doing??!!!” gulat na sabi ko at hindi malaman kung saan ako
kakapit upang wag mahulog.
“Diba
sabi mo masakit na ang paa mo?” parang walang anuman na sabi nito habang buhat
ako.
Wala
na akong nagawa kundi ang kumapit nalang sa leeg niya habang bitbit ko ang
sandals ko. I don’t know why but I feel secured in his arms. Ang bango-bango
padin ni Earl kahit gabi na samantalang ako hindi ko na alam kung anong hitsura
at amoy ko.
Hmm…maamoy
pa nga..nakakaadik eh. Lalo ko pang isiksik ang mukha ko sa dibdib niya..babae
naman ako ngayon diba? Mamanyakin ko muna si Earl. Haha..
Heaven….
Naku
kung malalaman nila Regine at Richelle ang pinagagawa ko baka pinabendisyunan
na ako nun sa pari.
“Earl..bakit
ang bango mo?”
“So
you like my scent ha? Marunong ka din palang mag-appreciate ng amoy ng lalaki”
“Oo
naman noh…” muli ko pang sininghot si Earl..uubusin ko ang amoy
niya..bwahahaha!!! “Your scent smells…sexiness”
Napakunot
naman ang noo na tinignan ako ni Earl.
“Saan
mo naman natutunan iyan?”
“Ewan
ko nga ba…bakit kapag ikaw ang kasama ko pakiramdam ko nawawala ako sa sarili
ko. Hindi naman madumi ang utak ko katulad ni Richelle. Hindi rin naman berde
ang utak ko tulad ni Regine..pero bakit ako nagkakaganito kapag ikaw ang kasama
ko?” (yawn)
napahikab ako…inaantok na ako…ang bango naman kasi ng unan ko.
Hindi
umimik si Earl kaya natahimik na din ako dahil inaantok na ako. Masyado siguro
akong groge kaya hindi ko namanlayan na naibaba na pala ako ni Earl sa
passenger seat at nakaligid na siya papunta sa driver seat.
Pasulyap-sulyap
ako kay Earl habang nagmamaneho siya. Bakit ngayon ko nga lang ba napagtuunan
ng pansin….ang gwapo pala talaga ni Earl…Pero syempre nunkang sabihin ko yun sa
kanya. Baka magka hydrocephalus pa ito.
“Why?
Masakit pa ba ang paa mo?” tanong nito sakin.
Saglit
na saglit lang ang pagdaan ng emosyon sa poker face na mukha ni Earl pero sa
saglit na iyon nakitaan ko siya ng pag-aalala kaya hindi ako agad nakasagot
dahil na- off guard ako. Basta nakatitig lang ako sa mukha niya.
“Jhonah?
Are you allright?” tanong ni Earl at itinabi ang sasakyan sa gilid at marahang
tinapik ang pisngi ko.
Bigla
naman akong napapitlag ng maramdaman ang mga kamay ni Earl sa pisngi ko dahilan
para maitulak ko siya.
“Sorry…I
just want to know kung okay ka lang ba” hinging paumanhin nito at ibinaling sa
labas ng bintana ang tingin.
“Okay
lang ako” sagot ko at wala sa loob na napahawak sa braso ko.
Inakala
naman siguro ni Earl na nilalamig ako kaya hinubad niya ang coat niya at
ibinalabal sa balikat ko at hininaan ang aircon.
“Salamat”
sabi ko.
“No
problem” sabi naman ni Earl at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.
Ibinaling
ko nalang ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Wala na halos motoristang
dumadaan. Wari’y napakatahimik ng gabi. Hindi ko maintindihan kung bakit parang
naiilang ako na kaming dalawa lang ni Earl ang magkasama.
“Ano ka ba naman Jonalyn!!! Si Earl
lang yan okay??? Si Earl lang!!! si Prince Sungit yan!!! Kaya walang dahilan
para umakto kang parang nababaliw dyan…kelan ka pa nagpadala sa mga lalake
ha???” sermon ng “matinong” bahagi
ng isip ko.
“Bakit nga ba ako nagkakaganito?” bulong ko sa sarili at wala sa loob na niyakap ang
coat ni Earl.
***
[Earl’s
POV]
Tulog
na tulog si Jhonah. Napagod siguro. Nandito na kami sa labas ng bahay nila.
Pinakiusapan kasi ako ni Jeirick na ako nalang ang maghatid pauwe kay Jhonah
dahil ihahatid pa niya si Demi. Sa totoo lang kanina pa din ako pagod. Gusto ko
na nga sanang umuwe na agad pero ewan ko ba kung ano ang pumipigil sakin para
umuwe agad.
Kanina
sa party halos lahat ng tao nagulat ng makita si Jhonah. Aminin ko maski din
naman ako. Ang ganda niya kasi….at ewan ko ba parang inatake ako ng kagustuhang
protektahan at bakuran siya. Siguro dahil kapatid siya ng bestfriend ko…pero
sino nga ba ang lolokohin ko….alam ko sa sarili ko ang totoong dahilan.
“Jhonah”
akmang gigisingin ko siya ng matigilan ako.
She
looks like an angel sleeping. Her lips are slightly parted. I gently touched
her soft skin. Para sa isang tulad nitong boyish at walang pakialam sa sarili
napakakinis ng balat niya.
“Ano
bang ginagawa mo saking babae ka? Ano bang dapat kong gawin sayo?” I asked frustrated.
“You look like an angel when you’re sleeping. But you look like a tiger when
you’re awake…” I touched her face again as I run my fingers to her nose, to her
cheeks and down to her parted lips. “…but
it doesn’t stop me from falling for you” with that I lower my face and
claim her lips slowly and gently.
After
that sumandal ako sa upuan with a smile on my face.
“Nandito
na ba tayo? Nakatulog pala ako” maya-maya ay nagising na din siya.
Itinago
ko ang mga ngiti ko at walang emosyon na tinignan siya.
“Bumaba
ka na…inaantok na ako. Uuwi pa ako” sabi ko sa kanya.
“bakit
kasi hindi mo ako ginising eh. Sira ulo ka din” pagtataray niya sakin at bumaba
na ng sasakyan. Nakalimutan niya yatang suot niya pa din yung coat ko.
Hindi
man lang nagpasalamat??
Paalis
na sana ako ng
lumabas ulit sya gate at kinatok ang bintana ng kotse ko. Binuksan ko naman
yung bintana.
“Oh?
Problema mo?” tanong ko sa kanya.
“Salamat”
hinubad niya yung coat ko. “Salamat din dit o” sabay bato sakin nung coat ko.
Grabe siya magpasalamat ah…ibinato ko naman pabalik iyon sa kanya “labhan mo
yan. Nandyan na yung amoy mo eh”
“Aba???!!! Wag kang
mag-alala..pati amoy mo tatanggalin ko dito!!!” at nagmarcha na ito papasok sa
bahay nila.
Pinaandar
ko naman na yung kotse paalis. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay inihinto ko
muna ito sa isang tabi at buong giting na tumawa ng malakas. Ngayon nalang ako
tumawa ng ganito.
“Kahit
hindi ka na magthank you…nakuha ko na naman yung bayad mo” and with a smile on
my face I drive myself home.
[Season 1 End]
No comments:
Post a Comment