It’s Complicated kasi…
No matter
how we try to be mature,
We will
always be a kid when we get hurt and cry.
***
[Jhonah’s POV]
“Panget”
Napatigil
ako sa paglalakad sa kalye ng may narinig akong nagsalita. Pero hindi ko
sinubukang lumingon. Bakit naman ako lilingon eh hindi naman panget ang
pangalan ko?
“Pssst! Panget”
Ipinagpatuloy
ko pa ulit ang paglalakad. Bahala siya sa buhay niya. Mamatay na siya.
“Hoy! Bakit hindi ka namamansin?
Suplada ka ah!”
Napatingin
ako sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na…. na walang iba kundi ang prinsipe
ng kasungitan.
“Bakit naman kita papansinin? Eh hindi
naman panget ang pangalan ko?”
“Arte mo!”
“Epal ka!”
Tinalikuran
ko na si Earl..sinisira lang niya ang araw ko. Pero ang damuho at talagang
sinundan pa rin ako.
“Bakit naglalakad ka? Nasaan si
Portia?” yung kotse ko ang tinutukoy
niya.
“Gamit ni kuya…nasa talyer kasi yung
kotse niya….oh ikaw bakit naglalakad ka? Hindi naman dito ang way papunta sa
bahay niyo ah..naliligaw ka?”
“Mukha ba akong naliligaw?”
“Hindi.. mukha kang adik…lumayas ka sa
harapan ko”
“Sungit nito”
“Kelan ba ako naging mabait?” Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad. “Oh bakit sumusunod ka pa din?”
“Di kita sinusundan..assuming ka
masyado…pupuntahan ko si Jeirick”
“Wala sa bahay si Kuya… may date sila
ni Princess Demi”
“Ahhh..eh di pupuntahan ko nalang si
Paul” sa iisang subdivision lang
kasi kami nakatirang apat. At magkapit-bahay lang kami nila Paul.
“Wala si Paul…may date sila ni Regine”
“Ano ba yan! Puro sila may date… sino
ng yayayain ko magbasketball?”
Napatingin
ako sa kanya… hindi naman siya nakapang basketball eh.
“Maghanap ka na lang din ng kadate mo….”
“Nah! Mas gugustuhin ko nalang na
magbasketball”
“…..sabagay….wala namang magtyatyagang
babae sa ugali mo”
“Anong sabi mo? Hindi mo ba alam na
maraming babae ang nagkakandarapa para lang pansinin ko?”
“Hindi… at wala akong pakialam sa babae
mo”
Imagine..
nakarating kami sa bahay ng di natutuyo ang dugo ko? Sabagay… konti nalang at
matutuyo na siya…
“Oh? Ba’t andito ka pa? tsupi na..wala
si kuya dito at wala din si Paul” at
tinangka kong isarado yung gate kaso agad naman niya itong napigilan.
“Panget…”
“Oh? Anong kailangan mo? Wala akong
pera”
“Marami na ako nun”
“Eh ano nga?” iritableng tanong ko.
“Tayo nalang magdate”
“Mukha mo!” at isinarado ko na ang gate pabalibag sa mukha niya.
Adik
na yun! Balak pa akong pagtripan! Hah! Akala niya madadala niya ako sa
pangloloko niya?! Wais yata ito!
Pero
teka…bakit parang ang bilis yata ng tibok ng puso ko?
Hayyy!
Napagod siguro ako sa paglalakad. Makapagpahinga na nga lang.
***
[Earl’s POV]
Pinagmasdan
ko nalang ang saradong gate ng ibalibag iyon pasara ni Jhonah. Mabuti na lang
at naialis ko agad ang kamay ko bago pa niya isara yung gate..kundi baka naipit
na ako. Amasona talaga yung babaeng yun kahit kailan.
“Tayo
nalang magdate”
Tsk!
Ano bang pumasok sa isip ko at nasabi ko yun?
Sira-ulo
ka talaga Earl!
Paalis
na sana ako ng
bahay nila Jhonah nang biglang bumukas yung gate.
“P-pasok ka muna…nagluto si Manang ng
biko” hindi makatinging imbita sakin
ni Jhonah. Guilty yata ang luka-luka sa pagbalibag sakin ng gate.
“Parang labag naman yata sa loob mo
eh.” Pang-aasar ko sa kanya with my
most suplado look.
“Kung ayaw mo eh di wag. Mukha mo!” akmang isasara na naman sana niya yung gate pero maagap ko ng
nahawakan iyon at naipasok ang sarili ko sa loob.
Talk
about reflexes.
***
[Gray’s POV]
“Trace seryoso ka ba dyan sa pinapasok
mo ha? Gulo yan pag nagkataon eh.”
“Alam ko ang ginagawa ko Gray…don’t
worry”
“Hindi naman ako sayo nag-aalala
eh..kay Richelle. She doesn’t deserve this Trace”
“Mind your own business Gray”
Napabuntong-hininga
nalang ako. Wala na talaga. Sarado na ang utak nitong bestfriend ko.
Mula
nung bumalik si Yvette alam kong may “something”
na sa kanilang dalawa ni Trace. Hindi man official na nagkabalikan yung dalawa
still ang malinaw ay niloloko ng bestfriend ko si Richelle.
“If you still love Yvette, better break
up with Richelle. Hindi yang ganyan.”
“I said mind your own business Gray”
Tumahimik
nalang ako. Wala ng reason para makipagtalo pa sa isang taong sarado ang utak.
***
[Demi’s POV]
“This is life… thank you for bringing
me here Hon” I lovingly look at
Jeirick who’s now lying on my lap.
Kasalukuyan
kaming nasa Tagaytay. Dito ako naisipang dalhin ng boyfriend ko.
“You’re very much welcome Hon..alam mo
namang all I want is the best for you”
“That’s why I love you so much”
“I love you too”
Ako
na ang kusang humalik sa labi niya. What could I ever ask for? I have the best
boyfriend in the world…well technically…in my world…but who cares?!
Jeirick
is a man full of surprises. Nung minsan ay sinorpresa niya ako by putting
petals of red roses around my bed. Kinuntsaba niya pa nun si Yesha at yung mga
maids namin. Then one time, he serenades me in front of my class. Isn’t he
sweet? Kaya naman hindi ako papayag na may eepal sa relasyon namin.
“Did I ever told you that you’re so
beautiful?” nakangiting tanong sakin
ni Jeirick.
“Well everyday…but I’m still willing to
hear it” I playfully brush his soft
hair with my hands.
“You are the most beautiful girl in the
whole wide universe”
“And you’re the most bolero in the
whole universe” nanggigigil na
kinurot ko siya sa ilong.
“Of course not…totoo naman ang sinasabi
ko”
“I know… that’s why I love you”
He
put his hands at the back of my neck and gently pull me towards him.
“I love you too” and he kissed me in the lips ignoring the people around
us.
***
[Richelle’s POV]
“Hay naku espren! Nakakainis yang si
Trace ah! How could he forget your special day?!”
Nakahalukipkip
na sita sakin ni Regine. Kanina pa kasi ako ngumangawa na parang baka dito sa
bahay namin. Tinawagan ko kasi si Regine para may mapagsabihan ako ng problema.
Kaso nung pumunta siya dito kasama naman niya sina Paul at Laxus. Naglalaro
pala kasi sina Paul at Laxus ng Basketball ng tawagan ko si Regine at sabihing
may problema ako. Kaya ayun sumama na din yung dalawa. Mga tsismoso kasi.
“Malay mo naman may surprise pala siya
sayo” pag-aalo ni Paul
“Surprise??? Paul naman…kahapon ang monthsary
nila Richelle at Trace..lumipas na ang 24 hours…hindi na surprise yun noh!” singhal ni Regine sa boyfriend niya.
“Hey! Hindi ako ang kalaban dito?”
Mamaya
mag-away pa itong magjowang ito dahil sa amin ni Trace.
“Redge…wag mong awayin si Paul…wala
naman siyang kinalaman sa problema namin ni Trace eh” sa pagitan ng pag-iyak ay saway ko sa kanya.
Inabutan
naman ako ng tissue paper ni Laxus. Kataka-takang tahimik itong kolokoy na ito.
“Oo nga naman Mahal ko….bakit ako ang
inaaway mo” naglalambing na yumakap
si Paul sa bewang ni Regine na agad namang tinanggal ng huli.
“Hay naku Paul tumigil ka nga..naiinis
kasi ako kay Trace eh..napakainsensitive naman kasi niya.. kabago-bago palang
nila ni Richelle at ayan nagloloko na siya.. tama ba namang kalimutan niya yung
monsary nila? That’s so mean!”
Mukha
highblood nga talaga itong bespren ko. Ayaw paawat eh.
“Eh kasi lalaki si Trace..ang mga boys
hindi matandain sa mga petty things”
“Petty things???!!!!” sigaw ni Regine.
“kelan pa nagging petty things ang Monsary ha?! Ikaw Paul ah kinakampihan mo ba
si Trace??”
“hindi naman sa kinakampihan ko si
Trace… baka busy lang yung tao”
“Busy??? Eh ang sabi naman ni Gray wala
naman daw silang masyadong activity sa school para ikabusy niya…baka sabihin mo
busy sa ibang babae”
“Hindi naman siguro sa ganun” pagtatanggol parin ni Paul kay Trace.
“Ganun yun! Ikaw nga tigil-tigilan mo
ang pagkampi dyan kay Trace at naiirita ako.” Nagtaas naman ng kamay si Paul tanda ng pagsuko. Kakaiba din talaga
itong bespren ko. Sa laking tao nung si Paul napapatiklop niya lang. pag-ibig
nga naman.
“Teka nga…nasaan nga pala si Jhonah?
Bakit wala siya dito ha?”
“Hindi ko siya tinawagan.. alam mo
naman yung babaeng yun. Baka masermunan lang ako nun..sabihin pa niya…I told
you…wag na lang”
“May point ka.. knowing Jhonah…baka
maghurumentado pa yun at din a abutan ng bukas si Trace” natatawang sabi ni Paul. “oh tol! Bakit ang tahimik mo yata? Imik-imik din” tawag pansin
ni Paul kay Laxus.
“Wala may iniisip lang ako”
“Babae?”
“Hindi”
“Lalake?”
“Oo”
“bading ka tol?”
“Gago!”
“Pwede ba tumigil nga kayong dalawa.
May problema si Richelle. Makisama kayo”
“Eh kasi naman Mahal ko..problema na
nila ni Trace yun…di tayo dapat makialam”
“Anong wag makialam? Niloloko na niya
bespren ko tatahimik lang ako?”
“Hindi pa naman sure na nagloloko
talaga si Trace.. baka nakalimutan niya lang talaga.” Sabi ni Laxus. “
Mag-usap nalang muna kayo Richelle”
Tumango
nalang ako. Siguro nga ay dapat si Trace muna ang kinakausap ko since siya
naman ang involved dito.
“Thank you guys sa pakikinig sakin”
“Sus! Wala yun noh! Anytime..bigtime”
Sana makapag-usap kami ni Trace.
***
[Jiyeon’s POV]
“Excuse me.. saan ba ang registrar dito?” tanong ko sa isang estudyanteng nakita ko.
“Diretsuhin mo lang yung pasilyong
iyon. Then turn right”
“Salamat”
Sinundan
ko ang direksyong tinuro nung estudyante.
“Diretso tapos kanan” sabi ko sa sarili ko.
Kaso
pagliko ko sa kanan ay may nakabangga naman ako. At sa laking tao nung nabangga
ko ay napaupo ako sa sahig. Mabuti nalang nakapantalon ako.
“Aruykupoyungpwetko”
“Miss are you okay? I’m sorry di kita
napansin”
“Okay lang”
Tumayo
na ako. Agad naman niya akong inalalayan…infairness ah gentleman siya.
“Hindi ka ba nasaktan?” tanong niya sakin.
Napatingin
ako sa mukha niya.
“Wait….you’re Richelle’s cousin right?”
“Oo…ikaw yung si…..”
“Marky”
“Ahh oo nga”
“Saan ang punta mo? Kasama mo ba si
Richelle?” tanong niya habang
sinasabayan ako sa paglalakad.
“Hindi. Pupunta ako sa registrar
office. Mag-iinquire ako. Pag-aaralin daw kasi ang parents ni Richelle”
“Really??? That’s good. Would you like
me to accompany you?”
“Naku… hindi ba nakakahiya?”
“Of course not. I’m willing to help
you…so tara? Libot na din kita sa school namin.”
“Salamat”
***
No comments:
Post a Comment