Friday, November 22, 2013

Love moves in mysterious ways - Chapter 3



 < The Bar>

“Mabuti naman sa wakas at sumama ka din samin Dude” bati ni Kai at marahang tinapik sa balikat ang kararating lang na kaibigan.


“Eh alam niyo naman kasing busy ako kaya wala akong panahong magsasama sa mga happenings niyo. Pinilit lang ako ni Nigel” sagot ni Luke at tumingin sa direksyon ng tahimik na kaibigan.


Itinaas naman ni Nigel ang hawak na baso bilang pagbati.


“Kumpleto na ang tropa” tuwang sabi naman ni Bryan. Isa pa nilang barkada.


Bale apat silang lahat sa grupo. Bryan, Luke, Nigel and Kai are highschool buddies. Binansagan nga silang F4 noon dahil kung nasaan ang isa, nandun din ang iba. At syempre pa, si Kai ang leader nila. Ito bale si Daomingzi.


Pero noong grumaduate sila ng Highschool at nagcollege eh tanging sina Kai at Nigel nalang ang naiwang magkasama sa iisang school. Si Bryan kasi ay sa Canada na nagcollege. Si Luke naman sa ibang school na nag-enroll.


“So kumusta naman ang mga buhay natin? Tagal kong walang balita sa inyo ah” sabi ni Bryan.


“Okay naman. Si Luke, nagpapayaman” tumatawang sabi ni Kai.


“Sorry ah.. hindi naman kasi ako mayamang tulad niyo eh” sagot ni Luke.


“Okay lang yan Dude…so kelan niyo naman balak lumagay sa magulo?” tanong ni Bryan.


“Ako hindi pa siguro ngayon. Saka na kapag nakagraduate na ang kapatid ko sa college” sabi ni Luke at umorder ng beer sa waiter.


“Tagal pa nun ah. Ikaw naman Kai?” baling ni Bryan dito


“Walang balak” sagot ni Kai at tinungga ang bote ng alak.


“Certified Playboy” naiiling na sabi nila Bryan at Luke.


“Ikaw Nigel? Wala yata akong nababalitaang babae mo?”


“Hindi pa dumarating eh” simpleng sagot ni Nigel.


“Eh ikaw naman Bryan, may balak ka na bang lumagay sa magulo?” tanong ni Kai rito.


“Well… I’m glad you ask. I’m getting married” tuwang balita sa kanila ni Bryan.


“Wow!!! Congrats…so who is the unlucky girl?”


“I met her in Canada”


“This calls for a celebration”


“Restroom lang ako guys” paalam ni Kai sa mga kaibigan


“Bumalik ka ah. Mamaya mag make-out ka na sa CR” biro dito ni Bryan


“Lol!”


***  


“Ano bang ginagawa natin dito?” iritableng tanong ni Sassy sa pinsang si Jhonah pagkakita sa signboard ng Bar


“Mag-eenjoy. Di ba sabi mo bored ka na? saka don’t worry. Treat ko” anito at hinila na siya papasok sa loob ng Bar.


“Alam mo namang wala akong kahilig hilig sa mga ganito diba?” angal niya pero wala din siyang magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng pinsan.


And besides maraming tao sa loob ng Bar na iyon baka magkawalaan pa sila.


“Hi Jhonah” bati rito ng isang nakasalubong nila. Mukhang suki pa yata ng Bar na ito ang pinsan niya.


“Here dito tayo” mesang malapit sa stage ang napili nila.


“Suki ka rito noh?!” akusa niya sa pinsan.


“Hmmm parang ganun na nga”


Maya maya lang ay may lumapit na sa pinsan niya kaya iniwan siya nito. Nailing man ay umorder na lang si Sassy ng alak sa barista.


“Bigyan mo nga ako ng light lang” sabi niya.


Inabutan naman siya nito ng isang basong alak.


“Nasaan na ba yung babaeng yun?” wala sa sariling tanong ni Sassy habang palinga-linga sa paligid. Sira ulo talaga yung pinsan niya. Sinama sama siya rito pero iiwan din naman pala siya.


“Lalabas din yun” sagot ng barista dahilan para mapatingin siya rito.


“Ha?”


“Si Jhonah ang hinahanap mo diba? Friend ka ba niya?”


“Ahh pinsan ko” suki nga yata talaga ang pinsan niya ng bar na ito.


Maya maya lang ay naghiyawan na ang mga tao sa paligid. At napanganga nalang si Sassy ng Makita ang pinsan niya sa harapan ng drumset.


Drummer ang pinsan niya sa Bar na iyon. No wonder kilala ito ng mga tao.


***


Isa na siguro si Sassy sa may pinakamalakas na palakpak sa mga tao roon.  Ngayon niya lang nalaman na tumutugtog pala ang pinsan niya. Sa pagkakaalam kasi niya ay simpleng business woman lang ito.


Dahil medyo marami rami na din naman ang nainom niya ay minabuti muna ni Sassy na magpunta sa restroom para marefresh naman siya.


Pero ganun nalang ang gulat ni Sassy ng pagbukas niya ng pinto ng restroom ay dalawang taong gumagawa ng “milagro” ang naabutan niya at mukhang nagulat din ang mga ito pagkakita sa kanya.


***


“Nasaan na ba si Kai? Ang tagal namang magCR nun” reklamo ni Luke


“Baka may nakitang chicks” komento ni Bryan.


“Di niya tuloy napanood yung banda” sabi naman ni Nigel


“Dude, ikaw ang interesado dun sa banda. Hindi si Kai” tumatawang asar ni Luke na ikinapula naman ng mukha ni Nigel.


“Hey guys una na ako sa inyo” humahangos na sabi ni Kai pagkalapit sa kanila.


“Oh? Bakit? Anong nangyare?” nagtatakang tanong ng tatlo.


“Long story” nagmamadaling sabi ni Kai at nag-iwan nalang ng pera sa mesa.


“Problema nun?” nagtatakang tanong ni Luke


“Ma” sagot ni Bryan (Malay ko)


“Pa” sagot naman ni Nige (Pakialam ko)


**

No comments:

Post a Comment