(Razel Dominguez)
“Maganda na ba ako?” tanong ni
Razel sa mga kaibigan habang nakatitig sa harap ng full-length body mirror sa
kwarto niya.
“Jusmio naman Razel ah. Pang-ilang tanong na yan?!
Umay na umay na ako sayo” reklamo ni Johana habang
kasalukuyang nagmamanicure ng kuko.
“Eh sa hindi ako sure kung kaakit- akit na ba ako sa
paningin ni Allen. You know naman na I want this day to be memorable to both of
us”
“Akala mo naman kung sinong gwapo yang boyfriend mong
hilaw para pag-aksayahan mo ng panahon na magpaganda. Kung talagang mahal ka
nun okay lang kahit mukha ka pang bilasang isda. Mahal ka pa rin niya.”
“Friendship naman...today is Valentines day. Kaya
dapat special diba?”
“Ewan ko sayo. Aiesha ikaw na nga kumausap dyan sa
kaibigan mo” turo nito sa kaibigan nilang busy
din sa pagmemake-up.
“Kaibigan mo kaya yan” sagot ni Aiesha.
Binato ni Razel ng
nilamukos na tissue paper ang dalawang kaibigan.
“Kayo napakasupportive niyo ah. Sarap niyong saktang
dalawa.”
“Okay na nga kasi yan. Maganda ka na nga. Pero syempre
mas maganda pa rin ako sayo” sagot ni Johana.
“Wala ba kayong mga date ngayon?” pag-iiba niya ng topic. Wala syang mapapalang matino sa mga ito.
“May date ako” sagot ni Aiesha. “Sabi ko dito nalang niya ako sunduin”
“Ikaw Johana? Wala kang date?”
“Wala”
“Oh? Himala yata at nawalan ka ng kadate ngayon?” nagtatakang tanong nila sa kaibigan. Ito kasi ang kaibigan nilang hindi
mauubusan ng lalaking idedate.
“Eh sa hindi ko alam kung kanino ako makikipagdate sa
kanila eh. Kaya naman single muna ang drama ko ngayon”
“Ikaw na teh!”
Maya maya pa ay
nakarinig na sila ng busina mula sa gate ng bahay niya.
“Si Allen na yun. Maiwan ko na kayo. Johana. Ikaw na
maglock nitong bahay ah” bilin niya at agad na dinampot
ang hand bag na partner ng damit niya.
“Oo na. Gumamit ka ng proteksyon ah” bilin nito sa kanya.
“Yes mother dear”
Nagmamadali na
siyang lumabas ng bahay. Naabutan niya ang nobyo na naghihintay na sa sasakyan
nito.
“Hi Babe” bati niya sabay
halik sa labi nito.
“Hello. Ready?”
“Yup”
At pinaandar na
nito ang sasakyan.
***
Sa isang mamahaling
hotel siya dinala ni Allen. Ito ang request niya sa nobyo. She wants to
celebrate Valentines Day with him sa isang private place. Matapos dumating ang
order nilang pagkain at alak ay ipinagsalin siya nito ng pagkain.
Allen Rodriguez is
her boyfriend for almost five years. Isang taon mula ng makagraduate siya ng
kolehiyo ay nakilala niya ito. Agad na naakit siya sa karismang taglay ng
binata. Ang akala niya nga nung una ay ang kaibigang si Johana ang type nito
dahil panay ang titig nito sa kaibigan. Pero nagulat nalang siya ng siya ang
ligawan nito. Ang sabi ni Johana ay hindi naman daw nagpaparamdam dito si
Allen. At kilala niya ang kaibigan. Hindi nito type ang mga mestisong tulad ni
Allen.
Isang taon siyang
niligawan nito. Mahal naman din niya ang binata at nakita niya ang sinseridad
nito bilang isang nobyo at manliligaw. At sa loob nga ng limang na taong
relasyon nila ay naging napaka gentleman ni Allen. Hanggang halik at yakap lang
sila ng nobyo na sa tingin nga ni Johana ay napaka abnormal daw ng relasyon
nila. Wala daw thrill. Nung una ay para
sa kanya napaka sweet at gentleman ng nobyo dahil iginagalang siya nito. Pero
kalaunan ay parang nag-iisip na din siya. Mukhang walang balak si Allen na
palawakin pa ang relasyon nila. Ni hindi nga siya niyaya pa nito na magpakasal.
Hindi naman sa
nagmamadali siya. Pero ang gusto niya kasi bago man lang siya tumuntong sa edad
na bente syete ay maikasal na siya. Magbebente syete na siya sa susunod na
taon. Pero mukhang wala pang balak lumagay sa tahimik si Allen. To think na
succesful na naman silang pareho. Siya ay may sariling business na
pag-mamay-ari. Ang restaurant-slash-bar-slash-cafe niya na ngayon nga ay may dalawang branch na.
Si Allen naman ay may mataas na posisyon sa kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya
nito. Everything is okay na naman.
Kaya nga ang balak
ni Razel ay ibigay na ang sarili kay Allen sa gabing ito. Kung walang balak ang
nobyo na kumilos ay siya na ang gagawa ng first move. Nasa modern era na naman
sila kaya hindi na masamang siya ang gumawa ng first move. Baka nahihiya lang
ang nobyo niya.
“Happy Valentines day Babe” ani Allen at iniabot sa kanya ang bulaklak at regalong dala nito.
“Thank you. Ako din may gift sayo.” Isang maliit na kahita ang iniabot niya sa binata.
“Really? Thanks.”
“Buksan mo”
Nakangiting
binuksan naman ni Allen ang regalong ibinigay niya. Medyo kinakabahan si Razel
sa magiging reaksyon ng nobyo. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Allen at
parang namutla ito pagkakita sa regalong bigay niya.
“What’s this?” tanong nito.
“Condom”
“Razel alam kong condom ito. Pero bakit mo ako
binibigyan nito?”
Hinawakan niya ang
kamay ni Allen.
“Babe, I want this day to be memorable to both of us.”
“Razel look ---“
“Alam ko nahihiya ka lang gumawa ng move because your
a gentleman. But i want us to be together. I want you Allen. I want to have a
family with you.”
“Razel...”
“Sabi ni Johana gumamit daw tayo ng proteksyon eh.
Kaya naman iyan ang naisip ko”
“Wait...your friends know about this?”
“Well...oo”
“Gosh!”
Parang problemado
si Allen.
“Babe what’s wrong?” nagtatakang
tanong ni Razel. Tinangka niyang hawakan ang binata pero inalis nito ang kamay
niya.
“Sorry Razel I cant do this...actually I cant do this
anymore”
“Ang alin? To have sex with me? Okay lang kung hindi
ka pa ready. Makakapaghintay naman ako sa first night ng honeymoon natin eh”
“No Razel. Hindi mo naiintindihan. I cant do this
anymore”
“Ang alin nga? Naguguluhan na ako sayo. Hindi na nga
natin gagawin diba?” inis na rin na sabi niya.
“Razel...I’m gay”
***
“Razel....I’m gay”
Parang bombang
bumagsak sa tenga niya ang sinabi ng nobyo.
“Whhhhaaaattt???”
“I said I’m gay. That’s why i cant do this. I cant
have any sexual intercourse with you. Hindi ko kaya”
“Is this some kind of a joke Allen? Kasi alam mo hindi
ka nakakatuwa” naiiling na sabi ni Razel.
“No. It’s true. Actually matagal ko na ngang balak
sabihin ito sayo. Hindi lang ako magkaroon ng lakas ng loob dahil napakabait
mong girlfriend sakin.”
“Kelan pa? Kelan mo pa narealized
na....na....whatever” ni hindi niya masabi ang salitang
“bakla”.
“College pa ako. Pero hindi ko ito maipaalam sa family
ko. Magagalit sila sakin. So para mawala ang suspisyon nila na bakla ako.
Naisipan kong mag-girlfrend ng babae. That’s when i met you”
“So ginamit mo lang pala ako? Allen...five years???
Five years mo na akong niloloko”
“I’m sorry Razel”
Hindi na napigilan
ni Razel ang umiyak. Akala pa naman niya kaya hanggang halik at yakap lang
ibinibigay sa kanya ni Allen ay dahil gentleman ito. Iyon pala hindi nito
magawa ang higit pa roon dahil bakla ito.
BAKLA!!!
“Razel...”
“Dont talk to me Allen. Nasusuka ako sayo.” Puno ng pang-uuyam ang boses niya at dinampot ang handbag na dala.
Ibinato din niya rito ang bulaklak at regalong ibinigay nito sabay labas ng
kwarto ng hotel.
She felt broken.
Kinasusuklaman niya
ang araw na ito.
Kinasusuklaman niya
ang Valentines day.
Kinasusuklaman niya
ang lahat ng bakla sa mundo.
***
“Bwahahaha!!!!! Si Allen??? Bakla” tawa ng tawa ang mga kaibigan niya pagkakwento niya sa mga ito.
Kumpleto ang mga
kaibigan niya ng araw na iyon sa restaurant niya at ngayon nga ay kasalukuyan
siyang pinagtatawanan sa masaklap na kapalaran niya.
“Kaya pala napaka OC niya” komento ni Demi.
“Oo nga..ni hindi mo makikitang gusot ang damit niya” sabi naman ni Bea.
“Kaya pala hanggang halik lang at yakap sila ni Razel” natatawang sabi naman ni Allison.
“At kaya pala panay ang titig niya kay Johana kasi gusto
din niya na maging girl” ani naman ni Phoebe.
“Sige mang-asar pa kayo” asar na sabi niya sa mga kaibigan.
“Eh kasi naman hindi rin kami makapaniwala eh. Imagine
five years mong naging boyfriend si Allen pero wala ka man lang nahalata?” naiiling na sabi ni Akira.
“Magaling kasing magtago ang lolo mo...este lola mo
pala” tumatawa pa ring sabi ni Demi.
“Sige tumawa ka pa sasabunutan na talaga kita” ani rito ni Razel. Agad namang tumahimik si Demi. Pero halatang pigil
nito ang tawa.
“So break na kayo?” tanong ni
Aiesha.
“Haller Ai??? Obvious ba? Winalk-outan na nga ni Razel
sa hotel diba?” nakataas ang kilay na sabi ni
Johana. “Sayang yung gift. Dapat kinuha
mo. Galante pa naman yung exjowa mong hilaw magregalo”
“Hindi ko kailangan ang regalo niya. I hate him!” galit pa ring sabi ni Razel.
“Ang taray ng lola mo!”
At muli ay
nagtawanan na naman ang mga ito na ikinaasar niya.
“Mga kaibigan ko ba kayo talaga?”
“Alam mo kasi Razel...pinapangiti ka lang namin. Ikaw
din papanget ka niyan” ani Phoebe.
“Oo nga. Mas gusto mo ba na mas beauty si Allen sayo?
I’m sure tuwang tuwa iyon na break na kayo.” Sabi naman
ni Demi.
“Wag mo na pag-aksayahan ng luha at oras na iyakan si
Allen, Razel. Coz he’s not worth it” suhestiyon ni
Allison.
“Pero kasi friendships....five years...five years ang
nasayang sakin”
“At hahayaan mo din ba na masayang pa ang ilang oras
at minuto at segundo mo sa kakaiyak dahil kay Allen?” sabi ni Johana.
Nagsipag-sang
ayunan naman ang mga kaibigan niya.
Tama nga naman ang
mga ito. Limang taon na nga ang nasayang sa kanya. Kaya hindi na niya
pag-aaksayahan pa ng panahon na iyakan si Allen.
Magmomove-on na
siya. No matter what it takes. Dapat makalimutan niya na ang binata.
***
Isang taon ang
matuling lumipas. Engage na ngaon ang kaibigan niyang si Aiesha sa nobyo nitong
si Marrion. Matapos ang mahaba-habang drama ng dalawa ay sa wakas nagkaayos din
ito. Isang malaking miscommunication lang talaga ang nangyare. Mabuti nalang ay
nangibabaw ang pagmamahal ng mga ito sa isat isa.
“Ma’am Razel, pwede po bang mag-out ng maaga ngayon?” tanong ng waiter niya.
“Bakit? Anong meron?” tanong niya. Hindi naman siya istrikto sa mga empleyado niya. Katunayan
ay nagagawa pa nga ng mga ito na makipag-biruan sa kanya.
“Eh may date po kasi kami ng girlfriend ko” sagot nito.
“Ako din po Ma’am. Magpapaalam sa inyo” sabi din ng cashier niya.
“May date ka din?”
“Opo”
“Bakit sabay sabay naman yata kayong may date?... baka
naman kayong dalawa ang magjowa ah”
“Naku Ma’am hindi po ah. Valentines Day po kasi
ngayon”
“Valentines Day?”
“Opo. Wag niyong sabihing hindi niyo alam Ma’am?
Masyado kasi kayong busy sa trabaho eh”
Valentines day pala
ngayon. Kaya naman pala puro pula ang nakikita niya sa paligid. Pati mukha ng
mga empleyado niya ay hugis puso na din.
“Paniguradong puno na kasi lahat ng mga lugar sa mga
gustong magdate Ma’am. Eh magagalit yung girlfriend ko kapag hindi ko siya
idinate”
“Ako din Ma’am idedate ko din ang asawa ko” singit ng cook nila.
Napabuntong-hininga
nalang si Razel.
“Sige, Magsara nalang tayo ng maaga. May mga date pala
kayo”
“Thank You Ma’am...kayo Ma’am wala kayong date?” tanong ng waiter nila.
Agad naman itong
sinaway ng cashier at cook niya.
“Ma’am wag mo nalang pansinin itong si Donato ah. Sige
Ma’am Thank you po” anang cashier niya at bumalik na sa
trabaho nito. Itinaboy na din nito ang nagtatakang waiter niya.
Hindi naman lihim sa
mga empleyado niya lalo na doon sa mga matagal ng naninilbihan sa kanya ang
kapalaran niya sa pag-ibig.
It’s been exactly
one year mula ng magbreak sila ni Allen. Mula noon ay parang naging sarado na
ang puso niya sa tawag ng pag-ibig. Hindi na siya naaatract sa mga lalaki.
Hindi na rin siya nakikipagdate.
“Happy Valentines day everyone” anunsyo ni Johana pagpasok sa pinto.
Binati din ito ng
mga empleyado niya.
“Happy Valentines day friendship” bati nito sa kanya. Pero batid niyang nang-aasar ito.
“Tse!”
“May dala akong cake para sayo. Wag kang mag-alala
binili ko yan”
“Mabuti naman. Wala akong tiwala sa cooking abilities
mo eh”
Niyaya niya ito
papasok sa kusina. Binuksan nito ang dalang cake. Siya naman ay kumuha ng
platito, kutsilyo at tinidor.
Napangiti nalang
siya sa nakalagay sa cake.
“Happy birthday
dear heartache”
“Sira ulo ka talaga” nakatawang
sabi niya.
“One year na diba?”
“Yeah”
“Siguro naman okay ka na?”
“Okay naman ako ah”
“You know what I mean Razel.”
“Johana” sagot ni Razel at
napatingin sa cook niya.
Parang nakahalata
naman ito.
“Sa labas muna ako Ma’am. Tulungan ko sina Donato” paalam nito.
Nang makalabas ang
cook nila ay muli siyang tinignan ni Johana.
Sa mga kaibigan
niya ay si Johana ang pinakaclose niya.
Ito ang bestfriend niya. Kahit na nga madalas silang magtalong dalawa ay
sila pa rin ang pinakamalapit. May mga bagay na hindi na niya kailangang sabihin
dahil alam na agad iyon ni Johana. Ganun din naman siya rito.
“Kumusta na kayo ng bagong boylet mo?” pag-iiba niya ng topic.
“Wag mong baguhin ang usapan Razel”
Napabuntong hininga
na lang si Razel.
“Ano bang gusto mong malaman? Kung okay na ako? Okay
naman ako ah”
“Hindi ka okay Razel. One year na ang nakalipas pero
ni hindi ka man lang nagkaroon ng boyfriend. Hindi ka rin nakikipagdate. Yun ba
ang okay? Aba Razel...Three months rule lang ang meron tayo. Sobra na yung
sayo. Quota ka na”
“Eh sa wala akong makita eh”
“Paano ka may makikita kung lahat ng gustong manligaw
sayo binabasted mo agad? Kung lahat tinatanggihan mo makipagdate?”
“I’m not yet ready that time. Alam ko darating din ang
time para sakin”
“Hindi lahat ng lalaki katulad ni Allen. Tignan mo si
Aiesha, engage na. Ako, may boyfriend na. Si Demi may nilalandi na din. Si
Allison may kaaway lagi. Si Bea nandyan naman lagi ang bestfriend nun. Si
Phoebe...ayun nasa ibang planeta na naman. Si Aki...ayun kumakain.”
“Swerte lang kayo dahil ang mga natatagpuan niyo mahal
talaga kayo”
“Dont tell me si Allen parin ang mahal mo at
kakalbuhin talaga kita”
“Hindi ko na mahal yung lalaking yun okay?”
“Mabuti kung ganun. So ready ka na makipag date?”
“Hindi”
“Hay ewan ko sayo. Suko na ako”
Maya maya ay
tumunog ang cellphone nito.
“Sige nandyan na sundo ko. May date pa kami”
“Enjoy your date”
“I will thanks. Ikaw din magsara na kayo. May mga date
pa yata empleyado mo”
“Oo na”
“Remember Razel, darating din iyong lalaking para
sayo. Sa panahong hindi mo inaakala” pahabol pa nito
bago umalis.
Napailing nalang
siya.
***
Pasara na sana sila
ng isang lalaki ang bigla pang humabol.
“Ay Sir sarado na po kami”
“I just need a cup of coffee” anito.
“Sige na Donato. Ako na bahala.” Aniya. Nakakahiya naman kung pagsarhan nila ito. Customer din ito.
Pinapasok na din
ito ng waiter niya. Mukha namang disente ito. And besides may guard naman sila.
“What can I do for you Sir?” tanong niya.
“Just a cup of hot coffee.” Anito at naupo sa harap ng counter.
Ipinagbrew naman
niya ito. Habang nagbebrew ay hindi niya maiwasang pagmasdan ang binata. Kahit
na bahagyang gulo-gulo ang buhok nito at may tubo ng bigote ay hindi
maikakailang gwapo ang binata. At hindi maintindihan ni Razel kung bakit parang
naaliw siyang pagmasdan ito.
“Is there something wrong? May dumi ba ako sa mukha?” kunot noong tanong nito.
“Well maliban sa excess bigote mo..wala naman” sagot niya.
“Staring is
rude”
“I’m not staring at you. I’m just looking at you.”
Natahimik nalang
ang lalaki. Isinerve naman dito ni Razel ang order nitong kape.
Hindi mapigilan ni
Razel na tingnan pa rin ang lalaki habang umiinom ito ng kape. Parang may kung
ano rito ang naghihila sa kanya na titigan ito.
“I cant drink my coffee if you’re looking at me”
“Ang sungit mo naman” minabuti nalang niya na iwan ito.
Maya maya ay muli
siyang tinawag nito.
“Isa pa nga”
“Ilang kape ba ang balak mong inumin?” hindi mapigilang tanong niya.
“Magbabayad ako okay?” naglabas ito ng buong isang libong piso sa counter.
“Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Pero parang
balak mo kasing lasingin ang sarili mo sa kape”
“Kailangan ko lang ng pampakalma”
“At kape ang pampakalma mo? Baligtad ka din eh” natatawang sabi niya. Naaaliw siya kausap ang lalaking ito.
“Yeah. You think I’m crazy?”
“Well hindi naman... i have a friend na coffee addict
din...mas matindi pa nga yun si Allison dahil pitong kape ang kayang ubusin nun
sa isang araw.”
“Your friend is crazy”
“Sinabi mo pa”
Natawa nalang sila
pareho.
“Ako nga pala si Razel”
“Yeah...nasa nameplate mo nga”
“Ikaw? Anong pangalan mo?”
“Alex”
“Nice name”
“Alex sa umaga...Alexis sa gabi” anito sabay inom ng kape.
“Ha???”
“I’m gay”
***
“Hindi ko alam kung anong klaseng kapalaran ang meron
ka Razel. Ngayon ka na nga lang nagkaroon ulit ng interes sa lalaki bakla pa
ulit. Anong malas ba ang meron ka?” natatawang tanong
ni Phoebe habang tulak tulak ang pushcart.
Kasalukuyan niyang
naisipan na maggrocery ng stocks sa bahay niya ng bigla nalang itong sumulpot.
Kabababa lang daw sa bundok nito kaya naman naisipan nitong bisitahin ang
syudad. Napaka weird talaga nitong kaibigan niyang ito. Sabagay lahat naman ng
kaibigan niya ay weird.
“Hindi ko nga rin alam Phoebs eh...matino naman akong
babae. Maganda din naman ako pero bakit lagi nalang palpak ang lovelife ko?” himutok niya.
“May mga tao talagang swerte sa career at palpak sa
lovelife..sad to say mukhang kabilang ka sa mga taong iyon.”
“Gusto ko rin naman magkaroon ng matinong lovestory na
maisheshare sa mga apo ko balang araw”
“Magtigil ka nga Razel. Boyfriend nga wala kang makita
tapos nag-aambisyon ka pang magkaroon ng apo?”
“Sumapi na ba si Johana sayo at pareho na kayo
mag-salita?” nakasimangot na sabi niya at basta
nalang inilagay ang tissue sa pushcart. Paglingon niya sa kanan niya ay isang
pamilyar na mukha ang nakita niya.
“Wait Phoebs...that’s him” turo niya.
“Sino?”
“Yung sinasabi ko sayo”
“Yung bakla? Asan?”
Sinundan din nito
ng tingin ang tinuturo niya. Mula sa isa sa mga aisle ay nandun nga si Alex at
kasalukuyang namimili din.
“Well, hindi siya mukhang bakla para sakin ah. Sabagay
umaga pa nga lang pala ngayon. Malay mo mamaya pa siyang gabi maglaladlad” tumatawang sabi nito.
“Sipain kita dyan eh”
“Infairnes Razel ah. Gwapo siya. sayang nga lang at
bakla. Gawin mo kayang lalaki?” suhestyon nito.
“At paano ko naman gagawin yun aber?”
“Hmmm..” kunwa’y nag-isip
ito. “Reypin mo kaya?”
“Grabe ka ah! Hindi naman ako ganun kadesperada noh!”
“Sabagay. Saka baka mamaya kapag naghubad ka sa harap
nun tumakbo iyon palabas” tawa ng tawang sabi nito.
“Hay naku hayaan na nga natin siya. Tara na at gutom
na ako” yaya na niya sa kaibigan at pumila na sila sa
counter para magbayad.
***
“Pssst! Alam mo na ba?” tanong ni Johana sa kanya kinabukasan.
“Ang alin?”
“May bagong kapit-bahay ka na. May lumipat na dyan sa
binakante nila Misis Lopez”
“Talaga? Akala ko wala ng balak patirahan iyon ulit?”
“Balita ko kamag-anak din nila Misis Lopez yung
lumipat dyan. Saka Razel... Gwapo!”
“Alam mo ikaw tsismosa ka talaga. Isusumbong kita sa
boyfriend mo. Tumitigin ka pa sa mga gwapo”
“Syempre may mata ako eh. Alangan namang takpan ko
diba? Saka para sakin yung boyfriend ko pa rin naman ang pinakagwapo sa
paningin ko eh”
“Ikaw na! Lande
mo!”
“Ganun talaga. Saka hindi naman para sakin eh. Para
sayo. Malay mo iyan na pala ang future boyfriend mo”
“Gwapo ba talaga?”
“Oo girl. Saka ang yummy ng katawan. Ammppp!!!”
Binato niya ng unan
si Johana.
“Ikaw talaga sira ulo ka. Hahawaan mo pa ako ng
kalandian mo eh.”
“Sus! If I know interesado ka din naman. Gusto mo
bosohan natin?” nakangising sabi nito.
“Ewan ko sayo!”
“Ikaw masyadong madumi ang isip mo. Ang ibig ko lang
sabihin eh dalawin natin. Silipin. Ikaw talaga. Virgin pa ang utak ko wag mo
dumihan”
“Mukha mo Johana! Virgin ka dyan.Eh ikaw nga ang may
kasalanan kung bakit polluted na ang utak ko eh”
“Hay naku. Tara na bilis. Magdala ka kunwari ng food.
Kunwari good neighboor ka kahit hindi”
Napilitan na din
kumilos si Razel. Interesado din siya sa sinasabi ni Johana. Minsan lang pumuri
itong kaibigan niya. Madalas puro panlalait ang maririnig mo kasi sa bibig
niyan.
Nagdala siya ng
niluto niyang kare-kare. Medyo kabado siya paglapit nila ng pintuan ng bagong
kapit-bahay niya.
“Baka naman walang tao” sabi niya ng walang sumasagot sa katok nila.
“Meron. Nakita ko lang siya kanina pagpunta ko sa inyo
eh”
“Baka naman umalis na o natutulog kaya. Tara na nga.”
“Wag kang nega. Kumatok ka lang dyan”
Inulit pa ulit niya
ang pagkatok. Pero wala pa ding lumalabas.
“Hay naku naman. May doorbell naman pala kasi” sabi ni Johana. Ito na ang pumindot ng doorbell.
Maya maya ay
lumabas na din ang bagong kapit-bahay niya.
“Yes?” tanong nito.
“Hi. I’m Johana, ito naman ang friend ko si Razel.
Neighboors mo kami. Nagdala kami ng food oh para sayo” anito at kinuha sa kamay ni Razel ang mangkok na dala nito.
“Thanks. Nag-abala pa kayo. Pasok kayo” anito at binuksan ang pinto ng tuluyan.
“Hoy! Pasok daw tayo.” Ani Johana sa kanya.
Pero daig niya pa
ang natuklaw ng ahas sa nakita. Dahil ang lalaking nasa harapan niya ay walang
iba kundi yung baklang customer niya.
Si Alex sa umaga,
Alexis sa gabi.
***
Puno ng pagtataka
sa mukha si Johana ng bigla nalang magwalk-out si Razel.
“Problema nun?” takang tanong nito
sabay baling sa binatang nakatingin lang sa kanila.
“Uy! Pasensya ka na sa kaibigan ko ah. Baka biglang
nagkaroon ng buwanang dalaw. Ano nga pala name mo?”
“Alex. Alex Santillan”
“Nice to meet you Alex. Kainin mo yang bigay namin ah.
Luto ni Razel yan. Masarap magluto iyon”
“Okay thanks. Soli ko nalang mamaya yung lalagyan.”
“Sige. Kay Razel mo nalang soli. Katabi mo lang sya ng
bahay” anito at nagpaalam na.
Naiwan namang
napangiti si Alex. Of course he know kung bakit bigla nalang nagwalk-out si
Razel. Malamang ay natandaan pa siya nito. Maya maya ay sinagot nito ang
nag-iingay na telepono.
“Hello? Yes insan. I think I’m gonna enjoy my stay
here” anito habang isang mukha ang nasa isip niya.
***
“Hi Razel” ang nakangiting
mukha ni Alex ang nabungaran ni Razel pagbukas niya ng pinto. Binalak niya pa
ngang pagsarhan ito kung di lang naging maagap ang binata este...dalaga na
pigilan ang tuluyang pagsara niya.
“Isosoli ko lang sana itong lalagyan” anito sabay taas ng hawak na mangkok. Napabuntong-hininga naman si Razel.
“Sige. Pasok ka muna” at niluwagan niya ang bukas ng pinto para makapasok ito.
“Thanks. Ikaw lang ang mag-isa dito?”
“Yeah. Nasa province ang whole family ko.”
“I see. So independent ka pala”
“Yeah. Anyway sorry nga pala kanina. Nagulat lang ako”
“That’s okay.” Nakangiting sabi
nito.
Sayang talaga.
Napakagwapo talaga ni Alex. Bakit pa kasi ito naging bakla eh. Ang malas na
talaga ng mundo ngayon. Kung hindi mga taken na eh mga bakla naman ang mga
gwapo.
==
As time goes
by...mas nakilala ni Razel si Alex. Narealized niya na enjoy naman pala itong
kausap. Kalog at masayahin ang binata. Nalaman niya na nag-iisang anak lang
pala ito at nasa ibang bansa ang mga magulang. Hindi niya nga aakalaing
malilibang siyang makipag-usap sa binata.
“Ahhmm... Alex, can I ask you a question?”
“Sure. Basta ba kaya kong sagutin eh”
“Ahhh...about your preference...kelan mo pa narealized
na....na...” hindi niya maituloy ang sasabihin.
Nahihiya siya sa binata.
“Na bakla ako?”
“Yes”
“Well...lately lang. Due to some unexpected event. Can
I tell you a secret?”
“Sure”
“There’s this girl kasi na bigla nalang naghubad sa
harap ko. Gusto niya na mag churvahan kami. Ayun parang bigla akong tinakasan
ng kulay sa mukha. Nagtatakbo
ako palabas ng hotel” tawa ng tawag kwento nito.
Pero hindi natawa
si Razel. She remember something.
“Hey Razel okay ka lang?”
“Yeah. May naalala lang ako”
“Sad memories?”
“Yeah. Alam mo bang may bad experience ako sa mga
bakla?”
“Kaya ba ganun nalang ang iwas mo sakin dati? Kasi
bakla din ako?”
“Hmmm medyo”
“Why? What happened?”
“I had a boyfriend for five years. Sobrang okay niya.
Mabait, gentleman, goodlooking. He’s everything na. Then on the day of
Valentines day, we went into a hotel. Gusto ko na may mangyare samin. Kaso that
day he told me that he’s gay. On the first day that I met you. That’s exactly
one year since we broke up”
“So walang nangyare sa inyo?”
“Wala”
“Ano mas pinanghihinyangan mo? Yung nalaman mong bakla
siya o yung walang nangyare sa inyo” pang-aasar ni
Alex.
“Sira ka talaga!” binato niya
ito ng throw pillow. “Mas nanghihinayang
ako sa relasyon namin”
“Gwapo ba?”
“Sobra”
“Yummy”
“Oo naman.”
“Sayang hindi kami talo”
“Oo nga. Pareho kayong sister..hahaha!!!”
===
“Aba..aba..aba...mukhang nagkakamabutihan na kayong
dalawa ni Alex ah. Parang siya na ang bestfriend mo eh” isang araw ay sita sa kanya ni Johana.
“Oh..nakabalik ka na pala. Kumusta ang Cebu?”
“Ayun Cebu pa rin. Hindi pa naman nagiging Baguio.
Loka ka. So ano ng update. Kayo na ba ni Alex?”
“Sira ulo. Alam mong hindi kami talo nung tao eh.
Bakla yun okay? Bakla. Magkaibigan lang kami”
“Asus!!! Kaya pala ganyan nalang ang kinang ng mga
mata mo eh. Kilala kita Razel ah. Ganyang ganyan ka kay Allen noon. Umamin ka
nga sakin. Inlove ka na ba kay Alex?”
Napabuntong-hininga
si Razel bago tumingin kay Johana.
“Masasaktan na naman ba ako espren?”
“Jusmio naman. Inlove ka nga. Razel naman eh. Alam
mong hindi pwede si Alex”
“Alam ko. Pero hindi ko napigilan. Ikaw pa nga itong
nagtutulak sa akin dati sa kanya diba?”
“Dati yun. Nung hindi ko pa alam na bakla siya. Wala
kang mapapala sa kanya espren. Masasaktan ka lang. Hindi ka naman seseryosohin
ni Alex eh.”
“Alam ko naman eh. Ewan ko nga ba kung bakit lapitin
ako ng mga homosexual eh.”
“Buti pa ang tomboy may pag-asang patulan ka. Pero ang
bakla wala...unless...”
“Unless ano?”
“Gagawin mo siyang lalake”
“Paano? Eh mukhang mahirap yun.”
“Reypin mo kaya”
“Hindi yun uubra. Nung minsan daw na may naghubad na
babae sa harapan niya tinakbuhan niya palabas. Baka kapag ako ang naghubad sa
harapan ko magrosary pa yun at tapunan ako ng holy water” naiiling na sabi ni Razel.
“So hahayaan mo nalang ganun?”
“Oo. Mawawala din ito. Parang si Allen lang.”
“Bahala ka nga. Anyway, engagement party ko sa sabado.
Punta ka. Pakibigay nalang itong invitation kay Alex” isang envelop ang iniabot nito sa kanya.
“So tuloy na talaga ang kasal niyo?”
“Oo naman. Bakit? Balak mong tumutol?”
“Hindi naman. I’m happy for you”
“Thank you. I’m happy for myself too”
==
Sa isang hotel
ginanap ang engagement party ni Johana. Nakakatuwa lang isipin na nahuli na rin
sa wakas ang mailap na puso ng kaibigan niya. Masayang masaya si Razel para
dito. May inilaang kwarto si Johana para sa kanila ng mga kaibigan niya na nais
magpalipas ng gabi sa hotel. Since medyo naparami na din naman ang inom niya eh
ipinasya na lang niya na sa hotel na magpalipas. Inihatid pa nga siya ni Johana.
Hindi na niya
binuksan pa ang ilaw dahil napansin niya na parang may nauna nang nakahiga sa kanya sa
kama. Ayaw niyang maistorbo ito. Inisip nalang niya na marahil ay isa ito sa
mga kaibigan niyang dito na din matutulog sa hotel. Hinubad nalang muna ni
Razel ang dress na suot at tanging underwear ang itinira. May built-in bra na
kasi ang dress niya kaya hindi na siya nagsuot pa ng bra at nahiga na siya sa
kama. Sobrang sakit na talaga ng ulo niya.
Dala marahil ng
antok at nainom ay parang nananaginip si Razel na may humahalik at humahawak sa
katawan niya. At hindi niya maintindihan kung bakit masarap ito sa pakiramdam.
Ganito pala ang epekto ng alak. Kung alam lang niya eh di sana noon niya pa
sinubukang lasingin ang sarili. Ginantihan din niya ng halik at haplos ang
lalaki sa panaginip niya. Mukhang napakakisig nito. Mamasel ang katawan at may
abs pa. Sayang nga lamang at hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki sa
panaginip niya. Baka ito na ang soulmate niya. Napangiwi si Razel nang
makarmdam ng sakit sa unang pagpasok ng lalaki sa kanya. Pero maya maya lang ay
napalitan na ito ng kakaibang sarap. Ramdam niya na parang may gustong sumabog
sa kalooban ng pagkababe niya. Sabay silang nakarating sa tuktok ng binata sa
panaginip niya. At hindi na napigilan pa ni Razel ang tuluyang pagbulusok at
wala na siyang matandaan pa.
==
Masakit ang ulo ni
Razel kinabukasan. Medyo nagtataka pa nga siya dahil hindi pamilyar sa kanya
ang lugar na kinaroroonan. Saka lang niya naalala na narito nga pala siya sa
hotel kung saan ginanap ang engagement party ni Johana. Naparami ang inom niya
kagabi kaya masakit ang ulo niya. Pero ang hindi niya maintindihan eh kung
bakit parang masakit din ang ibabang parte ng katawan niya. Naalala ni Razel
ang panaginip niya kagabi. Nakipagniig daw siya sa isang misteryosong lalaki sa
panaginip niya. Sayang nga lamang at hindi niya ito namukhaan.
Naramdaman ni Razel
na may kamay na dumagan sa tyan niya. Parang mabigat naman yata ito para maging
kamay ng isa sa mga kaibigan niya. Dahan dahang nilingon ni Razel ang katabi. Ganun
nalang ang gulat at sigaw niya ng mapansing isang lalaki ang katabi niya sa
kama at hindi isa sa mga kaibigan niya. Nagulat marahil sa sigaw niya ang
lalaki kaya ngising ito.
“What happened?”
kakamot-kamot pa ang matang tanong nito.
“Alex?” gulat na tanong ni
Razel nang makilala ang binatang katabi sa kama.
“Razel. Ang aga aga pa eh.” Anito at tinangka pa ulit matulog pero agad niya itong hinampas ng
unan.
“Bumangon ka nga diyan. Anong ginagawa mo dito? Bakit
dito ka natulog?”
“Dito ako pinatulog ni Johana eh.”
“Si Johana? Bakit?”
“Ewan ko.”
“Umalis ka nga diyan” aniya at sinipa ito pababa ng kama. Tuluyan naman itong bumagsak. Ganun
nalang ang gulat at sigaw ni Razel nang makitang wala ni isang suot ang binata.
Mas dumoble ang sigaw niya ng mapansin niyang wala rin siyang isang saplot sa
ilalim ng kumot.
“What happened?”
gulong-gulong tanong niya. “Bakit ka
nakahubad? Bakit ako nakahubad? Saka magbihis ka nga!” sigaw niya sa
binata.
“Hay naku OA ka Razel ah. Eh kung makahawak ka sa
katawan ko kagabi parang wala ng bukas eh” anito at
basta nalang sinuot ang roba na nasa ibabaw ng sofa.
“What? I didnt do that!”
“Yes you did”
“Chinorva mo ako kagabi?”
“Chinorva natin ang isat isa my dear.”
“Waahhhhh!!! It can’t be! Ibig sabihin totoo ang lahat
ng nangyayare sa panaginip ko. Bakit mo ako chinorva?”
“Hello??? Ikaw kaya ang naunang maghubad dyan.
Nananahimik ako dito eh.”
“Ako???” parang natatandaan
nga yata niya na naghubad siya ng damit na suot kagabi.
“Wait...pero paanong may nangyare sa atin kagabi?”
“Well mahirap iexplain eh”
“Pero di ba bakla ka? Bakit mo ako chinorva?”
“I was drunk last night.”
“I cant take this anymore. I gotta go” aniya at hila ang kumot na dinapot ang damit na suot niya kagabi. But
sad to say hindi niya makita ang underwear niya.
“Looking for something?” tanong ni Alex.
“I cant find my underwear”
“Here” at ibinato nito sa
kanya ang kapirasong saplot. Agad nagtatakbo si Razel papasok sa loob ng banyo.
One thing is clear.
She just had sex with a gay last night. Hindi na siya nagpaalam pa kay Alex.
Matapos magbihis ay dirediretso na siyang umalis. Kailangan niyang makausap si
Johana.
==
Subalit paguwe niya
ng bahay ay hindi niya na naabutan ito. Kaya naman tinawagan nalang nya ang
cellphone nito. Matapos ang ilang ring ay sumagot din ang kaibigan niya.
“Alam mo bang gustong gusto na kitang kalbuhin ngayon
babae ka! Nasaan ka?” bungad niya rito.
“Dito sa Quezon Province”
“Anong ginagawa mo diyan?!”
“Nag-aayos para sa kasal. Dito kami magpapakasal diba?”
“Why did you set me up last night?”
“Set-up? Wala akong alam sa sinasabi mo ah”
“Wag ka ng magmaang maangan pa. Kagabi dun sa kwartong
pinagdalhan mo sakin nandun din si Alex”
“So? Ano naman. Eh di share kayo. Set-up na ba agad
yun? Unless...something happened. Meron ba?” rinig ni
Razel ang pang-aasar sa tinig ng kaibigan.
“May nangyare samin” amin niya.
Bigla namang tumili
ito ng pagkalakas lakas.
“Sabi ko na eh.”
“Johana...hindi dapat nangyare yun. I thought
nananaginip lang ako. When i woke up ayun katabi ko na siya and we’re both
naked”
“So naenjoy mo naman ba? Masarap ba?”
“Alam mo ikaw polluted talaga ang utak mo.”
“Umamin ka na kasi. Masarap ba?”
“Okay okay. Plastic ako kung sasabihin kong hindi ako
nasarapan at nag-enjoy. But i thought panaginip lang yun.”
“Panaginip...katotohanan..what’s the difference? Mahal
mo naman si Alex diba?”
“Espren...bakla si Alex.” Paalala niya
“Espren kung talagang bakla si Alex eh di dapat walang
nangyare sa inyo. Remember Allen?”
“What do you mean?”
“Baka hindi naman talaga 100% na bakla si Alex..baka
pwede pa siyang maging lalaki. Kasi chinorva ka niya. Kung talagang bakla yun
hindi niya maaatim na makipagchorvahan sa babae”
Napaisip si Razel.
May point nga naman ang kaibigan niya.
“Sige na babush na at tinatawag na ako ng future hubby
ko.” Anito at ibinaba na ang telepono.
Kailangan niyang
makausap si Alex.
==
Subalit isang
linggo na ang nakalipas pero ni anino ni Alex ay hindi na niya nakita. Hindi
rin nito sinasagot ang mga text at tawag niya. Pinagtataguan ba siya ng lalaki?
Pero bakit? Naikasal na rin si Johana pero hindi parin nagpapakita si Alex.
Hindi naman nito tuluyang iniwan ang bahay nito dahil nandun pa rin ang mga
gamit ng binata.
Isang araw ay
nakatanggap siya ng email mula kay Alex.
“Razel, May aayusin
lang akong importante. Sorry kung di na ako nakapagpaalam sayo. But I promise
you babalik ako. Then we’ll talk about us. Wait for me –Alex”
Pinanghawakan niya
ang sinabi ng binata. Babalik si Alex. Babalikan siya nito.
==
“Waahhhh!!! Kumusta naman ang bagong kasal? Kumusta
ang honeymoon?”
Muli silang
nagkita-kita ng mga kaibigan niya pagbalik ni Johana mula sa honeymoon nito.
“Ayun masaya naman” nakangiting
sagot ni Johana. Obvious sa mukha nito ang kasiyahang nadarama.
“Grabe kayo ng asawa mo ah. Isang buwan kayo
naghoneymoon. Kami ni Marrion one week lang” ani Aiesha
“Ganun talaga. Wala pa nga kaming balak umuwe ng
Pilipinas kung di lang may urgent call sa company nila eh”
“So may laman na ba?” tanong ni Allison habang tingin sa tyan ni Johana.
“Wala pa nga eh”
“Mahina pala ang mga asawa niyo ni Aiesha eh. Parehong
di makabuo” pang-aasar ni Akira.
“Okay lang. Hindi pa naman kami nagmamadali eh” sagot ni Johana.
“Oo nga. Gusto pa naming ienjoy ang life namin na kami
muna ng mga asawa namin”
Habang masayang
nagkukwentuhan ang mga kaibigan ay tahimik lang naman si Razel. Kanina pa hindi
maganda ang pakiramdam niya.
“Razel okay ka lang?” tanong dito ni Phoebe.
“Yeah. Medyo nahihilo lang ako”
“Ang tagal naman ng order natin” reklamo ni Akira.
“Ito naman pagkain na naman ang nasa utak” saway ni Demi.
Maya maya lang ay
dumating na ang inorder ni Akira. Saktong paglapag ng pagkain ay ganun din ang
pagsama ng tyan ni Razel. Agad siyang nagtatakbo papuntang banyo. Naiwan namang
nagtataka ang mga kaibigan niya.
“Ano nangyare dun?” takang
tanong ni Allison.
“Ewan”
“Wait...nahihilo...check...nagsusuka...check...hindi
kaya?” tanong ni Bea.
“Buntis si Razel????” sabay sabay natanong ng mga kaibigan niya.
==
Hindi maintindihan
ni Razel pero kanina pang umaga hindi maganda ang pakiramdam niya. Parang tamad
na tamad siyang bumangon at mabigat ang katawan niya. Wala rin siyang ganang
kumain.
Pagbalik niya sa
mesa nila ay pawang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan niya.
“What?” tanong niya.
“Okay ka lang?” tanong ni Aiesha
“Yeah. May nakain siguro akong hindi maganda”
“Actually wala ka pa ngang kinakain eh. Kadarating
lang ng order natin eh” sagot naman ni Akira.
“Razel...nagpacheck-up ka na ba?” tanong ni Allison
“Bakit naman? Wala naman akong sakit. Medyo pagod lang
siguro ako”
“Razel... hindi kaya buntis ka?” tanong ni Johana.
“Paano naman mabubuntis si Razel eh wala namang
boyfriend yan” sagot ni Bea.
“Hindi ba pwedeng mabuntis ng walang boyfriend? Si
Mama Mary nga nabuntis eh” sagot ni Allison.
Napaisip bigla si
Razel. She didnt count the possibility na buntis nga siya. Ngayon niya lang
naisip na hindi pa nga pala siya dinaratnan ng buwanang dalaw niya. Napahawak
siya sa tiyan niya.
“Buntis ako?” tanong niya sa mga
kaibigan.
“Ewan namin. Baka lang naman. Magpacheck-up ka kaya
para sure.”
“Sino ang ama?”
“Si Alex”
“Alex???? Yung bakla?”
“Kadiri ka!!!”
Binatukan bigla ni Allison
si Bea.
“Tumigil ka nga diyan. Hindi ka nakakatulong.”
Hindi nalang
pinansin ni Razel ang mga kaibigan. Buntis siya. Magkakaanak sila ni Alex.
==
Kinumpirma nga ng
doktor ang hinala ng mga kaibigan ni Razel. She is two months pregnant. Halo
ang nararamdaman ni Razel. Masaya dahil magkakababy na siya. Malungkot dahil
hindi pa rin nagpaparamdam si Alex.
“So anong balak mo?” tanong ni
Johana. Ito nalang ang natira sa mga kaibigan niya na pawang nagsipaguwian na.
“Ewan ko. But one thing is for sure. I’m gonna keep
this baby”
“Basta anuman ang maging desisyon mo nandito lang kami
ah.”
“I know. Thank you.”
==
Nagmessage si Razel
kay Alex about her pregnancy. Hindi na niya ineexpect na sasagutin pa siya ng
binata. Pero gusto pa ring ipaalam ni Razel dito. Patuloy na lumilipas ang mga
araw. Alagang alaga si Razel ng mga kaibigan niya. Wala man siyang asawang nasa
tabi ay may mga supportive naman siyang kaibigan. Kahit na nga minsan ay
iniisip niya na sana ay nasa tabi niya si Alex.
Isang araw ay hindi
inaasahang bisita ang naabutan ni Razel sa labas ng bahay niya.
“Alex” halos walang
pagbabago ang binata. Maliban nalang sa excess bigote nito tulad noong una niya
itong nakilala.
“Hi Razel”
“Pasok ka”
“Salamat”
“Razel...ang dami dami kong gustong sabihin sayo.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula” anito nang makaupo
na sila. “ Una sa lahat, gusto kong
magsorry dahil umalis ako ng walang paalam. The day na umalis ka ng hotel ay
tinawagan ako ng mommy ko. Inatake daw si Daddy kaya agad akong pumunta sa
States. Nacoma si dad...I can’t leave my mom kahit na gustong gusto kitang
puntahan. Ako kasi ang dahilan kung bakit inatake si Daddy. Actually, I’m not
really gay”
Halata ang
pagkagulat sa mukha ni Razel pero hindi siya nagsalita. Hinintay niya muna na
matapos si Alex sa mga gustong sabihin nito.
“There’s this girl na sobrang obsessed sakin. Binalak
niya na may mangyare samin then she will use it to blackmail me. Pero nalaman
ko ang plano niya. So nag-iba siya ng plano. Nilasing niya ako. I dont know
what she did. Maybe nilagyan niya ng pampatulog. Then nagising ako na wala na
akong maalala pa. Then one day, may nagpadala ng mga pictures sa bahay. It was
me...with another guy. We’re both naked and base on the pictures iisipin ng
lahat ng makakakita na may nangyayare sa amin. But I swear na walang nangyare. Sobrang
strict si dad. Ayaw niya ng kahihiyan. Ang kundisyon nung girl na nagpadala ng
picture is for me to marry her. Alam ko namang pera ko lang ang habol niya.
Their family is on bankrupt na at para makaahon ay gagamitin nila ako. But i
wont allow them. So umalis ako ng States at nagpunta nga dito sa Pilipinas. I
pretended to be gay kasi para makaiwas sa mga babae. Pero iba ka Razel. Hindi
kita kayang iwasan. Sabi ko ayoko muna ng babae sa buhay ko dahil gulo lang ang
dala nila. Pero ikaw ang gulong hahanap hanapin ko. Binalak ko na sanang
magtapat sayo noong engagement party ni Johana. Pero di ako makakuha ng tyempo.
Then bigla ka na nga lang pumasok dun sa kwarto na ipinagamit sakin ni Johana
dahil medyo nakainom na ako. I pretended na hindi kita nakita. Pero nung bigla
ka nalang naghubad...at tumabi sakin...hindi ko na napigilan ang sarili ko. You
are so beautiful that night. At first sabi ko hahalikan lang kita. Pero nung
gumanti ka ng halik sakin...I cant stop it anymore. Mababaliw siguro ako kapag
tumigil ako. Ang I swear that was the best night of my life. Sabi ko paggising
mo aamin na talaga ako at yayayain na agad
kitang magpakasal. Pero hindi ko rin naman agad naamin sayo dahil naghysterical
ka na agad. So sabi ko some other time nalang, saka naman ako nakatanggap ng
call from my mom. Hindi kita matawagan because ayokong madamay ka pa sa gulo ng
buhay ko.”
Tumigil si Alex sa
pagkukwento at tinitigan siya sa mga mata.
“Naniniwala ka ba sakin?”
Tango lang ang
isinagot ni Razel. Pakiramdam niya kasi ay maiiyak na siya.
“Kaya pala inatake si dad dahil ipinakalat na pala
yung mga pictures ko. Pero okay naman na ang lahat. Umamin na yung lalaki sa
picture na gawa gawa lang yun. Na wala talaga kaming relasyon. Nagsampa na kami
ng kaso laban sa babaeng yun. Kaya ngayon lang ako nakauwe dahil last night
lang naging okay si dad. I already told them about you. And about our baby too”
“Alex” hindi na napigilan
ni Razel ang sarili at umiiyak na yumakap na siya sa binata. She knows na
babalikan siya nito like he promised.
“Sorry kung
nasaktan kita” Hinawakan siya nito sa balikat at tinitigan sa mata. “Siguro naman ngayong alam mo ng lalake
talaga ako pwede mo na akong mahalin?”
“Kahit nung akala ko pa na bakla ka eh minahal na kita
ngayon pa kaya na lalake ka pala talaga” tumatawang sagot
niya.
“Mahal na mahal din kita Razel. Will you marry me? To
follow nalang yung singsing? Hindi ako nakapagdala eh. Sobrang gusto na kasi
kita agad makita”
“Yes. I will marry you with or without a ring” then she kiss him.
=Wakas=
No comments:
Post a Comment