< The Conclusion>
Kagagaling lang ni Sassy sa opisina nila
upang magpasa ng nobela. Kahit wala siyang gana magsulat ay pinilit niya dahil
hindi siya pwedeng maghirap dahil lang sa pag-iisip kay Kai. She really missed
him. Hindi na ito nagparamdam ulit sa kanya matapos niyang iignore lahat ng
tawag at text nito.
Dahil blangko at utak ay hindi niya
napansin ang paghinto ng isang kotse sa harapan niya. Muntik pa nga siyang
mabangga nito. Kung hindi lang ito bumusina ay hindi siya matatauhan.
Mula sa driver seat ay lumabas ang driver
ng kotse. Nakahanda na sana
ang pagtataray ni Sassy kung hindi niya lang nakilala ang sakay nito.
“Kai…”
“My
God Sassy… magpapakamatay ka ba?” ganun nalang ang gulat niya ng bigla siyang
niyakap nito. “Nasaktan ka ba? Anong
masakit sayo? Dadalhin kita sa ospital”
“Kai….I’m
okay” sagot niya.
“Are
you sure?” inilayo siya nito sa katawan nito para tignan kung okay lang ba talaga
siya. Para pa ngang gustong magprotesta ni
Sassy dahil mas gusto niyang manatili sa mga bisig ng binata.
“Yeah.
I’m okay. Nabigla lang ako”
“Thank
God. Ang mabuti pa sumakay ka muna nakakaistorbo na tayo sa daan eh” anito at
inalalayan siya papasok sa loob ng kotse nito.
Sumunod na din si Sassy. God knows how she
missed this man. At ngayong may pagkakataon siyang makasama ito ay hindi niya
na iyon sasayangin pa.
“Saan
ka ba galing?” tanong ni Kai sa kanya.
“Sa
office. Nagpasa ako ng nobela…ikaw? Anong ginagawa mo dito?”
“Sinusundan
kita”
“Ha?”
“Yeah.
Mula nang umalis ka sa bahay niyo sinundan na kita hanggang dito”
“Pero
bakit?” nagtatakang tanong ni Sassy.
“Hindi
ko rin alam… pumunta ako sa bahay niyo kasi gusto kitang makausap kaso nawalan
naman ako ng lakas ng loob na magpakita sayo at magsalita. Kaya nung nakita
kitang paalis eh sinundan nalang kita”
“Ha?
Bakit mo naman ako gustong makausap? Kai itabi mo nga muna itong sasakyan” utos niya sa
binata. Agad naman siyang sinunod nito. Inihinto ni Kai ang sasakyan sa tabi.
“Now
what?” tanong ni Kai.
"Wag
mo akong ma-now what now what dyan. Bakit gusto mo akong makausap?”
“I
don’t know. Basta ang gusto ko lang eh makita ka”
“What???”
kanina
pa sumasakit ang ulo niya kay Kai.
“Sassy…
you know.. I’m not good at this… but I think I love you”
“You
think??”
“No….
I love you…. There… hindi naman pala mahirap sabihin” anito.
Pakiramdam ni Sassy para siyang nakasakay
sa roller coaster sa gulo ng utak niya.
“Teka
nga… tama ba ako nang dinig? Did you just tell me you love me?”
“Yeah.
I did”
“Sigurado
ka? Alam mo Kai if this is just one of your stupid jokes… hindi nakakatuwa”
“Did
you think na gagawin kong biro iyon? I never said that word to any woman..sayo
lang…tapos sasabihin mo lang na joke yun?” halatang nasaktan ang binata.
“Then
what do you want me to do? Magtatalon sa tuwa dahil sinabihan mo ako na mahal
mo ako? Ikaw na mismo ang nagsabi sakin na hindi moa lam ang salitang love…
paano mo sasabihing mahal mo nga ako?”
“Hindi
ko alam. It just happened to me. Dumating nalang ako sa point na wala na akong
ibang naiisip kundi ikaw. Ikaw na lang ang laging hinahanap ko. Para akong
tanga na puro pangalan mo ang sinusulat ko. Then one time Nigel told me to ask
my self…to know what I really feel for you… then that’s the time that I
realized that all along.. I fell in love with you without me knowing it.”
Pakiramdam ni Sassy tutulo na ang luha
niya. She didn’t expect that Kai loves her. Parang ayaw niyang maniwala.
“Paano
ka naman nakakasiguro na mahal mo nga ako?”
“Because
I never felt this feeling to anyone. Ngayon lang. sayo lang. that’s why I know
that it’s you that I love.” Hinawakan ni Kai ang mukha niya upang mapaharap siya
rito. “ Sassy… I know that this is so
sudden. But please believe me…hindi ko sinasabi ito dahil gusto kong pagtripan
ka or makascore sayo…sinasabi ko ito kasi iyon ang nararamdaman nito” anito
at dinala ang kamay niya sa dibdib nito sa tapat ng puso.
Ramdam ni Sassy ang lakas ng tibok ng puso
ni Kai. Pakiramdam niya ay ganun din kalakas ang pintig ng puso niya.
“I
know that youre not ready to fall inlove…pero hayaan mo sana akong mahalin ka” pakikiusap ng
binata. At hindi naman manhid si Sassy para hindi maapektuhan sa sinasabi nito.
“Eh
sira ulo ka naman pala talaga eh… mahal din naman kita eh” naiiyak na sabi
niya.
Ganun nalang ang gulat na rumehistro sa
mukha ni Kai dahil sa sinabi niya.
“Mahal mo rin ako?”
Tango ang isinagot ni Sassy. Naghahalo na
yata ang luha at sipon niya dahil sa pag-iyak.
“Mahal
din kita. Kung kalian nangyare hindi ko alam.. basta isang araw nagising na
lang din ako at narealized ko na mahal na pala kita. Ayoko lang tanggapin kasi
alam kong masasaktan lang ako dahil akala ko hindi mo ako kayang mahalin”
“I
will promise you that I will never ever hurt you Sassy” ani Kai at
pinunasan ang mga luha niya bago siya ginawaran ng halik sa mga labi.
Iyon na yata ang pinakamasarap na halik na
natikman ni Sassy sa buong buhay niya. At alam niya na hindi doon magtatapos
ang lahat.
“Ano
nga palang sasabihin ng parents mo kapag nalaman nilang nagpapanggap lang
tayo?” tanong niiya matapos ang halik na ibinigay sa kanya ni Kai.
“Actually
they already know na pala na nagpapanggap lang tayo. Mae told them. Pero
hinayaan lang nila tayo na isipin na hindi nila alam because they love seeing
us together” nakangiting sabi ni Kai.
“Really?”
“Yup.
At sigurado mas matutuwa sila kapag nalaman nilang official na talaga tayo at
hindi nagpapanggap lang”
“Kai…
totoo ba talaga ito? Hindi ba ako nananaginip lang? baka paggising ko wala ka
na sa tabi ko” nag-aalalang tanong ni Sassy.
Bilang sagot sa tanong niya ay isang
marubdob na halik ang ibinigay sa kanya ni Kai. Halos kapwa sila habol ng
hininga matapos ang halik nito.
“Siguro
naman sapat ng ebidensya yan na totoo ang lahat ng ito. Kung kulang pa sabihin
mo lang” nakangiting sabi nito. Back the old flirt Kai.
Ginantihan naman ito ng ngiti ni Sassy.
“Hmmm…parang
kulang pa eh. Isa pa nga”
Agad naman itong sinunod ni Kai.
“Your
wish is my command”
***
“There comes a time that I don’t believe in
the existence of love simply because I don’t want to fall in love…masyado akong
busy sa maraming bagay para pagtuunan ng pansin ang pag-ibig…until one person
told me na kahit hindi ka maniwala at kahit ayaw mo pa…darating ang panahon na
maiisahan ka ni Kupido…because Cupid knows many ways… sabi nga sa isang kanta…
Love moves in mysterious ways… kahit na magtago ka pa… mahuhuli at mahuhuli ka
niya… Mas mabuti na rin siguro na magpahuli ka na… kasi wala ka namang laban sa
pana ni Kupido eh… saka kahit na matalo ka sa taguan niyong dalawa ni
Kupido…ikaw pa rin naman ang masaya…I also want to take this opportunity to say
thank you sa mga taong naging daan para makilala ko ang taong inilaan para sa
akin ni Kupido…kung hindi dahil sa inyo hindi ko mararanasan ang maging masaya
ng ganito…to my bestfriend...to my cousin…at sa cute na cute na JL’s Boutique
where you can find the magic of love…Maybe you’re right…Love is the closest
thing we have to magic…it’s all about believing that magic still exist”
-Sassy
Matapos maipost sa blog niya ay shinut-down
na rin ni Sassy ang laptop computer niya. It’s been five months mula ng maging
official ang relasyon nila ni Kai pero ngayon lang niya naisingit ang paggawa
ng article sa blog niya. Masyado kasi siyang naging inspired magsulat ng
nobela.
Totoo pala talaga na kapag inlove ka ay mas
marami kang nagagawa at parang lahat ng bagay sa paligid mo ay masaya.
“Hi
Babe… Nainip ka ba? Sorry ah ngayon lang kasi natapos yung meeting eh” tanong ni Kai
matapos siyang halikan sa labi.
“Hindi
naman. Nagsulat din kasi ako sa blog kaya hindi ko rin namalayan ang oras”
“Ahh
really? Mabuti naman kung ganun. So saan mo gustong kumain?” tanong nito at
inalalayan siya makasakay sa kotse.
“Hmmm
parang gusto ko ng pizza”
“Okay.
Pizza here we come” anito at binuhay ang makina ng sasakyan. Pero bago nito
tuluyang paandarin ay humarap muna ito sa kanya.
“Happy
Monthsary Babe” at mula sa backseat ng kotse ay isang bouquet ng bulaklak
ang iniabot sa kanya.
“Ahhh…
ang sweet naman. Thank you…” siya na ang kusang humalik sa binata. “happy monthsary din…sorry wala akong
nabiling gift for you” apologized niya.
Ever since they been together nakita niya
kung gaano kasweet at mapagmahal na boyfriend si Kai kaya naman hindi
pinagsisihan ni Sassy na minahal niya ito.
“Okay
lang yun. Coming into my life and being my girlfriend is enough gift for me.”
“Ahhh…
kinikilig naman ako” nakangiting sabi ni Sassy.
“I
love you”
“And
I love you too”
Isa pang halik ang ibinigay sa kanya ni Kai
bago nito tuluyang paandarin ang sasakyan.
=Wakas=
No comments:
Post a Comment