Friday, April 15, 2016

Poem : Hindi Na Ako Iiyak



Hindi na ako iiyak kapag naisip kita.
Kapag naalala ko kung paano mo ako napasaya.


Hindi na ako iiyak kapag nakita kita.
Kahit na kasama mo pa siya.


Hindi na ako iiyak kapag nalulungkot ako.
Iisipin ko na lang na hindi lang ako ang malungkot sa mundo.


Hindi na ako iiyak kapag nalaman kong masaya ka na.
Magiging masaya na din ako para sa sarili ko.


Hindi na ako iiyak para sayo.
Dahil hindi na rin naman ikaw ang dahilan ng mga ngiti ko.

1 comment:

  1. Very interesting blog. A lot of blogs I see these days don't really provide anything that attract others, but I'm most definitely interested in this one. Just thought that I would post and let you know.

    ReplyDelete