3: Trip
[Aya’s POV]
Ayun…Hindi rin ako nakatakas sa galamay ng mga luka-luka kong kaibigan. Pati kasi si Avee pinilit din ako sumama. Wala kasi syang shooting ngayon kaya free sya gumala gala.
Isang sasakyan nailing ang ginamit namin papunta sa SM Mall of Asia. Malayo-layo din kasi mula sa school ang mall na yun kaya naman yung van na ginagamit ni Avee kapag may shooting sya ang sinakyan namin.Malaki kasi yun kaya kasya kaming lahat. Si West nalang ang nagmaneho ng kotse. Grabe sobrang ingay namin sa sasakyan. Nangunguna na sina JM at Jake.
Ayun…Hindi rin ako nakatakas sa galamay ng mga luka-luka kong kaibigan. Pati kasi si Avee pinilit din ako sumama. Wala kasi syang shooting ngayon kaya free sya gumala gala.
Isang sasakyan nailing ang ginamit namin papunta sa SM Mall of Asia. Malayo-layo din kasi mula sa school ang mall na yun kaya naman yung van na ginagamit ni Avee kapag may shooting sya ang sinakyan namin.Malaki kasi yun kaya kasya kaming lahat. Si West nalang ang nagmaneho ng kotse. Grabe sobrang ingay namin sa sasakyan. Nangunguna na sina JM at Jake.
Napansin ni Vince yung benda sa kamay ko.
“Napaano yan?’
“ahh..wala ito..konting aksidente lang..hehe”
“konti?..konti pa yan sa tinggin mo ah?”
Masyado talagang maalalahanin itong BBF ko..
“don’t worry, okay lang ako”
Hinawakan ni Vince yung kamay kong may benda.
“sa susunod mag-iingat ka ah..alam mo naming ayoko may masamang mangyari sayo eh.”
“opo boss..hehe”
Hayyy!!! No wonder nahulog ang loob ko sa kanya. Sobrang sweet at thoughtful naman kasi eh. Mga bata palang kami magkaibigan na kami nyan. Actually si West talaga ang kaclose nyan ni Vince at Lance naman ang talagang kaclose ko..pero since kambal kami madalas din ako sumama sama nun sa tuwing maglalaro sila. Si Vince ang laging nagtatanggol sakin kapag inaaway ako ni Lance.hehe..madalas ko kasing agawan nun ng laruan si Lance tapos kapag ayaw nya ibigay sakin umiiyak ako kaya ang gagawin ni Vince kakausapin nya si Lance para ibigay sakin yung laruan..oh diba sobrang spoiled ako?hehe.. infairness to Lance may times na mabait din naman sya sakin eh..lalo na nung nagpunta si Vince nun sa Australia para magbakasyon, si Lance ang nakasama ko buong summer.Masaya din syang kasama kahit na may pagka suplado at masungit.hehe.
“ Hindi kasi nag-iingat!” sabad ni Lance habang hawak parin ang IPhone nito.
“ Excuse me ah…as if naman gusto kong masugatan noh eh haharang harang kasi yung figurine natamaan ko tuloy.” Katwiran ko naman.. hehe..kung minsan talaga pag ang mga kaibigan ko ang kasama ko bumabaligtad ang katwiran ko..hehe
“ Kelan ka ba umamin na kasalanan mo?”pambabara naman ni Lance.
“ Tol, wala namang babae na umamin na sila ang may kasalanan eh..we boys always took the blame.” Segunda ni Vaughn
“ Hoy! Vaughn-tot nakikiepal ka na naman ah..hmfpt!!!” irap ko sa kanya
Napasimangot naman si Vaughn sa tinawag ko sa kanya. Actually I have the habit of calling a person in different names. Depende sa kung anong maisipan ko. Malas lang nila kung mapagtripan ko sila at kawawa ang pangalan nila..hehehe.
At last nakarating din kami ng matiwasay hehe..sumasakit na kasi ang ulo ko sa ingay nila JM.
Alas- onse ng tanghali ng dumating kami .We decided na mag early lunch nalang muna tutal 1pm pa naman ang start ng palabas. Nanalo din ang mga boys. Final Destination ang panonoorin namin.
“ Guys sa Mcdo nalang tayo mag-lunch please... Gusto ko ng hash brown eh” paglalambing ni Avee.
“Mcdo na naman! Sawang sawa na ako sa pagkain dun eh. Sa school yun na nga ang madalas natin kainin hanggang dito ba naman sa MOA?!” reklamo naman ni JM
“ Wag nyong sabihin pati pagkain pagtatalunan nyo?” tanong ni West sa dalawa.
Sabay pang umirap sa isa’t isa sina Avee at JM.
“ Pang breakfast lang ang hashbrown Avee” imporma naman ni Madz
Hay naku mukhang magtatalo pa itong mga ito..Lahat nalang ng bagay pinagtatalunan..Tsk !
“ Mag Mcdo nalang tayo okay since andito na naman tayo eh…..Lance ilibre mo ako ha?” At nagpauna na akong lumakad sa kanila papasok ng fastfood.
Wala ng nagawa ang mga kaibigan ko kundi sumunod sakin sa loob.
We occupy three tables na pinagdikit dikit namin. Kanya kanya na ng order ang mga kaibigan ko habang ako eh prenteng nakaupo na. Si Lance na bahala sa order ko. Sanay na naman yun sa mga pagkaing gusto at ayaw ko kaya wala ng problema.
Baka sabihin nyo naman na masyado akong bad..hindi naman masyado…medyo lang..hehehe..that’s the advantage of having boy bestfriend…may kakulitan ka na, may tagapagtanggol ka pa at higit sa lahat may manlilibre ng pagkain mo..kaya naman bakit ko pa hahangarin na magkaboyfriend kung sa kanila palang kuntento na ako.
“ Aya hindi ka oorder?” tanong sakin ni Madz.
“ Kaya na ni Lance yun.” Balewalang sagot ko naman sa kanya.
“Wow ah! Astig!!!Ang prinsipe ng mga Montealegre inuutos utusan mo lang..Alam ba ng pamilya nya yung ginagawa mo sa prinsipe nila.” Pangaasar naman sakin ni Jake matapos umupo sa tabi ko.
Pabiro ko syang sinuntok sa balikat. “ Oo naman noh..may permiso ako sa mga magulang nyan”
Isa isa ng nagdatingan ang mga kaibigan ko dala ang inorder nilang pagkain. Ang lakas ng tawa namin ni Madz nung pinaalis ni Lance si Jake sa tabi ko. Wala kasi syang palag eh..hehe. Coke float, spaghetti at large fries ang inorder sakin ni Lance.
“ Aya here, eat this one” inabutan ako ng burger ni Vince.
“thanks” nakangiting sagot ko naman..Bubuksan ko na sana yung burger kaso biglang inagaw sakin ni Lance.
“ Bawal sayo yan diba?” supladong sagot nito at ibinalik kay Vince yung burger.
“ Ha? Bawal ba sayo ang burger?” nagtatakang tanong ni Vince
“ Hindi kasi sya kumakain ng burger. Nasusuka sya kapag kumain sya nyan.” Si West na ang sumagot para sakin.
“ Okay lang naman eh minsan lang naman” pigil ko sa kanila.
Pero pinandilatan ako ng mga singkit na mata ni Lance at iisa lang ang ibig sabihin nun. Wag ko ng ipilit ang gusto ko dahil hindi rin sya papayag. Napabuntong-hininga nalang ako at nagpapaunawang tumingin kay Vince.
“ Sorry” I whisper at Vince.
“ Its okay.." nakangiting sagot naman ni Vince.
Haayy!! Panira ng moment si Lance! Kainis...tsk!
End of Chapter 3
first!!! hello sis! ahahahaha!!!
ReplyDeletenaks!!! hindi lang PF... pati blogspot na! ahahaha