Thursday, February 02, 2012

After All : Chapter 27

27: Life after 5 years

[Lance POV]

After 5 years…

Mula ng umalis si Aya papuntang Japan parang ang laki na nagbago samin. Medyo nagkawatak-watak na ang barkada dahil may kanya-kanya ng pinagkakaabalahan. Pero atleast once or twice a month nagkikita kita kami.

After Graduation kanya-kanyang work at career na ang tinahak ng bawat isa.

Si West, after ng training at kumuha ng masteral sa business management ay siya na ngayong CEO sa company na pag-aari ng pamilya nila. Natural lang naman iyon dahil silang dalawa naman ni Aya ang tagapagmana ng kayamanan ng angkan ng mga MONTREAL.

Si Avee isa ng sikat at in-demand na model. Pati pag-aartista pinasok na din niya. Iyon talaga siguro ang hilig niya.

Si Vaughn naman after grumaduate ay kinuha ng PBA para maging player. Ngayon nga ay isa na siya sa sikat na basketball player ng Pilipinas.

After makarecover si Lieu naman ay isa na ngayong magaling na Architect. Pero kung minsan pinupursue niya ang hilig sa photography.

Nagtayo naman ng sarili niyang Bar and Restaurant si Jake.

Si JM ay sa isang malaking bangko naman nagtatrabaho.

Isa namang gift shop ang business na itinayo ni Madz. May tatlong branches na ito sa mga mall.

At ako, nagtayo ako ng sarili kong Architecture Firm kung saan may mga junior partners ako.

Wala na kaming balita kay Aya. Ewan ko kung ako lang ba ang nag-iisip o talagang sinadya niyang wag na kaming balitaan ng ngyayari sa kanya. Pero ang sabi naman ni West okay naman daw siya doon sa Japan.

Si Regine naman after 6months ng pagstay sa Pilipinas ay umuwi muna ng Korea para tapusin ang pag-aaral niya doon. Pero two years ago ay bumalik siya dito sa Pilipinas kasi nandito daw ako. Sa tagal na magkasama kami natutunan ko na din siya mahalin at pahalagahan. Although ramdam ko na may feelings pa rin ako kay Aya. Hindi na siguro mawawala iyon at wala na din naman ako balak alisin pa iyon. Ibinaon ko nalang siya sa kailaliman ng puso ko.


Tunog ng intercom ang pumukaw sa pag-iisip ko.

“Yes?” tanong ko matapos pindutin ang tawag.

“Sir, a certain Mr. Jake Suarez wants to see you pero wala po kasi siyang appointment eh. Kaibigan niyo daw po siya.” Anang sekretarya kong si Jiyeon.

“Sige. Let him in.”

“Okay po.”

Maya-maya pa’y bumukas na ang pintuan ng opisina ko.

“Oh? Anong masamang hangin ang nagtaboy sayo rito?” birong tanong ko kay Jake.

“Wala naman. Just to make sure na sasama ka mamaya samin. Baka kasi takasan mo na naman kami like last time.”

Naupo si Jake pade-kwatro sa sofa sa loob ng opisina ko.

“Busy lang ako nun. Saka pupunta talaga ako mamaya. Death anniversary ni Vince diba? 2pm pa naman tayo supposed to be magkikita diba? Eh 11:00am pa lang naman.”

“Just in advance. Saka kaya pala ako pumunta rito dahil sabi ni Vaughn maglunch-out nalang daw tayo para sabay-sabay na tayo pumunta sa sementeryo.”

“ang sabihin niya hindi niya lang talaga alam papunta dun. Pero sige tara na.tinatamad na din naman ako magtrabaho eh.”

“Sama mo ba si Regine?”

“Nope. Busy yun.”

Sabay na kaming lumabas ng opisina ko. Dumaan muna kami kay Jiyeon upang magpaalam.

“Jiyeon, I’m leaving. Cancel all my appointments for this whole day.”

“pero sir, may meeting po kayo with Mr. Han.”

“I said, cancel all my appointments. Bahala ka ng magpaliwanag.”

“Grabe ka brahw masyado mo namang tinatakot ang magandang sekretarya mo.” Singit ni Jake at nagpacute pa kay Jiyeon.

“Tigilan mo yang sekretarya ko kung ayaw mong isumbong kita kay JM.”

Napakamot nalang sa ulo si Jake. Pero maya-may ay napatingin ito sa magazine na nakapatong sa table ni Jiyeon.

“Can I?” paalam niya.

“Sige po.”

Napakunot-noo naman ako. Kelan pa nahilig saw omens magazine itong si Jake.

“ui! Wala ka pa bang planong umalis?” tanong ko.

Pero dinedma lang ako nitong sira-ulong kaibigan ko at hinarap ang sekretarya ko.

“Miss, kilala mo ba ito?” sabay turo sa babaeng cover ng magazine.

“Ahh yes Sir. Super fan po ako niyan. Half-Filipina Half-Japanese po siya. Sikat na sikat po siya sa Japan eh. Singer slash model slash actress po siya doon. Parang kape lang 3in1. at bilang Filipina proud ako sa kanya dahil bukod sa maganda at sexy magaling talaga siya. Balita ko nga po magnacumlaude siya nung grumaduate ng college eh.”

Anong pinag-uusapan nilang dalawa ni Jake at parang napakadaldal ng sekretarya ko? Titig na titig padin si Jake sa cover ng magazine. Sino ba kasi yun? Kilala niya ba yun?

“Brhaw? Ano ba?!” napipikon na ako ah. Pero patuloy pa din ito sa pandededma.

“anong pangalan niya?” tanong pa ni Jake kay Jiyeon. Obviously referring to the cover girl.

“Shinaya Riyusaki po.”

I was stunned when I hear the name. Inagaw ko bigla kay Jake ang magazine. Mukha namang nagulat si Jiyeon sa ginawa ko.

Tinitigan ko ang cover girl. 5 years has passed but it was no doubt that it is Aya.

“I will borrow this magazine Jiyeon.” Hindi parin inaalis ang tingin na sabi ko.

“Sige lang po Sir.” Takang sagot naman niya.

Lumabas na kami ng building. Hawak hawak ko parin ang magazine.

“so, she became a well-known person in Japan.” Narinig kong sabi ni Jake.

“Guess so.”

Since may dalang sasakyan si Jake. Nag conboy nalang kami papuntang Restaurant.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang tignan ang magazine na ipinatong ko sa passenger seat ng kotse ko.

Sikat na sikat si Aya sa Japan at maging dito sa Pilipinas pero hindi man lang naming alam. Sabagay hindi rin naman kasi ako mahilig makinig or magbasa ng showbiz. Yung iba kaya alam na nila?


(O_O)


Halos kasunod lang namin ni Jake dumating sina Vaughn at Avee. Parehong busy sa schedule nila eh. Mga taga showbiz kasi. Yung iba naman nasa loob na ng restaurant. Bitbit ang magazine na pumasok na din ako sa loob.

“Himala dumating ka” biro sakin ni Lieu.

“Tsk! Shut-up!” ipinatong ko ang magazine sa ibabaw ng lamesa. “Does anyone know about it?”

Lahat naman sila tinignan ang magazine na inilapag ko maliban kay West at Avee. Marahil alam na nila iyun.

“Kelan ka pa nahilig sa womens magazine?” tanong ni Lieu

“Wag mo sabihing nafeature ka dyan?” tanong naman ni Vaughn.

“Not me but her.” Sabay turo sa cover girl.

Muli naman silang napatingin dito.

“Oh? Ano namang problema mo sa cover girl? Hindi naman si Regine yan.” Kunot-noong tanong ni JM.

Mga bulag ba ang mga ito at hindi nila nakikitang si Aya yun cover ng magazine?

“Wait! She looks familiar….parang si….” Buti pa itong si Madz eh mukhang nakahalata. “OMG!!! Si Aya!!!”

“HHhhuuuwwwwaaaatttt????”

Sabay-sabay pang nag-agawan sina JM, Lieu at Vaughn sa magazine. Nagugusot na nga  ito. Lagot ako kay Jiyeon.

“Hoy! Wag niyo naman gusutin yan at hindi yan akin.” Sigaw ko sa kanila.

“Si Aya nga!!!”

“Do you know anything about it?” baling ko kina West at Avee.
“Yeah. Nagmeet kami sa isang fashion show sa Japan. That’s when I found out that she’s a Star in Japan. But I promised to her that I will keep it a secret from all of you.” Sagot ni Avee.

“Wala ba siyang nabanggit kung kelan siya uuwi?” tanong ni JM.

“Wala eh. Para ngang ayaw na niya umuwi eh.” Nailing na sagot naman ni West.

“Namimiss ko na si Aya.”

“lahat naman tayo eh. Pero atleast ngayon alam natin na okay siya and she’s recovering from the past.”

“Not because you see her smiling it means she’s happy”

“Ever since naman talaga magaling na magpretend yan si Aya na okay siya eh kahit hindi.”

“Guys! Let’s eat na. Pupuntahan pa natin si Vince.” Putol ni Vaughn sa pagsesenti ng mga kaibigan ko.


(@_@)

Sasakyan ko at ni West nalang ang dinala namin. Iniwan nalang namin muna sa restaurant yung ibang sasakyan. Kakilala naman ni Vaughn yung may-ari ng restaurant.
Sama-sama sina Madz, Lieu, at Avee sa kotse ni West. Sina Jake, JM at Vaughn naman sa kotse ko sumakay.

Medyo malayo rin kasi yung musuleo ng pamilya nila Vince kung saan din naroon si Vince. Actually since nawawala ang katawan ni Vince at di na natagpuan mga memorable memories ni Vince ang nakalagay dun sa musuleo.

Every year dinadalaw namin siya doon.

“Sinong mag-aakalang magiging artista si Aya?” nailing na sabi ni Jake.

“Kaya nga eh. Sayang yung pagiging magnacumlaude niya eh.”

“Hindi naman masaya si Aya kahit na naging magnacumlaude siya eh. Kasi wala si Vince.” Malungkot na sabi naman ni JM.

“Kunsabagay.” Sagot ni Vaughn sabay baling sakin. “Kelan niyo naman balak magpakasal ni Regine Lance?”

“Out of the blue naman yang tanong mo.”

Parang sira itong si Vaughn. Bakit naman napunta sa kasal ang topic?

Aba?! Matagal tagal na din naman kayo ni Regine diba? Don’t tell me wala kang balak pakasalan siya?”

Kasal??? Sa totoo lang hindi pa sumagi sa isip ko yan. Marami pa kasi akong gustong gawin sa buhay ko.
“Actually parang nagpaparamdam na nga si Regine na gusto niya ng mag-asawa eh.” Confess ko sa kanila.

“Oh?talaga? eh anong sabi mo?” interesadong tanong ni JM.

“Wala.” Wala naman talaga akong sinabi. Nananahimik lang ako pag doon na napupunta yung topic.

“Adik ka din noh?! Malamang iisipin nun na wala kang balak pakasalan siya.”

Marahil nga ay yun ang iniisip ni Regine pero wala pa talaga sa plano ko ang mag-asawa. I’m only 26 years old. Masyado pa akong bata para mag-asawa.

“Bahala ka nga..ikaw din baka magsawa sa kahihintay sayo si Regine iwanan ka nalang niyan bigla” pananakot pa ni JM.

Hindi nalang ako sumagot at ipinokus ang sarili sa pagmamaneho.

(-.-)

Magkasabay lang kami nila West dumating sa sementeryo. Mula doon ay nilakad nalang namin ang papunta sa musuleo ng pamilya nila Vince.

“Looks like may nauna satin ah.” Pansin ni Lieu.

May lalaki at babae kasing nakatayo sa labas ng musuleo.
“Sino kaya sila?” tanong ni Madz

“Baka kamag-anak or kaibigan nila Vince.” Sagot naman ni Vaughn.

Lumakad na kami palapit sa kanila. Naramdaman siguro nung dalawa na nandun kami kaya bigla silang lumingon.

Para kaming naestatwa lahat nung lumingon yung babae at lalaki samin. Wala sinuman samin ang gumalaw.

“Nandito din ba pala kayo” sabi samin nung lalaki.

Panaginip lamang ba ito?

Pwede bang pakikurot ako at ng malaman ko kung nananaginip lamang ba ako.

Wala sinuman ang sumagot. Nginitian kami nung lalaki.

Dahan-dahang inalis nung lalaki yung salamin niya kaya lalo kaming natulala.

Paano nangyari yun?

Dahil ang taong nasa harapan namin ngayon ang taong hindi namin inaasahang lahat na makikita.


(+_+)

No comments:

Post a Comment