- Sasabihin mong huwag siyang maghintay sa pag-uwi mo pero magagalit ka kapag hindi niya pinilit sunduin ka.
- Nagtatampo ka kapag hindi siya nagtext sa iyo, pero kapag ikaw ang hindi nagtext at natampo siya sa iyo, magagalit ka.
- Isang tanong pa lang ang ginawa niya, naikwento mo na ang buong buhay mo.
- Mahilig ka sa mga materyal na bagay… aminin mo man ito o hindi.
- Kaya mong ipagpalit ang lalaki para sa mga kaibigan mo… ng hindi niya nalalaman.
- Nagpapaalam ka dahil gusto mo lang pagbawalan ka niya pero hindi mo pa rin naman siya susundin.
- Mahilig kang magshopping… mas mahilig kang mag-window shopping.
- Kalahati ng sweldo mo napupunta sa luho mo sa katawan.
- Sa totoo lang, madalas naman talagang ikaw ang nagsisimula ng gulo.
- Pero minsan kaya ka nagsisimula ng gulo eh para lang makita mo naman siyang nasasaktan (di kasi halata eh).
- Marami kang crush. Gaano karami? CLUE: Higit sa sampu.
- Ang pinakamalakas mong panlaban sa away ay… IYAK.
- Gusto mo laging maging “iba”.
- Lagi mong sinasabing dapat ka ng mag-diet. Pero kung gaano mo ito kadalas sabihin ay ganun ka din kadalas kumain.
- Typical date na sa iyo ang movie and dinner date. Hindi ka na naiimpress dito.
- Isang oras kung mag-ayos ka ng sarili sa umaga. Kasama dito ang paliligo at “PAMIMILI” ng isusuot.
- Naniniwala ka sa Horoscope.
- Ang unang Newspaper section na tinitingnan mo ay… ENTERTAINMENT sunod ang LIFESTYLE.
- Para sa iyo, nakakaaliw na libangan ang pagbabasa ng magazine.
- Masaya kang kalikutin ang buhok ng kaibigan mo.
Ang lahat ng ito ay galing DITO
No comments:
Post a Comment