30: The Other Side of the Queen
[Regine’s POV]
I was on my way to my house when I received a call from an unregistered number.
Inihinto ko muna ang sasakyan para sagutin ang tawag. Mabuti na ang nag-iingat.
“Hello”
“Hello? Regine?” boses babae ang caller although familiar sakin ang boses niya hindi ko marecall kung saan ko iyon narinig.
“Speaking. Who’s this?”
“Aya” (Aya? As in Aya?)
“Aya? Yung kambal ni West?” kumpirma ko.
“Yeah.”
Bigla nalang akong napatili. It’s been five years mula nung huli ko siyang makita at nung nagpunta siya sa Japan eh wala na akong balita sa kanya. Although kahapon nasabi ni Lance na sikat na nga daw si Aya sa Japan.
“Girl!!! Kumusta ka na? Marunong ka pa bang magtagalog?” excited na sabi ko.
Kahit naman pareho kaming nainvolved kay Lance, Aya is been a good friend to me kaya naman isa siya sat inuring kong kaibigan sa Pilipinas. That’s why I’m so excited na makibalita sa kanya ulit.
“oO naman noh! Pinay pa rin naman ako. Okay naman ako. Ikaw?”
“Okay din lang. Balita ko sikat na sikat ka na ah.”
“Hindi naman masyado. Sakto lang.”
“hahahaha…sakto lang? parang coke lang ah.”
Natawa din si Aya sa kabilang linya.
“Nasaan ka nga pala? Nandito ka na ba sa Pilipinas? Diba supposed to be sa isang araw pa ang dating mo?”
Iyon kasi ang sinabi sakin ni Lance. Darating si Aya sa April 1st para sa concert niya eh March palng ngayon.
“So, nabasa niyo pala yung article.”
“Actually hindi ako ang nakabasa. Sinabi lang sakin ni Lance.”
“Really? Kayo pa ba?”
“Yup.”
“Wow…congratz…sa simbahan naba ang tuloy niyan ah?” biro ni Aya.
Bigla akong natahimik. Nalungkot naman ako bigla.
Nahalata naman yata ni Aya ang pananahimik ko kaya binago niya ang usapan.
“Busy ka ba? I’m here at La Breeze Makati . If you want you can visit me here. Ate Queen and Rhapsody are also coming.”
Ang La Breeze ang isa sa hotel na pag-aari ng pamilya nila Aya at West.
“Really? Sige. I’m Coming. Papunta na ako diyan. What about your barkada? Are they coming over?” I asked.
“I already called West that I’m here so maybe he told it to the barkada na. Si West nga din ang nagbigay ng mga numbers niyo sakin eh.”
“Ahh..ganun ba? Okay sige papunta na ako diyan. I will call you kapag nasa hotel na ako.”
“Okay. Take care. Suite 1703 ako.”
“Got it. Thanks.”
At ibinaba ko na ang cellphone.
I started the engine of the car and look for a U-turn para makarating ako sa La Breeze.
(^_^)
Malapit na ako sa hotel ng tawagan ako ni Lance.
“Hello”
“Where are you? Are you driving?” he asked.
“Yup. I’m on my way to La Breeze.”
“La Breeze? Tinawagan ka din ba ni West na nadito na si Aya?”
“Nope. Si Aya mismo ang tumawag sakin.”
“Whaattt? She called you? Close kayo ah.”
“Of course! Friends naman kami bago siya umalis ah.”
“Okay. Papunta na din ako dun. Susunduin n asana kita kaso mukhang mas mauuna ka pa sakin eh.”
“Tama! Malapit na kasi ako. Dun nalang tayo magkita.”
“May dala ka bang gift?”
Hala?! Oo nga pala! Sa sobrang excited ko nakalimutan kong magdala ng regalo para kay Aya.
“I forgot eh. Buti nalang pinaalala mo. Sige maghahanap muna ako.Thanks.”
“Okay. Take Care.”
“You too. I love you”
“Love you too.”
Hayy!! Buti nalang pinaalala ni Lance na kailangan ko pa pala magdala ng gift para kay Aya. Welcome gift ko.
Naghanap muna ako ng shop na pwedeng mabilhan.
(^_^)
[Queen’s POV]
Grabe naman itong si Sunshine biglaan kung umuwi. Di man lang nagpapasabi tapos tatawag nalang na nandito na siya. Pero in fairness miss ko na din naman siya eh.
Buti nalang malapit lang yung shop ko sa La Breeze kaya madali akong nakapunta. At since wala akong gift para sa kanya ipinili ko nalang siya ng damit na gawa ko na sa tingin ko ay babagay sa kanya.
Since I’m a former model madali nalang yun para sakin.
Sa five years na nakalipas nag-aral ako ng fashion designing dahil yun talaga ang gusto ko. Medyo okay na naman kami ni daddy. Nagmomodel pa rin naman ako nun sa Italy pero hindi na ganun kaactive. At nang makagraduate ako I decided to stay here in the Philippines na ikinatuwa naman ng mommy ko.
I have a boutique na ako mismo ang nagdedesign ng mga damit. As of now may tatlong branch na ako all over Metro Manila. Kilala na din ang mga design ko sa mga Elite peoples. Kaya naman wala na akong mahihiling pa.
Ay meron pa pala.
Lovelife. Hanggang ngayon wala pa rin akong love life.
Speaking of lovelife papasok ngayon sa Hotel ang taong allergic kapag nakikita ko.
Binilisan ko ang lakad para makasalubong ko siya.
“Hi, What a small world isn’t it?” nakangiting bati ko.
Halatang nagulat si West na makita ako. Agad itong lumayo sakin. Natatawa nalang ako sa sarili ko. Hanggang ngayon allergic pa rin sakin itong si West.
“What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?” sita niya sakin.
I laughed sarcastically.
“Masyado kang assuming William. I like it. But sorry to tell you dahil hindi kita sinusundan. Pero kung gusto mong isiping sinusundan kita? Okay lang sakin.” Nakangiting sabi ko. Kaso yung dating ng ngiti ko sakanya eh parang nang-aasar. Kaya napasimangot nalang ito.
“wag kang sumimangot papangit ka niyan.” Biro ko.
Pero alam kong hindi iyon totoo. Dahil isa na yata si West sa may pinakagwapong mukhang nakilala ko. Napakaamo kasi ng mukha niya. Parang babae. Kaya nga kahit nakasimangot na siya ay gwapo parin.
“Nga pala bakit dito tayo sa elevator na ito? Hindi ba doon sa kabila ang ginagamit.?” Tanong ko. Iba kasi yung elevator na pinuntahan naming dalawa kesa sa ginagamit ng mga guest.
“Exclusive lang ito sa pamilya namin. Hindi ko nga alam kung bakit ka sumusunod sakin eh. Dun ka dapat sa guest.”
“Ang arte mo ah pareho lang naman tayo ng pupuntahan eh. Saka ayoko dun siksikan dun eh at least dito ikaw lang ang kasabay ko. Dalawa lang tayo.” Pang-aasar ko.
Hindi nalang umimik si West.
Nang makarating sa sakayan ng elevator ay sabay pa kaming pumindot ng button kaya naman di maiwasang nagdampi ang mga kamay namin.
Pakiramdam ko ay may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko kaya napaigtad ako. Mukhang ganun din siya kasi halos sabay lang kaming napaigtad.
Gosh!!! Dampi palang ng kamay yun ah may spark na what more pa kaya kung halik na????
Napailing ako at itinaboy ang kung anu-anong kalokohang pumapasok sa isip ko. Di ko tuloy namalayang bumukas na ang elevator at nasa loob na si West kung di niya pa ako tinawag.
“Dyan ka na lang ba? Isasara ko na itong elevator. Pero kung ako rin lang diyan ka nalang.”
Agad akong pumasok. Ayokong maghintay ng napakatagal sa pagdating ng elevator noh.!
Dalawa lang kami sa loob kaya naman wala kaming imikan. Parang maski ako ay di alam ang sasabihin kaya nanahimik na lang ako.
Pero aware ako sa presensiya ni West. Amoy na amoy ko ang mabangong amoy niya. Sarap niyang singhutin.hehehe..
Suminghot singhot pa ako kaso pagtingin ko sa salamin ay nakakunot ang noo ni West habang nakatingin sakin.
“Anong ginagawa mo? Para kang sira.” Kunot-noong tanong nito.
Medyo pahiya konti..hehehe..bawi bawi din.
“Inaamoy ko lang itong elevator niyo noh kung mabango. Nakakahiya naman kasi kung amoy bulok dito.” Palusot ko.
Hahaha!!! Ako pa eh pagdating sa palusot magaling ako dun.
Hindi nagsalita si West pero nakatitig pa rin siya sakin. Na conscious tuloy ang lola mo.
Maya-maya ay nagulat nalang kami ng biglang tumigil ang elevator.
Agad pinindot ni West ang emergency button.
“Anong nangyari? Bakit tumigil itong elevator?”
Pero walang sumasagot
Bigla ding namatay ang ilaw. Kaya naman napatili nalang ako.
My Gosh!!! Takot ako sa dilim!!!!
“Wag kang sumigaw” saway sakin ni West.
Pinakinggan ko ang pinanggagalingan ng boses at walang sabi-sabing yumakap nalang ako sa kanya mula sa likod.
“Don’t tell me takot ka sa dilim?”
Hindi ako sumagot nanatili lang akong kayakap siya.
“Saglit lang yan nagkaroon lang siguro ng problema pero for sure maaayos din iyan agad.”
[West POV ]
Habang nakasakay kaming dalawa ni Queen sa elevator ay biglang tumigil ito at namatay ang ilaw. Siguro may nasira lang sa electrical room kaya ganoon.
Pero nagulat nalang ako nung biglang tumili si Queen. Takot pala siya sa dilim. Gusto ko tuloy tumawa kahit na alam kong takot na takot na siya. Di ko kasi maimagine na ang tulad ni Queen na saksakan ng pang-asar at maldita ay takot sa dilim.
Aasarin ko na sana siya nang walang anu-ano’y yumakap siya sakin mula sa likod.
Hindi ako nakagalaw. I could feel her soft body tremblings against my back. I stood still.
“Saglit lang yan nagkaroon lang siguro ng problema pero for sure maaayos din iyan agad.” I assure her that everything’s gonna be alright.
This is a side of Queen that I didn’t know.
Nakilala ko lang siya biglang pasaway na anak, maldita at mapang-asar. She made my childhood life miserable whenever she’s around kaya naman super allergic ako sa kanya. Hanggat maari ay umiiwas ako kapag nasa malapit siya.
But now…it’s different.
Parang ibang Queen ang kasama ko.
“Natatakot ako” nanginginig ang boses na sabi niya.
Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko and I pulled her to be in front of me and I hugged her in order to comfort her.
No comments:
Post a Comment