“Physical Injury”
I’m Ruijin Minah and I don’t believe in
Fairy tales…I don’t believe in happy endings... Mga kathang isip lamang iyon na
ginawa ng mga tao….this is reality… and in reality…there’s no such thing as
Prince Charming.
I used to
believe that my family is a perfect family. I have my mom and my dad. Pero
ganun nalang ang gulat at sakit na naramdaman ko when I found out that we are
not the only family of my dad…. We are just his second family… Second… at hindi
first…. Meaning KABIT ang mommy ko.
Kaya pala laging wala si daddy samin kapag may special occasion… Christmas, New
Year… he always told me na may pasok siya sa work… and since I love him I
believe him… but all of those things are just lie. My mother and father both
lie to me. Sobrang sakit yung naramdaman ko that time.
And since
then…nagalit na ako sa mga lalaki…. And since then sinabi ko sa sarili kong
walang happy ending…because no matter how happy the ending was. It’s still an
end.
“Pwede ba Bansot wag kang
humarang-harang dyan sa daan at baka mamaya matapakan nalang kita dahil hindi
kita nakikita”
I looked at
the man and give him my most fiery looks. Pero ang tinamaan ng magaling ay ni
hindi man lang natinag at dirediretso pa talagang pumasok sa loob ng CaPerona.
Ang pinakamalapit at sikat na Cafeteria sa village na iyon.
Hindi naman
ako makakapayag na umasta-asta ang lalaking iyon ng ganun ganun nalang kaya
nagmamadaling sinundan ko siya sa counter.
“Hoy Kapre!!!! Sino ka para sabihan ako
ng ganun ha?!”
gigil na sabi ko at hinampas siya sa likod.
Humarap
naman siya sakin with his serious and killer looks.
Hah! As if
naman matatakot niya ako diba?!
“Article 262-266 of the Criminal Law
of the Philippines
Chapter 2 Physical Injury... I could sue you, did you know that?” anito.
Bigla
namang natatameme ang beauty ng lola mo. Aba?
Ayoko yatang mabulok sa bilangguan noh?! Dahil sigurado akong kapag ako
ipinakulong nitong kapreng lalaking ito hindi na ako makakalabas ng tuluyan sa
bilangguan.
Pero
syempre hindi ako nagpahalatang natinag ako sa sinabi niya. Hindi yata ako
susuko. Dahil ang unang sumuko ay talo. At never!!!! As in NEVER kong ipapakita sa lalaking ito na panalo na siya. Pumuti man
ang lahat ng uwak sa mundo, lumipad man ang mga baboy at magkaroon man ng apat
na paa ang
manok.
“Anong physical injury ka dyan eh ni
hindi ka nga natinag sa ginawa ko eh...ako nga dapat ang magsampa ng physical
injury dahil nasaktan ang kamay ko sa likod mo. Bakal yata ang likod mo eh.” Reklamo ko.
In fairness
masakit naman talaga ang pagkakatama ng kamay ko sa likod niyang malabakal
yata.
“I’ll take that as a compliment” supladong sabi nito at bitbit ang
tray na umalis sa counter.
Naiwan
naman akong nanggigigil sa inis at pagkapahiya.
Pesteng
lalaki iyon. Panira talaga ng buhay ko.
Siya si Atty. Ranzell Montreal. Ang taong ipinanganak
yata upang sirain ang buhay ko.
I knew him
since I was in my childhood years. Isang antipatiko, arogante, mayabang at
saksakan ng supladong lalaki. Nung naghagis yata ng pagiging suplado ang Diyos sinalo
at inangkin na lahat iyon ni Ran. I hate to admit this but that guy is really
something. May karapatan naman siyang magyabang dahil may ipagmamalaki siya.
His family
is one of the richest families in the country. They own many branches of
Hotels, Hospital and a very large company here and abroad pero mas pinili ni
Ran na maging isang abogado kesa pamahalaan ang business ng family nila.
Matalino
din itong si Ran. Madalas nga siyang nasa deans list nung highschool at college
kami. Good catch na sana
dahil gwapo at macho din naman.
Pero
nakakainis talaga siya eh. Dahil lagi niyang pinepeste ang buhay ko.
Matapos umorder
ay naghanap na ako ng mauupuan. Sa favorite couch sa loob ng CaPerona ako
pumuwesto. Mas gusto ko dun dahil may outlet kasi dun kung saan pwede kong
isaksak ang pinakamamahal kong laptop. Lagi ko kasing dala ito dahil na rin sa
trabaho ko bilang isang pocketbook writer. Hindi ko naman kasi makontrol kung
kailan may papasok na idea sa utak ko kaya lagi ko nalang dinadala ito.
Inilabas ko
ang laptop at sinimulan kong magtype ng idea sa utak ko while eating my
favorite coffeegelo. Pero hindi ko maiwasang sulyapan si Ran na busy din sa
harap ng laptop computer niya habang nakakunot ang noo.
Infairness
ah kahit na nakakunot ang noo niya gwapo pa din siya.
Teka nga Ruijin!!! Ano
bang gwapo ang pinagsasabi mo dyan?! Kelan pa naging gwapo sa paningin mo ang kapreng
iyan?!
Masyado na
yatang napaparami ang inom ko ng kape at pinasok na ng hangin ang utak ko.
Erase…erase…erase…
“Hi Ruijin!!!”
“Ay pesteng kabayo!!!”
Ganun
nalang ang gulat ko ng may biglang tumapik sa balikat ko.
Halos
maibuga ko tuloy ang kinakain kong coffeegelo.
Ang
nangyari ay nabulunan tuloy ako.
“Relax Ruijin…maraming coffeegelo
dito sa CaPerona hindi ka mauubusan” natatawang sabi sakin ni Jen sabay abot ng tissue.
“Eh luka-luka ka naman kasi
nangugulat ka nalang basta” angil ko.
Angel
Jennylyn Montreal is my friend. Nung college kami ay writer siya ng school
paper kung saan ako ang editor. Madali namang makasundo si Jen dahil
napakasweet at lambing niyang babae. The complete opposite of me.
“Masyado ka kasing seryoso eh. Saka
by the looks of it parang gusto mo ng batuhin ng tinidor iyang si kuya eh” biro ni Jen sabay baling sa kapatid
nitong nasa kabilang table.
Magkapatid
nga pala sina Ran at Jen. Pero sadyang napakalayo ng ugali nila sa isat isa.
“Hindi ko pagaaksayahan ng oras ang
kapatid mong nagmana yata kay Hitler at Bin Laden” irap ko.
“Eh paano yan kay Daddy nagmana
iyang si kuya Ran eh? So pwede mo na ba siyang pag-aksayahan ng panahon?” biro pa nito.
“Hay naku Jen that wont ever happen..itaga
mo sa bato!!!”
“Baka naman itaga mo sa puso mo”
“Shut up Jennylyn!!!”
“I love you too Ruijin”
Naku naman
kahit kaibigan ko itong si Jen ay nakakainis dahil lagi niya akong nirereto dito
sa kuya niyang masahol pa kay Hitler.
As if naman
gusto kong magpareto diba?
Mas
gugustuhin ko pang sumabak sa gyera sa Iraq
at Mindanao kesa maireto sa kapreng ito.
“Hi Ruijin…Hi Pareng Ran…anong
ginagawa niyo dito? Nagdedate ba kayo?” tanong ni Ian ng makalapit. Ang boyfriend ni Jen na
nagkataong schoolmate ko din nung college.
Isa na
namang pang-asar sa buhay. Wala ba talaga akong peace of mind na makukuha???
“Hindi kami nagdedate at kahit kelan
hindi kami magdedate naiintindihan niyo bang dalawa iyon?” nanlalaki ang matang sabi ko sa
magjowa.
“Hindi eh..ikaw ba Angel
naiintindihan mo?”
tanong ni Ian.
“Hindi rin eh..wala nga yata akong
narinig eh” sagot
naman ni Jen.
“Grrr!!! Ewan ko sa inyong dalawa!” sigaw ko sabay tingin kay Ran. “sa inyong tatlo pala!!!”
“Wag mo akong idamay dyan kung ayaw
mong ipadampot kita palabas dito. Noise pollution ang ginagawa mo” ani Ran na hindi pa rin inaangat
ang tingin sa harap ng laptop computer.
“Ewan ko sayo!!!” sa sobrang inis ay nilayasan ko
nalang sila.
Oo… ako na
ang pikon.
Pero babawi
ako… hindi pwede ito.
No comments:
Post a Comment