Friday, August 31, 2012

Friends Zone : Chapter 1









[Regine’s POV]


Hindi kami magkandaugaga ni Richelle sa pagsilip sa bintana ng kwarto ni Jhonah. Tumuntong pa kami sa upuan upang mas lalong mabistahang maige ang pinapanood. Kulang nalang ay magtulakan kaming dalawa.


“Oh My God! Look at them Iche. Ang gwapo talaga nila!!! And those body?? Oh MY God!!!!” patiling sabi ko at hinila-hila pa sa braso si Richelle.

Marahang tinapik naman nito ang kamay ko.

“Umayos ka nga! Mahuhulog ako sa ginagawa mo eh. Saka anong Oh My God ka jan?..baka Oh Our God...ikaw lang ba ang may Diyos ha??”

Pacute namang ngumiti ako sa kanya...with matching tantalizing eyes pa...

“Sorry cute lang..nagkakamali...pero tama naman ako diba? Gwapo talaga sila.”

“You bet!” sang-ayon ni Richelle at muling tumingin sa labas ng bintana. Ganun din ang ginawa ko.

Hindi namin namalayan na pumasok ng kwarto si Jhonah sa sobrang pagka-absorb namin ni Richelle sa paninilip..hehe... Napakunot naman ang noo nito nang mapansin ang dalawang kaibigan na hindi parin tumitinag sa pagsilip sa labas ng bintana. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nito...pero syempre hindi namin alam yun ni Richelle..kinuwento lang nung otor nito... Dahan-dahang lumapit si Jhonah sa likod at walang anu-ano’y ginulat kaming dalawa..

“Ay butiki!”

“Ay kabayong bundat!”

Sabay kaming nagulat ni Richelle kasabay ng pagkahulog namin sa tinutuntungang upuan. Bumagsak tuloy kaming dalawa sa sahig.

“Aray ko! Yung pwet ko ang sakit” reklamo nito.

Tawa naman ng tawa si Jho sa ginawang kalokohan.

“Salbahe ka Jho! Bakit mo naman ginawa yun?” tanong ko sa kanya habang himas-himas ang pwet na nasaktan.

“wala lang. Busy kasi kayo eh.ano ba kasing ginagawa niyo at anong tinitignan niyo?” tanong nito kasabay ang pagsilip sa labas ng bintana kung saan sumisilip kaming dalawa.

Napasimangot naman ito sa nakita.


[Jhonah’s POV]

Busyng-busy yung dalawang panget nung pumasok ako sa kwarto. Kaya tuloy hindi nila namanlayan ang pagdating ko..may naisip tuloy akong kalokohan...sabay ko silang ginulat dahilan para mahulog sila sa tinutuntungan nilang bangko...ang lakas tuloy ng tawa ko ng bumagsak sila...oy! baka naman sabihin niyo ang mean ko..hindi naman masyado...medyo lang... naintriga naman ako sa kung anong sinisilip nila sa labas ng bintana kaya nakiusyoso ako. Pero ganun nalang ang simangot ko sa nakita ko.

Dahil sa labas ng bintana kung saan sumisilip ang dalawang kaibigan ay tanaw ang mga kalalakihang kasalukuyang nagpapaaraw at naglalaro ng basketball sa gitna ng bakuran namin kung saan nakiusap ang kuya niya sa driver nila na igawa ang mga ito ng basketball ring.

Kasama ng kuya niyang si Jeirick ang mga kaibigan at kababata nitong sina Marky, Laxus, at ang pinsan niyang si Paul. Sa isang sulok ay nakita niya naman si Earl na may hawak na libro. Hubad-baro ang mga ito habang naglalaro kaya naman kitang-kita niya na basa na ng pawis ang mga ito.

Hinarap niya ang dalawang kaibigan at kababata na prente ng nakaupo sa ibabaw ng kama niya.

“Iyon??? Iyong mga iyon ang pinag-aaksayahan niyo ng panahon?Eh mga wala namang kwenta ang mga iyon eh.” Nakasimangot na turan niya sa mga kaibigan.

“Oo na...kasi mas magaling ka sa kanila...mas matalino ka sa kanila...kulang nalang sabihin mong mas gwapo ka kesa sa kanila eh.” Pagtatapos ni Richelle sa sasabihin ko sana. Pinaikot pa nito ang eyeballs habang nagsasalita. Sarap batukan.

“Eh sa totoo naman eh. Mga lampa yung mga yun.”tukoy niya sa mga kababata ng kapatid na kung tutuusin ay kababata rin naman nilang tatlo nila Regine at Richelle dahil bata palang sila ay kilala na nila ang mga ito. “Aanhin mo naman ang kagwapuhan nila? Nakakain ba yun?” dugtong pa nito.

“Ah basta! Wala akong pakialam sa kanila. Dahil para sakin si Jeirick lang ang nararapat para sa aking magagandang mata”parang nangangarap na sabi ni Regine at pabagsak na nahiga sa kama.

Binato ko naman ito ng unan na nahulog sa sahig dahil sa paghiga nito.

“Umayos ka nga Regine Estolatan! Ang bata-bata mo pa kung ano-ano ng pinagsasabi mo jan!”

“Excuse me!! I’m turning 18 three months from now. Kaya hindi na ako bata...mas matanda pa nga ako sayo eh” nakairap na sagot nito.

“Akala mo naman ang layo ng agwat niya sakin eh apat na bwan lang naman tanda niya”

“Atleast mas matanda parin naman kami sayo” singit naman ni Richelle.

“Bumangka ka na naman Ichecoy”

Tawa siya ng tawa ng sumimangot ng kaibigan. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag ito sa palayaw nito na iyon.

“Hay naku Jho..kelan mo ba aayusin ang sarili mo? Kelan ka ba magtitino?”

“Hoy!!! Matino naman ako ah...saka what’s wrong with me?” depensa niya sa sarili.

Eksaheradang tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. At mula paa hanggang ulo.

Everything about you is wrong.” Hinila siya nito sa tapat ng full length mirror sa silid niya. “Look at yourself..yan ba ang matino?”

Tinignan niya ang sarili sa harap ng salamin. Nakasumbrero siya na pabaligtad ang pagkakasuot, loose t-shirt at pantalong maong. Ang sapin niya sa paa ay rubber shoes. Iyon ang madalas na suot niya dahil dun siya kumportable.

“Okay naman ang damit ko ah..hindi naman ako nagsusuot ng butas-butas at madumi..ano namang masama dun?”

“My GOD---“

“Our GOD” sabay na sabi namin ni Regine

“Kei fyn! Our GOD Jonalyn...i just want to remind you that you’re a girl, a woman, a female..in case you’ve forgotten about it” nakukunsuming sabi ni Richelle.

“I know. Hindi pa naman ako nanliligaw ng babae kaya I guess babae pa din ako” sarkastikong sabi ko.

“Yun ang wag na wag mong gagawin Jonalyn ..or else I’m gonna kill you” banta ni Regine.

“You cant do that” tumatawang sabi ko. Ni ipis nga hindi magawang patayin ni Regine..tao pa kaya?

Napangiti naman si Regine

“I know..but i like the sound of my voice threatening you. It’s fun..you should try it once in a while.”

“wag na..baka makasuhan pa ako ng illegal words of action”

“meron bang ganun?” takang tanong ni Richelle

“Wala...imbento ko lang yun...ganun talaga pag henyo..hehehe” animo kontrabida sa pelikulang tumawa pa ako habang nakapamewang.

“whatever!” napailing nalang yung dalawa.

“Tara baba na tayo..nagutom ako sa kunsumisyon dito kay Jhonah.” Yaya ni Richelle kay Regine.

“sabi ko naman kasi sayo wag mo nalang pansinin yang babeng yan dahil wala ng pag-asang magbago pa yan” sagot naman ni Regine at nagpauna na sa paglabas ng silid.

“Tignan mo ugali ng mga ito”napailing na sabi ko sa sarili at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin sabay kibit-balikat na lumabas na ng silid.

= = = = =

Sa bakuran natanaw ni Jhonah ang dalawang kaibigan. Kausap na ng mga ito ang mga kabarkada ng kuya niya. Napailing nalang siya habang nakamasid sa mga ito. Pawang mga 4th year college na ang mga ito. Business management si Jeirick. Accounting si Earl, Engineering si Laxus, Political Science si Paul at medicine naman si Marky. Mas ahead si Richelle sa kanila ng isang taon kaya 4th year na din ito. Samantalang silang dalawa ni Regine ay mga 3rd year student sa kursong Mass Communication.

Si Jeirick ang tumatayong lider sa grupo. Masasabi niyang ito ang pinakamatino at pinakamabait sa lahat. Hindi dahil kapatid niya ito kundi dahil iyon ang nakikita niya. Ito ang takbuhan nila kapag may problema at higit sa lahat napakabait nitong kuya sa kanya kaya nga mahal na mahal niya ito. Alam din niya na patay na patay dito ang kaibigang si Regine. Dahil si Jeirick ang madalas na nagtatanggol sa kanila kapag may mga batang umaaway sa kanila noon. Kaya naman hindi niya masisi ang kaibigan kung magkagusto ito sa kuya niya.

Si Laxus ang pinakaiinisan niya sa barkada ng kapatid. Numero uno kasing playboy ito, halos lahat ng babae ay pinapatos. Infairness, gwapo naman kasi ito. Halos lahat naman ng kaibigan ng kuya niya ay mga gwapo at may sinasabi s buhay. Kaya naman mga babae na ang naghahabol sa mga ito. Kung minsan nga ay may mga babae pang lumalapit sa kanila at nakikipagkaibigan sa kagustuhang mapalapit sa mga barkada ng kapatid niya.

Mula naman sa angkan ng mga doktor si Marky. Isang magaling na heart surgeon ang ama nito at pediatrician naman ang ina. Subalit ang ipinagtataka nila ay kung bakit OB-Gyne ang gustong kuning specialty ni Marky. Ang biruan nga sa kanila ay para libre itong makapamboso ng mga babaeng manganganak.

Ang pinsan niyang si Paul ang numero-unong kaaway ni Regine. Kung gaano nito kagusto ang kuya niya kabaligtaran naman nito si Paul. Ito kasi ang madalas na mang-asar sa kanila nung mga bata pa sila. Napakakulit nito at ito rin ang madalas mapasabak sa kaguluhan. Kaya tuloy madalas itong mapagalitan ng tita niya.

Si Earl ang masasabi niyang bestfriend ng kuya niya. Ito ang pinakatahimik at pinakaseryoso mula pa noong mga bata sila. Bihira niya itong makitang ngumiti at ni minsan ay hindi pa nila ito nakitang tumawa ng malakas tulad ng iba kaya naman ay madalas itong mapagkamalang suplado dahil aloof din ito sa mga babae. Kahit ang mga kaibigang sina Regine at Richelle ay naiilang kausapin ito. Siya lang yata ang makulit na kumakausap dito. Sa lahat ng kaibigan ng kuya niya dito kasi siya sobrang bilib dahil bukod sa matalino ay hindi rin ito babaero. Kung hindi nga lang siguro niya kilala ito at kung hindi lang ito sobrang gwapo ay iisipin niyang myembro ito ng isang federasyon.

Babaeng butas ang utak ang tawag niya kay Richelle o Iche. Bihira kasi nitong matandaan ang mga bagay-bagay. Mahina ito sa memorization pero kung ano-anong extr curicular activities ang sinasalihan. Mega-kalimot din ito. Kaya tuloy minsan ay napagkakamalang isnabera ng mga tao pero sa totoo lang hindi niya lang maalala ang taong iyon. Kaya Mass Com ang kinuha nitong course ay dahil pangarap nitong maging isang mahusay na photojournalist. Gustong-gusto nitong maglibot sa kung saan-saang panig ng mundo at alamin ang mga kaganapan sa buong bansa. Kahit na ito ang pinakamakakalimutin sa kanila, ito naman ang may pinakasense of adventure. Lahat ng lugar gustong puntahan. Ang kinakatakot nila ay baka maligaw ito dahil sa pagiging makakalimutin.

Regine is the most sweet and charming among them three. Babaeng-babae ito kumpara sa kanya. Ito ang tamang example ng “damsel in distress” dahil parang napakavulnerable at fragile nito sa mga aksidente. Ang kuya niyang si Jeirick ang idineklara nitong “knight in shining shimering armor” at ang pinsan niyang si Paul ang “dragon sa tore”. Kahit na magkaiba sila ng personalidad ay magkasundong-magkasundo silang tatlo. She is very thoughtful and friendly. Ang masasabi niya lang kapintasan nito ay she has the worst sense of direction. Madalas itong maligaw kaya hindi nila hinahayaang magbyahe itong mag-isa.

At siya, si Jonalyn o mas kilala bilang Jho or Jhonah, nakababatang kapatid ni Jeirick ay may pagkaboyish kumilos at pumorma. Siguro dahil narin sa kakasama niya sa mga kaibigan ng kuya niya. She is outspoken and very much driven. Kapag may ginusto siya hindi siya titigil hanggat hindi iyon nakukuha. She is a very sporty person. She knows different types of martial arts such as tekwando, karate and muay-thai. Hindi siya nagpapaapi lalo na sa mga lalaki because she believes in the equality of men and women. Marami na duin siyang nasalihang contest tungkol sapagalingan ng utak kaya tuloy hindi siya madaling maattract sa mga lalaki.

Napatigil sa pagbabaliktanaw si Jhonah ng marinig ang malakas na halakhakan sa bakuran. Ipinagpatuloy nalang niya ang paglapit sa mga kababata.

***

No comments:

Post a Comment