[ Ever Ever After Part 3]
[Richelle’s POV]
“PAY” sabi ni Regine at inilapag ang tiles sa board.
Napangiti
naman ako habang inililista ang score na nakuha niya.
“Hoy! Triple word yan ah!”
“Alam ko” sagot ko at inilayo ang isang piraso ng tiles sa iba
ko pang tiles.
It
was a fine Friday Afternoon at kasalukuyan kaming nakikitambay sa rooftop nila
Earl. Ninoy Aquino’s Day kaya wala kaming pasok sa school.
Me
and my friends Regine, Yesha, and Demi try to outdo each other…or rather try to
out trick each other. Batid kong mauutak ang mga ito pero madaya naman ako.
Kelan ba nanalo ang mautak sa madaya?
Yung
mga boys naman eh naglalaro ng cards….or nagdadayaan sa cards..haha.
Ngiti-ngiting
inilapag ko ang isang piraso ng tiles sa board ng scrabble.
“PAYS” sabi ko “Triple-double
word!!! Hahaha!!! Ang galing ko talaga! Ako na ang panalo!!!” tuwang-tuwang
sabi ko at pinag-aasar sila.
Agad
namang nagsipag-angalan ang mga ito.
“Madaya ka Richelle! Double letter lang
yan. Hindi mo na uulitin yung score na nakuha ni Regine kanina” reklamo agad ni Demi. Epal talaga.
“Pavertical lang kaya ang basa dyan” angal naman ni Regine
At
syempre hindi naman ako magpapatalo sa kanila. Kailangan kong ipaglaban ang
karapatan kong manalo sa scrabble! Kaya ang naging resulta eh labo-labo. Para kaming clash of the titans over the board of
scrabble.
Huminto
naman ang mga binata sa paglalaro at pinagtawanan kami.
“Ako ang scorer” prisinta ni Marky
“Ako referee” sagot naman ni Trace
“Ako naman ang watcher” ani naman ni Paul
“At ako ang escort!” nagmamalaking sagot ni Laxus.
Maang
na napatingin kaming lahat sa kanya.
“Escort??? Aanhin naman namin ang
escort?” mataray na tanong ko.
“Syempre para mainspired kayo lalo. Ako
kaya ang pinakagwapo dito” pagyayabang
pa nito.
“Lols! Si Gray kaya yun” binato pa ito ni Marky ng piraso ng potato chips
Agad
naman iyong nasalo ni Laxus at isinubo.
“Lamang ka lang sakin tol ng isang
paligo” sabi nito kay Gray
“Oo..isang paligo..isang drum ng
paligo” pang-aasar ko sa kanya
dahilan para magtawanan ang grupo.
Ang
sama naman ng tingin sakin ni Laxus..hehe
“Kayo…nagdadayaan kayo palibhasa wala
si Jhonah eh” nakasimangot na sabi
ni Laxus. Hindi yata makaget-over sa pang-aasar ko..hehe
“Oo nga..kung nandito si Jhonah talo na
kayong lahat” segunda ni Marky.
We
already knew that Jhonah is the brainiest among us…with the exemption of Earl.
Ito lang kasi ang nakakatapat kay Jhonah. Nung nagsabog ng talino at talent ang
Diyos eh sinalo na ata lahat nun ni Jhonah. Kaso nung nagsabog ng pagiging
babae..ayun tulog na tulog.
“Speaking of Jhonah..nasaan na nga ba
Jeirick yung kapatid mo?” usisa ni
Gray
Nagkibit-balikat
naman si Jeirick.
“I don’t know. Maaga silang umalis ni
mommy eh”
“Ganun ba? Hindi naman siya nagrereply
sa text ko eh. Ayoko namang tawagan sayang ang load” sagot ni Regine.
Oh
diba? Mana mana lang ang pagiging kuripot sa grupong ito.
Agad
na tumayo si Demi sa pagkakasalampak sa sahig.
“Ayoko na.dinadaya lang tayo ni
Richelle eh.” Nakasimangot na sabi
nito at pinagpagan ang short shorts na suot. Naupo ito sa hita ni Jeirick.
Niyakap naman ni Jeirick ang nobya.
Parang
gustong tumirik ng mata ko sa uber!!!!! As in uber kasweetan ng dalawang
magjowang ito. Tama bang sa harapan namin maglampungan? Hmfpt! Mahihiya ang
asukal sa kanila eh.
Tumayo
na din tuloy ako at baka madamay pa ako sa langgam na nakapalibot sa kanilang
dalawa. Binitbit ko ang pitsel sa lamesa na wala ng laman.
“Kukuha lang ako ng inumin” sabi ko at hinila patayo si Regine. “Samahan mo ako”
“Bakit? Isang drum ba ang kukunin mo?” angal nito.
Saktan
ko kaya itong babaeng ito at ng matauhan.
“Huwag ka ng maraming tanong. Sumama ka
nalang” teka..parang tunog holdapper
naman yata ako…di bale na nga … at hinila ko na siya pababa.
>_<
“kumusta ka naman?” agad na tanong ko kay Regine pagdating namin sa
kusina at iniabot sa katulong yung pitsel. Akala niyo ako ang magtitimpla noh?
Malakas lang ang loob ko pero ang totoo gusto ko lang talaga mapagsolo kami
nitong si Regine.
“Okay naman. Para
namang ang tagal nating di nagkita kung mangumusta ka” kunot-noong sagot ni Regine.
Pinandilatan
ko siya ng mata.
Yung
ganito ( O _ O )
“That’s not what I’m talking about! I’m
referring to your lovelife. About you, Jeirick and Demi.”
Napabuntong-hininga
ang bruha habang nilalaro laro ang buhok niya. Oh sige..ikaw na si Sisa..agawan
mo na siya ng papel. Try mo na ding sumigaw at hanapin si Crispin.
“Ahh yun ba? Ok lang…tanggap ko na
naman eh…tanggap ko na si Demi talaga ang mahal ni Jeirick…kahit na mas maganda
at mas mabait ako kesa kay Demi.. sana
lang maging happy sila.”
“Grabe mukha ngang okay ka na..kasing
lakas na ng hangin ni Paul ang inilalabas mo eh.”
“Paul ka dyan!”
Asus!!!
Kunwari padeny deny pa…if I know kinikilig naman siya. Hmfpt!
“Nakamove on ka na yata kay Jeirick eh”
“Hmmm..medyo” pakipot pang sabi.
“Asus! Medyo ka dyan..akala mo ba hindi
ko alam na nagiging close na kayo ni Paul? NaPo-Paul ka na ba sa kanya??” pang-aasar ko pa sa kanya.
Agad
namang namula ang pisngi ng loka…halatang halata eh.
Napansin
ko na naging malapit sila after nung debut ni Regine..kung paano nangyari iyon
eh hindi ko alam. Ang mahalaga okay sila.
“Uy!!! Nagbablush!!! Palibhasa totoo” tudyo ko at kiniliti pa siya sa bewang.
“Ano ba? Hindi pa kaya kami”
“Hindi pa??? so ibig sabihin malapit
na…hay naku Regine…dyan naman nagsisimula ang lahat eh.” Sabi ko at nakapangalumbabang naupo sa silya. Tapos
ng refill-an ni Ateng maid yung pitsel pero hindi pa ako tapos kausapin si
Regine kaya mamaya na. “Nakakainggit
naman kayo. Ako kaya kelan magkakalovelife? Kahit man lang sana likelife eh…kaso wala. Ikaw may Paul
na…si Jeirick may Demi, maski si Jhonah na walang interes sa lalaki eh may
lovelife.tapos ako wala” himutok ko na animo malaking problema ng bansa ang
kinakaharap ko.
Problema
naman talaga yun eh… problemang puso.
“Si Jhonah??? Sino naman ang lovelife
nun?” nagtatakang tanong ni Regine.
Palibhasa
may Paul kaya wala ng pakialam sa paligid eh.
“Sino pa eh di si Earl” naghahabang ngusong sagot ko.
“Si Earl??? Talaga? Sila na?”
“Hindi.. pero obvious naman na may
Chemistry sa dalawa eh. May Physics pa at Biology. Pero ako ultimo General
Science wala!” Atungal ko.
“Hindi kita magets. Ang gulo mo”
“Tangalin mo kasi yang agiw sa utak mo”
“Yabang nito”
Agad
akong humarap kay Regine at hinawakan siya sa balikat.
“You have to help me” seryosong sabi ko.
Halata
namang nagulat si Regine “help you on
what?”
“Operation lovelife”
“Whhhhaaattt???” bulalas ni Regine “Are you into drugs or something?”
“No I’m not! I’m just desperate having
a lovelife!!! Kaya Regine…you need to help me pleeeaaasssseeeee!!!!” pagmamakaawa ko pa. kasing haba nga yata ng San
Juanico Bridge yung “Please” ko eh.
Napabuntong-hininga
si Regine tanda ng pagsuko.
“Okay. What do you want me to do?”
“Find me a boyfriend!”
“Duh? As if ganun kadali?! Kung
makapagsabi ka parang bibili lang ako ng suka sa tindahan ah… kung ako nga
walang mahanap na boyfie ihahanap pa kita” nakataas ang kilay na sabi ni Regine.
Bruhang
ito sinisira ang pangarap ko palbhasa masaya siya.
“You don’t have to find a boyfie
because you already have Paul. Kaya ako ang ihanap mo”
“Hindi ba pwedeng magkaroon ng
choices?”
“Hinde! Wag kang epal. May Paul ka na
maghahanap ka pa ng iba. Okay na si Paul”
“Okay fine…so why don’t we start with
our boys?” suggestion ni Regine.
“Hmmm.. it’s okay. Atleast kilala ko na
sila. Pero sino naman dun?”
“Out of the list na si Jeirick kasi may
jowa na siya pero kung gusto mong mag ala Anne Curtis or Bea Alonzo or Andy
Eigenman eh bahala ka ”
“ Sira ulo ka…wala akong pangarap
maging mistress noh! Out na din si Paul kasi sayo na siya.” Kinurot naman ako ni Regine. Ang arte…hehe “i-out mo na din si Earl kasi ibibigay ko
na siya kay Jhonah” naks! Parang pag-aari ko lang si Earl ah..hehe
Tumango
si Regine.
“So the only persons left are Marky,
Trace, Gray and Laxus”
“Ayoko kay Gray…hindi ko feel ang
masyadong gwapo..maraming kaagaw…si Laxus naman maaga akong matutuyuan ng dugo.
Maya’t maya tumitingin sa ibang babae”
“Talagang may comment ka na ah…so it’s
just a battle between Marky and Trace”
“Hmmm.okay si Marky…okay din naman si
Trace”
Nag-isip
kami ni Regine (kunwari meron kami nun..hehe) pero bago pa kami makapagsalita
ulit ay biglaw lumitaw si Trace sa kusina.
“Ang tagal niyo kaya bumaba na ako.
Baka nadaganan na kayo ng juice eh” nakangiting
biro ni Trace.
Nagkatinginan
kaming dalawa ni Regine at sabay na napangiti. Mukhang pareho kami ng naiisip.
***
[Trace POV]
“Haayyy! Nakakabagot!” sabi ko at pasalampak na naupo sa bench.
Nasa
gymnasium kaming dalawa ni Marky at naglalaro ng basketball.
“ Bakit nga pala dalawa lang tayo
ngayon?” takang tanong ni Marky
habang nagdidribble ng bola. Shoot ito sa ring ng basket.
“Hindi ko din alam eh”
“ahhh excuse me” sabay pa kaming napatingin sa pinto ng gym.
“Oh Yesha ikaw pala” bati ko sa kanya “ bakit?”
“Tuloy ka Yesha” yaya ni Marky
“Bahay mo ‘tol?” natatawang sabi ko naman.
Lumapit
samin si Yesha.
“itatanong ko lang sana kung nakita niyo ba si Demi?”
Muling
ipinagpatuloy ni Marky ang paglalaro habang nagsasalita “Huwag mo ng masyadong pinag-iintindi yung pinsan mo Yesha..malaki na yun.
Baka kasama lang ni Jeirick yun”
“Oo nga…istorbo ka lang dun” sabi ko naman.
“sana
nga…oh Trace bakit ganyan ka makatingin?” naiilang na tanong ni Yesha dahil titig na titig siguro ako sa kanya.
Hoy!
Baka naman isipin niyo agad na may gusto ako kay Yesha ah..hindi yun ganun.
“Yesha marunong kang manghula diba?” tanong ko.
Tama
po mga kaibigan. ..iyon ang gusto kong itanong sa kanya kaya ko siya
tinititigan.
Huminto
si Marky sa paglalaro at tumingin samin.
“Talaga Yesha? Marunong kang manghula?” interesadong tanong ni Marky.
Kiming
tumango naman si Yesha.
“Medyo”
“Eh mangulam marunong ka? Witch ka
siguro noh!” pang-aasar sa kanya ni
Marky
“Hulaan mo nga ako” sabi ko sa kanya. Inignore ko nalang yung sinabi ni
Marky “ Gusto kong malaman kung sino ang
future girlfriend ko”
“Ako din. Sinong destiny ko.” Singit naman ni Marky.
“Sige..pero di ako masyadong magaling
ah” pagpayag ni Yesha.
“Okay lang yun” sabay pang sabi namin ni Marky
Naupo
si Yesha sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko upang tignan ang mga palad.ko.
nakiusyoso naman si Marky samin.
Sinimulang
basahin ni Yesha ang palad ko…although hindi ko maintindihan kung paano niya
iyon ginagawa samantalang puro linya lang naman ang nakikita ko.
“isang taong malapit sayo ang kukuha ng
interes mo.” Sabi ni Yesha at
tinitigan ako. “actually, nakuha na nga
niya ang interes mo eh”
“Malapit sakin?” nagtatakang
tanong ko.
Sino
naman kayang malapit sa akin yun?
“Malay mo nandyan lang siya sa
tabi-tabi… ilingon mo lang ang paningin mo” nakangiting sabi ni Yesha
“Lumingon sa tabi-tabi” sabi ko at tumingin-tingin sa paligid ko. “Wala naman---“ hindi ko na natapos ang
sasabihin ko dahil pagtingin ko sa pinto ng gym ay may natanaw ako….at kumuha
ng interes ko.
Agad
kong dinampot ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng gym. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sakin ni
Marky o ang nang-aasar na ngiti ni Yesha.
*
* *
No comments:
Post a Comment