Friday, March 01, 2013

Friends Zone : Chapter 29




[The Poker Face and the Iron Lady]


[Earl’s POV]


Alam niyo yung pakiramdam na pigil na pigil ko na tumawa nung nakita kong sobrang nabadtrip sakin si Jhonah? Super laugh trip lang.. kaso syempre pinigilan ko ang sarili ko.


“Ikaw ang bad mo” sita sakin ni Quincy.


“Ako? Hindi ah” tanggi ko naman.


“Oo kaya…pati ako ginagamit mo pa… magpasalamat ka at magkaibigan tayo.”


“Yeah right… thanks Quincy”



Quincy and I met a long time ago. Actually hindi ko nga alam na kapatid pala siya ni Laxus eh. Sa Canada kami nagkakilala kung saan ako nagbakasyon. Magkaibigan pala ang mga grandparents namin at inirereto kami ni Quincy sa isa’t-isa. Tandang-tanda ko pa noon kung paano ako tignan ni Quincy na puno ng disgusto. Iyon pala ayaw niya din na nirereto kami kasi may boyfriend siya. Kaya naman nung sinabi ko sa kanya na ayoko din sa kanya eh naging instant magkaibigan kami. Saka alam ni Quincy na may gusto akong iba.


“So…sino dun sa dalawa yung gusto mo?” untag sakin ni Quincy.


“Sino sa tingin mo?”


“Hmmm… the one with the long hair?”


“Si Jhonah? Bakit naman siya yung nasabi mo? Eh dib a nga sabi ko little sister lang ang tingin ko sa kanya at hindi ko siya type?”


“Eh kasi Earl… yung mga ganyang di ko type at little sister may pinaghuhugutan yan eh….hindi mo naman sasabihin yan sa harapan ng isang babae unless may gusto kang itago diba?”


“Quin…don’t start”


“Eh sa totoo naman eh.. bakit ba kasi hindi mo nalang aminin na gusto mo siya.. ang dami mo pang arte eh”


“Hindi mo kilala si Jhonah Quin.. kung matigas ang ulo mo.. kasing tigas ng hollow blocks ang ulo nun…at hindi yun ang tipo ng babae na basta basta mo mapapasuko… kailangan mo ng strategy… makikita mo.. one of this days gagantihan ako nun”


“Well…what can I say… mukha namang masaya ka sa ginagawa niyo eh…you really love her don’t you? Ang swerte naman niya”


“Ganun talaga”


 “I can’t wait to see what would happen between the two of you”


“Me too”


“Sa tingin ko may gusto din naman sayo yung girl na yun eh…nakita mo ba yung reaction niya? She looks so funny”


“Kahit sabihin pa nating may gusto nga sakin si Jhonah.. hindi yun basta basta aamin”


Sa tigas ba naman ng ulo noon? Napakaimposible talaga.


“Sus.. eh di gumawa ka ng paraan para mapaamin mo.. problema ba yun?”


***


[Richelle’s POV]


Pagpasok ko ng kwarto tanging si Jhonah lang ang naabutan ko...hindi ko alam kung anong trip nitong babaeng ito at mukhang napakalalim ng iniisip.


“Psst! Bakit nandito ka?”


“Eh ikaw bakit nandito ka?” ganting tanong din niya sakin.


“ayoko sa labas eh... parang gusto ko na ngang bumalik ng Manila” pag-amin ko.


Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Ang bigat ng pakiramdam ko. After ng pag-amin sakin ni Laxus na may gusto siya sakin hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang naramdaman ko.


“May problema ka ba? Tara balik na tayo” tanong sakin ni Jhonah. Himala? Mukhang sensitive yata itong babaeng ito ngayon?


“May sakit ka ba Jho?” imbes na sagutin ang tanong niya ay tanong din ang ibinato ko sa kanya.


“Wala” pero mas lalo akong nagduda. Somethings fishy is going on.


“Come on bespren...may gumugulo sa isip mo?”


“wala nga”


“Okay fine...” muli akong nahiga sa kama. “Jho...may sasabihin ako sayo”


“Ano yun?”


“Nagtapat sakin si Laxus”


 “Nagtapat na ano?”


 “Na may gusto siya sakin.. na mahal daw niya ako”


Inaasahan ko na na hindi maniniwala sakin si Jhonah...ito pa? Eh kontrabida sa lovelife yan eh. Pero nagulat ako sa sagot niya.


“Anong sabi mo?”


May something talaga eh.. may nangyare sigurong hindi ko alam.


“sabi ko sorry... kasi hindi ko siya gusto.. na kaibigan lang turing ko sa kanya”


“Si Trace pa rin ba?”


Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin eh.


“Oo” sa wakas ay pag-amin ko.


“Okay na yun... atleast naging honest ka lang sa sarili mo...kesa naman patulan mo si laxus pero si Trace pa rin ang gusto mo...pero kung sakaling dumating yung time na marealized mo na mahal mo na pala si Laxus tapos mahal ka pa din niya eh di mabuti”


Si Jhonah ba talaga itong kausap ko?


“Sino ka? Anong ginawa mo sa kaibigan ko?” pagbibiro ko.


Hindi kasi ako sanay na ganito itong babaeng ito. Mas sanay ako na puro siya reklamo.
  

Imbes na makipag-asaran eh tinalikuran lang ako ni Jhonah.


“uy! Luka-luka.. anong nangyayare sayo.. may masakit ba sayo?”


Pagtingin ko kasi namimilit siya sa pagkakahiga. At sapo-sapo niya yung dibdib niya.


“huy Jho! Ano ba.. tinatakot mo naman ako eh.Anong masakit sayo.. tatawag akong doktor.”


“Ang sakit dito Iche...ang init” turo nito sa dibdib.. partikular sa side ng puso.


“naninikip yung dibdib mo? Bakit? Wala naman kayong lahing highblood ah.. mainit? Eh nasa Baguio tayo?”


“Hindi yun eh”


“Eh ano...masakit ang puso mo? Bakit?”


Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayare dito sa babaeng ito. Natataranta na ako.


“hay naku Chelle...inlove yan”


Napatingin ako sa nagsalitang si Regine na ngayon nga ay nasa loob na ng kwarto. Hindi namin namalayan na nakapasok na pala siya. Ito kasing si Jhonah eh.. pinapakaba ako...teka???inlove?


 “inlove??? Sino??”


“Sino pa eh di yang luka-lukang babaeng iyan”


“Si Jhonah???”


“sino pa ba ang luka-luka dito?”


“ikaw”


“sira ulo.”


“Seriously...inlove si Jhonah? Kanino?”


“kanino pa eh di kay Earl”


“Talaga??? Hindi nga???”


Gulat na tanong ko.. aba syempre big revelation iyon diba? Ang tomboying babaeng ito inlove???


“Oo... at kaya nagkakaganyan iyan nagseselos at nasasaktan kasi iyan”


“Regina tumigil ka ah!” saway ni Jhonah dito na kahit namimilipit na sa pagkakahiga eh nagawa ng tignan ng masama si Regine.


”eh totoo naman eh”


“Teka.. may nangyare bang hindi ko alam?”


“Kasi ganito yun Chelle... kanina nakita namin si Earl saka yung kapatid ni Laxus na si Quincy na nagkukulitan tapos nung nakita nila kami.. nagtanong yung Quincy kung sino daw samin ang jowa ni Earl at sino yung type niya...sabi ni Earl..hindi ako kasi Girlfriend ako ni Paul..at hindi niya type si Jhonah kasi hindi naman daw siya babae at little sister lang daw ang tingin niya dito” pagkukwento ni Regine.


Biruin mo yun? Saglit lang akong nawala may ganitong kaganapan na?


“Little sister? Akala ko ba never tinitignan ni Earl as little sister si Jhonah?”


“Ewan ko iyon ang sinabi niya sa kapatid ni Laxus eh.. siguro type ni Earl yun” pang-aasar pa ni Regine sabay tingin kay Jhonah.


Bigla namang sumimangot ang luku-luka....confirmed!!!


“Regine!!! Magpapyesta tayo!!! Babae na ang kaibigan natin”


“Tumigil nga kayong dalawa” saway samin ni Jhonah at binato pa kami ng unan.


“Alam mo ba espren kung anong nararamdaman mo ngayon ha?... Nasasaktan ka... nagseselos ka.... bakit??? Kasi inlove ka kay Earl...” paliwanag ni Regine.


“hindi nga ako nagseselos wala sa bokabularyo ko yun.. at lalong hindi ako inlove kay Earl” tanggi ni Jhonah.


“hay naku... ang tawag dyan...indenial stage” sabi ko naman.


Mukhang hirap tanggapin itong si Jhonah na inlove na nga siya. Sabagay hindi naman ganun kadali iyon para sa isang tulad niya.


“Hindi ako indenial” pilit na tanggi nito.


“Eh bakit ka nagkakaganyan? Alam mo kasi Jho....” tinabihan ko si Jhonah sa kama at marahang hinaplos ang buhok... mukhang kailangang paliwanagan itong babaeng ito.


“Ang puso...maliit na parte lang yan...pero pag iyan nasaktan...apektado ang buong katawan”


“Aminin mo na kasing mahal mo si Earl...paradi ka na mahirapan ng ganyan” payo ni Regine.


“Oh sige... oh di kaya wag munang mahal...kahit gusto muna.” Segunda ko naman.


“Ewan ko” sagot ni Jhonah at biglang nagtakip ng unan sa mukha.


Hayy!!! Mukhang ang hirap talaga paliwanagan nitong babaeng ito.


Marahang katok sa pinto ang nagpatigil samin.


“kakain na daw” sabi ni Jiyeon.


“Sige sunod kami”


“Okay” anito at lumabas na ng silid.


“Tara na”


“sige mauna na kayo” sagot ni Jhonah


“Sure ka?”


“Oo”


“Okay sige..tara na Chelle”


Iniwanan na namin sa loob ng silid si Jhonah. Hahayaan muna namin siyang mag-isip.


***

[Yesha’s POV]


Nakakailang ang katahimikan ng mga tao dito.
 
Kasalukuyan kaming nagdidinner ngayon…pero pawang hindi umiimik ang mga kasama ko sa mesa. Nakakailang tuloy magsalita.


“Ahhmmm.. so guys. After nating mag dinner let’s have a bonfire outside… Barbeque party tayo…” Basag ni Jeirick sa katahimikan.


“Sure… I love that” segunda naman agad ng nobya nitong si Demi.


“Dun tayo sa may malapit sa swimming pool para yung mga gustong magswimming eh pwede”


“Ang lamig lamig magsuswimming kayo” kontra naman ni Jiyeon.


Eh super lamig naman kasi talaga… may point siya maski ako ayoko ding magswimming eh.


“Eh di wag kang lumangoy… problema ba iyon?” pambabara naman ni Laxus.


Pansin ko lang ah.. ang init yata ng dugo ni Laxus kay Jiyeon eh wala naman siyang ginagawang masama dito.


“Ang yabang nito” nakasimangot na sabi ni Jiyeon.


“Bahay ko ito”


“Okay guys awat na… nasa harapan tayo ng pagkain.” Saway sa kanila ni Jeirick.


Parehong natahimik naman ang mga ito. Bumalik na naman tuloy ang awkward silence sa amin.


Hindi sinasadyang napatingin ako sa tapat ko na walang iba kundi si Gray. Napangiti nalang ako ng ngumiti din siya sakin. Ang gwapo talaga.


*** 

No comments:

Post a Comment