Friday, August 08, 2014

Mabenta ito!


Naalala ko tuloy ang College life ko. Sa tuwing break time namin ay hindi namin alam ng mga kaibigan ko kung saan ba kami kakain. Magtuturuan pa kami kung sino ang magdedesisyon. Para bang iyon na ang pinakamahirap na desisyon na gagawin namin sa buhay namin. Kapag wala na kaming choice ay yung pinakamalapit na kainan nalang ang pupuntahan namin.

Kapag nandun na kami sa kaininan, isang mabigat na desisyon na naman ang kakaharapin namin. "Anong kakainin mo?". Grabe! Hindi ko alam kung ganun ba talaga kahirap pumili sa mga menu na nandun o wala kaming maisip dahil sa bawat araw ng buhay namin ay iyon ang tinda nila. Yung tipong kapag hindi naubos ay ibebenta pa din kinabukasan.

Pero dahil nandun na din naman kami ay oorder na kami ng kung anong meron sila. Sisiguraduhin namin na iba-iba ang oorderin namin dahil once na nasa lamesa na kami at magsisimula ng kumain magkukuhaan kami ng pagkain ng bawat isa. Masarap kumain kapag sama sama kayong magkakabarkada. May tawanan kahit puro pagkain pa ang bibig, may kwentuhan at higit sa lahat may nang-uubos ng pagkain kapag babagal bagal ka.

Saka namin marerealized...malelate na kami sa susunod na klase!

No comments:

Post a Comment