Tuesday, July 22, 2014

Remote Control ng Emosyon



Isang araw napagtripan kong magpaka-emo sa facebook kaya nagpost ako ng status na "Nakakabaliw din pala ang lungkot". Nagulat nalang ako ng biglang nagcomment yung kuya ko. Sabi niya "Happiness is a choice. Smile". Nung nabasa ko yung comment na yun. Automatic, napangiti ako dahil bukod sa iyon ang comment niya, that was the first time na nakatanggap ako ng positive comment mula sa kanya. Kung hindi pang-aasar eh panlalait ang natatanggap ko dun.

Seriously speaking, totoo nga naman. May karapatan naman talaga tayo na piliin kung kelan tayo magiging masaya. Wala namang remote control ang mga utak ng tao kung saan kaya tayong kontrolin ng iba. Pero come to think of it, bakit may mga taong nakadepende sa iba ang kasiyahan nila? Na tila ba ibang tao ang nagdidikta ng nararamdaman nila? Madalas mangyari iyan lalo na kung mahalaga sa atin ang mga taong iyon. Magulang man natin sila, kapatid, kaibigan o kahit boss sa trabaho. Pero sa lahat ng iyan, iisang tao ang alam ko na may malaking factor sa pagkontrol sa nararamdaman natin. Yung taong minamahal natin. Lovers, asawa, jowa, o kahit na one sided love pa yan. Sila ang kadalasang may hawak ng remote control ng emosyon natin. Madalas maging dahilan ng pagbabago ng emosyon natin. Pagiging masaya, malungkot, asar o pagkabaliw. Pero lagi nating tatandaan, sila man ang may hawak ng remote control, tayo pa rin ang may hawak ng main switch. Huwag masyadong magpaapekto sa iba. Okay lang ang masaktan, umiyak ng balde balde, magpakabaliw, magpakaemo. Pero dapat alam natin kung kailan titigil. Kung kailan hihinto. At higit sa lahat kung kailan dapat ng agawin sa kanila ang remote control.

Hindi ka robot! Hindi ka makina! Tao ka. Tao lang din siya. Pareho lang kayo. Kung meron mang dapat na magkontrol sa atin. Alam natin na ang tanging nasa Itaas lamang ang may karapatan dun.

No comments:

Post a Comment