10: The Truth
[Aya’s POV]
Kanina pa ako pabiling- biling sa higaan. Hindi ako makatulog. Nakainom na din ako ng gatas. Nagbilang ng tupa pero wala pa ding epekto. Pagtingin ko sa orasan it’s almost 2:00 in the morning. Tulog na halos lahat ng tao pero heto pa rin ako at mulat na mulat.
“AAAAAHHHHH!!! Magpatulog ka naman please. May pasok pa ako bukas. Ayokong malate.” Para akong tangang inuuntog ang sarili ko sa unan.
Bumangon ako sa higaan. Bitbit ang favorite unan kong si Doraemon lumabas ako ng kwarto.
I headed towards West room.
Maybe at this very moment eh naghihilik na ang kakambal ko. But I really need someone to talk to or else baka mabaliw na ako ng tuluyan.
“ West, are you still awake?” I knocked on his door but he didn’t answer.
Pinihit ko ang seradura and it was open. Maliwanag sa kwarto niya kaya naman nakita ko siya agad na nakahiga na sa kama.
Agad akong umupo sa kama.
“ West” marahan ko syang tinapik sa balikat.
“Hhhmm?” he answered but not opening his eyes.
“ I cant sleep” paglalambing ko sa kanya.
“ drink milk”
“nagawa ko na”
“ count sheep”
“ nagawa ko na din. Kaso mas naguluhan ako eh. Kasi yung ibang tupang nabilang ko na bumabalik ulit eh kaya tuloy nadodoble ang bilang ko.”
“arrgghhh!!! Inaantok na ako Aya matulog ka na din. May pasok pa bukas.”
“ hindi nga ako makatulog eh.” Muli kong niyugyog ang balikat niya. “ patulugin mo ako”
“ Aya naman eh malaki ka na”
“ I wish mom was still here” I sighed.
Bumangon si West at pinahiga niya ako sa tabi niya at niyakap.
“ okay. Sleep now. Bukas na natin pag-usapan ang gumugulo sa isip mo. As for this very moment matulog ka na at patulugin mo na din ako.” He hums a song for me.
Ganyan kami kaclose magkapatid. Palibasa kambal kami at dahil si West ang mas matanda sakin sya na ang tumayong guardian ko mula ng sabay na mamatay sa aksidente ang magulang namin.
That was also the reason kung bakit takot ako sa dugo. Because my mom died right before my eyes when I was still in my freshman year in college.
Pauwi na sana kami nun galing Baguio ng maaksidente kami. Hindi nakasama nun si West dahil sumama siya kina Vince upang doon magbakasyon.
My parents both died while I only got minor injuries. But I stayed in the hospital for almost a month dahil histerikal ako. Nagkatrauma ako sa nangyari. Kaya naman everytime na makakakita ako ng dugo that painful accident brings back the pain.
Sinisisi ni West ang sarili niya sa nangyari kaya naman he promised to our parents that he would take care of me.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
The next day…
West and I both silently eat. Alam kong pinapakiramdaman niya ako.
“ Care to tell me what is it?” he asked in between eating.
I sighed.
Si West naman ito eh. I was always been honest to him. Wala akong inililihim sa kanya so maybe its okay for me to open up on him.
“ it’s about Vince” simula ko.
“ so what about him?”
“ he asked me if I could be his girl” I blushed as I said that.
“ what did you answer? Do you agree?”
“ I didn’t answer. I was so shock and completely speechless. It was so sudden. I didn’t expect that he loves me more than a friend.”
“ we know”
“you know what?” nagulat na tanong ko sa kanya.
“ that he loves you more than a friend. Sa katunayan sa amin nga siya unang nagsabi kung pwede ka daw ba niyang ligawan.”
Again I was shock. So huli na pala ako sa balita. Kahit kalian talaga kung sino yung taong involved sya pa ang huling nakakaalam.
“ did Lance know about this?” I asked referring to the “panliligaw issue”
“ yah. And like you I can say na nagulat din siya.”
“ is he mad or something?”
“ why are you bothered about Lance reaction?’
“ Kare wa watashi no besuto furendo!!!” giit ko kay West.
Ayan nakapag Nihongo tuloy ako.
I already mention na Half-Japanese ako di ba? Kaya naman marunong akong magsalita ng language nila. Although hindi ko siya masyado ginagamit.
Ibig sabihin nga pala nun eh “he is my bestfriend”
“ so i don’t want him to think that Im keeping secret to him” I continued.
“Sige na nga. Sabi mo eh. So anong plano mo? Do you like Vince too?”
Napaisip ako. Do I really like him?
Syempre oo naman agad ang puso ko.
Pero hindi ako sumagot kay West.
“ liking and loving someone are two different things. Always remember that.”
With those parting words he left the dining room.
Naiwan naman akong nag-iisip sa sinabi niya.
[Lance POV]
Hindi ko maintindihan kung bakit masyado akong apektado nung malaman kong nililigawan ni Vince si Aya. Eh ano naman pakialam ko dun diba? Buhay naman nila yun at ako ang tipo ng tao na walang pakialam sa kapwa so why do I feel this way? Bakit naiinis ako? Bakit parang gusto kong bugbugin si Vince hangang sa mawala sya sa buhay namin ng bestfriend ko.
Tama.
Kaya ako apektado kasi bestfriend ko yung pinopormahan niya. Syempre concern lang ako dun sa bestfriend ko. Malay ko ba kung balak lang niya lokohin ang bestfriend ko.
Tama.
Ang bestfriend ko.
Si Aya.
Yun lang yun.
Wala ng iba.
Concern lang ako.
Uy! Teka… Si Aya yun ah. Malapitan nga. Mukhang busy-busyhan sya ha. Gugulatin ko lang sya. Panigurado masisigawan na naman ako nito sa gagawin ko. May pagka pikon pa naman yang babaeng yan.
Palapit na sana ako kay Aya nang bigla akong matigilan.
Si Vince kasama ni Aya. Mukhang tumutulong si Vince sa mga trabaho ni Aya bilang president eng school council.
Parang ang saya saya nila. Nagkukulitan pa silang dalawa.
Bakit ganun????!!!!
Dapat kami lang ni Aya ang masaya.
Dapat kami lang ang nagkukulitan ng ganun.
Sino ba yang Vincent Madrigal na iyan at bigla nalang pumapasok sa buhay namin ng bestfriend ko.
Bakit ganun???!!!
Bakit ang sakit sakit???!!!
Ano ba itong nararamdaman ko??
Bakit nasasaktan ako???
Napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa oras.
Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko??
Bakit parang sumisikip ang paghinga ko??
Bakit parang naiiyak ako???
Ano ba ito???!!!
Ano bang tawag dito???
Kalalaki kong tao nagdadrama ako ng ganito.
Naguguluhan na ako.
Parang nagging blangko ang tingin ko sa paligid ko at silang dalawa lang ang nakikita ko.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari but I think I need to get out of here or else baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko nalang masuntok si Vincent.
Teka…
Bakit parang hindi ko maihakbang ang paa ko papunta sa kanila.???
Naparalyze na ba ako??
Nastroke??
Nacomatose???
Subukan ko kayang paatras ang hakbang.
Dahan dahan kong inihakbang ang mga paa ko.
Nang maramdaman ko ng ayos na ang paghakbang ko nagtatakbo na ako paalis sa lugar na iyon.
No comments:
Post a Comment