Friday, March 16, 2012

TSG is the name : Chapter 1

University of Makati. Room 208.

Hindi ko akalaing sa maliit at parisukat na classroom na ito magbabago ang takbo ng buhay ko.

First day of school. Unang araw ko sa klase bilang first year college student. Medyo nakakakaba kasi parang ang hirap pakisamahan ng mga kaklase ko.

Sa isang side parang mga gangster. Nakakatakot. Ang iingay pa nila. Saka parang lagi silang galit kung magsalita.

Sa kabilang side naman mukhang maaarte. Puro make-up ang nasa table nila.

Sa unahang side sila yung mga tipong “brainy” yata sa klase kasi kahit first day palang may mga books na silang hawak.

At sa likurang bahagi yun ang mga tipo ng estudyante na walang pakialam sa mundo.

Haay!!! Wala ba akong normal na kaklase???

Sa opinion ko pa naman bilang isang estudyante at teenager kailangan magkaroon ka ng grupong kinabibilangan kung ayaw mong tawagin at bansagang “outcast” sa school. Kaya lang kanino naman kaya akong grupong sasama?

By the way ako nga pala si Jonalyn. Jhonah nalang ang itawag niyo sakin. ( naks! Parang pelikula lang ah..Ligaya ang itawag mo sakin)

Simple lang ako.

As in simple sa lahat ng bagay.

5”2 ang height, mahaba ang buhok, medyo maputi at saka sabi nila maganda. Sabi nila kasi hindi naman ako naniniwala. Not because pangit ang tingin ko sa sarili ko. May inferiority complex kasi ako.

Nung highschool kasi dun sa pinanggalingan kong school outcast ang turing sakin. May pagka nerd kasi ako. Good girl masyado. Bahay-eskwela lang lagi. Hindi ako sumasali sa mga extracurricular activies at sa mga field trip. Not because ayaw ko kundi masyado kasing istrikta ang lola ko.Laki sa lola kasi ako. Binabawi ko nalang sa mga exams at recitation.

Yun lang ang maipagmamalaki ko sa sarili ko. Matalino ako. Yun, proud akong sabihin yun. Lagi akong kasama sa honor roll, sa class officers at poborito ako ng mga teachers. Isa rin siguro yun sa dahilan kung bakit wala ako nun matatawag na “tunay na kaibigan”. Sobrang pili lang talaga ng mga taong totoo sa akin. Alam ko kasi na marami ang naaasar sakin kasi matalino ako. Hindi ko nalang sila pinapansin. Sanay na ako.

“Sa tingin mo darating pa kaya prof natin?” tanong ko sa katabi ko.

“ewan”

Siya si Desiree o Dhez ang bestfriend ko.

May mangilan-ngilan din naman talaga akong kaibigan na matatawag.

Tulad ko tahimik lang din si Dhez nung highschool kami. Sa katunayan siya nga ang dahilan kung bakit dito ako sa school na ito nag-aral. Pinilit niya ako.hehe.

Tahimik at bihirang magsalita lang si Dhez. Maliit lang siya na morena. Pero dahil sa bestfriend ko siya alam ko na may tinatagong kalokohan at kakulitan din iyan sa katawan. Siya yung tipo ng tao na bihirang magsalita pero kapag bumanat nakakabasag talaga.

Sa totoo lang complete opposite kami niyan eh.

Ako kasi may pagkamataray at masungit pero approachable.

Siya tahimik at mabait pero ang hirap kausapin at lapitan.

Ako active sa klase.

Siya napakamahiyain.

At higit sa lahat ako hindi pa nagkakaboyfriend.

Siya may boyfriend na.

Bakit kaya ganun??

Ang unfair.

Hindi naman sa galit ako sa lalaki. Sa totoo lang may mga nagugustuhan din naman ako kaya lang laging broken hearted ang drama ng lola niyo eh.

Dalawang beses akong nainlove nung highschool. Sabihin na nating puppy love lang iyon, still masakit pa rin.

Nung una sa teacher ko. Si Sir Alec. Tama. Isa ako sa mga tangang estudyante na sobrang humahanga sa teacher nila na nauwi sa pagka-inlove. Sobrang bait naman kasi at galling niya. Actually hindi lang naman ako ang nag-iisang may gusto sa kanya. Siguro lahat ng estudyante may crush noon sa kanya. Nung umalis siya sa school para magwork sa ibang bansa sobrang iniyakan ko talaga.

Pangalawa si Christian. Ang bestfriend ko.

Gwapo, maputi, chinito at matalino. Sya ang presidente ng student council namin noon. Marami ding nagkakagusto sa kanya and being a bestfriend of one of the most popular student in school is a big accomplishment for me.

Kaya lang sabi nga “special and mahal are different”

Inlove ako nun sa kanya kaya naman lahat ng imperfection niya hindi ko napapansin. Kahit na sinasabi ng iba na ginagamit niya lang ako hindi ko iniintindi. Sobrang sweet at caring niya kaya nga minahal ko siya.

But the saddest truth is, he’s inlove with someone else.

Maganda, maputi at sikat.

Ano nga ba papel ng bestfriend??

Eh di ayun, tinulungan ko siya manligaw dun sa girl kahit na everytime na gawin ko yun para akong mamamatay sa sobrang sakit. Hindi naman niya kasalanan na minahal ko siya eh. Kasalanan ko kasi ako yung naging tanga.

Sinabi ng bawal mainlove sa bestfriend eh.

Pero may natutunan din naman ako sa dalawang yun. Atleast hindi na ako ignorante sa love.

Nung graduation namin dumating pala si Sir. Alec. Binati niya ako and he gave me a very important and touching advice.

“You’re beautiful you just need to believe in myself”

Kaya naman mula noon sinabi ko sa sarili ko na babaguhin ko ang takbo ng college life ko.

Teka masyado ng malayo ang nirarating ng nervous system ko. Andyan na pala si Mam.

Since first day pa lang mabait pa siya. Mabait siya dahil binigyan niya agad kami ng case study na dapat gawin. Sobrang bait noh???

Election ng class officers. Everytime naman lagging may ganito. Kaya lang naman nagkakaroon ng class officer eh para may utusan ang mga teacher. Hindi rin naman nasusunod ito dahil kadalasan president lang ang laging inuutusan.

Sa dinami dami naman ng spot as officer yung sira-ulo kong kaklase binoto ko as Muse…imagine that??!!!

Ang masaklap pa pinatayo kami ni Mam sa harap para magmodel eh ano bang alam ko dun?? Puro equation lang ang laman ng utak ko at hindi modeling styles.

Masama ang tingin na tinignan ko ang kaklase kong lalaki. Obvious naman na pinagtitripan lang niya ako.

What a great start of the day!

Syempre navote-out agad ako. Kasi maski ako hindi ko binoto ang sarili ko. Paano ba naman lalaban sa mga ito eh tipong mga pangcampus beauty ang kalaban ko.

Sobrang sama ng loob ko kasi napahiya ako eh. Badtrip talaga.

“ ok lang yun” sabi sakin ni Dhez

“ ano namang okay dun eh napahiya ako?” nakasimangot na sabi ko sa kanya at nagtakip ng mukha.

“ ikaw lang ang nag-iisip na napahiya ka. Ayaw mo nun sikat ka na agad? Nominee ka as muse ng classroom. Ibig sabihin may laban ka.”

“may laban??? Bestfriend nakita mo ba yung mga kalaban ko? Anong laban ko dun?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Inatake na naman ako ng inferiority complex ko.

“ Sila, mga mukha lang panlaban nun. Ikaw may utak ka”

“ eh ano ba ang hinahanap? Hindi ba muse? Buti sana kung presidente nalang diba?”

“ syempre ang pipiliin nilang presidente yung sikat na kahit umpisa palang ng klase”

“ whatever”

“saka akala ko ba gusto mo ng baguhin ang college life mo? Cheer up first day palang mahaba pa ang taon” pampapalubag ang loob na payo sakin ni Dhez.

Napabuntong-hininga nalang ako at hindi na nagsalita hanggang sa matapos ang klase.

____________________________________________________
____________________________________________________


“ My name is Alaine Grace Marie Solis Montemayor. Lain for short”
 
College Algebra time. Since simula palang ng klase required kami na magpakilala. Same old routine except for this girl.


Sobrang haba ng introduction niya and she’s the only one who said her piece with easiness. Kung lahat kami pormal ang dating ng pagpapakilala, siya ewan kung anong tawag doon basta naiinis ako sa kanya.


Hahaha!!! Ang bitter ko talaga. Sa totoo lang asar kasi ako sa mga hindi marunong rumespeto sa teacher. Although wala naman siyang sinabing hindi maganda still yung dating niya kasi parang naglalaro lang at niloloko niya si Mam.


“ ang angas” komento ni Dhez


“ nakakairita” ganting bulong ko naman.


Siya si Alaine Grace Marie Solis Montemayor or Lain for short. Stands 5”3 in height, morena, and with a strong features on her face.


Class President noong highschool, myembro ng editorial department at achiever din sa klase. Mukha siyang mataray at maangas ang dating dahil prangka at may
pagkasuplada. Pero friendly at mahilig gumala. Yun nga lang napakamatampuhin kapag hindi nasunod yung gusto niya. Adventurer din at mahilig magexperiment ng mga pagkain. Yung mga tipong kakaiba talaga. Yung siya lang ang makakakain.

_______________________________________________________
_______________________________________________________

May book report kaming kailangang gawin pero wala pa kaming nabibiling libro. Si Mam naman kasi kahapon lang sinabi gusto niya ngayon din meron na agad. Wala kaming time para bumili ng libre sa Recto. Doon lang daw kasi meron nun. Sobrang strict pa naman nun ni Mam Dipasupil.

Siya din yung prof ko kung saan ninominate ako nung kaklase kong lalaki bilang muse. Hay naku naaasar na naman ako.

“ Si Roselyn daw may libro hiramin nalang natin.” Sabi ni Christian.

Oo tama. Si Christian na bestfriend kuno ko nung highschool ako. Kaklase ko din siya ngayong college pero matagal na akong nakamove-on sa feelings ko sa kanya. At ako yung tipo ng tao na kapag nag move-on na hindi na lumilingon. Kaya naman back as friends na lang ulit.

“ sinong Roselyn?” tanong namin ni Dhez sa kanya

“ yung nakaupo sa unahan”

Ahhh…so belong pala siya dun sa mga “brainy” na estudyante.

“ magpahiram kaya yun?” alanganing tanong ko kay Christian.

“ eh di subukan. Kapag ayaw eh di wala” the ever positive Christian.

Medyo alanganin pa rin ako. Sa pagkakakilala ko kasi sa classmate ko na yun eh suplada at mahirap kausapin.

Pumunta kami sa library kasi nandun daw nakatambay si Roselyn. ( oh di ba library ang tambayan. Susyal!!!)

“ Classmate peram naman ng book sa management” si Christian ang nanghiram sa kanya. Makapal kasi ang mukha niyan eh. Sa likod niya lang kami.

Tinitigan kami ni Roselyn.

“ ginagamit ko pa eh saka marami nadin ang nanghihiram” sabi niya at iniwas ang tingin samin at pinagpatuloy ang pagsusulat.

“ damot” bulong ni Dhez sakin.

“oo nga eh obvious naman ayaw niya lang magpahiram” ganting bulong ko din sa kanya.

“ ah ganun ba? Sige salamat nalang” nakangiting paalam ni Christian. Bilib din naman ako sa taong iyan, hindi mo makikitang nakasimangot.

Meet Roselyn Dela Cruz. Maganda, morena at mahaba ang buhok. Tipong kahit “brainy” eh maarte ang dating at nakakaasar.

Lumayo na kami sa table nila. Maghahanap na sana kami ng table na bakante ng tinawag kami nung iba naming kaklase.

“ hi classmate” bati nila sa aming tatlo.

“ hello”

“ako nga pala si Jenny, sila naman sina Ryan, Eidel, Chris at Marcelo.kayo? ano nga pala name niyo?” tanong sa amin ni Jenny

“ Christian”

“ Desiree”

“Jonalyn”

Mukhang mga approachable naman sila kay napalagay ang loob namin. Teka itong Eidel na ito yung luko-lukong bumoto sakin bilang muse ah.

“ di ba ikaw yung muse?” tanong sa akin ni Ryan

“ anong muse? Pinagtripan lang ako niyan” turo ko kay Eidel.

“ hindi kita pinagtripan no. eh sa ikaw ang gusto ko maging muse eh. Saka kahit sino naman pwede iboto di ba?” pagtatanggol ni Eidel sa sarili niya.

Nakasimangot parin ako. Naalala ko kasi kung paano ako napahiya.

“ Bakit ba kasi ayaw mo maging muse? Ang swerte mo nga ibinoto ka eh” sabi sakin ni Jenny

“eh hindi naman ako maganda bakit ako iboboto as muse?”

“ ano ka ba? Maganda ka kaya. Nagagandahan nga kami sayo kaya nga sinabi namin kay Eidel na iboto ka eh”

Aaahhh…so hindi lang pala isang tao ang may salarin ng nakakahiyang experience ko na iyon.

“ hindi ako maganda”

“ maganda ka. Crush ka nga nitong sina Ryan at Chris eh” pang-aasar ni Jenny.

Agad namang namula yung dalawa sa sinabi ni Jenny.

“ ano ka ba? Bakit mo naman sinabi?” sita ni Chris sA kanya.

“ eh ano namang masama dun? Totoo naman di ba?”

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ni Jenny na may crush daw sakin yung dalawa kong kaklase.

Ngumiti nalang ako sa kanila.

“ Nice Jhonah” pang-aasar sakin ni Dhez at Christian

“tumigil nga kayo” saway ko sa kanila. Tama ba naming asarin ako sa harapan ng mga kaklase namin.

“ magboyfriend ba kayo?” biglang tanong sa amin ni Marcelo.

Si Christian at ako ang tinutukoy niya.

Nagkatinginan kami ni Christian at sabay na tumawa.

Sa totoo lang magmula ng magcollege kami ay mas nagging close kaming dalawa. Wala na kasing feelings na nakikiepal.

Pwede na akong magpakasweet sa kanya at ganun din naman siya sakin with no strings attached. Ginagawa nalang naming joke yung minsang pagtatapat ko sa kanya ng nararamdaman ko nung high school.

Anong nangyari sa kanya at dun sa nililigawan niya?? Ayun basted siya…bwahahaha!!!

Naisip ko nalang kahit pala ang pinakasikat at gwapong lalaki eh nababasted din pala. Mukha namang hindi siya affected sa nangyari. Siguro hindi niya talaga love yung babae.

“ kami?? Magkaibigan lang kami” sabi ko sa kanila.

“ yeah as in super friends” sagot naman ni Christian at inakbayan ako.

“ ahh…okay” sabay sabay na sabi ng mga kaharap namin.

“ may assignment na ba kayo? Pakopya naman” biglang sabi na Christian na ikinatawa ko.

Life is really a wonderful thing. Maybe someday wonderful things may come. 

No comments:

Post a Comment