[Regine’s POV]
Panay buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko
mabilang kung pang-ilan na iyon sa ginawa ko. Kasalukuyan akong nasa library ng
mga oras na iyon. Doon kasi ang usapan namin ng kaibigan kong si Jho na
magkikita para sabay na kaming makapagreview sa
Exam mamaya. Nagtext ako sa kanya na mauuna na ako roon. Nabobored kasi
ako sa bahay. Pero di ko naman akalain na mas boring parang tumambay sa
library. Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit iyon ang paboritong tambayan ni
Jho. Eh sa nakakaboring! Bawal mag-ingay! Bawal mag-usap ng malakas. Isa pang
buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nilalaro ko ang hawak na ballpen.
Kung mababayaran siguro ang lahat ng hanging lumabas sa bibig ko mayaman na
ako. Mabuti na nga lamang at walang masyadong tao sa lugar na kinauupuan ko
kaya wala akong naiistorbo sa BUNTONG-HININGA SESSION ko.
Napatingin ako sa notebook na nasa table. Imbes
na magreview ay iba ang pumasok sa isip ko. Gamit ang ballpen na kanina ko pa
pinag-lalaruan ay isinulat ko ang pangalan ko at pangalan ni Jeirick. Ang crush
ko na kapatid ng isa kong bestfriend na si Jho. Susubukan kong i-FLAMES ang mga
pangalan namin. Sa mga hindi nakakaalam ng FLAMES eh mamundok na
kayo...hehe..joke lang...ito yung game kung saan mamarkahan mo ang letra na
kapareho ng pangalan mo at ng crush mo. Pagkatapos ay iaadd mo ang lahat ng may
pareho kayo. Kung ano ang lumabas iyon ang kapalaran niyo. F-para sa FRIENDS...
L for LOVE... A for Angry ... M for Marriage... E for Engage at S for
Sweethearts. Minarkahan ko ang may mga kapareho naming letter.
Muli akong napabuntong-hininga sa lumabas na
resulta. Hindi ko matanggap na isang tumataginting na FRIENDS lang kami ni
JEIRICK MY LOVE!!! Sinungaling itong game na ito. Wag niyo ng subukan gawin.
Nakakadepress!!!
Iniyukyok ko ang ulo ko sa mesa. Jeirick has
been my savior since I was a kid. Ito ang laging nagtatanggol kapag may umaaway
sa amin. He even played with us too. Medyo dumalang na nga lang nung magbinata
ito. Mas madalas na kasama na nito ang mga barkada nitong lalaki. Pero kahit
ganun nanatili itong mabait sa amin. Sa murang edad ko all i can see was how
great and responsible Jeirick is.. Lagi siyang nakangiti...laging mabait ang
aura ng mukha niya...he’s so perfect...
“Ahhh basta! Siya ang dream guy ko...hindi totoo
ang FLAMES na ito” nakasimangot at
parang tanggang kausap ko sa sarili ko at inekisan ang ginawa.
Biglang nagvibrate ang cellphone kong nasa bulsa
ng palda ng uniporme ko. Nilagay ko kasi siya sa Silent mode para hindi ako
makaistorbo sa mga tao dito sa library. Si Jho pala ang nagtext. Papunta na daw
ito at tinatanong kung nasaang parte ako ng mundo. Oo tama..iyon ang tanong
niya. Alien talaga! Agad ko naman siyang nireplayan. Maya-maya lang ay nakita
ko na siyang palapit sa kinaroroon ko. Bilib naman ako sa babaeng ito. Tago na
nga ang pinili ko nakita niya pa agad ako. Hindi naman obvious na kabisado niya
ang sulok-sulok ng library na ito diba?
Halos malaglag ang panga ko ng makita kung ano
ang dala ni Jho. Tatlong makakapal na libro ang dala nito!!! Inilapag nito sa
mesa ang hawak na libro at naupo sa tabi ko.
“Hoy! Mahipan ka ng hangin!” sita nito sakin.
Eh jusmio marimar sergio naman kasi!!!! Kakaloka
ang dala niya!
Inayos ko ang sarili at hinawakan ang mga
librong dala niya.
“Grabe ka friendship!! Paano mo napagtyatyagaang
basahin ang ganyan kakapal na libro???” kunot-noong tanong ko dito. I cant
imagine myself reading those kinds of books. Tamad akong magbasa. Magbabasa
lang ako kung kailangan talaga but my bestfriend?? Gosh! Reading is her hobby.
“Akala ko ba magrereview tayo?” tanong ni Jho as
she put on her reading glasses.
Hindi ko maiwasang pagmasdan si Jonalyn. We’ve
been friends since childhood. Hindi ko nadin matandaan kung kelan kami naging
magkaibigang dalawa. But we are the best of friends. Mas nauna ko siyang maging
friend kesa kay Richelle kasi mas matanda sa amin ng isang taon si Richelle.
Maganda si Jho yun nga lang mukhang hindi siya
aware na maganda siya or wala lang talaga siyang pakialam dahil boyish siya. Sa
pananamit at sa pagkilos. Mabuti na nga lang ar required silang maguniform
dahil kung hindi i cant imagine kung ano ang mga damit na pinagsusuot nitong
babaeng ito.
“Malabo ba talaga ang mata mo?” bihira ko lang
kasing makitang magsuot ng salamin si Jho. Madalas ay nakacontact lens kasi ito
kaya hindi ako sanay.
Mula sa binabasa ay tumingin siya sakin.
“magharap ka sakin ng taong matalino pero hindi
malabo ang mata” taliwas naman sa tanong ko ang sagot niya at ipinagpatuloy ang
pagbabasa. Abnormal talaga.
“Nasaan yung contact lens mo?”di ko parin siya
tinitigilan.
Inis na ibinaba nito ang hawak na libro at
binalingan ako.
“Nandito ba tayo para magreview o para
interviewhin at pakialaman ang mga mata ko???”
Lumabi akong parang bata.
“Sungit!” ayoko kasig magbasa kaya tinatanong ko
nalang siya..hehe
“Nahulog sa lababo yung contact lens ko. Ayan
masaya ka na? Pwede na ba tayong magreview?”
“Hmfpt! Nagtatanong lang eh..ayan na po
mam..magrereview na po ako” at napilitan akong kunin ang mga notes ko sa bag!
Hah! Asa siyang babasahin ko ang mga librong dala niya..hehe.
***
[Jhonah’s POV]
“Oh paano maiwan na kita..dadaan pa kasi ako sa
office eh” matapos magreview ay lumabas na kami ng library ni Regine.
Naglalakad na kami sa corridor ng school. Ang office na tinutukoy ko eh ang
opisina ng kinabibilangan kong taekwando club.
“Iiwan mo ako rito???” nagmamaktol na sagot ni
Regine sakin.
Aba??? Nag-iinarte ang lola mo??? Tinaasan ko
siya ng kilay. Marunong yata ako nun..hahaha!!!
“Gusto
mong sumama??? Akala ko ba ayaw mong makakita ng nagsasakitan?”
pang-aasar ko sa kanya.
Noong minsan kasing sumama siya sakin para
manood ng practice match ay ganun nalang ang panghihina nito. Akala mo siya
yung binubugbog eh kung makapagreact. Magmula noon hindi na ito sumama sa akin.
Hindi rin ito nanonood kapag may laban ako. Okay lang naman sakin yun kasi
ayoko namang atakihin sa puso ang bestfriend ko.
“Alam mo namang peace on earth ang motto ko sa
buhay diba? Kaya i cant take it na may makita akong nagsasakitan” nakalabing
sabi nito.
Lihim na natawa nalang ako. Never talaga niyang
aaminin na takot siya sa gulo.
“it was just a game ok? At dahil peace on earth
ang drama mo eh maiwan ka dito”
“Ang daya naman eh!!! Wag ka nalang pumunta
dun!” parang batang sabi nito at hinila hila pa ang uniform ko. Jusmio!!
Magugusot ang damit ko!
“Hindi pwede! May practice ako! At bitawan mo
ang damit ko magugusot!” palusot ko sa kanya kahit na wala naman talaga akong
practice.
“Hindi ka ba napapagod? May exam pa tayo” paalala
nito.
“I know. Hindi ako malelate”
“Sino kasama ko rito?”
“Itext mo si Richelle.” Ang isa pa naming
kaibigan ang tinutukoy ko.
“Hindi nga nagrereply eh”
“tawagan mo”
“wala akong load”
Nakukunsuming tinitigan ko siya.
“hay naku Regina! ang dami mong problema!”
“eh wag ka nalang kasing pumuta dun eh!’
pamimilit nto.
“Hindi nga pwede. Ang kulit nito!” maya-maya ay
may natanaw akong palapit sa amin. “Oh ayan pala si Paul eh”
“Anong inagawa ng kulugong yan dito?” asar na
sabi ni Regine
“Malamang dito siya nag-aaral” pamimilosopo ko.
“Hi Girls” bati ni Paul ng makalapit sa amin.
“Hi Insan” bati ko at tinapik siya sa balikat.
Inirapan lang naman ito ni Regine.
“Mainit yata ang ulo ni Miss Prettyful ah..ang
aga-aga eh” pansin ni Paul kay Regine.
“Pwede ba?? Wag mo akong kausapin at
pakialaman?” asik dito ni Regine.
“Woohh!!! Lakas nun ah..kakatakot” pang-aasar ni
Paul
“Sinisira mo na naman ang araw ko!”
“wala naman akong ginagawa ah”
Natutuwa nalang akong pagmasdan ang dalawang
ito. Hindi na nagbago. At parang nakalimutan nilang kasama nila ako.
“Makita ko palang yang pagmumukha mo nasisira na
ang araw ko”
Hindi ko na napigilang matawa sa kanila. Sabay
naman silang napalingon sa akin.
“i’ve got to go..may practice pa ako..see you
later bestfriend... Insan ikaw na bahala dyan sa bestfriend ko ah” paalam ko at
nagmamadaling umalis na bago pa makapagprotesta si Regine.
“JONALYN!!!!” tawag ni Regine.
Pero bago pa tuluyang makalayo ay lumingon ako
sa kanilang dalawa partikular na kay Regine.
“what happened to peace on Earth??” nakakalokong
tanong ko at lumakad na palayo sa kanila.
***
[Regine’s POV]
Naiwan nalang akong napatulala habang pinagmamasdan
ang papalayong si Jho. Kung minsan gusto kong itanong kung kaibigan ko ba
talaga iyong abnormal na babaeng yun. Pero kahit ganun yun hinding hindi ko
ipagpapalit yun sa iba.
“Pauwe ka na ba Miss Prettyful?” tanong ng
impaktong kasama ko ng mga oras na iyon.
“Obvious bang papasok palang ako??? Ang aga-aga
pa para umuwe noh!” pagtataray ko.
Parang adik lang eh. Bakit Miss Prettyful?? Eh
pwede namang Miss Beautiful diba?
“ahhh..tara ihahatid na kita sa classroom niyo”
prisinta nito at hinawakan ako sa siko.
Agad ko namang tinabig ang kamay niya.
“dont...touch...me!!! i can manage even without
your help!”
“I’m just trying to be nice, sa akin ka binilin
ng pinsan ko at magkaibigan naman tayo diba?” ewan ko pero parang may umantig
naman sa puso ko ng makita ang pagdaramdam sa mga mata ni Paul. Pero agad ko
ding inalis yun dahil im sure umaarte lang ito.
“well sorry to dissapoint you but i dont see you
as nice but annoying!” sakto namang pagtingin ko sa isang bahagi ng school ay
natanaw kong naglalakad si Jeirick. Agad kong inayos ang gamit na dala ko.”
Sige dyan ka na. Nakita ko na yung Prince Charming ko!’ sabi ko at iniwanan na
siya. “Jeirick!!wait!!!”
***
[Paul’s POV]
Pinagmasdan ko nalang si Regine na naglalakad palayo
sa akin at papunta kay Jeirick. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng dala ko.
Parang sa bawat hakbang niya palayo sakin may kamay na pumipiga sa puso ko. Oo
alam ko ang corny ng dating ko. Pero yun talaga ang nararamdaman ko eh. Hindi
ko maiwasang masaktan habang nakikita kong masayang nag-uusap sina Jeirick at
Regine. Bata palang kami ay lihim na may gusto na ako kay Regine pero dahil sa
inatake ako ng katorpehan at katangahan puro kapalpakan ang nagagawa ko. Imbes
na magtapat sa kaya ay nauuwi iyon lagi sa pang-aasar. Ang ganda ganada naman
kasi niya. Hindi ko maiwasang mapatulala kapag nakikita ko siya. Pero hindi
niya ako pinapansin. Alam kong si Jeirick ang gusto niya. Kahit batid kong wala
namang gusto si Jeirick kay Regine hindi ko parin maiwasang magselos. Sana
nagagawa din niya akong ngitian ng ganun..sana nagagawa niya akong kausapin n
di pasigaw o pagalit..sana...sana... ang daming sana....dahil alam kong di niya
ako mapapansin ay inasar ko nalang siya ng inasar...sa ganung paraan kasi
napapansin niya ako, mali nga lang ang dating. Pero okay lang yun..masaya na
ako na tatapunan niya ako ng tingin..hindi puro nalang si Jeirick...nandito
naman ako.
Napabuntong hininga nalang ako ng habang di
inaalis ang paningin ko ang dalawa.
“Hanggang kelan ka magiging torpe?”
Nagulat ako ng may marinig akong boses na
nagsalita. Paglingon ko si Earl ang nasa likod ko.
“Uy tol kanina ka pa dyan?”
“Nakita ko lahat ng kabaliwan mo.”
“grabe ka naman tol...wala ka nga bang klase?”
hindi kasi kami magkakaklase kaya hindi kami parepareho ng schedule.
“isang subject nalang” tumingin si Earl sa
direksyon nila Jeirick at Regine. “Hanggang kelan ka magmamahal ng patago?”
Napailing nanapangiti nalang ako. Nagsalita ang
henyo...eh isa din naman siyang nagmamahal ng patago. But i know well not to
say those words to him. Ayoko pang maospital ng wala sa oras. Gusto ko pang
maikasal kami ni Regine.
Tsk! Kasal agad eh hindi mo nga maligawan!
Kontrabida talaga minsan ang isip. Para
nangangarap lang eh.
“Hanggat kaya ko. At hanggat nakikita ko siyang
masaya”
“Tsk! Pathetic”
“Ikaw din naman eh” di ko mapigilang sabihin.
Inihanda ko na ang sarili kong mabugbog ng wala sa oras. Pero tinignan lang
niya ako at naglakad na palayo.
“Bukas na yung try-out sa basketball. Wag kang
malelate” sabi nito at iniwanan na ako.
Nagtataka man ay napangiti nalang ako. Pag-ibig
nga naman oh. Mukhang malakas ang hataw ni Kupido sa pinakasupladong kaibigan
ko.
Bago tuluyang umalis ay lumingon pa ako sa
direksyon nila Regine. Pero wala na sila dun. Napailing na naglakad nalang ako
paalis sa lugar na iyon.
***
No comments:
Post a Comment