Tuesday, September 18, 2012

Friends Zone : Chapter 4




[Yesha’s POV]


Maingay sa loob ng gymnasium kung saan ginaganap ang try-out para sa basketball team. Kasabay din kasi noon ang audition para sa cheering squad. Alanganing pumasok pa ako sa loob. Peste kasi yan nawawala kasi yung ID ko kaya naharang pa ako ng guard. Matinding pakiusapan pa ang nangyari. Mabuti na nga lang at kasama ko si Demi. Siya yung nakipag-usap sa guard. Ewan ko kung anong sinabi ng pinsan ko pero pinapasok na din naman ako.


Balak ni Demi na sumali sa cheering squad kaya sinamahan niya ito. Dakilang PA siya ng pinsan niya eh. As in Personal alalay. Isang hanging shirt na kulay puti at paldang pangcheering ang suot nito. Napakasexy talaga at napakaputi ng pinsan ko. Kaya hindi na ako magtataka kung halos lahat eh mapatingin dito. Even the players of the basketball team eh natulala sa pinsan niya. Mukhang tapos na ang try-out para dito. Both boys and girls stop and look at her cousin who regally walk towards the table where the judges for the cheerleading squad seated. Kasunod naman ako niya. PA remember???


May limang nakaupo sa likod ng mahabang table na ginawang sulatan ng mga ito. Apat na babae at isang lalaki. The boy wore a basketball jersey kaya marahil ay player ito ng basketball team. The three girls beside him are wearing a cheering squad uniform kaya malamang mga member ito ng cheering team. And the last girl na mukhang hindi naman interesado ang nakapagpagulat sa kanya. The last girl is wearing an all white uniform na sa pagkakaalam niya ay taekwando uniform. But what shock her the most is the girl is a BLACK BELTER. Alam niyang kapag black belter ay magaling talaga. Kaya nagtataka siya kung anong ginagawa nito doon.


Matapos ang naunang nagpeperform ay lumapit ang pinsan niya sa mga ito. Tumabi lang siya sa gilid. Malapit kay miss blackbelter.


“Magaaudition ka?” tanong nung katabi ni Miss Blackbelter.


Inabot ng pinsan niya ang registration form na pinill-upan nito.


“Yes. Isnt it obvious??” sagot ng pinsan niya.


“Maldita” bulong ni Miss Blackbelter pero dahil katabi niya ito ay narinig niya ang sinabi nito.


Kinabahan naman ako dahil baka maoffend yung babae. Kaya naman laking pasasalamat ko ng ngumiti lang ito at tumingin sakin.


“Ikaw? Mag-aaudition ka din?”


Bigla naman akong nataranta.


“A-ah...hindi..kasama ko siya” turo ko kay Demi.


“Okay...what’s your name?” tanong nung babae sa gitna. Ito marahil ng Cheerleader.


“Demi Nismal...Tourism Management Student..2nd year”


Biglang napatingin si Miss Blackbelter kay Insan. Pansin kong tinitigan nito mulo ulo hanggang paa si Demi at biglang napailing at nagsmirk.


“Okay. You may start” utos nung babae sa gitna.


Then as the music start, my cousin do some dancing and routine in cheerleading. Hindi na siya magtataka kung magaling ang pinsan niya dahil cheerleader ito nung highschool pa sila. Napansin kong halos lahat ay nakatingin sa pinsan ko. She doesnt seem to mind it instead mas pinagbuti niya pa ang pagsayaw. I must now....Demi loves attention. Even the judges themselves looked so pleased. Nagpalakpakan ang lahat matapos nitong sumayaw. May mga sumipol pa nga.


“well...i can say that i’m impressed Miss Nismal” sabi nung babae sa gitna bago bumaling sa mga kasama “what do you think guys?”


“Just call me Demi” singit ng pinsan ko.


“Well Demi...youre so lovely” sabi nung only boy. “ That was a very hot performance. I’m Marky by the way” sabi nito at kinamayan ang pinsan ko.


“she dances gracefully” sabi nung katabi nitong babaeng judge.


“Beyond those maldita look eh may ibubuga naman pala siya” sabi nung babaeng tinarayan kanina nung pinsan ko.


Si Miss Blackbelter ang binalingan nung babae sa gitna.


“Ikaw Jho? What can you say?”


Imbes na sagutin ang tanog nito eh bumaling ito sa pinsan ko.


“Youre a past cheerleader right?” tanong nito pero sa pandinig ko eh isa iyong statement. Paano nito nalamang dating cheerleader si Demi? Maging ang ibang judge ay napatingin dito.


Tumango ang pinsan ko. “Back in highschool”


“hey Jhon, how did you know that?” tanong nung lalaking nagngangalang Marky.


“I can see it by the way she moves her body. And she has a very firm butt. So i therefore conclude that either she’s a gymnast or a cheerleader.”


Namangha ang mga ito. Even my cousin looked amazed.


“You can tell it just by looking at her?” tanong ng katabi nitong babae.


“Redge...sabi nga ni Laxus.. I’m-So-Damn-Good-At-Everything..yun pa kayang simpleng bagay di ko mapansin? And besides i was once tried to be a cheerleader right?”


“Yeah..but you quit because you dont like the uniform” nakairap na sabi ng babae sa gitna.


Lihim na napangiti naman ako sa kanila. Nakakatuwa silang tignan. Halatang magkaibigan ang mga ito.


“Richelle my dear...dont worry too much about me okay?” muling tinignan ni Miss Blackbelter ang pinsan niya “You should accept her in the squad. She’s good, she has an experience and most of all the crowd loves her”


Bumaling ang babae sa gitna sa pinsan ko.


”Okay Demi..you passed..kindly wait at the side for further announcement” turo nito sa isang bench kung saan may iba pang naghihintay na marahil ay nakapasa din.


Sa wakas nakahinga na din ako ng maluwag.


***


[Laxus’ POV]


“Hey! What’s Marky’s doing at the cheering squad audition? Balak na ba niyang magquit bilang basketball player at maging cheerleader nalang?” natatawang tanong ko.


Pagdating ko sa gym eh wala na akong naabutang naglalaro ng basketball. Pawang mga nakaupo na sa bench ang mga magagaling kong kaibigan. Hindi ako nakasama sa practice dahil may exam kami kanina sa last subject namin. Akala ko pa naman may makakalaro na ako pero mga nanonood lang pala itong mga sira-ulong ito.


Masanay na kayo sa tawagan namin...ganyan kami magmahalang magkakakaibigan... brutal.


“Nahila ni Richelle para maging judge” si Paul ang sumagot. Ang pinakaalaskador kong kaibigan habang hawak ang towel at nagpupunas ng pawis.


“Judge??? Si Marky??” di makapaniwalang tanong ko. “Bakit hindi ikaw? Si Earl? O di kaya si Jeirick ang kinuha niya?”


“mas may tiwala daw si Richelle kay Marky kesa sakin” tumatawang sabi ni Paul. “Pero i’m sure si Regine ang nagsabing wag akong kuning judge. Alam niyo namang napakasweet nung babaeng yun sakin. Si Jeirick hindi pwedeng umalis  dahil siya ang captain ng basketball team. May try-out din kasi kanina. Si Earl sana ang kukunin ni Richelle kaso natatakot siya na baka supladuhan lang ni Earl yung mga mag-aaudition”


“sabagay” knowing his friend Earl hindi imposible yun. Muli akong napatingin sa kumpol ng cheering squad. “Oh? Eh si Jho? Anong ginagawa dun? Nahila din bilang judge?”


“Mukhang ganun na nga”


Natawa nalang ako. Halata naman kasing inip na inip na si Jho sa pwesto niya. Yun pang babaeng iyon??/ eh gusto lagi nun action eh kaya hindi iyon mapipirmi sa isang sulok lang.


“Si Richelle talaga oh...by the way bakit hindi kayo nagpapractice?”


“we’re watching her” sagot ni Jeirick.


“watching who??”


“you should see her dance pare. Sayang nga lang at tapos na siya mag-audition. Sobrang galing niya. Lahat nga ng tao dito sa gym natulala sa kanya habang sumasayaw siya.” Sabi ni Paul.


“Sino dun?” interesadong tanong ko. Oo basta babae interesado ako.


“There..yung nakawhite sleeveless and blue skirt” turo ni Paul.


Napatingin naman ako sa tinuturo niya at ganon nalang ang gulat ko ng makilala kung sino iyon.


“Hey Pare ko’y!!! That’s the girl i’m talking about the other day”


“Really?? Maganda at sexy nga” sang-ayon sakin ni Paul. Tahimik lang naman si Earl at pangiti-ngiti lang si Jeirick.


“tara lapitan natin” yaya ko sa mga ito at nagpauna ng maglakad pero bago pa ako makahakbang paalis eh nahawakan na ako ni Jeirick sa braso.


“Baka magalit si Richelle kapag nanggulo tayo”


“Oo nga..nandun pa naman si Jho baka mabugbog ka ng wala sa oras. Take note! Naka-taekwando uniform pa iyon.” Babala ni Paul sakin.


“Kunwari babatiin natin sila..besides sila ang mga makakasama natin dahil basketball players tayo and they are our cheeres.” Sabi ko at lumakad na palapit sa pinagdadausan ng audition. Sumunod naman sakin ang mga kaibigan ko. Sus...if i know gusto din naman nilang lumapit eh.


Tamang-tama lang ang paglapit namin dahil mukhang tapos na ang audition.


“Hey Richelle..looks like the audition went good” bati ko ng makalapit sa kanila.


“Yeah awa ng Diyos”


“Dapat ako nalang ang kinuha mong judge” biro ko.


“Ikaw??? Huwag na noh! Baka di pa nagsisimula ang audition nakipagflirt ka na” todo tangging sabi ni Richelle na ikinatawa ko lang. May gusto siguro sakin itong babaeng ito..hehe..


“Ouch...you hurt my feelings” biro ko at nagpacute na kumaway sa mga babae “ Hi girls”


Animo mga kiti-kiti naman ang mga ito na di mapakali at di alam kung paano itatago ang kilig. Well iba na talaga ang nagagawa ng charm ko. And i cant blame them..nasa harapan ba naman nila ang mga naggagwapuhang basketball players ng Riverdale. Syempre ako ang pinakagwapo.


“Pare ko’y wala ka bang tiwala sa judging preference ko?” birong tanong ni Marky.


“Hmmm meron naman..pero syempre mas magaling pa din ako” sagot ko na ikainatawa naming dalawa. Pareho kaming abnormal.


“Jeirick sorry kung bigla ko nalang hinila si Marky para maging judge ah. Hindi tuloy siya nakapagpractice” hinging paumanhin ni Richelle


“Okay lang minsan lang naman eh” nakangiting sagot naman ni Jeirick.


Nilapitan naman ni Regine si Jeirick. Ang babaeng patay na patay dito. Ewan ko bulag yata itong babaeng ito eh. Obvious namang walang gusto sa kanya si Jeirick pero ipinagsisiksikan niya sarili niya. Babae talaga oh..tsk!


“Tapos na ba kayong magpractice? Sabay sabay na tayong magmeryenda” yaya nito samin pero kay Jeirick nakatingin.


Hindi naman lingid sa aming lahat ang pagkakagusto ni Regine kay Jeirick. At hindi din lingid sa aming mga Boys ang pagkakagusto naman ni Paul kay Regine. Kawawang Paul . mabuti nalang ako walang problema sa babae. Iba na ang nagagawa ng gwapo.


“Okay lang...kayo bahala” sagot ni Jeirick. Si Mr-Nice-Guy.


“Antayin lang natin madissmiss ni Richelle ang squad”


Nagsitayuan na ang mga ito hudyat na tapos na ang meeting. Agad akong lumapit dun sa magandang babae.nakatigin naman sakin ang mga kaibigan ko. Ang sama ng tingin haha...


“Would you like to come with us? Magsnack lang kami” yaya ko with my Most-Charming-No-One-Can-Resist-Smile.


Napatingin si Demi sa mga kasama ko.


“I’m with my cousin” turo nito sa babaeng katabi nito. Yes! Di naman siya totally tumanggi.


“That’s okay..she can also join us” nakangiting sabi ko.


“Is that okay with your group?” alanganing tanong niya.


Binalingan ko naman ang mga kaibigan kong nakikinig lang.


“Okay lang diba?” pinandilatan ko ang mga ito. Partikular na si Jho. Yun ang kontrabida sa buhay ko eh.


Sumang-ayon naman ang iba. Tinaasan lang naman ako ng kilay ni Jho. Okay na yun atleast wala siyang reklamo.


“Okay na daw” sabi ko kay Demi.


“Sige..susunod nalang ako sa canteen. Magbibihis lang ako”


“Okay take your time”


Pero bago pa makaalis ay may tumawag na sa mga ito.


Dalawang lalaking nakabasketball jersey pero di uniform ng team ah ang lumapit. Ang isang lalaking kulay brown ang buhok ay nilapitan ang pinsan ni Demi at may inabot dito.


“sayo yata ito. Nahulog mo nung nabangga mo ako”


Isang ID ang inabot nito sa babae


“Thank you” kiming pasasalamat naman ng pinsan ni Demi.


“Yesha let’s go” yaya na ni Demi dito.


“Sige.


“salamat ulit” sabi pa nito at sumunod na sa pinsan nito patungong dressing room.


Lumapit ang dalawang lalaki kay Jeirick.


“captain aalis na po kami” paalam ng mga ito. So mga new members pala sila ng Team.


Bago pa makasagot si Jeirick ay nakasingit na si Jho palapit sa mga ito. Ang babaeng singit.


“Trace Bustamante??”


***

[Jhonah’s POV]


Habang hinihintay namin magbihis sina Regine at Richelle pati nadin yung bagong member ng squad na niyaya ni Laxus ay may lumapit sa aming dalawang lalaki na bagong myembro siguro ng basketball team. Bago kasi hindi ko naman sila kilala at hindi sila nakauniform. Pamilyar ako sa lahat ng players ng basketball team dahil kuya ko ang captain. Isang matangkad na lalaki at isang lalaking kulay brown ang buhok lumapit sa amin. Nilapitan nung kulay brown ang buhok yung pinsan nung babaeng maldita..Oo maldita talaga dahil naiinis ako sa kanya at may inabot na ID dito. Matapos maibigay ay akmang magpapaalam na ang mga ito kay kuya.


“captain aalis na po kami”


Pero bago pa makasagot si kuya ay lumapit na ako sa pagitan ng mga ito. I know that tall guy!!!


“Trace Bustamante??”


Napatingin naman siya sakin maging ang mga kaibigan ko. Napakunot-noo ang lalaking tinawag ko pero maya-maya lang ay may sumilay ng ngiti sa labi nito. Hah! Tama nga ako. Siya iyon!


“Senpai!!!!” tuwang-tuwang sabi nito at niyakap ako. Oh diba ang kapal ng mukhang mangyakap.


Senpai ang tawag sa nakakataas sayo in Japanese. Pwedeng leader or elder student.


Lahat ng mga kaibigan ko ay nagulat.


“Magkakilala kayo?”tanong ni Jeirick.


Pero hindi ko sila pinansin. Muli akong bumaling kay Trace matapos kumawala sa pagkakayakap niya.


“You’ve become a basketball player??? You joined the basketball team? But why?” nagtatakang tanong ko.


Nagkibit-balikat lang naman si Trace. “It’s because i like it” Maniwala ako???


“bakit kinukwestyon mo kung sumali man siya sa team?” tanong ni Paul


Hinarap ko naman ang mga nagtatakang kaibigan.


“It’s because this man is my favorite sparring partner in taekwando way back in highschool.”


“Senpai ko siya. Kasi mas nauna siya sakin eh..at may rank na agad siya nung makapasok ako sa taekwando team” dugtong ni Trace at inakbayan ako.


Wag madumi ang utak niyo ah. Sobrang close lang talaga kami nun ni Trace.


“Mukhang mahaba-habang kwentuhan ito ah....Trace, Gray...ang mabuti pa sumama na kayo samin magmemeryenda kami sa canteen” yaya ni kuya sa dalawa.


“At Trace tanggalin mo yang kamay mo sa balikat ni Jho dahil may umuusok na ang ilong dito” sita naman dito ni Paul at ngumiti. Ano na namang problema nitong si Paul at nang-aasar na naman???


Napatingin naman si Trace sakin. “Senpai may boyfriend ka na? O_O”


Siniko ko naman siya dahilan para mapabitaw siya sakin at mapahawak sa tyan niya. “Wala noh. Kaya wag kag mang-asar dyan. Sumama nalang kayo..madami akong itatanong sayo”


“Brutal ka parin hanggang ngayon ah” Tumingin naman si Trace sa lalaking kasama nito at sabay na pumayag.


Eksaktong lumabas naman na sina Richelle kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa canteen.


***

No comments:

Post a Comment