I Love the way you smile
If you can't
find the right words for a certain situation,
Just give
that person a hug.
Words have
the potential to confuse,
But hugs
never lie.
[Trace’s POV]
Hindi
ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Hindi ko alam kung tama bang
nagpadalos-dalos ako sa pakikipagrelasyon.
Napaupo
ako sa sofa habang hawak ang lata ng alak sa kamay ko. Ako nalang yata ang
gising dito sa bahay. tahimik na tahimik. Nakakabingi ang katahimikan kahit na
nasa syudad ako. Napasapo ako sa noo ko habang binabalikan ang nakaraang naging
pagtatalo namin ni Richelle.
“Bakit
hindi ka tumawag? Alam mo bang almost three hours akong naghintay sa school?
Tawag ako ng tawag sa phone mo pero nakaoff. Ang sabi ni Gray nauna ka naman daw
umalis. Saan ka ba nagpunta ha?” galit na sabi sakin ni Richelle. Hindi
ko naman siya masisisi kung magalit man siya dahil naghintay siya pero…
“Wala
naman akong sinabing maghintay ka ah? May usapan ba tayong magkikita?” napansin
kong natigilan siya at bumakas ang sakit sa mga mata niya. Gusto ko sanang
pawiin ang sakit na iyon pero…
Iniwas ko nalang ang paningin ko sa
kanya. Hindi ko gustong makitang nasasaktan siya. Hindi ko kaya pero alam kong
nasaktan ko siya.
“Fine.
Sorry ah! Ang alam ko kasi boyfriend kita at karapatan ko naman sigurong
malaman kung nasaan ka?” sarkastikong sabi niya.
“Girlfriend
lang kita…pero hindi kita nanay”
pagkasabi non ay tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Alam kong
nagulat din ang mga kaibigan namin sa inasal ko.
“Trace” tawag sakin
ni Gray pero hindi ko siya pinansin at umalis na ako sa lugar na iyon.
“Anak may problema ka ba?” napapitlag ako ng marinig ang boses ni Mama. Sa
sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan ang paglapit niya sakin.
“wala naman po Ma.”
“bakit umiinom ka anak?”
“Nagpapaantok lang po ako. Maya-maya
matutulog na din po ako.”
“Sige hijo wag ka masyadong maglasing
ah. Tama na iyang hawak mo matulog ka na”
“Yes Ma. Goodnight po” sabi ko at humalik sa pisngi ni mama.
“Good night din anak”
Pagkaalis
ni mama ay inubos ko lang ang laman ng lata ng alak na hawak ko at umaakyat na
din ako sa kwarto ko. Baka sakaling mawala ang mga gumugulo sa isip ko.
***
[Richelle’s POV]
“Grabe na ito ah…hindi na ako natutuwa
dyan kay Trace” masungit na sabi ni
Regine habang inaalo ako dahil umiiyak ako.
Hindi
na naman kasi nakipagkita sakin si Trace at hindi rin siya tumawag or nagtext
man lang. nakakasama lang ng loob kasi hindi ko alam kung bakit siya
nagkakaganun. Ni hindi niya nga man lang talaga naalala na monsary namin nung
nakaraan eh.
“Hoy Gray! Baka may alam ka kung nasaan
ang magaling na bestfriend mo ha!” pagtataray
din dito ni Jhonah
Mukha
namang kawawa si Gray dahil pinagtutulungan siya ng mga girls.
“Wala naman akong kinalaman dyan
eh..saka kung may alam man ako I think hindi yun sakin dapat nanggagaling” depensa ni Gray.
“So may alam ka nga?!” pagtataray dito ni Demi. “Spill it out! I can’t take all this chaos anymore” maarteng
dugtong pa nito.
“I don’t have the authority to say it”
Tinignan
ko si Gray at nagmamakaawang nakiusap sa kanya.
“Please Gray if you know something kung
bakit ganun nalang ang pag-iwas sakin ni Trace please tell me.. ayoko ng ganito
eh.”
Hindi
naman mapakali si Gray at inilibot ang paningin sa paligid. All the barkada is
there minus Trace.
“Okay” Gray left a sigh.
“ Trace Ex-girlfriend is back”
“His what???” Sabay-sabay na tanong ng barkada.
“His ex”
“So what??” nakataas ang kilay na tanong ni Demi.
“Princess Demi… ex ni Trace yun”
“Eh ano naman.. she’s just an Ex…and
you’re the present”
“Ex plays a major role in a
relationship”
“Oh come on…if you really love Trace
then take him away from that stupid bitch!” malditang sabi ni Demi sakin.
Wala
saming nakapagsalita… kahit na hindi maganda ang lumabas sa bibig ni Demi may
point naman siya.
“Kaya kung ako sa iyo Richelle…
mag-usap muna kayo ni Trace” payo ni
Jeirick.
“Eh ayaw ngang makipag-usap sakin eh”
“Usap-usap pa??? break na agad!” singit ni Jhonah.
“Tumahimik ka nga dyan” saway naman dito ni Earl.
“Epal ka”
Habang
patuloy sa pagtatalo ang mga tao sa paligid ko kung paano lilikidahin si
Trace…busy naman ako sa pag-iisip sa sinabi ni Gray.
Trace
Ex-girlfriend is back….
Is
she the reason why Trace is avoiding me?
***
[ Trace POV]
“Mahal mo ba
talaga siya? O nakikita mo lang sa kanya yung babaeng una mong minahal?”
Isang araw matapos ang halos isang linggo kong
pag-iwas kay Richelle ay isang hindi inaasahang tao ang naging bisita ko.
Si Jhonah...
Hindi ako nakapagsalita.
Bulls eye. Yun ang tumama sakin. Napag-isip isip ko na
may punto siya.
Bakit ko nga ba siya ginirl friend?
Bakit ko nga ba siya nagustuhan?
Tama..kasi nakikita ko si Yvette sa kanya.
The way she talks..the way she moves...the way she
laughs.
Si Yvette ang nakikita ko.
Pero yung pagmamahal na nararamdaman ko sa dibdib ko?
Para ba kay Yvette lang yun?
O mahal ko nga ba talaga siya?
Ang gulo. Gustong sumakit ng ulo ko.
“Pinasok mo ang
gulong iyan...ikaw din ang mag-isip ng paraan kung paano mo sosolusyunan.” Napabuntong-hininga si
Jhonah... maging ako ay hindi makatingin ng diretso sa kanya. Guilty....
Nahihiya... Iyon ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon..
“Pero isa lang
ang tandaan mo..” pagpapatuloy niya. “..sa gagawin
mong desisyon.. paniguradong may masasaktan... maging handa ka sana..be man
enough to face your mistakes Trace”
Ayoko ng ganito...
Hindi ko naman naisip na aabot sa ganito eh.
Hindi ko naman kasi alam na babalik siya ulit.
Ang gulo.
“Trace...ayokong
magalit sayo kasi kaibigan kita...pero kaibigan ko din si Richelle...at ayokong
makitang nasasaktan siya”
“Senpai...”
Sino ang dapat na piliin ko?
***
[Richelle’s
POV]
“I’m sorry
Chelle...sorry for hurting you....I don’t deserve you”
Those words feels like a knife that slowly striking my
heart.
I want to cry pero parang pagod na ang mga mata ko sa
pag-iyak. Wala ding salitang gustong lumabas sa mga bibig ko.
“I’m sorry” he finally said and walk
away....walk out of my life..
I want to stop him...
I want to tell him that I love him so much...
I want to hold him and don’t let him go...
But I cant...
Because he doent want it...
I’m not the one he needs...
I’m not the one he loves...
***
[Laxus POV]
“Pssst... sabi
ko na nga ba nandito ka lang eh”
Napalingon sakin si Richelle. Kung saan saan ko pa
siya hinanap dito lang pala sa may basketball court malapit samin ko siya
matatagpuan. Wala namang ibang tao dito pero nakita ko ang isang bola ng
basketball sa sahig. Siya siguro yung naglaro.
“Ikaw pala...
bakit?”
tanong niya sakin.
Naupo ako sa tabi niya pero hindi ko siya tinignan...
sa malayo ako nakatanaw.
“Umiiyak ka na
naman ba?”
“Hindi” sagot niya pero iniwas naman
ang tingin sakin.
“You are not a
very good liar Chelle.”
“I know”
Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin.
“So...” I broke the silence between
us “....Trace is being an asshole now”
“I don’t want
to talk about it Laxus” I saw pain in her eyes.
I moved towards her and give her a hug from behind.
“Sorry hindi ko
alam kung anong words ang dapat kong sabihin sayo para mapagaan ang loob mo..
you know that I’m not good in words right...all i can do right now is to hug
you for you to know that you’re not alone...I’m just here... right next to you”
“Laxus...” she didnt finish her
sentence....I thought magagalit siya but she touch my hands and put her head in
my arms.
Maya-maya pa ay naramdaman kong umiiyak na siya.
“Laxus..bakit
ang sakit? Bakit ang sakit... sakit... I love him so much that it hurts”
Hindi ako nagsalita.. as of this moment she doesnt
need someone to talk to..all she need is an ears to listen and a heart that can
understand.
“Ginawa ko
naman ang lahat...minahal ko siya...pero bakit nagawa niya pa din akong saktan?
No one would love me now...”
“That’s not
true”
“Yes it’s
true...lahat ng minamahal ko nawawala sakin...una si Paul....pero alam kong si
Regine ang gusto niya kaya wala akong magawa...ngayon naman si Trace...bakit
ganun Laxus? Bakit lagi nalang silang nawawala sakin?”
Maya-maya ay naramdaman kong kumalma na din si
Richelle sa pag-iyak.
“Kung sasabihin
ko ba sayong mahal kita maniniwala ka?” all of a
sudden ay tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sakin bigla.
“Ano yun?
Joke?”
tumatawang tanong din niya sakin. “ Ang
hilig mo talagang magbiro kahit kelan. Sira ka talaga. But thank you for making
me laugh” Sabi pa niya at hinampas hampas ang braso kong nakayakap sa kanya.
Inaasahan ko na ang magiging sagot niya pero hindi ko
alam na ganito pala kasakit kung maririnig ko iyon mismo sa kanya.
“Oo naman..joke
lang yun...baliw ka kung maniniwala ka. Ako? Magmamahal? Sayo? Imposible
yun..pinapatawa lang kita..ang panget mo na kasi eh.” tumatawang sagot ko din
kahit na ang totoo pakiramdam ko isang libong kutsilyo ang sumasaksak sa puso
ko sa bawat katagang binibitawan ko.
Pero kailangang kong magpanggap na biro lang ang
lahat. Kasi hindi rin naman siya maniniwala eh. Kahit na sabihin ko pang totoo
yun.
Imposible.
Dahil kahit kelan hindi niya ako tinignan sa paraang
gusto ko.
Hindi niya ako tinignan bilang isang lalaki.
Hindi ako si Paul...
At lalong hindi ako si Trace...
Kaibigan.
Iyon lang ang tingin niya sakin.
Kung pwede ko lang sanang aminin.
Na ayokong kaibigan lang.
Na mahal ko siya.
Kaso hindi eh. Kailangan kong itago.
Pero ang sakit sakit.
Kasi yung sikretong itinatago ko...
Ang bagay na gusto kong ipagsigawan sa buong mundo.
Ako si Laxus Ian Fontanilla...
Lihim na nagmamahal sa babaeng kahit kelan hindi ko pwedeng
angkinin.
“Tara na
nga..ang drama na natin masyado...ay hindi..ikaw lang pala” sabi ko at bumitaw sa
pagkakayakap sa kanya.
“Saan tayo
pupunta?” tanong
niya at pinagpagan ang suot na pantalon.
“Libre kita ng
ice cream”
Nagpauna na akong maglakad palabas ng court.
“Laxus...gusto
ko din ng chocolate...”
“sige...”
“Pati cake...”
“sige”
“Donut”
“Oo na..lahat
na ng gusto mo kainin mo”
“Thank You” nakangiting sabi niya at
humawak sa braso ko.
Somehow seeing her smile...is enough to make my heart
smile.
***
No comments:
Post a Comment