[Boys talk]
One of the best things in the world to be is a boy; it requires no experience,
but needs some practice to be a good one.
[Marky’s POV]
“Whatttttt???? Nagtapat ka kay Richelle?” lahat kami nagulat ng sabihin ni Laxus na nagtapat pala siya kay
Richelle nung nasa Baguio kami....pero mukhang si Jeirick may alam na kaya
hindi siya nagulat.
“hay naku paulit-ulit??? Unli???” nakasimangot na sabi ni Laxus at pasalampak na naupo sa kama.
Kasalukuyan kaming
nasa condo ni Earl. Sosyal ang lolo mo may sariling condo. Ito ang tambayan
namin kapag all boys lang. Bawal ang girls dito. Forbidden rule yun. Ito kasi
ang sanctuary naming mga boys kapag gusto naming mapag-isa. Actually lahat kami
may susi ng condo. Hindi naman kasi masyadong ginagamit ni Earl itong condo
niya kasi madalas dun pa din siya umuuwi sa ancestral house nila. Pero lagi
naman itong malinis kasi nagpupunta yung maid nila dito para linisin ang condo.
Sa pagkakaalam ko regalo ito nung parents ni Earl sa kanya nung last birthday
niya.
“Oo nga... nagtapat nga ako.” sabi pa nito at dumampot ng alak sa mesa. Gamit ang isa pang bote ng
alak ay binuksan nito iyon. Kaso hindi niya mabuksan..hehe. inabutan ito ng
pambukas ni Earl. “salamat”
“Eh kasi naman tol..ang tagal na nating magkakaibigan
pero ni minsan wala kang nabanggit samin na may kapatid ka pala...at kakambal
mo pa... tapos ngayon sasabihin mo samin na nagtapat ka kay Richelle...on the
first place tol hindi nga namin alam na may gusto ka kay Richelle eh.” naiiling na sabi ni Paul habang pumapapak ng pulutan. Sa kamay nito eh
may bote rin ng alak.
Ang sarap ng buhay
namin noh? Painom-inom nalang..hehe...dito lang namin sa condo ni Earl nagagawa
iyan..kasi hindi namin pinapakita sa mga girls na nainom kami. Ayaw kasi
nila... Lalo na si Jhonah... hayy!! Namiss ko tuloy si Jhonah.
“Alam niyo namang hiwalay ang parents ko di ba? Bata
palang kami nung naghiwalay na sila”
“Oo nga...never ko pang nakita yung mommy mo” sang-ayon ko. Mula kasi ng makilala at maging kaibigan namin si Laxus
eh hindi pa namin nakita ang mommy niya kahit minsan.
“Yeah..kasi galit si mommy kay daddy...umalis siya
nung bata pa kami ni Quincy...dinala niya si Quincy..dapat dalawa kaming
kukunin ni mommy pero hindi pumayag si daddy...kaya dahil sa ako ang lalaki ako
ang naiwan sa poder ng daddy ko...i guess 8 years old or 9 years old palang
kami nun...magmula noon hindi na bumalik si Mommy sa bahay...pero pumupunta
parin naman ako sa bahay nila noon kasi pinayagan naman ako ni daddy...pero si
Quincy hindi pinayagan ni mommy na makita ni daddy..kaya hindi close si Quincy
sa daddy ko.” Kwento ni Laxus habang
pinaglalaruan lang ang bote ng alak na hawak. Hindi naman niya iniinom.
“Hindi ba parang ang unfair naman ng mommy mo?” maingat na tanong ni Jeirick.
“Yun nga din ang naisip ko nun..pero wala naman akong
magagawa..kasalanan naman ni daddy eh..nambabae kasi siya”
“So sa daddy mo pala ikaw nagmana” tumatango-tangong sabi ni Paul.
“Oy!!! Hindi naman” sagot
nitong tumungga na sa alak na hawak. “sa
totoo lang mahirap malayo sa kapatid mo...kasi lumaki kaming hindi close ni
Quincy sa isat isa eh...nakakapanghinayang..kaya nga naiinggit ako kina Jeirick
at Jhonah eh..kasi super close sila....bakit nga ba hinayaan mong isama ng
mommy mo si Jhonah? Pwede naman siyang maiwan dito ah?” nagtatakang tanog
ni Laxus. Kunsabagay naisip ko din yun. Nandito naman ang grandparents nila
Jhonah at hindi na naman bata si Jhonah para hindi maiwan.
“Oo nga tol? Bakit nga ba?” tanong ko.
Kumuha muna ng
pulutan si Jeirick bago sumagot.
“ kasi gusto niya”
“ha??? Ano daw?” nagtatakang tanong ni Gray
“Gusto niyang sumama kay mommy.”
“pero bakit? Ayaw na ba niya dito?”
“Hindi naman sa ayaw...sabi niya may dahilan daw siya
kung bakit siya sumama kay mommy sa Japan.”
Pansin kong wala ng
pulutan dahil ginawa ng kanin nina Paul at Gray na kanina pa panay ang papak
kaya pumunta ako sa kusina upang kumuha ng panibagong ipupulutan. Ang hirap
talagang may kasamang ginagawang kanin ang pulutan.
“Kung anuman ang desisyon na iyon ni Jhonah..igalang
nalang natin” narinig ko pang sabi ni Jeirick.
Tama...I’m sure may
mabigat na reason kung bakit mas pinili niyang umalis....sana nga.
***
Habang nasa kusina
at kumukuha ng pulutan ay naisip ko ang nangyare after naming manggaling sa
Baguio.
All of a sudden
pagbalik namin dito.. mga after two weeks lang yata biglang inannounce ni
Jeirick na umalis daw yung kapatid niya.. akala nga namin kung saan lang
pupunta iyo pala sumama na sa mommy niya sa Japan... nagmigrate na kasi ang
parents nila pero si Jeirick nagpaiwan na dito since graduate na naman
siya...at siya na ang mamamahala ng business nila dito.
Lahat kami
nagulat.. as in shock in a real sense of the word...sino naman kasing
mag-aakala na biglang aalis si Jhonah diba? Hindi ko alam kung anong nangyare
nung nasa Baguio kami...at hindi man lang nagpaalam samin si Jhonah.. sabi nila
Regine at Richelle nagtext lang daw sa kanila. Nagulat nalang din daw sila.
After a week si
Trace naman ang bigalng nagdissapearing in action.. hindi ko alam kung sinundan
ba niya si Jhonah...pero bakit naman niya susundan si Jhonah eh si Richelle ang
ex-girlfriend niya? So malamang hindi niya sinundan iyon... ang sabi ni
Gray.. nagpunta daw ng America si Trace
at dun na tatapusin ang pag-aaral niya... hindi rin nagpaalam sa amin.. ano
bang nangyayare sa mga taong ito?
“Tol, nakita mo ba?” tanong ni Earl.
Mukhang napatagal
yata ako sa kusina kaya sinundan na ako ni Earl.. kung ano-ano kasi ang pumasok
sa isipan ko eh.
Napatingin ako kay
Earl.. hindi ko alam kung may kinalaman ba siya sa pag-alis ni Jhonah.
“bakit?” tanong nito.
“Alam mo ba kung bakit umalis si Jhonah?” biglang tanong ko.
Hindi agad
nakapagsalita si Earl... mukhang tama ang hinala ko.
“Hindi” sabay alis.
Pero di ako
naniniwala. May something na nangyare.
***
Pagbalik ko ay
mukhang seryoso na ang pinag-uusapan nung mga barkada ko. Si laxus mukhang may
tama na.
“Alam niyo ba Pare kung gaano kasakit??? Ang sakit
sakit!!! Hindi lang ako na FRIEND ZONE... na FAMILY ZONE pa!!”
“tol lasing ka na” awat ni
Jeirick dito.
“Hindi pa ako lasing.. alam ko pa ang ginagawa ko...
nakakainis lang alam niyo ba yun? Ano bang meron si Trace na wala ako?” himutok ni Laxus
“gandang lalaki tol” biro ni
Paul.
“oh shatap!!!! Mas gwapo ako dun ng sampung paligo!”
“Tol ang bitter mo.. para kang babae.. para nabasted
ka lang eh...” naiiling na sabi ko at inilagay sa
mesa ang pulutan.
“eh kung ikaw kaya ang mabasted!”
“Hindi naman ako nanliligaw kaya hindi ako mababasted” sagot ko at dumampot na din ng alak.
“ang tagal tagal kong minahal si Richelle mga Pare
ko...tapos hindi pa man ako nanliligaw basted na agad ako”
“porket ba nabasted ka titigil ka na? Ikaw na din ang
nagsabi na matagal mo na siyang mahal... nakapagtapat ka na... ibig sabihin
nakapagsimula ka na.... bakit ka titigil? Eh kung talagang mahal mo si Richelle
patunayan mo.. hindi yung ganyan ka.” Payo ni Earl.
Lahat kami
napatingin sa kanya. Maging si Laxus ay napatigil. Ang lalaking tipid at
bihirang magsalita nagbibigay ng payo??? Unbelievable!!!
“May point si Earl” sang-ayon
ni Jeirick. “You already have the
courage to tell her that you love her..hindi naman ibig sabihin na binasted ka
eh katapusan na ng mundo.. bumangon ka ulit... kausapin mo.. suyuin mo.. babae
yun tol...dont expect na sa isang sabi mo lang eh okay na ang lahat.. kailangan
mo ding magtyaga”
“Eh bakit kay Demi hindi ka naman nahirapan?” nang-aasar na sabi ni Paul. “ Ako
nahirapan ako kay Regine”
“Ibang kaso naman yung samin ni Demi... kahit na hindi
ako nahirapang ligawan siya... everyday in our relationship pinapatunayan ko
naman kung gaano ko siya kamahal”
“Naks ang cheezy mo tol!!!!” pang-aasar ni Gray dito. Binato pa nito iyon ng chips.
“Mabuti ka nga nandito lang yung babaeng gusto mo
eh... samantalang ako... hindi pa man nakakapagsimula nilayasan na ako” naiiling pang sabi ni Earl.
Kapansin-pansin
talaga na nagiging madaldal si Earl ngayon... epekto ba ito ng alak? Mukhang
may tama na din itong isang ito ah...hehe... mapaamin nga.
“Bakit tol? Sino bang gusto mo?” panghuhuli ko.
“Sino pa ba? Eh di yung nakakainis na babaeng iyon.” Asar na sabi ni Earl at muling nagbukas ng alak. “Nakakaasar yang kapatid mo Jeirick ha! Nung sinabi kong liligawan ko
siya aba?!!! Kinabukasan nilayasan na ako!”
“Aha!!! So ikaw pala ang salarin kaya umalis si
Jhonah” pang-aasar ni Paul dito.
Sabi ko na eh.. may
kinalaman si Earl eh... salamat kay Pareng Alak.
“Ano bang nangyare tol?” tanong ni Jeirick.
“hay naku! Ganito kasi yun”
***
[Earl’s POV]
Flashback...
“bakit nandito ka?
Wala dito si Kuya” tanong ni Jhonah ng maabutan ako sa sala.
“Alam ko naman
talagang wala si Jeirick dito... hindi naman siya ang sadya ko.”
“eh sino?”
“Ikaw”
“Ako? Bakit ako?
Wala naman akong utang sayo ah”
“Mag-usap nga tayo” sabi ko at hinila siya palabas
ng bahay.
“Teka na.. saan mo
ako dadalhin ha?”
Sa may pool area kami nakarating.
“Ano bang problema
mo?”
Pagharap niya ay walang sabi-sabing hinawakan ko ang
mukha niya at hinalikan ko siya sa mga labi. Halatang nagulat din si Jhonah sa
ginawa ko kaya hindi siya agad nakapalag. Matapos ang ilang segundo ay
binitiwan ko din ang mga labi niya.
“Well...you’re not
bad for a first timer...although hindi ka marunong humalik... magagawan naman
ng paraan iyan” sabi ko matapos siyang halikan.
Mukhang shock pa yata si Jhonah dahil nakatunganga
lang siya sa harapan ko.
“ I love You.... at
liligawan kita sa ayaw o sa gusto mo” pagkasabi nun ay muli ko siyang hinalikan bago
tuluyang umalis.
End of flashback...
***
“Eh walanjo ka naman pala tol eh!!! Hindi ka pa man
nanliligaw nakahalik ka na? At hindi lang basta isa ha.. dalawang halik pa!!!
Hanep ka tol!” natatawang sabi ni Paul at hinampas
hampas pa ako sa balikat.
“Kaya naman pala umalis si Jhonah tinakot mo eh” natatawang sabi din ni Marky.
“Hala ka... lagot ka kay Jeirick” pananakot ni Gray dahilan para mapatingin kaming lahat dito.
Pero nakangiting
mukha lang ni Jeirick ang nakita namin.
“Iniimagine ko kung anong hitsura ng kapatid ko ng mga
oras na yun.. sayang sana napicturan ko... boto naman ako kay Earl eh.. alam ko
namang matagal ng patay na patay iyan sa kapatid ko”
“Talaga??? Hindi ko yata alam yun?” nagtatakang tanong ni Marky.
“Eh lagi ka namang walang alam eh” pang-aasar dito ni Paul.
“So kaya pala nag fly away sa Japan si Jhonah dahil sa
sinabi at ginawa mo”
“Eh kasi naman dapat dun sa babaeng iyun sinisindak..
hindi naman kasi yun basta-bastang aamin eh.. kaya iyon lang ang naisip kong paraan.. hindi
ko naman akalain na lalayasan na lang ako basta eh” naiiling na sabi ko.
Nakalimutan kong
may pagakaimpulsive nga pala iyon si Jhonah.. kung anong maisipang gawin
gagawin.
“kaya ayun...hindi pa man ako nakakapagumpisang
manligaw wala na”
“Okay lang tol.. nakahalik ka naman eh” pang-aasar ni Paul.
“Problema ba yun? Eh di sundan mo sa Japan” pagkasabing iyon ni Laxus ay bigla na lang itong tumumba sa sahig.
Bulagta! Lasing na.
“wala na... bagsak na si Laxus”
“Problema ba yun?
Eh di sundan mo sa Japan”
Come to think of
it... pwede rin...why not??
***
[Quincy’s POV]
Nakakainis si
Mommy. Bakit ba kasi kailangan ko pang umuwi ng Pilipinas eh ang sarap sarap na
ng buhay ko sa Canada. Magmula kasi ng mabalitaan ni mommy na may bagong babae
si daddy ay ayun ipinatapon agad ako dito sa Pilipinas upang manmanan ang
sarili kong ama. So pathetic!!! Kung kelan naman sila tumanda dun nagpakaisip
bata. Nakakainis!!!
“Hello Toby? Yeah I’m already here in the Philippines.
Sorry if I dont tell you about my plans of coming here” sabi ko sa telepono habang kausap si Toby. Ang Canadian boyfriend ko
for 3 years.
“I already told you that I dont want you to go there.
But you didnt listen to me!!!!” sigaw nito sa akin
sa kabilang linya.
Nailayo ko naman
ang telepono sa tenga ko. Kaya nga hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil alam
kong di rin naman siya papayag.
Sinubukan kong
lambingin siya “But Babe... i have to do
it. My mom ordered me to be here so that i could see my dad..you know that it’s
been a long time since i last saw him” of course hindi ko sasabihin ang
totoong agenda ko sa pag-uwi ng bansa. Sikreto namin ng mommy ko yun.
“You refused to listen to me. You break your word to
me!!!”
“But i didnt agree with you” giit ko.
“shut up bitch!!!!”
Aba???!!! Sumusobra
naitong kanong ito ah!
“No!!! You shut up bastard!!! A**hole!!!! Dont try to
call me again!!! It’s over!!!” hindi ko na
napigilang sigaw ko sa kanya at ibinagsak ang telepono.
Nang-gigigil na
napasabunot nalang ako sa buhok ko. Nakakainis! Napilitan tuloy akong
makipaghiwalay sa boyfriend ko dahil sa kalokohan nitong mga magulang ko!!!
AAAARRRRRGGGGGHHHHH I hate them all!!!!
***
No comments:
Post a Comment