Thursday, November 21, 2013

Love moves in mysterious ways - Chapter 1



 <Sassy>

Itinigil ni Sassy ang pagtipa sa keyboard ng laptop at marahang hinilot ang ulo. Tinaggal din niya ang suot na salamin sa mata at kinusot ang mga mata.


It’s been two hours pero hindi pa rin siya tapos sa sinusulat niya. Hindi niya alam pero parang walang pumapasok na idea sa utak niya. Alam naman niyang normal lang sa mga tulad niyang writer na magkaroon ng mental block. Pero sana naman hindi ngayon umatake ang pagsara ng idea sa utak niya. Marami pa syang dapat intindihin at bayaran. Pasukan na naman kasi at kailangan niya ng pambayad sa tuition fee ng kapatid.


" Makisama ka naman please" marahang bulong niya sa sarili.


Pero mukhang tulog yata ang guardian angel niya dahil wala pa rin talagang pumapasok na idea sa utak niya. Ipinasya na lang ni Sassy na patayin ang laptop. Sayang lang sa kuryente dahil wala talaga siyang maisulat.



Pagbaba ni Sassy sa sala ay naabutan niyang nagpipili ng bigas ang nanay niya.


"Nay, Si Shino?" tukoy niya sa nakababatang kapatid.


" Naglalaro ng basketball sa kanto" sagot ng nanay niya. "Mabuti naman at lumabas ka sa lungga mo at ng makakain ka na. May niluto akong ginataang mais dun. Kumain ka na"


" Bakit naman pinayagan niyong maglaro sa kanto si Shino? Dapat tinutulungan kayo nun eh"


" Hayaan mo na. Minsan lang naman eh. Saka mabuti nga yun at nageexcercise ang kapatid mo"


" Hay naku. Bahala nga kayo" at pumunta na siyang kusina upang makakain. Hindi na siya nagsuklay o naligo pa. Wala naman siyang ineexpect na bisita eh.


***


Dahil nabobored na din naman siya sa bahay ay minabuti nalang ni Sassy na  dalhin ang laptop at pumunta sa malapit na park sa kanila. Baka sakaling makaisip siya ng idea.


Walang masyadong tao sa park maliban na nga lang sa iilang batang naglalaro. May nakita siyang isang bakanteng upuan at nilapitan iyon. Mabuti ng minsan ay naaarawan din siya.


Inilabas niya ang ever reliable notebook niya at sinimulang kumuha ng mga idea sa paligid. Ganun ang ginagawa niya kapag nagsusulat. Nagdadraft muna siya ng mga possible scenes na pwede niyang magamit sa kwento. Maya maya lang ay may mga idea na pumapasok sa isip niya.


"Excuse me Miss..pwede bang magtanong?" istorbo sa kanya ng isang lalaki.


" Hindi pwede" hindi lumilingong sagot ni Sassy. Kapag ganitong inspired na siya ay hindi talaga siya papapigil.


" Ang sungit mo naman. Magtatanong lang eh" sabi pa rin nung lalaki.


" Sa iba ka nalang magtanong. May bayad ang mga sagot ko eh" ani Sassy. Baka sakaling umalis na ang lalaki.


" Magkano?" tanong pa rin nung lalaki.


" Isang libo"


Hindi naman inaasahan ni Sassy na papatulan siya ng lalaki. Kaya ganun nalang ang gulat niya ng may lumitaw na isang libong papel sa harapan niya.


"Eto na bayad ko. Now pwede mo na bang sagutin ang tanong ko?"


Napilitan tuloy lumingon si Sassy sa lalaking ngayon ay nakatayo na sa harapan niya.


" Ano ba yun ha?" iritableng tanong niya.


" Saan ba dito ang bahay ni Luke? ang sabi niya kasi sakin malapit lang daw sila sa park"


"Luke? Luke Rodriguez?"


"Oo"


"Diretsuhin mo lang iyang kalyeng yan. Pangatlong bahay sa kaliwa. Kulay blue na gate" sagot ni Sassy.


" Okay thanks" at akmang aalis na sana ang lalaki ng pigilan ito ni Sassy


"Psst. Teka lang"


" Ano yun?" kunot noong tanong ng lalaki.


" Bayad mo. sinagot ko ang tanong mo" sabi ni Sassy at inilahad pa ang mga palad.


Iniabot naman ng lalaki rito ang isang libo.


" salamat ah" sarkastikong sabi ng lalaki.


" walang anuman.sa uulitin"


" Wag na lang" at tuluyan ng umalis ang lalaki. Nakita pa ito ni Sassy na sumakay sa isang magandang kotse.


" Mayaman ka naman pala eh. " iiling iling na sabi ni Sassy bago ibinulsa ang nakuhang isang libo sa lalaki. "Mahirap na ang buhay ngayon. Wala ng libre"


Muli na niyang ipinagpatuloy ang pagsusulat.


***

Nang papadilim na ay ipinasya na ni Sassy ang umuwi ng bahay. Marami rami na naman siyang naipong ideas eh. Pag uwe niya sa bahay ay muli siyang magsusulat. Baka sakaling matapos niya na ang nobelang ginagawa niya.


Habang naglalakad pauwe ay napadaan siya sa bahay ng mga Rodriguez. Hindi tuloy niya maiwasang maisip ang lalaking nagtanong sa kanya kanina.


" Sayang. Gwapo pa naman sana kaso mukhang tanga" nasabi ni Sassy sa sarili.


Sino ba naman kasing tao ang nasa matinong pagiisip ang magbabayad ng isang libo para sa isang tanong lang?


Unless sobrang yaman nito kaya hindi big deal ang isang libo.


Hindi namalayan ni Sassy na nakahinto na pala siya sa tapat ng gate ng mga Rodriguez kung hindi pa siya tinawag ng kapatid niya.


" Ate kanina ka pa hinahanap ni Nanay. Kakain na daw. Kung saan saan ka daw nagpupunta" sabi nito.


" Eto na nga diba? Pauwe na. Nalibang lang ako sa park eh."


" Tara na ate uwe na tayo bilisan mo. Championship na nung pinapanood kong basketball game eh"


" Pakelam ko ba" pero sumakay na din siya sa bike na dala ng kapatid.


***

No comments:

Post a Comment