Monday, July 21, 2014

Pag-ibig nga naman!



Love?? Ano nga ba ito? Simpleng salita lang kung tutuusin pero wag ka! Napakalaki ng space na sinasakop nito sa mundo at sa buhay ng isang tao. Isipin niyo nalang kung walang love sa mundo ano na kayang mangyayari? Hay naku! Hindi ko alam... kayo? Ano sa tingin niyo?


Marami silang ibinibigay na kahulugan ng Love..kesyo ganito..kesyo ganyan... pero sa totoo lang..para sakin “Love is unexplainable”... totoo naman diba? Napakahirap ipaliwanag ng Love. Kapag ikaw ay inlove diba hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo? Yung tipong masaya ka kahit wala namang dapat ikasaya. Yung maalala mo lang yung taong mahal mo ngingiti ka na... minsan nga napagkakamalan ka nang baliw ng mga tao sa paligid mo..pero wala ka pa ring pakialam. Dahil para sayo, kulay rosas ang buong paligid mo.


Madalas nating napagkakamalan na ang “attraction”  at “love” ay pareho lang... pero para sakin hindi. If you love a person because of what she/he is is or who she/he is... it’s not love at all...attraction lang iyon. Pero kung mahal mo ang isang tao pero hindi mo alam kung bakit...that is the love. Because love knows no reason...kaya nga kung minsan nakakainis na din eh. Kumbaga tinatanong natin sa sarili natin kung bakit pa kasi may love sa mundo...lalo na kung nasasaktan ka na..sinisisi natin ang love. Bakit pa kasi kailangang umibig ang isang tao kung sa huli ay masasaktan din lang naman pala. Hay! Ang gulo noh? Ang love pala sakit din sa ulo at di lang sa puso.


Napakadaling sabihin ang salitang “mahal kita” o “i love you” pero ang tanong...sigurado ka ba? Kasi madaling sabihin...mahirap lang panindigan. Minsan kasi akala natin mahal na natin ang isang tao pero hindi naman pala. Simpleng atraksyon lang pala na sa paglipas ng araw ay mawawala. Ang masakit naman ay kung kelan wala na sa atin ang isang tao saka naman natin marerealize na mahal natin sila kaso huli na...hindi mo man lang nasabi sa kanya “Uy! Teka lang..mahal kita”. Haaay!!! Love nga naman oh!


Pag inlove ang isang tao minsan maraming demand. Looks, talent, porma, pera. Hay! Sa totoo lang kung inlove ka talaga wala lahat iyan eh. Kasi kapag inlove hindi mata ang pinapairal kundi puso. Kaya kahit malayo pa kayo sa isa’t isa o hindi pa kayo nagkikita mananatili parin kayo sa puso ng bawat isa.


Bakit kaya ganun? Kapag inlove ka iba ang feeling? Kumbaga itext o tawagan ka lang ng taong mahal mo ang saya saya mo na. Yun bang simpleng “musta” pakiramdam mo nasa langit ka na..kumbaga kahit na nagtitipid ka..magpapaload ka para lang makapagreply sa kanya. Hay! Kaiba talaga. Kung minsan naman nakakaloka. Kasi kahit na nasasaktan ka na pakiramdam mo masaya ka pa rin basta kasama mo yung taong mahal mo. Yung tipong gagawin mo ang lahat wag lang siya mawala sa buhay mo. Magpapakumbaba ka..magpapakatanga...basta para sa kanya..kahit na sinasaktan, niloloko at binabalewala ka na...nagiging bulag ka. Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba. Kasehodang magalit sayo ang buong mundo wag lang mawala sayo ang taong mahal mo. Pero bakit ganun? Matapos mong gawin ang lahat..sa bandang huli, iiwan ka pa rin. Sakit noh?! Hay! Ang tao talaga kahit gaano pa katalino pagdating sa love nagiging bobo!


Pero paano nga ba magmahal ng tama kung ang pinipili ng puso ay mali? Handa ka bang ipaglaban ang isang bawal na pag-ibig? Kasi kung minsan kahit committed na tayo sa isang tao hindi parin maiwasang madevelop sa iba. Anong gagawin mo? Pilit mo bang sisikilin ang nararamdaman mo alang alang sa pangako? O susuwayin mo ang pangako at susunod sa bulong ng puso? Sa totoo lang mahirap talagang mamili dahil natatakot tayong magkamali sa huli. Pero ganon naman talaga eh. Love is taking the risk and pain. Dahil kung di ka masasaktan di mo mararamdamang nagmamahal ka na pala. Pero siguraduhin mo lang na tama ka ng pipiliing desisyon dahil baka magsisi ka na nagkamali ka. Ang masakit pa..di mo na mabalikan ang taong iyong iniwan.


Alam ko hindi ako expert pagdating sa usaping love. Wala namang school na nagtuturo dyan eh. Pero bakit ako nagsasalita ng ganito? Ang lahat ng ito ay bunga lamang ng aking isipan, mga bagay na nangyare sa akin o sa mga taong malapit sa buhay ko. Opinyon lamang ng isang writer na tulad ko. Pero aminin man natin o hindi talagang nagyayare ang mga iyan sa buhay ng isang tao. Hindi pa man ito nangyayare sa iyo ngayon..darating ang araw mararanasan mo din ito at masasabi mo nalang sa sarili mo...


Pag-ibig nga naman!

No comments:

Post a Comment