Tuesday, August 19, 2014

Dun sa sakayan ng jeep



Madalas kapag umuuwe ako galing trabaho ay normal na sakin na makipagagawan at makipagsiksikan sa mga kasabayan kong pasahero. Hindi naman ako sobrang yaman para makaafford lagi ng pantaxi. Pero kagabi, habang naghihintay ako ng masasakyan ko pauwe ay may isang grupo akong nakasabay. Kapareho ko ay naghihintay din sila ng jeep na masasakyan. Biglang may jeep na huminto sa tapat namin. Agad nagsipagsakayan ang mga ibang pasahero.

"Huwag ka na makipagsiksikan dyan. Alam mo namang wala ng space" sabi nung isang babae sa kasama nila.

Napangiti ako. Napaisip. May point naman si ate. Bakit mo nga naman isisiksik ang sarili mo kung wala naman na talagang space. Para ka lang excess baggage na pinipilit isiksik para magkasya. Bigla kong naisip, ang pakikipagsiksikan at agawan sa jeep ay parang buhay din pala. Bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka naman binibigyang halaga? Bakit mo isisiksik ang sarili mo sa isang tao kung wala na siyang nakalaang puwang para sayo

Sa pag-iisip ko, biglang may humintong jeep sa tapat ko. Walang sakay na pasahero. Agad akong sumakay at muli ay napangiti sa sarili ko. Napaisip. Bakit ka makikipagsiksikan kung may darating naman na ibang jeep para isakay ka. Makakasakay ka din. Kailangan mo lang maghintay. Makakatagpo ka din ng para sayo. Magiging masaya ka din. Hindi man ngayon agad, malay mo sa mga susunod na araw.Malay mo nastranded lang pala kung saan. Natraffic. Nagkamali ng daan. Kailangan mo lang maghintay.

No comments:

Post a Comment