Kapag nagkaanak ka ay daig mo pa ang isang photographer at reporter.
Everything na ginagawa ng anak mo ay sinusubaybayan mo. Ang kanyang
unang pagngiti, pagligo, pagtawa. Maging ang kanyang paglaki ay gusto
mong subaybayan. Mayat maya ay kinukuhanan mo siya ng litrato upang
makita ang paglaki niya. Ikinukumpara mo siya magmula ng ipanganak siya
hanggang sa lumaki siya. Makikita mo ang pagbabago. Sabi nila,
madidiskubre mo ang pagbabago ng bata during his/her early months.
Hanggat hindi pa siya umaabot ng isang taon. Napakabilis ng pagbabagong
makikita mo sa kanya. Parang bawat araw ay may nababago. Nagkakaiba.
Siyempre bilang isang mommy, ganun din ako sa baby ko. Pero hindi
naman ako mayaman para buwan buwan ay pakuhanan siya ng litrato sa
studio. Mas nakakatuwa naman kasi kapag sa photo studio ka nagpakuha.
Bukod sa may mga props sila na ipapagamit sa baby mo ay magaganda talaga
ang mga kuha nila. Kaya naman dahil gusto ko pa ring pakuhanan si baby
sa studio ay sinabi ko sa sarili ko na every 3 months nalang mula ng
ipanganak ko siya dadalhin sa studio upang pa-piktyuran.
Nagresearch ako sa internet kung saan may malapit na studio. At
sa paghahanap ko sa mga mommy networks ay natagpuan ko ang Great Image.
Eksakto naman dahil may malapit na studio sa opisina namin. Kaya naman
agad akong nag-inquire sa Great Image sa may SM Aura. Nagkataon na may
promo sila na kapag nagpareserve ka na ay may 25% discount ka na
makukuha. At noon ngang 3rd month niya last June ay pinakuhanan ko siya
sa Great Image.
Mabait at approachable naman yung photographer. Halatang sanay
siya sa mga bata dahil nakukuha niya ang atensyon ng baby ko. Nagagawa
niya din itong patawanin. Kaya naman magaganda ang kinalabasan ng mga
kuha niya.
Although medyo pricey ang halaga ng pagpapaphotoshoot at sinabi ko na
hindi ako masyadong gagastos para doon ay hindi ko rin naiwasan dahil
nung nakita ko ang mga kuha niyang litrato parang gusto kong pakyawin na
lahat. Pero dahil medyo mahal ay napilitan nalang akong mamili ng
talagang gusto ko. Halos naka Php4,800 din ako sa lahat ng kuhang iyan.
At eto nga ang mga napili kong mga litrato niya.
Next month kapag tuntong niya ng 6th month niya papakuhanan ko siya ulit. Kailangan ko nang mag-ipon. Hehe.
No comments:
Post a Comment