Thursday, May 17, 2012

Monster Couple : Chapter 3


“Ayesha”


“Grrrr….ano ba namang buhay ito… hindi ako pwedeng mamental-block… marami akong dapat bayaran. May meralco, nawasa, at renta ng bahay pa…kaya please lang makisama ka naman.” Inis na sabi ko sa sarili ko habang nakatutok sa harap ng laptop ko.


As usual dun na naman ako nakatambay sa CaPerona.



Malapit lang kasi ito sa apartment na inuupahan ko sa exclusive village na iyon. Magmula kasi ng nalaman kong hindi naman talaga kami ang tunay na pamilya ng daddy ko ay mas pinili ko ng magsolo at maging independent. Hindi na rin ako humihingi ng sustento sa kanila.


Kahit na nagkukulang na ako sa pera ay hindi talaga ako lumalapit sa daddy ko.


Masakit para sakin ang nangyari.


Akala ko only child lang ako. Yun pala may dalawa pa akong kapatid na lalaki. Hindi ko matanggap. For all my life I’ve been living in lie.


“Hi…pwedeng makishare ng table? Wala na kasing available sa iba eh”


Sino naman kaya itong pesteng ito na basta nalang makikishare sa favorite place ko? Handa na sana akong magtaray kung hindi lang pagtingin ko ay nakangiting mukha ng isang babae ang nakita ko.


Naiwan tuloy ang pagtataray sa bibig ko.


“S-Sure”


“Thanks…May hinihintay kasi ako eh”


Naupo siya sa tapat kong silya. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya.


Napakaganda niya. Ang haba ng buhok, matangkad, sexy at saksakan ng puti. Saka mukha siyang anghel sa amo ng mukha niya pero mababakas din ang pagiging strong ng personality niya..


“Ako nga pala si Ayesha” pakilala nito at inilahad ang kamay sakin.


Medyo nahiya naman akong tanggapin ang kamay niyang mukhang napakalambot. Pero mas nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin ang pakikipagkamay niya diba?


“Ruijin” sabi ko.


“Ruijin? Nice name”


“Thanks”


Nagdaan ng katahimikan saming dalawa. Sinubukan kong ipokus ang sarili ko sa pagsusulat but sad to say wala pa rin talagang pumapasok na idea sa utak ko.


Nakakabadtrip naman!!!


“Are you a writer?” tanong ni Ayesha.


“Yeah..pocketbook writer” sagot ko at inihanda na ang sarili sa panlalait niya.


Ganun naman kasi talaga kadalasan ang nakukuha kong reaksyon sa mga tao when I told them kung anong trabaho ko. They all think na hindi siya stable job. Na kesyo hindi daw ako yayaman dun at wala akong mapapala sa ginagawa ko.


Pero ito ang gusto ko. Ito ang pangarap ko. Kaya wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.


Pero nagulat nalang ako ng hindi ganun ang reaksyon na nakuha ko mula kay Ayesha.


“Really? You know what…fan ako ng mga pocketbook writer eh. Isa nga yan sa frustration ko sa buhay kaso wala eh…hindi ako para dun.” Nakangiting sabi nito.


“Talaga? Gusto mong maging writer din?”


“Oo pero ni isang kwento wala akong magawa” sagot nito at sinabayan ng tawa. “Ano nga palang pen name mo? Baka nakabasa na ako ng gawa mo”


“Aegyodaydreamer..pero hindi pa ako masyadong sikat”


Nanlaki bigla ang mata nito nang sinabi ko.


“Aegyodaydreamer??? Ikaw yun??? OH MY GOD!!! I cant believe this. Super fan mo ako.. I really love your stories specially yung Nephew-in-Law…paautograph naman oh”


Nakakatuwa naman itong si Ayesha.


Sinong mag-aakalang isang tulad nitong anak-mayaman ay fan ko pala?


“Sure..saan ba ako pipirma?”


Naglabas ng isang mini-notebook ito at ballpen mula sa bag.


“Here…dito nalang”


Matapos pirmahan ay inabot ko na ito sa kanya.


“Thanks. May bago ka bang story? Batiin mo naman ako sa susunod na story mo”


“Sure..kapag may nagawa na ako. As of now kasi ay namemental block pa ako eh.” Pag-amin ko.


Ewan ko ba pero sadyang magaan ang dugo ko sa kanya.


“Talaga?? Namemental block din pala ang magaling na writer?”


“Tao lang naman ako noh”


“Siguro kulang ka lang sa inspirasyon. Forgive my asking pero may boyfriend ka na ba? Or asawa?”


“Parehong wala”


“So maybe yun ang dahilan…you need an inspiration. Why not try to meet guys di ba? Or have a vacation?”


Inspirasyon??? Iyon nga ba ang kulang sakin? Saka sino naman kaya ang pwede kong gawing inspirasyon ah?

Napatingin ako sa pinto ng may magring ang chime hudyat na may pumasok na customer.


“Anong ginagawa ng lalaking iyan dito na naman??!” hindi ko maiwasang sabihin.


“What?” gulat na tanong ni Ayesha.


Oh Great I forgot may kasama nga pala ako.


“Nothing…See that guy??? That guy in blue poloshirt? Siya ang dahilan kung bakit wala akong maisulat na kwento.” Turo ko kay Ran na palinga-linga sa paligid.


Sa tangkad na taglay nito ay talaga namang stand-out ito sa mga tao.


Tinignan naman ni Ayesha ang tinuro ko.


“That tall and hunk guy? Why??? Is he your boyfriend?” tanong nito.


“I told you I don’t have a boyfriend. Siya ang laging naninira ng araw ko. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang pestehin ako.”


“Do you like him?” tanong ni Ayesha sabay titig sakin.


“O-of…c-course..n-not..” tanggi ko.


Peste bakit ba ako nauutal? Hindi ko naman talaga gusto iyong si Ran ah.


Nagulat nalang ako ng nakatayo na sa tapat ng mesa namin si Ran.


“Kanina ka pa?” tanong nito.


“Eh anong pakialam mo?! Pwede ba umalis ka na dito at sinisira mo na naman ang araw ko” singhal ko kay Ran.


Pero tinitigan lang ako ng lalaking ito na parang isang bacteria sa paningin niya.


“I’m not talking to you”


Sh*t pahiya naman ang lola mo.


“Eh sinong kinakausap mo diba? Yung mesa? Yung plato at baso? Yung….” Napatigil ako sa pagsasalita ng mapatingin ako kay Ayesha na ngingiti-ngiti lang samin. “Magkakilala kayo??” tanong ko.


“Yup.” Sagot ni Ayesha at tumayo sa silya at walang anu-anong hinalikan sa labi si Ran sa panggigilalas ko.


Halatang nagulat din si Ran sa ginawa ni Ayesha.


Ako man ay parang natuka ng ahas sa nasaksihan kong kissing scene.


“I’m waiting for him… thanks for your time Ruijin. Nice to meet you” paalam ni Ayesha at inilapag ang isang calling card sa mesa. “Call me…that’s my card”


Anito at lumabas na ng CaPerona habang nakahawak sa braso ni Ran.


Ang hinayupak na lalaki ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin.


Nakakabwisit!!!!


Napatingin ako sa card na iniwan ni Ayesha sa mesa.


“Ayesha Venice Madrigal. Vice-President for Operation Department. Madrigal Group of Companies.” Basa ko sa nakalagay sa card.


Big time pala ang babaeng iyon eh. Girlfriend kaya siya ni Ran?


Hmfpt!!! Ano nga bang pakialam ko kahit na asawa pa niya o katulong iyon.


“Well…I therefore conclude you don’t like her na.” sabi ng pasaway na isip ko.


“Oh shut up!!!”


You’re really crazy Ruijin…Really…Really Crazy.


No comments:

Post a Comment