Wednesday, October 31, 2012

Friends Zone : Chapter 13



 [ Pa-Re’s Crazy Love Story Part 2 ]


[Regine’s POV]


Itinaas ko ang mga paa ko sa ibabaw ng bench sa gymnasium. Katatapos lang ng practice namin para sa laban ng Riverdale Vista sa Crenshaw Heights kung saan member ako ng cheering squad. Malapit na kasi ang finals ng basketball team kaya puspusan din ang pagpapractice namin dahil kasali kami sa cheering competition ng bawat school kasabay ng laban ng basketball team..



Pagod na pagod na ako at sobrang sakit na din ng paa ko. Matindi pa naman magparusa si Richelle kapag hindi maayos ang performance namin kahit practice. Nagkataon kasi na siya ang cheerleader ng kinabibilangan kong cheering squad. Ewan ko ba dun sa babaeng yon. Once na tumapak na siya practice ground ng cheering eh parang nag-iibang anyo siya. Para siyang monster..hehe..


Nagulat ako ng may malamig na bagay na dumampi sa mga pisngi ko. Agad akong napapiksi. Pag-angat ko ng mukha ay ang nakangiting si Paul ang nakita ko. He’s still wearing his basketball jersey. Member ito ng basketball team at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan eh isa ito sa tinitilian ng mga babaeng estudyante.


Iniabot nito sa akin ang isang bote ng mineral water. Agad ko naman iyong tinanggap matapos magpasalamat. Mukhang nagulat naman si Paul kaya hindi siya agad nakapagsalita.


“Oh bakit?” tanong ko kay Paul.  Pansin ko kasi na titig na titig siya sa akin eh.


Naupo si Paul sa tabi ko at mataman pa din akong tinititigan.


“May sakit ka ba Regine?” nag-aalalang tanong sakin ni Paul. Akmang sasalatin niya ang noo ko pero agad akong umiwas.


“wala akong sakit. Bakit mo naman naitanong?”

“Himala kasi na hindi mo ako tinataboy ngayon eh. Samanatalang dati-rati Makita mo lang ako o maamoy mo lang na nasa paligid ako umiinit na ang ulo mo.” Alanganing sabi ni Paul.


“Ano namang tingin mo sakin aso? Malakas ang pang-amoy?”


“Medyo..hehe”


“Sira-ulo”


Muli kong pinagmasdan si Paul. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin na gwapo naman pala talaga siya. Bahagyang alon-alon ang buhok nito at matangkad din. Sa tantya ko eh nasa 5”11 ang height niya o 6” feet. Maganda din ang katawan nitong batak sa ehersisyo. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit hinahabol ito ng mga babae.


Bigla kong naalala ang sinabi niya sakin nung gabi ng debut ko.


“pwede bang truce muna tayo?” pakiusap ni Paul sakin at inilahad ang kamay sakin.


“Ngayon lang” sabi ko at tnanggap ang kamay niya.


“I know what you feel…” sabi ni Paul habang nagsasayaw kami.


“No you don’t” bulong ko naman.


“yes I know…” bulong din ni Paul malapit sa tenga ko.


“..I’m sorry for all the things that I’ve done…I will take this opportunity to say these things to you…”


 “…dahil alam kong pagkatapos ng gabing ito hindi mo na naman ako pag-uukulan ng pansin”


“….i love you Regine”


“….i love you Regine”


“….i love you Regine”


“….i love you Regine”


“Regine okay ka lang ba talaga? Natulala ka naman eh” pukaw ni Paul sakin kaya agad naman akong napatingin sa kanya at bahagyang namula ang mga pisngi ko dahil sa naalala ko.


Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabing iyon ni Paul o nang-aasar lang siya. Pero hindi na nawala sa isip ko ang sinabi niyang iyon sakin.


“Uy Regine…hindi ako sanay na ganyan ka. Sige na..bugbugin mo na ako…sipain..tadyakan..sapakin..sampalin at kurutin..basta wag ka lang ganyan”


Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi ni Paul. Mukha talagang gulung-gulo din siya.


“Ano namang tingin mo sakin bayolente?”


“Medyo”


“Grabe ka ah..si Jhonah lang ang kilala kong bayolente noh” saway ko sa kanya.


“Aba malay ko ba..na sa kadidikit mo kay Jhonah nahawa ka na sa pagiging bayolente nung babaeng yun.” Biro ni Paul.


Napangiti nalang ako.


“Isusumbong kita sa pinsan mo ah..sinisiraan mo siya”


“Hindi paninira ang pagsasabi ng totoo ah..saka ikaw nga ang nagsabing bayolente siya eh”


“sabagay”


Natawa nalang kami pareho. Pero sabay din kaming natigilan.


Kelan ba nangyare na nagkasundo kaming dalawa ni Paul? Mag-end of the world na ba?


Tumikhim si Paul. Sabay pa kaming iniwas ang tingin sa isa’t-isa.


Parang bigla naman kaming nagkailangan.


“Paul wala ba kayong practice ngayon at nandito ka?”


“Anong sabi mo?”


“Ha?”


“Tama ba yung dinig ko? Tinawag mo ako sa pangalan ko?”


“Oo bakit?”


“ang sarap palang marinig yung pangalan ko pag ikaw ang nagsabi..isa pa nga”


“Ewan ko sayo inuuto mo na naman ako”


“Oy hindi kaya..sige na sabihin mo na pleeeeaaassseee”


“P-Paul”


“Ayiiee…kakatuwa naman..hehe kinikilig ako”


Napailing nalang ako sa kanya. Mukha siyang ewan..hehe.


“Seryoso na nga ako..baka maasar ka na naman sakin eh…may practice kami pero tapos na”


Natigilan ulit si Paul.


“Oh? Ano na naman?”


“Okay ka lang ba talaga? Hindi kasi ako sanay na nice ka sakin eh..mamaya pala nagpaplano ka na ng assassination laban sakin kaya dapat akong maghanda”


Bahagya ko siyang hinampas sa braso.


“Sira ka talaga…sabihin na lang natin na napagod ako sa practice kaya wala na akong energy para makipagtalo sayo” bahagya akong natigilan ng may Makita ako. “Sa tingin mo Paul kaya mo kayang mapaghiwalay ang dalawang iyan?” hindi tumitinging tanong ko kay Paul.


Agad namang sinundan ni Paul ng tingin ang sinasabi ko.



***

[Paul’s POV]


“Sa tingin mo Paul kaya mo kayang mapaghiwalay ang dalawang iyan?”


Nagtaka ako sa biglang tanong na iyon ni Regine. Pagtingin ko hindi naman siya nakatingin sakin. May iba siyang tinitignan. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitignan niya.


There not so far from our direction, we saw Jeirick and Demi. Mukhang naglalambingan ang dalawa. They are too oblivious to their surroundings. Parang wala silang ibang nakikita.


Muli akong napatingin kay Regine. I saw sadness in her eyes. Para tuloy may mabigat na kamay na pumipiga sa puso ko. Si Jeirick pa rin talaga ang mahal niya.


“Kahit na gustuhin ko mang paghiwalayin sila hindi ko magagawa” malungkot na sabi ko.


Lumingon sakin si Regine.


“Anong drama mo?” nagtatakang tanong niya sakin. “Don’t tell me may gusto ka din kay Demi? Masyadong sinuswerte yung babaeng yun ah..” kunot-noong tanong niya sakin.


Abnormal nga yata talaga itong si Regine, tama bang tanungin ako kung may gusto ako kay Demi eh samantalang nagtapat na nga ako sa kanya nung debut niya na mahal ko siya. Hindi siguro siya naniwala.


Kunsabagay expected ko ng di niya ako papaniwalaan sa sasabihin ko.


“aside from being my cousin..Jeirick is also one of the best friend that I’ll ever had kaya hindi ko magagawang maging dahilan ng pagkasira ng  relasyon nila ni Demi no matter how much I wanted to” seryosong sabi ko sa kanya.


Kung tutuusin gusto ko din naman maghiwalay sina Demi at Jeirick…hindi dahil may gusto ako kay Demi kundi dahil alam kong dun magiging masaya si Regine..kasi mahal niya si Jeirick. At alam kong nasasaktan siya sa nakikita niya.


“May gusto ka nga kay Demi” ulit ni Regine.


Ang kulit lang naman oh. Bakit niya ba pinagpipilitan na may gusto ako kay Demi?


“Wala akong gusto kay Demi okay? I’d admit Demi is pretty but someone else already got my attention” sagot ko at mataman siyang tinitigan.


“so may iba kang gusto?”


“Yup”


“Alam ba niya?”


“Sinabi ko na sa kanya pero di ko alam kung naniwala siya. Saka may mahal na siyang iba eh..everytime na tinitignan ko siya sa iba siya nakatingin. Hindi niya ako napapansin. Or rather…hindi niya ako pinapansin.”


Hindi nagsalita si Regine. Pareho lang kaming nakatingin kina Jeirick at Demi.


“Regine…”


“Oh?”


“wag kang magagalit ah..pero mahal mo ba talaga si Jeirick?”


Bago sumagot ay napabuntong-hininga muna siya.


“Alam mo pareho kayo ni Jhonah..yan din ang tinanong niya sakin eh”


“Biruin mo yun? Pareho kami ng takbo ng isip ng pinsan kong yon?”


“Ewan ko nga ba Paul…I know that I really like Jeirick…Pero laging pinagpipilitan ni Jhonah na hindi daw pagmamahal ang nararamdaman kong iyon. Masyadong magulo sa totoo lang. kay Jeirick lang kasi ako nakaramdam ng security lalong-lalo na nung mga bata pa lang tayo. Magmula noon gustong-gusto ko na si Jeirick.”


Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ni Regine. Nahawa tuloy ako sa kanya.


Marahan kong tinapik-tapik ang kamay niya at ngumiti.


“Huli kayo”


“Bawal yan”


“PDA oh!!! Guard!!!”


***


[Regine’s POV]


“Ewan ko nga ba Paul…I know that I really like Jeirick…Pero laging pinagpipilitan ni Jhonah na hindi daw pagmamahal ang nararamdaman kong iyon. Masyadong magulo sa totoo lang. kay Jeirick lang kasi ako nakaramdam ng security lalong-lalo na nung mga bata pa lang tayo. Magmula noon gustong-gusto ko na si Jeirick.”


Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bakit nagagawa kong mag-open kay Paul. Hindi naman kami close dalawa mas marami pa nga yung time na nagbabangayan kami kesa nagka-usap ng maayos eh.


Marahan niyang tinapik-tapik ang kamay ko at ngumiti.


“Huli kayo”


“Bawal yan”


“PDA oh!!! Guard!!!”


Bigla kaming napapitlag at nagulat ni Paul.Ang mga kaibigan nitong lalaki na sina Marky, Earl at Laxus ang nalingunan naming nagsalita. Agad kong binawi ang kamay ko at namumula ang mukhang tinignan sila.


“Wala kaming ginagawang masama noh!” tanggi ko.


Feeling ko defensive naman ako masyado.


“Nakakapanibago ah..hindi yata kayo nagkakalmutang dalawa?” puna ni Marky.


“So anong score sa pagitan niyo?” tanong naman ni Laxus


“nagtapat na ba itong torpeng kaibigan namin?” sabi naman ni Earl


Natatawa ako sa kanilang tatlo kasi pawang mga nakahalukipkip sila na nag-aangas na nakatingin sa amin. Nakakatuwa pala silang makitang nga-aangas..hehe


Tumayo naman si Paul at hinarap ang mga ito.


“Pwede ba? Mga istorbo kayo! Magsialis na nga kayo” pagtataboy ni Paul sa mga ito.


“Aba?? May istorbo moment ka pang nalalaman dyan ah…Bakit?? Pag-aari mo na ba itong gym?” supladong sagot naman ni Earl.


Napangiti nalang ako ng di sumagot si Paul. Kahit kelan talaga napakasuplado nitong si Earl.


Hindi ko maiwasang pagmasdan ang apat na magkakaibigan na ngayon nga ay mga nag-aasaran na. pawang mga myembro ito ng basketball team. Napansin ko din na pinagtitinginan ang mga ito ng mga kapwa ko estudyante na nasa gym. Agaw pansin naman kasi talaga ang kagwapuhan at katangkaran ng mga ito kaya hindi na ako magtataka at maiintindihan ko sila kung magkagusto man sila sa mga kababata ko,


Kung nagkataon nga din siguro na hindi ko kilala ang mga ito malaki ang posibilidad na baka sakaling isa din ako sa nakikihabol sa kanila eh. Pero dahil mga bata palang kami ay nakasama at nakilala ko na sila sanay na ako at ordinaryo nalang sila para sa akin.


Sino nga bang mag-aakala na ang mga patpatin at iyaking bata noon eh magiging ganito gwapo, matangkad at makikisig na binata na ngayon? Mukhang maraming babae na dina ng napaiyak ng mga ito eh. Paano pa kaya kung makagraduate na ang mga ito at magmatured pa lalo? Siguro ay milyong babae na ang luluha.


Napangiti ako lalo ng lumapit sa mga ito sina Gray at Trace. Ang mga bagong myembro sa grupo ng mga ito. Mga myembro din sila ng basketball team. Parehong gwapo at mayaman din ang dalawang iyon.


Bigla akong nagulat ng humarap sakin ang mga ito.


“Hinaharas ka ba nitong si Paul ha Regine?” tanong ni Marky


“Pinagsamantalahan ka ba niya?” tanong naman ni Laxus


“Pumayag ka naman ba?” dugtong ni Trace.


Isa-isa namang binatukan ni Paul ang mga ito bago ako hinarap.


“Pasensya ka na sa mga iyan ah. Mukhang hindi na naman nakainom ng gamot eh” hinging-paumanhin ni Paul.


“Okay lang yun” balewalang sagot ko.


Since kilala ko na nga ang mga ito kaya sanay na ako sa asaran nila.


Dahil sa sinabi ko eh si Paul naman ang binalingan ng mga kaibigan nito.


“Oh Paul okay lang daw kay Regine…itanan mo na” biro ni Gray


“Ayan oh malapit na sayo si Regine dambahin mo na” asar naman ni Laxus.


“Wag kang mag-alala hindi ka niya kakasuhan ng rape kasi may consent naman galing sa kanya” Alaska naman ni Trace


“Bugbog sarado nga lang siguro ang aabutin mo kay Jhonah” sabi naman ni Marky at sabay sabay pa sila talagang tumawa. Mga adik talaga.


Inis at namumula ang mukha na binalingan naman ni Paul ang mga ito.


“Eh kung kayo kaya ang bugbugin ko at ng magsitahimik naman kayo? Kalalaki niyong tao ang dadaldal niyo eh” naiinis na sabi ni Paul pero tinawanan lang naman siya ng mga boys.


“asus! Isa ka rin namang madaldal eh. Si Earl lang ang tahimik satin noh! Kaya wag ka mangpanggap.” Pang-aasar ni Marky


“Oo nga…isa kang plankton!!!” si Laxus


“Amphibian!” si Trace


“Reptilya!” si Gray


Napatingin naman kaming lahat kay Earl kasi siya nalang ang hindi nagsalita.


“Bading” seryosong sagot ni Earl dahilan para mapatawa kaming lahat.


Tuwang-tuwa talaga silang asarin si Paul. Sabagay ngayon ko lang din naman nakitang napikon ng ganyan si Paul. Madalas kasi siay ang nang-aasar eh.


“Bro…chillax ka lang..masyado kang highblood eh” payo ni Marky at inakbayan si Paul.


Asar na inalis naman ni Paul ang kamay ni Marky sa balikat niya.


“Ewan ko sa inyo!”


Tawa na lang ako ng tawa. Funny thing is hindi ako naaasar kahit na tinutukso nila ako kay Paul. Samantalang dati ni ayaw kong madikit sa pangalan niya dahil sa asar ko sa kanya.


“What’s wrong with me?” tanong ko sa sarili ko.


***

No comments:

Post a Comment