[Pa-Re’s Crazy Love Story Part 3]
[Paul’s POV]
“Mr. Mendoza….Mr. Mendoza”
“Ano ba?! Natutulog ang tao eh!” saway ko sa kung sino mang umiistorbo sa pagtulog
ko.
“Baka naman gusto mong sa bahay na
ituloy yang pagtulog mo? Nakakahiya naman kasi sa klase ko diba?”
Dahil
sa narinig ko ay bigla akong napabangon. Ang istriktong mukha ni Miss Garcia
ang nalingunan ko.
“Mam!”
“Oh ano gising ka na?”
“Yes Mam! Sorry po”
“Ayoko ng maulit pa ito Mr. Mendoza”
“Yes Mam”
Bumalik
na sa unahan si Miss Garcia upang ipagpatuloy ang pagtuturo. Hiyang-hiya naman
ako sa mga kaklase kong nagtawanan.
Badtrip
naman kasi anong petsa na kami umuwi kagabi. Puspusan ang pagpapractice namin
dahil finals na sa isang araw sa basketball.
“That’s all for today class..” paalam ni Miss Garcia at lumabas na ng classroom.
“Hoy tol! Langya ka hindi ka naman pala
nag-aaral eh…”
Napatingin
ako sa kung sino mang bumatok sakin.
Ang
ngingisi-ngising si Laxus ang nakita ko.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Nang-iistorbo…at nakita ko na
pinagalitan ka ni Miss Garcia”
“tsismoso”
“ikaw din naman eh”
Binitbit
ko na ang gamit ko at lumabas na ng classroom. Sumunod naman sakin si Laxus.
“wala ka na bang klase?” tanong ko habang naglalakad kami sa corridor.
“wala na….hi girls”
Para talagang sira itong si Laxus..lahat nalang ng babaeng dumadaan eh
binabati.
“May gala ka ba ngayon?”
“Ewan ko…wala naman akong alam eh..saka
gusto ko ng umuwi…sobrang antok ako…anong oras na tayo umuwe kagabi eh”
“Grabe ka matutulog ka lang sa bahay
niyo eh..hindi ka pa ba kuntento? Natulog ka lang naman sa klase eh”
“Bitin eh..ikaw din kaya umuwe ka na at
matulog na din”
“ayoko.boring sa bahay…sama ka nalang
sakin..”
“Ayoko..mag-isa ka na..matutulog ako”
“Antukin..bahala ka nga ikaw din.”
Sakto
namang pagliko namin sa pasilyo eh nakasalubong namin sina Jhonah at…..Regine.
“Hi Redge” agad kong bati kay Regine
“Hello”
Napataas
naman ang kilay ni Jhonah at nagpalipat-lipat ang tingin saming dalawa ni
Regine.
“Teka ano yan? May batian moment na
kayo ngayon? Kelan pa nagkaroon ng world peace sa inyong dalawa?” nagtatakang tanong ni Jhonah.
“Masama na bang bumati?” tanong ni Regine.
“Oo…kasi hindi niyo birthday…at saka kapag
kayong dalawa…” turo pa niya sa amin
ni Regine “..masama talaga kasi ibig
sabihin nun may mangyayaring hindi maganda..hindi uso ang world peace sa inyo
eh”
“Grabe ka naman Jho” saway ko.
“Mas grabe kayo”
“Hay naku Jhonah tumahimik ka na nga” saway ni Regine sa kanya.
“Ako pa ngayon” nakapout na sabi ni Jhonah sabay baling kay Laxus “Tara na
Laxus..nasa sasakyan na si Richelle saka si Trace”
“Tara” akmang aalis na si Laxus ng pigilan ko siya sa braso.
“Teka saan kayo pupunta?”
“Magvideoke kami”
“Sama” kahit hindi ako kumakanta okay lang.
“akala ko ba matutulog ka? Niyaya kita
diba sabi mo magpapahinga ka”
kunot-noong tanong ni Laxus.
Naku..kahit
buong buwan na akong mapuyat okay lang sakin..makasama ko lang si Regine.
“Tara
na marunong ka pa sakin eh..…ang bagal niyo naman” nagpauna na ako..excited???
Naguguluhang
nagkatinginan naman sina Jhonah at Laxus sa isat-isa…hay naku..wala akong
pakialam sa kanila..basta ako…
“Redge ako na magbitbit niyan” sabi ko at kinuha kay Regine ang hawak niyang duffel
bag.
“Wag na..okay lang ako hindi naman
mabigat eh” tanggi ni Regine at
pilit inilalayo sakin ang bag.
Pero
wala siyang nagawa dahil hawak ko na.
“Ako na”
“Bahala ka nga”
“Hoy! Paul..” siga talaga itong pinsan ko kababaeng tao…tsk! “ Sinong nagsabing kasama ka? Niyaya ba
kita?” nandidilat ang matang tanong niya sakin.
Upakan
ko siya eh panira ng moment namin ni Regine.
“Pinsan mo ako diba?”
“So? Anong kinalaman nun sa videoke?”
“kaya kasama ko”
“si kuya nga na kapatid ko na eh hindi
ko pa niyaya eh ikaw pa na pinsan ko lang???saka marunong ka bang kumanta? Sisirain
mo lang eardrums namin eh..wag ka ng sumama epal ka eh”
Nilapitan
ko si Jhonah at palihim na binulungan.
“Ibibigay ko sayo yung bagong Manga ko
ng Detective Conan na may autograph pa ni Gosho Aoyama”
“Talaga???? Sige sama ka na…hoy Regine,
Laxus bilisan niyo nga” at nagpauna
na siyang lumakad samin.
Napangisi
naman ako ng maluwag. Alam ko ang pang-uto dyan sa pinsan kong adik sa
anime..hehe..utakan lang yan noh..hahahaha..
“Tara
na Redge”
***
[Regine’s POV]
Hindi
ko alam kung anong nakain ni Paul at bigla nalang nagfefeeling close sakin…at
hindi ko rin alam kung anong nakain ko at ang nice ko din sa kanya…nandito kami
sa isang videoke house..wala lang napagtripan lang namin kaninang tatlo nila
Jhonah at Richelle na kumanta at magbasag ng salamin..tapos nakita namin sina
Trace at Laxus kaya niyaya na din namin sila..kailangan namin ng driver. tinatamad
kasi kami magdrive…sayang sa gasoline..hehe..hindi na namin niyaya yung iba
kasi may mga klase pa sila eh..si Paul nakita lang naming kasama ni Laxus kaya
napasama na din siya..nung una ayaw pa nga siyang isama ni Jhonah kaso ewan ko
kung anong nangyare at napapayag din yung babaeng yun.
“hoy Regine nakapili ka na ba ng kanta?
Peram songbook” sigaw ni Richelle.
Parang
timang itong babaeng ito..magsasalita lang hawak pa yung mic.
“Akina nga yang mic..hindi mo naman
kinakanta eh” agaw naman ni Laxus.
“Epal nito”
Nagsimula
na namang magtalo yung dalawa…nakakatuwa silang tignan..parang kami lang dati
ni Paul. Speaking of Paul..ayun tutok na tutok ag mata niya sa songbook. Ano
kayang balak nyang kantahin?
Nilapitan
ko siya…wala lang…teka…bakit nga ba ako lumalapit sa kanya?
“Kakanta ka?” tanong ko.
Halata
namang nagulat siya sakin.
“Ahhh ehhh sana..kaso wala akong mapili eh” nahihiyang sagot ni Paul. Medyo nagblush pa nga siya
eh..nakakatuwa.
“Hoy Paul kakanta ka???? Wala kaming
dalang payong” pang-aasar ni Richelle.
“Kayo ang yabang niyo..samantalang kayo
nga dyan kanina niyo pa binabasag ang eardrums ko eh” saway ko sa kanila.
“uyyyyy!!! Pinagtatanggol niya si Paul”
“Close na sila”
“Mahal na niya oh”
“Kiss naman dyan”
Parang
mga sira-ulo talaga itong apat na ito…para sinaway ko lang sila kasi
nagpapakaselfish na sila sa mic…hindi naman kami nagrereklamo tapos aasarin
nila si Paul dahil gusto niyang kumanta.
“Tumigil nga kayo” saway bigla ni Paul at inagaw kay Laxus ang mic.
Lumapit
siya sa videoke machine at nagdial ng number.
“Paul wag kang kumanta” awat ni Laxus.
Honestly
never ko pa ding narinig kumanta si Paul…ganun ba talaga kapanget ang boses
niya para pigilan siya ng mga ito?
“Paul..parang awa mo na” sabi naman ni Jhonah.
“Mic test….tumigil kayo”
Nagsimula
ng kumanta si Paul…
Now playing : Sa isang sulyap mo by
1:43
Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
“Wala na…sira na ang record ko..kumanta
na si Paul eh” nailing na sabi ni
Laxus.
“Ayawan na” sabi naman ni Richelle.
Akala
ko kaya nila pinipigilang kumanta si Paul kasi panget ang boses niya..yun pala
kabaligtaran…kasi ang ganda ng boses niya…mga inggitero lang tong mga froggy na
ito.
Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko
Habang
kumakanta si Paul nakatingin siya sakin.. feeling ko tuloy ako lang yung
kinakantahan niya.
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala
ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
Totoo
kaya yung kinakanta ni Paul o kanta lang
talaga yun? Para kanino kaya yun? Hindi naman
ba masamang isipin ko na para sa akin yung kinakanta niya?
Hay
naku Regine masyado kang ambisyosa.
Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumisigla
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumisigla
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
“Magaling palang kumanta si Paul eh” narinig kong puri ni Trace
“Hay naku kaya ayaw naming pakantahin
si Paul eh…kapag nahawakan na niyan yung mic akala mo nagcoconcert” nailing na sabi ni Laxus.
“Wooohhhh!!! Alabyu Paul!!!!” sigaw naman nina Richelle at Jhonah.
Naririnig
ko sila pero parang nawala na naman ako sa mundo nila. Ang tanging malamig at
malamyos na boses lang ni Paul ang naririnig ko.
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala
ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
Sa isang sulyap mo…ayos na ako..
Sa isang sulyap mo…napaibig ako…
“Wala na..natulala na si Regine”
“Sabi na sa inyo eh…kapag hindi kayo
immune sa boses ni Paul magagayuma kayo”
Dinig
ko ang boses nila Richelle at Jhonah..
Gayuma??
Uso pa ba yun???
“Redge??? Are you okay?” narinig kong boses ni Paul.
Gusto
ko sanang sumagot pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko.
“Paul tumabi ka dyan” boses ni Richelle.
At
muli..isang malamig na tubig ang tumama sa mukha ko.
“Hey! Anong ginagawa mo?!” sigaw ni Paul kay Richelle.
“Effective yan..wag kang OA”
Nagtatakang
napatingin na naman ako sa kanila.
Basa
na naman ang mukha ko…parang nangyari na ito dati…
Dejavu???
“Richelle binuhusan mo ako ng tubig
noh?!”
“Weee??? May ebidensya ka? Si Trace may
hawak ng baso oh” turo nito kay
Trace.
“Akoooo???”
Alam
ko namang si Richelle ang nagbuhos sakin ng tubig eh..just like before… imposibleng
si Trace yun.
“Adik talaga kayo” nailing na sabi ko sa kanila habang pinupunasan ang
mukha kong nabasa.
“Here” abot ni Paul ng tissue.
“Thanks”
“mas adik ka..natulala ka na naman…yang
ganyan-ganyang mong pagkabaliw eh nakakatakot eh…baka sumobra ka na sa stage ng
pagiging baliw at di ka na tanggapin sa mental” pang-aasar ni Richelle.
“Hoy tapos na ba kayo? Akina ang
mic..kakanta ako” sigaw bigla ni
Jhonah. Hawak na nila ni Laxus yung songbook. Parang walang pakialam yung
dalawa samin eh.
“Kayo wala man lang kayong concern kay
Regine” saway ni Paul.
“May concern ako..discreet nga lang”
“Meron ba nun?”
“Meron..sabi ko..henyo ako diba? Saka bakit??
Yayaman ba kami dun? Saka OA naman talaga yan kahit kelan eh..ayokong pagurin
ang sarili ko noh…akina mic”
“eto na po” sabi ni Trace at inabot kay Jhonah ang mic.
“Laxus duet tayo…Bakit ngayon ka lang
bilis salang mo” utos ni Jhonah kay
Laxus.
“Uy favorite ko yan..kami nalang duet
ni Laxus” biglang sabi ni Richelle
at lumapit na kina Jhonah. Sumunod na din si Trace sa mga ito.
“Tse! Ayan si Trace oh..kayo ang
magduet…videoke partner ko si Laxus eh..mang-aagaw ka” natawa naman ako dun..oo nga pala…parehong adik sa
videoke yan sina Jhonah at Laxus..kung may common man sa kanilang dalawa yun
ang videoke…the rest…wala na.
“uy Sali din ako…Hime-chan duet tayo” sumunod na din si Trace sa kanila kaya naiwan nalang
kaming dalawa ni Paul sa upuan.
“Hime ka dyan!”
“Sige na pili ka na ng kanta…duet tayo”
“Lumayas nga muna kayong dalawa hindi
ako makakanta oh!”
“Hoy! Tabi dyan gutom na ako”
Habang
nagkakagulo ang apat na kasama namin eh tahimik lang naman kaming dalawa ni
Paul. Minsan kung titignan mo sila iisipin mong mga laking kalye yang mga iyan
eh..hindi mo iisiping anak ng mga multi-millionaire…tsk!
“Okay ka na?” tanong niya sakin.
“Yup..thanks..ang galing mo palang
kumanta”
Teka
ako ba ito?? Pinupuri ko si Paul??? Unbelievable!!!
“Mas magaling yung apat na yun” turo niya sa apat na nag-aagawan na sa mic. Parang
mga bata lang eh.
“hay naku..mga adik sa videoke yan
eh…ang sakit na nga minsan sa tenga eh..hehe”
“Sinabi mo pa”
Natahimik
kami pareho..pinanonood lang namin sila Richelle.
“Regine…”
“Oh?”
“Para
sayo yun”
“Ang alin?”
“Yung kinanta ko…sana nagustuhan mo”
Namula
naman ang mukha ko sa sinabi niya…so para sakin niya dinedicate yung
napakagandang kantang iyon..nice naman.
“Thank you”
“Your welcome..basta ikaw….ayos lang
ako…napaibig ako”
What
he said made me smile J
***
No comments:
Post a Comment