Friday, March 01, 2013

Friends Zone : Chapter 21



 [You belong with me]


[ Yesha’s POV ]


Unang kita ko palang kay Gray agad na akong nagkacrush sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang tulad ni Gray? Bukod sa pagiging gwapo eh matalino at mabait din..balita ko nga maraming patay na patay sa kanya sa school…ang swerte ko nalang dahil naging kaibigan ko siya…ang bait-bait niya sakin…kung minsan nga gusto kong isipin na may gusto din siya sakin eh..ambisyosa ko lang diba?



“Trace” tawag ko sa bestfriend ni Gray. “Nakita mo ba si Gray?”


“Oy Yesha ikaw pala..hindi eh..bakit? ikaw ha…” pang-aasar sakin ni Trace


“Sira…nagtext kasi siya sakin kahapon sabi niya samahan ko daw siyang bumili ng materials para sa project niya”


“Kayo ha..ano yan? May gusto ka ba kay Gray Yesha? Kung may gusto ka dun wag mo ng ituloy kasi masasaktan ka lang..hindi marunong magmahal yun si Gray”


Gusto kong magalit kay Trace dahil sa sinabi niya. Sino siya para sabihang di marunong magmahal si Gray?


“Ano ka ba naman Trace..bestfriend mo si Gray tapos ganyan ka magsalita”


“Yun na nga eh..bestfriend ko si Gray kaya kung may nakakakilala man sa kanya ako yun..pero ikaw din..wag mo sabihing di kita binalaan ah” at iniwan na ako ni Trace.


Ano kayang ibig sabihin ni Trace? Si Gray hindi marunong magmahal? Imposible naman yata iyon.isa na si Gray sa pinakanice na lalaking nakilala ko..at ang mga ganung klase ng lalaki masarap magmahal.


Hay ewan..bahala na nga…saka kahit pigilan pa ako ni Trace na mahalin si Gray huli na..kasi MAHAL ko na siya.


***


“Yesha may lakad ka ba sa Saturday?” tanong ni Gray sakin.


“wala naman..bakit?”


“Gusto mong gumala?”


Nagulat naman ako sa sinabi ni Gray..is he asking me on a date?


“Ahhh…okay lang..bakit?”


“Naboboring kasi ako sa bahay..tara gala tayo”


“sige ba”


Hayyy…kahit hindi date ito okay lang..ang mahalaga makakasama ko si Gray…sana mag Sabado na…excited much!


***


Dumating ang araw ng Sabado. Talagang pinaghandaan ko tong araw na ito..super excited na nga ako eh..nagpatulong pa talaga akong mamili ng isusuot na damit kay Demi…kasi syempre gusto kong maging maganda sa paningin ni Gray.


Sa starbucks malapit sa school ang usapan naming makikita. Mabuti nalang at walang sumpong si Demi ngayon kaya pinahatid niya pa ako kay Mang Gusting.. yung family driver nila.



“Enjoy your date Yesha” sabi ni Demi


“hindi naman yun date eh”


“When a guy and a girl goes out na silang dalawa lang..date yun” mataray na sabi pa nito.


“Whatever” kibit-balikat ko bago sumakay ng kotse… mabuti ng makaalis at baka magtaray na naman iyang pinsan kong bratinella.


11:00 AM ang usapan naming magkikita ni Gray. Kaso naman bakit ngayon pa nagkatrapik!!! Asar!!! Ang dami namang araw kung kelan pwedeng magkatrapik bakit ngayon pa?


“Mang Gusting hindi na po ba talaga tayo makakaalis dito?” natatarantang sabi ko


“Eh may nagbanggaan daw dun sa kanto eh”


Hala ka baka mainip na si Gray…


10:30 na…sana makaabot ako bago mag 11:00. first date pa naman namin….kahit na hindi siya officially date.


Sa wakas eh mukhang nagkaayos din yung mga nagbanggaan dahil may mga dumating na MMDA…kaso 11:15 na ako nakarating sa meeting place namin. Agad akong pumasok sa loob at hinanap si Gray. Gusto ko na sanang manlumo kasi hindi ko siya makita.


Gray naman eh..15 minutes lang naman akong late bakit iniwan mo na agad ako.


Sayang naman itong damit na binigay sakin ni Demi…


Sayang naman itong makeup ko..


Sayang naman yung excitement ko..


Sayang naman yung….


“Yesha nandyan ka na pala”


“Gray…”


Gusto kong umiyak kasi hindi naman pala ako iniwan ni Gray.


“Oh? Anong nangyare sayo?”


“wala..masaya lang ako”


“Bakit naman?”


“Kasi nandito ka pa..akala ko naman iniwan mo na ako”


Tumawa lang si Gray “grabe ka naman…di naman ako nang-iiwan ng babae”


Shocks! Gusto kong kiligin sa sinabi niya…iyan ba ang hindi marunong magmahal? Sira talaga yun si Trace.


“So tara na Yesha?”


“Tara”


Sumakay na kami sa kotse ni Gray since nakaalis na naman si Mang Gusting.


“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.


“kahit saan..basta pwedeng mag-enjoy”


“ikaw bahala”


Sa may SM Megamall kami nagpunta ni Gray. Nanonood ng movie, naglaro sa time zone, nagwindow shopping at kumain.


“Uy Gray teka lang” sabi ko at pumasok sa isang gift shop.


“Ano ito?” tanong ni Gray pagkaabot ko sa kanya ng isang cellphone chain.


“Cellphone chain”


“Alam ko..para saan ito?” nagtatakang tanong niya.


“wala lang…souvenir…pareho tayo oh” sabi ko sa kanya at ipinakita ang chain na kinabit ko sa cellphone ko.


“nice..sige” ikinabit din niya sa cellphone niya yung binigay ko. “wait ka lang dyan ah” sabi ni Gray at iniwan ako at pumasok sa loob ng gift shop.


Paglabas niya isang teddy bear ang iniabot niya sakin.


“Para sakin?”


“Yup..”


“Wow! Thank you..nag-abala ka pa”


“wala yun..nga pala…thank you Yesha ah..”


“Ako nga ang dapat na magthank you sayo eh..nag-enjoy ako”


“buti pinayagan ka ni Demi?”


“walang topak eh”


Sabay pa kaming tumawa ni Gray dahil sa sinabi ko.


Agad din naman akong natigilan..kahit saang anggulo talaga ang gwapo ni Gray..tapos mabait pa. napatingin ako sa teddy bear na binigay niya.


“Naku…gabi na pala..baka hanapin ka na sa inyo” nag-aalalang sabi ni Gray pagtingin sa orasan.


“Oo nga..di natin namalayan ang oras eh..enjoy kasi”


“Tara hatid na kita sa inyo”


***


“Maraming salamat sayo Gray para sa arawa na ito..super nagenjoy ako..sa uulitin” paalam ko kay Gray ng nasa tapat na kami ng bahay nila Demi kung saan ako nakatira.


“Oo ba..basta ba hindi ako busy at hindi ka rin busy labas ulit tayo..ang saya mo palang kasama eh”


“Ikaw din..sige pasok na ako..mag-iingat ka sa pagmamaneho.”


“Salamat”


Hindi ako umalis ng gate hanggat hindi pa nakakaalis yung sasakyan ni Gray.


“Oh Gray..my Gray…” parang nangangarap na sabi ko habang nakasandal sa gate.


“Hoy Yesha! Baka gusto mong isara yang bibig mo at tumutulo na yang laway mo.kadiri ka!”


Nagulat ako ng biglang may magsalita sa kanan ko. Si Demi pala. Kasama niya si Jeirick na tumatawa lang. Gosh! Nakakahiya!


“Sorry” sabi ko at nakayukong tumakbo papasok ng bahay.


Bakit naman kasi nasa garden sina Demi eh..pwede namang sa sala. Nakita pa tuloy nila ang kagagahan ko.


***


Ilang beses pang naulit ang paglabas labas naming iyon ni Gray.. inaaasar na nga kami ng barkada eh..pero ngiti lang ang sinasagot ko at isang tumataginting na “MAGKAIBIGAN LANG KAMI”. Eh sa iyon naman ang totoo eh..wala naman talaga kaming relasyon ni Gray. He’s just being nice to me… ako lang naman ang nagmamahal eh..ako lang.


***


[Gray’s POV]


Pagkahatid ko kay Yesha ay dumiretso na ako sa condo ko. Ako lang mag-isa ang nandito mula ng humiwalay ako kina Mommy at nagfeeling independent.


“Salamat naman at dumating ka din”


“Trace?”


Pagbukas ko kasi ng ilaw ay naabutan kong nasa loob ng condo si Trace. May sariling susi kasi siya ng condo since madalas siyang tumambay dito kahit wala ako.


“Kanina pa ako naghihintay sayo”


“Grabe ka naman..daig mo pa ang asawang naghihintay sa pagdating ng mister niya” natatawang asar ko sa kanya habang naghuhubad ng sapatos at ibinato ang hinubad kong tshirt sa kanya.


Pero hindi ako pinatulan ni Trace. Inilapag lang niya sa gilid yung binato kong tshirt.


“seryoso ka yata?” puna ko sa kanya.


“Anong plano mo kay Yesha?” diretsang tanong ni Gray.


“Wooh! Grabe naman..masyado kang mabilis” tumatawang sabi ko at iniwas ang mata sa kanya.


“Gray kung may balak kang paglaruan si Yesha..itigil mo na”


“Magkaibigan lang kami ni Yesha” balewalang sabi ko at kumuha ng beer sa ref.


“Tigilan na nga natin ito Gray. Huwag mong idamay si Yesha sa galit na nararamdaman mo”


“Bakit ba ang kulit mo?! Sinabing magkaibigan lang kami eh..ang hirap mong umintindi!” galit na sabi ko.


“Tsk! Siguraduhin mo lang Gray…siguraduhin mo lang”


Iyon lang at nilayasan na ako ni Trace at pabalibag na isinara ang pinto ng condo.


Asar na ibinato ko naman ang hawak na lata ng beer sa sobrang asar.


Porket ba naging sila lang ni Richelle kung umasta siya sakin akala mo kung sino na siyang magaling at hindi manloloko. If I know hindi rin naman niya sineseryoso si Richelle eh.


Kilala ko iyang si Trace. Madaling magsawa iyan sa babae. Kaya alam kong darating ang time na iiwanan din niya si Richelle… katulad ng pag-iwan niya sa ibang babae.


Pareho lang kami… kaya nga kami magkasundo eh.


Kaya wag siyang magmalinis at magmagaling sakin.


I won’t buy that.



***


No comments:

Post a Comment