< The Realization>
After the outing with Kai’s family, hindi
na maalis sa isip ni Sassy ang binata. Ang mga pangungulit nito sa kanya,
pagpapapansin at kahit ang mga simpleng hirit nito. Sa sobrang pag-iisip niya
nga kay Kai ay ito na ang nagiging bidang lalaki sa mga kwentong isinusulat
niya. At syempre pa siya ang bida. Nakakatawa kasi hindi maintindihan ni Sassy
kung ano ba ang nangyayare sa kanya.
Kung droga lang siguro si Kai, adik na siya
dito. Hindi siya makatulog. Hindi rin siya makakain. Para
siyang teen ager na nagkakacrush.
Okay. She admits. May crush nga yata talaga
siya kay Kai. Ang gwapo at macho naman kasi nito eh. Bulag lang ang babaeng
hindi magkakacrush dito.
Weeehh???
Akala ko ba sabi mo baliw lang ang babaeng magkakagusto kay Kai? Sabi ng
kontrabidang isip niya.
Crush
lang naman eh. As in paghanga. Sabi naman ng isang bahagi ng isip niya.
Asar na ibinato nalang ni Sassy ang hawak
na notebook. Mabuti nga at notebook lang ang hawak niya eh…kasi baka naibato niya
din yung laptop niya. Mahal pa naman yun.
Pabagsak na nahiga si Sassy sa kama. Pero parang nang-aasar talaga ang tadhana dahil
pagtingin niya sa kisame ay ang nakangiting mukha ni Kai ang natanaw niya.
“Aaaarrrgggghhhhh!!!!
Grabe na ito ah. Hindi ko na carry!!!” asar na sabi ni Sassy at ibinato ang unan
sa kisame.
Minabuti nalang ni Sassy na libangin ang
sarili sa ibang bagay. Tinawagan niya ang pisang si Jhonah.
“Nasaan
ka?”
aniya pagsagot nito ng telepono.
“Sa
shop” sagot nito.
“Gimik
tayo”
“Hindi
pwede. Walang bantay sa tindahan namin. Nakaleave si Alaine eh”
“Ano
ba naman yan” reklamo ni Sassy.
“Wag
kang mag-inarte dyan ah. Pumunta ka nalang dito. Samahan mo ako magbantay para
may kausap naman ako”
“Sige.
Sunduin mo ako”
“Adik
ka? Hindi nga ako pwede umalis. Magjeep ka or taxi. Text ko nalang sayo
location nitong shop”
“Sige
sige”
Mas mabuti na siguro na ma-distract sa
ibang bagay ang isip niya.
***
Simple pero cute ang shop ng pinsan niyang
si Jhonah at kaibigan nitong si Alaine. Pakiramdam nga ni Sassy eh napunta siya
sa mundo ng mga lovers pagkakita sa tindahang iyon.
For couples kasi ang mga nakadisplay sa
store na iyon.
“Tell
me Couz, ano ba talaga itong binebenta niyo dito ng kaibigan mo?” tanong niya sa
pinsan.
“Well….as
you can see naman for couples ang theme namin dito. Meron kaming mugs, pillow,
keychains…at kung ano-ano pa…pero ang pinakamabenta samin eh yung mga couple
shirts namin. Personalized kasi yun eh. Parang iyang suot mo” anito sabay turo
sa damit na suot niya.
Napatingin naman si Sassy sa suot na damit.
Hindi niya namalayan na suot pala niya ang t-shirt na ibinigay ni Mae. The same
t-shirt na naging dahilan para maging “instant couple” sila ni Kai. Pagkaalala
sa binata ay napasimangot si Sassy.
“Hindi
naman sa inyo binili ito eh” nakasimangot na sabi niya. “Ang sabi ng bestfriend ko sabi daw ng
may-ari ng binilhan niya nito may magic daw ang damit na ito. Na kung sino ang
kapareho mong suot ang couple shirt na ito siya ang forever mong makakasama”
“Exactly..
And sorry to disappoint you my dear cousin pero sa amin binili ang t-shirt na
iyan. Actually.. ako nga ang personalized na nagdesign at gumawa ng statement
na iyan. I never thought na sayo mapupunta iyan. It perfectly suits you well…so
natagpuan mo na ba si Prince Charming” Tumatawang sabi ni Jhonah.
“Prince
Charming your face.. As if naman I believe sa mga ganyan diba? Kaya hindi ako
naniniwala na may magic itong paninda niyo dito”
Nakatikim siya ng batok mula kay Jhonah.
“Ang
gaga mo talaga. Baka naman literal na magic ang hinahanap mo? Syempre wala
talaga nun noh. What I mean by Magic is…Love…because you know… Love is the
closest thing we have to magic. Iyan ang pinaniniwalaan namin ni Alaine ng
itayo namin itong shop na ito. Because many people believe in Love…willing to
do anything for love…Saka yung magic naman ng Love..depende sa tao. Kung di ka
naniniwala eh di wala din.”
“So
anong ibig mong sabihin? Kailangan kong maniwala that Love still exist?”
“Kung
walang Love sa mundo eh di puro patayan at gyera nalang ang meron. Saka…kung
hindi ka naniniwala sa Love…bakit nandito ka ngayon imbes na nagsusulat ka ng
mga kwento mo?”
“Bored
ako eh”
“Alam
mo ikaw na babae ka.. naturingan kang Romance writer pero di ka naniniwala sa
love? Paano ka nakakasulat ng lovestory kung walang Love?”
“Naniniwala
naman ako na love still exist to other persons..hindi nga lang sakin kasi wala
akong balak na ientertain siya”
“Eh
kaso mukhang naisahan ka ni Kupido. Kasi as what I can see…inlove ka na..ayaw
mo lang tanggapin”
“Manghuhula
ka na din ba ngayon?” nakataas ang kilay na tanong niya sa pinsan.
“Hindi.
Pero sa klase ng business namin marami na akong nakitang tao…at alam ko kung
kelan inlove ang isang tao o hindi”
“Asus!
Ang galing mong magsalita about love eh wala ka din namang lovelife eh”
“Hindi
ibig sabihin na wala akong lovelife eh wala akong mahal”
“Ibig
mong sabihin inlove ka?”
“Hindi
ako ang topic dito kundi ikaw. Wag mo ibahin ang usapan” pag-iiwas ni
Jhonah. Halatang may itinatago ang pinsan niya. Well…para saan ba at malalaman
din niya iyon.
“Couz….”
Tawag
niya habang nagtitingin tingin sa paligid ng shop.
“Oh?”
“Hindi
ako inlove”
“Okay.
Sabi mo eh.”
“Totoo
yun”
“Oo na”
“Hindi
ka naniniwala?”
“Hindi”
“Ayokong
mahalin si Kai. Masasaktan lang ako” parang wala sa sariling sabi ni Sassy.
“Eh
di inamin mo ding inlove ka”
“Wala
kaya akong inaamin!!!” biglang tanggi ni Sassy.
“Hay
naku bahala ka nga sa buhay mo. Hindi naman ako ang niloloko mo eh..kundi
sarili mo”
Hindi na nakasagot pa si Sassy dahil may
pumasok ng customer sa shop ng pinsan niya. Agad itong inasikaso ng pinsan
niya. Inabala muna ni Sassy ang sarili sa pagtingin tingin. Pero sa bawat bagay
na nakikita niya…si Kai ang naaalala niya.
“May
nagustuhan ka ba?” tanong ni Jhonah sa kanya. Mukhang nakaalis na ang kausap
nito.
“Wala
naman. Yung dalawang customers mo…magjowa ba yun?”
“Ahh
yun? Hindi. Magbestfriends yun. Pero parang more than just a bestfriends diba?”
“Yeah”
“Inlove
yung mga yun sa isat isa… hindi lang din sila aware” tumatawang sabi ni
Jhonah.
“Ewan
ko sayo. Ang dapat sayo naging manghuhula eh…sige na alis na nga ako wala akong
makuhang matinong sagot sayo”
“Pustahan
tayo Couz…sa susunod na balik mo dito..kasama mo na si Prince Charming mo. At
sasabihin mong totoo lahat ng sinabi ko”
“Pwes
maghanda ka na dahil matatalo ka sa pustahan” ani Sassy at lumabas na ng shop.
***
Inis na inis na si Kai hindi niya
maintindihan pero sadyang walang pumapasok sa isip niya. Gusto niyang Makita o
makausap si Sassy pero mukhang pinagtataguan siya ng dalaga. Sa tuwing
tatawagan niya ang cellphone nito ay kung hindi nakaoff ay hindi naman
sinasagot. Nahihiya naman siyang puntahan sa bahay ang dalaga. Hindi tuloy siya
makapagtrabaho ng maayos.
“Ang
lalim yata ng iniisip mo” puna sa kanya ni Nigel. Ni hindi niya napansin na
nakapasok na pala ito sa loob ng opisina niya. “ May problema ka ba?”
“Mukha
ba akong may problema?” ganting tanong niya.
“Mukha
kang binasted” sagot ni Nigel at kumuha ng maiinom sa personalized ref
niya. “ So who’s the unlucky girl? Si
Sassy ba?”
“Sassy?”
“Yung
pretend girlfriend mo”
“I
know who is Sassy. But what about her? Paano siya napasok sa usapan?”
“Are
you inlove with her?” direktang tanong ni Nigel.
“In
love? Of course not. You know I don’t want to be inlove”
“Yeah.
You don’t want. But it doesn’t mean you can’t fall in love… Sometimes love
comes in unexpected ways.”
“Since
when did you become a love expert?” sarkastikong sabi niya.
“Since
you act like a fool in love just because of a girl”
“ A
what???”
“Well…
kung hindi mo napapansin wala ka ng ibang bukambibig kundi si Sassy. Everytime
na nagkukwento ka laging nasisingit si Sassy sa usapan. Sassy love this… this
is Sassy’s favorite etc.. etc…kung hindi nga lang kita kaibigan eh matagal na
kitang itinakwil dahil puro ka nalang Sassy-Sassy.. natuturete na ang tenga ko…
pero dahil bestfriend kita eh pinagtyatyagaan kong pakinggan ang mga sinasabi
mo”
“I’m
not inlove with Sassy”
“Says
who? You? Did you ever ask yourself kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para
kay Sassy?”
Hindi agad nakaimik si Kai.
“Tanungin
mo ang sarili mo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Sassy. If you
think na wala ka talagang nararamdaman para sa kanya…better end that pretend
relationship of yours….because Sassy seems to be a nice girl. But if ever you
realized that you feel something for her…then tell it to her. Hindi ganyang
para kang baliw na puro pangalan ni Sassy ang sinusulat sa papel. Para kang highschool na ngayon lang nainlove” sermon ni Nigel at
inilapit sa mukha niya ang papel bago ito tuluyang lumabas ng opisina niya.
Hindi namalayan ni Kai na unconsciously
isinusulat pala niya ang pangalan ni Sassy hanggang sa mapuno niya ang buong
papel na iyon. He closed his eyes to think for a while.
Ano
ba talaga ang nararamdaman niya para kay Sassy?
No comments:
Post a Comment