Ito ang isa sa pinakahindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko
nung college. Although hindi siya sa akin mismo nangyare pero isa ako sa
maraming saksi at may kinalaman sa gulong iyon..
First
Year first Semester pa lang noon. Although may kanya kanyang grupo na ng
mga kaibigan..syempre ako din meron. Story siya ng isa sa barkada ko…at
highschool classmate ko na kaklase ko din nung college although di part
ng barkada ko.
P.E. time noon.. busy ang lahat sa pagpapractice
sa Makati Park. Iyon lang kasi ang available na pwedeng pagpracticesan.
Nagulat nalang kami ng biglang nagkagulo yung group kung saan kabilang
ang barkada ko at HS classmate ko. Sinisita ni Friend si HS Classmate
kasi napakalamya niyang sumayaw. Akala mo tinatamad… etong si hs
classmate feeling niya yata eh napahiya siya…ayun nagalit…bigla nalang
nambato ng bote ng mineral water…kaso magaling umilag si Friend ayun
ibang tao ang natamaan..eh di gulo na ang nangyare..awat naman
kami…tinanggal nalang ni Friend si HS Classmate sa grupo since siya
naman ang leader.
Eh mukhang bitter itong si HS classmate sa
pagkakatanggal sa kanya..ayun isang araw habang naghihintay kami ng
klase kinausap niya kami na wag daw pansinin si Friend..meaning…magalit
din kami sa kanya..ang hindi alam ni hs classmate lahat ng tao dun sa
grupo na kinausap niya eh myembro ng barkada namin ni Friend…eh di
syempre..kami naman mga sumbungera..ayun sinabi namin kay Friend…
Kinabukasan..wala pang Prof..tahimik ang lahat…eh sa likod ko nakaupo
si HS Classmate.itong si Friend luka-luka din ata..ayun akala mo bagyo
kung dumaan..obvious na binangga niya si classmate. Pati ako tinamaan
tuloy…eh di syempre nagalit si hs classmate..binato niya kay Friend yung
folder niya…eh sabi ko nga expert umilag si friend ayun nakaiwas..iba
na naman ang tinamaan.
Bigla nalang tumayo si HS
Classmate..pumuwesto dun sa likuran..si Friend naman dun sa
unahan..malapit sa blackboard..eh di syempre sa takot naming madamay
nahati ang klase..may nasa unahan…may nasa likuran..malapit sa
pintuan..na inilock namin kasi baka may dumaang prof.
Friend : “Maghahanap ka lang ng kakampi , mga barkada ko pa!!!”
Ayun..dahil sa sinabing iyon ni Friend nag-umpisa na ang batuhan ng lahat ng bagay na madampot nila.
Classmate 1 : Oy! Yung suklay ko!!!!
Kawawang suklay..pagtama sa blackboard sira.
Bato rito..bato roon…wala ng class officers…hindi na sila maawat.
Then may isang very good na kaklase na nagsabi kay HS Classmate na
magsumbong daw sa Cesca. Ang Cesca ang parang Guidance kung saan lahat
ng pasasaway at magugulong estudyante dinadala dun.
Yung friend
ni hs classmate sinamahan si hs classmate na magsumbong nga sa
Cesca..although pinigilan na namin sila kasi para di na lumabas yung
gulo…pero wala kaming nagawa kasi tinulak kami ni HS Classmate…
Ang nakakatawang part sa pagsusumbong na iyon eh akala ni HS Classmate
si Friend lang ang mapapagalitan..kaso ang nangyare..dalawa silang
ipinatawag sa Cesca…ayun binigyan sila ng kaukulang parusa… 200 hours
silang magco-community service sa buong school. At kailangan magkasama
silang dalawa..hindi pwedeng magsolo sila dahil hindi counted iyon.
At dahil wala naman silang choice dalawa…ginawa nila ang ipinataw na
parusa ni Cesca..magkasama silang nagco-community service.. inaasar nga
sila ng buong klase dahil sa nangyare. Pero kung may maganda mang
ibinunga ang community service nilang iyon na dalawa…after ng 200
hours..naging magkaibigan na silang dalawa dahil lagi silang magkasama.
Moral Lesson :
“Kapag may gulo wag ng paabutin sa Cesca..haha ”
No comments:
Post a Comment