Alam niyo yung feeling na... ginagawa ko naman yung lahat...ako nalang lagi ang nagpaparaya.. ako nalang lagi ang umiintindi...ako
nalang lagi yung nagbibigay... kahit sinasabihan na akong "Tanga" ng
mga tao...wala akong pakialam...pero alam niyo yung feeling na lahat may
hangganan din??? Puro nalang Ako...ako...ako!!!
Napapagod
na din naman ako...ang sakit-sakit na ng mga mata ko...yung tear glands
ko nagrereklamo na kasi ayaw ko daw silang pagpahingahin..peste naman
kasi eh...ang dami kong sinasacrifice eh...sana kahit minsan maisip niya
yun...masyado ko na ngang ibinababa yung sarili ko para sa kanya eh...
gusto kong magalit... gusto ko siyang sigawan..pero nakakainis kasi hindi ko magawa... ayoko siyang makita pero siya pa din naman yung hinahanap ko..ayoko siyang kausapin pero boses niya pa din naman ang gusto kong marinig...paano
ba ang magalit sa kanya kung isang "hello" niya lang sakin ako na naman
si TANGA... hindi pa man siya nagsosorry napatawad ko na...
Gusto
ko ng sumuko..pero sa bawat hakbang palayo sa kanya lumilingon
ako...umaasa akong hahabulin niya ako... paano ko ba siya bibitawan kung
sa bawat pag-ayaw ko binibigyan niya ako ng dahilan para lumaban ulit?
ang hirap naman talaga eh.. nakakadepress... nakakawalang gana...Alam ko
maling mag-isip ng masama pero sana dumating yung time na marealized
niya kung gaano ako kahalaga sa buhay niya..o mahalaga ba talaga ako sa
kanya???
Ano nga ba talaga ang papel ko sa buhay niya???
"Kaya
nga may tinatawag na bestfriend diba? yung lagi kang nandyan para sa
kanya...aalagaan mo siya...susuportahan...iingatan...kahit na nasasaktan
ka na"
Hanggang kelan ko kayang panindigan yang salitang iyan??
Kung tutuusin mas higit pa yung ginagawa ko kesa sa taong nagmamay-ari sa kanya eh...higit pa...kasi
wala naman akong obligasyong gawin ang mga bagay na iyon and yet
ginagawa ko kasi alam kong dun siya magiging masaya...pero ang hindi ko
mapaghandaan eh...sa kagustuhan kong mapasaya siya...sarili kong
kasiyahan ang tinatapakan ko..
Ang
hirap...ang sakit...sa totoo lang ayoko na talaga eh...pero bakit hindi
ko magawang lumayo? Ilang tao ang tinatangihan ko...ilang tao ang
inaayawan ko...ilang tao ang nagsasabing mamahalin nila ako bilang
ako...pero bakit ganun??? bakit ikaw pa rin??? bakit sayo parin ako
nagpapakagaga ng ganito!!!!
Nakakainis ka!!!
Pero mas nakakainis ako...kasi bakit kahit sa lahat ng ito...ilang beses ko mang itanggi sa sarili ko...
...bakit MAHAL parin kitang GAGO ka!!!
No comments:
Post a Comment