Tuesday, November 25, 2014

Sa likod ng aking anino

CTO


Siya’y isang tinig na ayaw lumabas
Boses na sa damdami’y gustong makaalpas
Kaluluwang itinatago sa tuwa at galak
Hindi mapapantayan ng bawat palakpak.


CTO
 
Sa likod ng aking anino ay may nahihimlay
Isang katauhang gusto sa akin ay mabuhay
Isang damdaming nanunuot sa bawat himaymay
Na kapag lumabas... oh anong lumbay!

 
CTO

Isang nakaraang pilit ikinukubli
Sa mga mata ng mapanghusga’t mapang-api
Isang nakaraang ibinaon na sa limot
Ngunit anong dahilan..bakit mundo’y nag-iba ng ikot?


CTO

Oh tadhanang sadyang mapaglaro
Hayaan na sanang mundo ko’y magbago
Ang nakaraan kong gusto ng kalimutan
Wag mo na sana pang bigyan ng katwiran.


CTO

 
Mga pangyayari sa aking nakalipas
Hayaan nang itago at huwag ilabas
Sapagkat kapag nagkaganoo’y mundo ko’y magbabago
Dahil lang sa isang tinig sa likod ng aking anino.

5 comments: