Thursday, November 21, 2013

Love is like a cup of coffee - Preview





 
Authors Interview:
What is your view about love?
Aiesha: Love and get ready for pain
Akira: Love is something na hindi lang dapat hininhintay hinahanap din.
Allison: Parang kape, mapait pero masarap.
Bea: It is a big risk and it was full of torns
Demi: Love is heaven and hell packaged as one
Johana: Complicated.
Razel: Hindi lang puro saya kapag love, may sakit at hirap..package deal yan
Phoebe: Love is blind! Bagong-bago!


Allison Aviado
“Writer”

Para kay Allison wala na sigurong mas sasarap pa sa isang tasa ng mainit na kape. She was a certified coffee-holic. Ito lang kasi ang tanging karamay niya sa gabi ng pagpupuyat niya dahil sa trabaho niya bilang isang writer. 

Dala na siguro ng pagiging writer niya kaya naman masyado siyang idealistic pagdating sa love  at sa lalaking mamahalin. Gusto niya iyong mga tipo ng bidang lalaki sa mga nobela niya. Tall, dark, and handsome. Successful sa buhay, romantic at mapagmahal. Iyong tipong ideal man ng lahat ng babae. Pero sabi nga nila, kokonti nalang ang mga ganung klase ng lalaki. Yung iba nagiging bakla pa. Kaya sinabi ni Allison sa sarili, kung hindi rin naman ganung klase ng lalaki ang matatagpuan niya, hindi nalang siya magmamahal. 

Kaya naman hindi rin big deal sa kanya kung halos lahat na yata ng mga kaibigan niya ay may mga karelasyon na. Hindi naman siya nagmamadaling mainlove kahit na nga ilang tumbling na lang eh lalampas na sa kalendaryo ang edad niya.

Until she met Rain Sebastian. The not so tall, not so dark and ruggedly handsome guy na pinsan ng may-ari ng paborito niyang coffee shop. Hindi ito ang tipo niyang lalaki at naiinis pa siya rito dahil saksakan ito ng angas at yabang. Idagdag pa na may pagka weird din ito.

“May gusto ka ba sakin?” biglang tanong nito sa kanya.

“Wala noh!” sagot niya.

“Good. At dahil dyan ililibre kita ng kape”

Hindi lang yata ito weird, sira ulo pa yata! At ang pinakanakakaloka sa lahat, ito ang nagnakaw ng FIRST KISS niya!

No comments:

Post a Comment