Wednesday, April 22, 2015

Tula Ng Isang Kaibigan


Tula Ng Isang Kaibigan
By: Shinayawaara

Mahirap kalimutan ang unang beses na makilala ka
Ang mga kislap ng iyong mga mata sa aking isipan ay hindi mabubura
Kapag kasama kita at ako’y masaya
Ito’y magsisilbing isang alaala


Kapag ako’y malungkot at nag-iisa
Nariyan ka upang ako’y gabayan
Sa bawat araw na nagdaraan
Lalong tumitindi ang ating pagkakaibigan


Subalit dumating ang isang araw
Na sa akin ika’y nagpaalam
Hindi matanggap ng damdamin
Nang ika’y biglang lumisan


Masakit para sa akin ang tayo’y magkalayo
Ngunit walang magawa ang ating mga puso
Sapagkat panahon ang sa ati’y naglayo
Ngunit pagkakaibigan natin ay hindi maglalaho.


2 comments:

  1. That is an extremely smart written article. I will be sure to bookmark it and return to learn extra of your useful information. Thank you for the post. I will certainly return.

    ReplyDelete